Ilang sandali pa ay mabilis na tumango sa kaniya si Lian. “huwag kang mag-alala Annie, naniniwala ako sayo dahil alam ko na talagang gagawin ng babaeng iyon ang lahat.” sabi nito sa kaniya.“Salamat po Ma.” sabi niya rito.“Halika, sumama ka sa akin.” sabi nito sa kaniya at tumayo at pagkatapos ay tinungo ang hagdan. Sumunod siya rito hanggang sa mga makarating sila sa pangalawang palapag. Dumiretso ito sa silid ng kanilang yumaong lolo at pagkatapos ay may kinuha sa may cabinet na susi pala, pagkatapos ay dumiretso sa may drawer sa tabi ng kama at binuksan iyon. Inilabas nito mula doon ang ilang dokumento at pagkatapos ay inabot kay Annie. “Alam mo ba kung bakit nila ginagawa ang lahat para kayong dalawa ni Reid ang makasal?” tanong nito sa kaniya.Mabilis na umiling si Annie. “Bukod po sa gusto niyang gumanti ay wala po akong ideya.” sagot ni Annie rito.“Sa ugali niyang bulok ay tama ka. Hindi talaga titigil hanggang sa hindi niya nasisira ang pamilya natin.” nag-aapoy ang mga mata
Aaminin niya na bagamat napakatagal nang panahon ay para bang wala man lang iniwan na marka rito ang panloloko ni Alejandro rito dahil nananatili pa rin itong napakaganda hanggang sa mga oras na iyon. Bigla tuloy niyang inisip ang kanyang itsura, mayroon siyang kulay abong buhok at may mga wrinkles na rin sa mukha at ang kanyang itsura nang mga oras na iyon ay hindi na kasing ganda katulad ng dati. Idagdag pa na nakasuot siya ng maluwag na pajama. Dahil doon ay mas nagalit pa siya lalo sa babaeng kaharap niya.Habang sinusuyod naman ni Lian ng tingin ito mula ulo hanggang paa ay hindi niya lubos mapagtanto kung paano nakuhang magustuhan ni Alejandro ang babaeng katulad nito na sobrang napakalayo sa kaniya. Siya ay hamak na mas maganda at elegante rito. Gayunpaman ay hindi na iyon mahalaga pa. Malamig niyang tiningnan ito at naglakad sa sofa at umupo at sabay tingin sa nakatayong si Veron. “Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito? Dahil ba sa hindi kita pinapansin nitong mga nakaraang taon?
Nagpunta si Annie sa ospital upang magpacheck-up dahil sa kanyang pagsusuka at pagkatapos ay nakipagkwentuhan siya kay Kendra at sa ilang kasamahan pa niya doon. Nang hapon na ay napagpasyahan na niyang umuwi ngunit nang mapadaan siya sa may parking lot ay napansin niya na tila may nag-aaway kaya umapit siya doon at nakita niya na naroon si Lucas at nakikipagtalo ito kay Reid. kinukompronta nito si Reid dahil sa ipinakalat nitong balita.“Nababaliw ka ba ba? Sa tingin mo ba ay papayag ako na mapunta sayo si Annie?!” galit na galit na sigaw ni Lucas rito.Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ni Reid. “Gumising ka nga Lucas. Handa ka bang akuin ang magiging anak ko sa kaniya ha?” tanong ni REid rito.Biglang inabot ni Lucas ang kwelyo ni Reid at pagkatapos ay marahas na isinandal sa pader.“Hibang ka na ba talaga? Alam kong ang ari-arian ng pamilya ang target mo at sinasabi ko sayo na maging ang sanggol sa tiyan ni Annie ay hinding-hindi mapapasayo kahit na…” biglang may bumara sa la
Sa daan ay napakabilis ng takbo ng sasakyan kaya sa loob lang ng halos sampung minuto ay nakarating na ang dalawa sa bahay ni Lucas. Dali-daling bumaba ng sasakyan si Lucas upang ipagbukas ito ng pinto at aalalayan sana sa pagbaba nang itulak siya ni Annie. “Hindi na kailangan, kaya kong mag-isa.” sabi nito.Ilang sandali pa ay pumasok siya sa loob ng bahay at umupo sa may sofa at pagkatapos ay tumingin kay Lucas. “Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na.” malamig na sabi niya rito.Mabilis naman na naglakad si Lucas at umupo sa tabi niya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kamat niya. “Annie alam kong galit ka at gusto kong sabihin na kahit kanino pa ang baby na yan ay hindi yan makakaapekto sa relasyon natin, ituturing ko yang akin.” sabi nito sa kanya. “Sa puso ko ay walang kinalaman ang bata kay Reid at iisa lang ang itatatak ko sa isip ko kundi iyan ay anak mo at dahil mahal kita ay paniguradong mamahalin at tatanggapin ko rin sya.” dagdag pa nito sabi sa kaniya.Akala ni Annie ay
Inaamin ni Annie na napaka makatwiran naman ng sinabi ni Kian. marahil ay silang dalawa ni Lucas ang nasa sitwasyon pero si Kian ay nasa labas ngunit mas malinaw pa nitong nakikita ang sitwasyon nila. Inaamin niya din na kung talagang mangyari nga iyon kay Lucas at TRisha ay tiyak na hindi siya magiging kalmado.“Naiintindihan ko naman kung ano ang pinupunto mo pero ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na wala talagang namagitan sa pagitan namin ni Reid ngunit sa kabila nun ay hindi pa rin siya naniniwala rito.” sabi niya kay Kian.“Miss Annie sa katunayan ay pwede mo rin namang pagbaliktarin ang sitwasyon niyo ni Sir. kung kayo po ba, pipiliin niyo pa rin po bang makasama si sir kapag nabuntis niya si Trisha?” tanong nito at dahil doon ay natahimik si Annie.“Salamat Kian. napakagulo ng isip ko ngayon. Siguro kailangan ko lang sigurong mapag-isa muna.” sabi ni Annie rito.Sa totoo lang ay biglang lumambot ang puso niya bigla. Isa pa ay inisip niya na magkakaanak na siya. Alam niya kun
Nilingon ni Lucas si Kian nang pumasok ito sa kanyang opisina. “Kamusta na ang pinapagawa ko?” tanong niya rito. “Nahanap na namin sir ang inutusan ni Trisha at ng nanay ni REid na magdala sa hotel kina Reid at kay Miss Annie.” balita nito sa kaniya. Napatango naman siya. “And handa daw po siyang humarap kung sakaling magsampa tayo ng kaso pero…” tumigil ito at nag-aalangang tumingin sa kaniya kung saan ay napakunot ang noo niya. “Ano yun?” tanong niya rito. Napalunok muna ito bago nagsalita. “Ang mga inutusan kong maghanap kay Trisha ay matagumpay na nahanap siya pero, kalahating oras na ang nakalipas ngunit hindi na sila makontak pa at ang tracker ay naka-steady na lang sa iisang lugar at sa tingin ko ay may hindi na magandang nangyari sa kanila.” sabi nito na halos bulong na lamang. Nang marinig ito ni Noah ay napakuyom ang kamay niya. Ang Trisha na iyon, hindi niya akalain na hindi pa rin ito titigil sa panggugulo sa kanila. Akala pa naman niya ay mapapanatag na siya pero mas
Kung ito nga ay triplets tapos dalawang lalaki at isang babae, o pare-parehong lalaki ay kapana-panabik nga talaga. Ilang sandali pa ay bumalik siya sa loob ng silid at naupo sa tabi ni Annie pagkatapos ay napatitig sa mukha nito. Hanggang sa mga oras na iyon ay flat pa rin ang tiyan nito at wala pa ring pagbabago. Bigla siyang natakot, nag-aalala siya na baka balang araw ay iwanan siya ni Annie dahil lang sa mga sanggol na iyon.“Annie ano ba ang dapat kong gawin?” bulong nniya at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito at punong-puno ng pag-aalalang nakatingin rito. Nakaramdam siya ng matinding sakit. “Annie huwag mo akong iwan, huwag mo akong iwa.” bulong niya pa rito.Hindi niya alam kung kaya niya pang mabuhay kung wala si Annie sa tabi niya.~~~~Napabuntung hininga si Colt at pagkatapos ay nagtatagis ang mga bagang habang iniilawan ang kotse na sa mga oras na iyon ay nahulog sa bangin ilang metro mula sa kalsada. Napakuyom ang kanyang mga kamay nang makita nga niya na naroon sa
Nang magising si Annie kinabukasan ay agad niyang nakita si Lucas pagkamulat na pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito at pagkatapos ay medyo magulo ang buhok nito at ang kanyang mga mata ay halos namumula. Tila naman hinaplos ang puso ni Annie ay dahil sa itsura nito.“Hindi ka ba natulog kagabi?” tanong ni Annie rito.Agad naman na iniunat ni Lucas ang kanyang kamay at hinagod nito ang buhok niya at pagkatapos ay umiling sa kaniya at sumagot ng malumanay. “Hindi, nakatulog din naman ako kagabi ngunit mas maaga lang akong nagising sayo.” sagot nito sa kaniya.“Pero namumula ang mga mata mo.” sabi niya rito.“E may ginawa pa kasi ako kagabi at syempre saglit lang ang naging tulog pero okay lang naman kaya hindi mo ako dapat alalahanin.” sabi nito sa kaniya.“Gutom ka na ba? Malapit nang dumating ang mga pagkain.” sabi nito sa kaniya at hindi nga nagtagal ay bigla na lamang may kumatok sa pinto. Nang bumukas ito ay dumating si Kian kasama ang isa p