Kinaumagahan, nang bumaba si Annie ay nakahanda na ang masaganang almusal. Ang mga nakahandang pagkain sa mesa ay hindi lang masasarap kundi masustansiya rin. Gayunpaman, ilang minuto na siyang naroon ngunit ni hindi niya pa nakita si Lucas. Ilang sandali pa nga ay napagpasyahan niyang magtanong sa kasambahay nila na naroon ng mga oras na iyon. “Ate nakita niyo po ba si Lucas?” tanong ni Annie rito.“Ah Miss Annie muntik ko na pong makalimutan kung hindi niyo pa tinanong ay hindi ko pa maaalala, sabi po pala ni sir ay may importante daw po siyang gagawin at maaga pa lang ay lumabas na siya at ibinilin nya lang sa akin na siguruhin ko daw na makakain kayo ng maayos bago kayo umalis.” sabi nito sa kaniya.Hindi nga nagtagal ay kumain na siya at pagkatapos ay doon niya lang nabasa na may chat pala sa kaniya si Lucas. ‘Annie may gagawin ako kaya umalis ako ng maaga. Kumain ka ng marami.” sabi nito sa chat.Pagkatapos nga niyang kumain ay sumakay na siya sa kotse at papunta na sila sa osp
Tumayo si Lucas at niyakap niya si Annie. Masigabong nagpalakpakan ang mga tao at pagkatapos ay bigla na lamang nagsalita ang mga tao sa kanilang paligid. “Maging masaya sana kayong dalawa!”“Wala akong ibang hiling para kay Dr.Annie kundi ang magkaroon ng masayang pagsasama at magkaroon ng malusog na mga anak.” sabi ng iba.Napayakap naman ng mahigpit si Annie kay Lucas kung saan ay naririnig niya ang bawat pagtibok ng puso nito. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Annie ay siya na ang pinakamsayang babae sa balat ng lupa. “Salamat, Lucas.” bulong niya rito at hindi pa rin niya napigilan ang pagluha.Ilang sandali pa ay nag-out na si Annie at pagkatapos ay inaya siya ni Lucas na kumain sa labas. Pagkatapos nilang kumain, ang nasa isip ni Annie ay ihahatid na siya ni Lucas pauwi. Ngunit bigla na lamang lumiko ang sasakyan sa kabilang parte ng daan.“Hindi ba dapat ay ihahatid mo na ako?” tanong ni Annie sa kay Lucas nang lingunin niya ito.“Mamaya na, pupunta muna tayo sa isang lug
Kinagabihan ay napanaginipan ni Annie ang matamis na halik na iyon. Sa panaginip pa niya ay nakasuot na sa kaniya ang wedding dress kanila at ikinasal na kay Lucas kung saan ay napakasaya nilang lahat. Hindi lamang iyon, ilang buwan ang nakalipas ay ipinanganak na ang kanyang baby.Dahil nga weekend ay medyo tinanghali si Annie ng gising. Alas nwebe na nang bumangon siya at pagkagising na pagkagising pa lamang niya ay nakatanggap na agad siya ng isang tawag galing kay Olivia. Dahil sa pag-aakalang may sasabihin itong importante ay agad niyang sinagot ang tawag nito. Pagkasagot pa lamang niya ay agad na niyang narinig ang tinig nito mula sa kabilang linya. “Annie, okay ka lang ba?” tanong nito sa kaniya.Mabilis naman siyang sumagot rito. “Oo, okay lang ako. Ikaw ba?” tanong niya rito.“Annie may isesend ako sayong picture, tingnan mo.” sabi nito sa kaniya at agad nga siyang nakatanggap ng chat mula rito. Nang buksan niya iyon ay agad niyang nakita nag mukha ng ina ni Reid. “annie kila
Pagkasakay niya ng kotse ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag mula sa biyenan niyang babae. Hindi niya alam kung bakit pero nang mga sandaling iyon ay bigla na lamang siyang nalungkot. “Ma…” sabi niya agad nang sagutin niya ang tawag nito.Nang sagutin niya ang tawag nito ay bigla na lamang siyang nagkaroon ng pagnanasa na umiyak. “Nasaan ka? Gusto kitang makausap. Ipapasundo kita.” malumanay na sabi nito sa kaniya.“Ako na lang ang pupunta diyan ma, tutal naman ay nakasakay na ako.” sabi niya rito.“Sige, hihintayin na lang kita dito kung ganun.” sabi nito at pagkatapos ay ibinaba na ang telepono.Pagkatapos nun ay muli na naman niyang sinearch ang tungkol sa maling balita na ipinakalat ng mga ito. Gusto niyang burahin ang ngiti sa labi ng walang hiyang babae na iyon at nakikita pa lang niya ang mukha nito ay gusto na niyang masuka. Sobra-sobrang pagkasuklam ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Ilang sandali pa ay muli na namang tumunog ang cellphone niya, nang tingn
Ilang sandali pa ay mabilis na tumango sa kaniya si Lian. “huwag kang mag-alala Annie, naniniwala ako sayo dahil alam ko na talagang gagawin ng babaeng iyon ang lahat.” sabi nito sa kaniya.“Salamat po Ma.” sabi niya rito.“Halika, sumama ka sa akin.” sabi nito sa kaniya at tumayo at pagkatapos ay tinungo ang hagdan. Sumunod siya rito hanggang sa mga makarating sila sa pangalawang palapag. Dumiretso ito sa silid ng kanilang yumaong lolo at pagkatapos ay may kinuha sa may cabinet na susi pala, pagkatapos ay dumiretso sa may drawer sa tabi ng kama at binuksan iyon. Inilabas nito mula doon ang ilang dokumento at pagkatapos ay inabot kay Annie. “Alam mo ba kung bakit nila ginagawa ang lahat para kayong dalawa ni Reid ang makasal?” tanong nito sa kaniya.Mabilis na umiling si Annie. “Bukod po sa gusto niyang gumanti ay wala po akong ideya.” sagot ni Annie rito.“Sa ugali niyang bulok ay tama ka. Hindi talaga titigil hanggang sa hindi niya nasisira ang pamilya natin.” nag-aapoy ang mga mata
Aaminin niya na bagamat napakatagal nang panahon ay para bang wala man lang iniwan na marka rito ang panloloko ni Alejandro rito dahil nananatili pa rin itong napakaganda hanggang sa mga oras na iyon. Bigla tuloy niyang inisip ang kanyang itsura, mayroon siyang kulay abong buhok at may mga wrinkles na rin sa mukha at ang kanyang itsura nang mga oras na iyon ay hindi na kasing ganda katulad ng dati. Idagdag pa na nakasuot siya ng maluwag na pajama. Dahil doon ay mas nagalit pa siya lalo sa babaeng kaharap niya.Habang sinusuyod naman ni Lian ng tingin ito mula ulo hanggang paa ay hindi niya lubos mapagtanto kung paano nakuhang magustuhan ni Alejandro ang babaeng katulad nito na sobrang napakalayo sa kaniya. Siya ay hamak na mas maganda at elegante rito. Gayunpaman ay hindi na iyon mahalaga pa. Malamig niyang tiningnan ito at naglakad sa sofa at umupo at sabay tingin sa nakatayong si Veron. “Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito? Dahil ba sa hindi kita pinapansin nitong mga nakaraang taon?
Nagpunta si Annie sa ospital upang magpacheck-up dahil sa kanyang pagsusuka at pagkatapos ay nakipagkwentuhan siya kay Kendra at sa ilang kasamahan pa niya doon. Nang hapon na ay napagpasyahan na niyang umuwi ngunit nang mapadaan siya sa may parking lot ay napansin niya na tila may nag-aaway kaya umapit siya doon at nakita niya na naroon si Lucas at nakikipagtalo ito kay Reid. kinukompronta nito si Reid dahil sa ipinakalat nitong balita.“Nababaliw ka ba ba? Sa tingin mo ba ay papayag ako na mapunta sayo si Annie?!” galit na galit na sigaw ni Lucas rito.Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ni Reid. “Gumising ka nga Lucas. Handa ka bang akuin ang magiging anak ko sa kaniya ha?” tanong ni REid rito.Biglang inabot ni Lucas ang kwelyo ni Reid at pagkatapos ay marahas na isinandal sa pader.“Hibang ka na ba talaga? Alam kong ang ari-arian ng pamilya ang target mo at sinasabi ko sayo na maging ang sanggol sa tiyan ni Annie ay hinding-hindi mapapasayo kahit na…” biglang may bumara sa la
Sa daan ay napakabilis ng takbo ng sasakyan kaya sa loob lang ng halos sampung minuto ay nakarating na ang dalawa sa bahay ni Lucas. Dali-daling bumaba ng sasakyan si Lucas upang ipagbukas ito ng pinto at aalalayan sana sa pagbaba nang itulak siya ni Annie. “Hindi na kailangan, kaya kong mag-isa.” sabi nito.Ilang sandali pa ay pumasok siya sa loob ng bahay at umupo sa may sofa at pagkatapos ay tumingin kay Lucas. “Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na.” malamig na sabi niya rito.Mabilis naman na naglakad si Lucas at umupo sa tabi niya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kamat niya. “Annie alam kong galit ka at gusto kong sabihin na kahit kanino pa ang baby na yan ay hindi yan makakaapekto sa relasyon natin, ituturing ko yang akin.” sabi nito sa kanya. “Sa puso ko ay walang kinalaman ang bata kay Reid at iisa lang ang itatatak ko sa isip ko kundi iyan ay anak mo at dahil mahal kita ay paniguradong mamahalin at tatanggapin ko rin sya.” dagdag pa nito sabi sa kaniya.Akala ni Annie ay