Nang magising si Annie kinabukasan ay agad niyang nakita si Lucas pagkamulat na pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito at pagkatapos ay medyo magulo ang buhok nito at ang kanyang mga mata ay halos namumula. Tila naman hinaplos ang puso ni Annie ay dahil sa itsura nito.“Hindi ka ba natulog kagabi?” tanong ni Annie rito.Agad naman na iniunat ni Lucas ang kanyang kamay at hinagod nito ang buhok niya at pagkatapos ay umiling sa kaniya at sumagot ng malumanay. “Hindi, nakatulog din naman ako kagabi ngunit mas maaga lang akong nagising sayo.” sagot nito sa kaniya.“Pero namumula ang mga mata mo.” sabi niya rito.“E may ginawa pa kasi ako kagabi at syempre saglit lang ang naging tulog pero okay lang naman kaya hindi mo ako dapat alalahanin.” sabi nito sa kaniya.“Gutom ka na ba? Malapit nang dumating ang mga pagkain.” sabi nito sa kaniya at hindi nga nagtagal ay bigla na lamang may kumatok sa pinto. Nang bumukas ito ay dumating si Kian kasama ang isa p
“Kung dalawang silang lalaki at isang babae ay tuturuan ko silang maging mabuting mga lalaki sa kapatid nilang babae, tuturuan ko rin sila ng martial arts para kapag umayaw sa kapatid nila ay may magtatanggol rito at kapag lumaki sila ay sila na ang magmamana ng kumpanya.” sabi nito sa kaniya.Sa pakikinig sa sinabi nito ay hindi mapigilan ni Annie na mapangiti. “Mukhang nakapagdesisyon ka na rin kung ano ang magiging mga anak natin ah.” sabi niya rito.“Medyo lang, pero kung ano ang ibigay e di magiging masaya pa rin ako.” sagot nito sa kaniya. Nag-usap pa sila sandali at pagkatapos ay bigla na lamang tumunog ang tiyan ni Annie. Bagamat hindi niya alam kung magsusuka pa ba siya o hindi na kapag kumain siya ay pinilit pa rin niyang tumayo sa kama at lumapit sa kung nasaan ang mga pagkain. Kapag hindi siya kumain ay walang magiging nutrisyon ang mga baby niya lalo pa at tatlo ang mga ito.Mabilis naman na nagsalita si Lucas. “Kung ayaw mong kumain ay huwag mong pilitin ang sarili mo.”
Lumabas si Annie ng ospital. Tuloy-tuloy siya sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa gate ng ospital nang bigla na lamang may dalawang lalaki ang lumapit sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang braso. “Doctor Annie, may kasalanan ka sa amo namin…” sabi ng isa sa mga ito.Nagpumiglas si Lucas. “Ano bang sinasabi niyo? Hindi ko kayo kilala, bitawan niyo ako—” sigaw niya sa mga ito ngunit ang mga susunod pa sana niyang sasabihin ay hindi na niya nasabi dahil bigla na lamang tinakpan ang bibig at ilong niya. Sa sumunod na sandali ay nawalan siya ng malay. NANG MAKALABAS naman si Lucas sa labas ng ospital ay agad niyang hinanap si Annie ngunit hindi niya iti nakita. Tinawagan niya rin ito ngunit walang sumasagot sa cellphone nito. Paulit-ulit niya itong tinawagan ngunit wala pa ring sumasagot sa kaniya. Sa pag-aakalang galit ito sa kaniya ay hindi na siya nagdalawang isip pa na dumiretso sa tinutuluyan nito.Nang magising naman si Annie ay nasa isang silid siya na magand
Ang mga tao ay pinaniniwalaan lang ang gusto nilang paniwalaan kahit hindi naman nila alam kung totoo ba o hindi. Kadalasana ay hindi na talaga mahalaga ang katotohanan. Sa madaling salita kahit na ito ay tsismis lang iyon ay maniniwala ang lahat ang pag-uusapan ito. Mahal na mahal niya ito pero paano niya matitiis ito na maging target ng mga batikos ng publiko kung sakali dahil lang sa kaniya.“Baliw ka na talaga!” sigaw niya rito.Wala nang alam pa si Annie na itawag rito dahil bukod na nga sa baliw na ito ay desperada ito. Ilang sandali pa ay muli siyang napasulyap sa laptop at dahil doon ay muli siyang nagkaroon ng isang pag-asa.“Huwag mong kalimutan na hindi lang ako ang babaeng nasa video kundi pati rin ang anak mo si Reid. kung ilalabas mo yan sa publiko sa tingin mo ba hindi siya masisira? Ang imahe niya? Hindi ako naniniwala na maglalakas ka ng loob na ilabas ang video na yan sa publiko.” sabi niya rito.Ilang sandali pa unti-unti itong ngumiti sa kaniya. “Annie ganyan ba a
Ang mga tao ay pinaniniwalaan lang ang gusto nilang paniwalaan kahit hindi naman nila alam kung totoo ba o hindi. Kadalasana ay hindi na talaga mahalaga ang katotohanan. Sa madaling salita kahit na ito ay tsismis lang iyon ay maniniwala ang lahat ang pag-uusapan ito. Mahal na mahal niya ito pero paano niya matitiis ito na maging target ng mga batikos ng publiko kung sakali dahil lang sa kaniya.“Baliw ka na talaga!” sigaw niya rito.Wala nang alam pa si Annie na itawag rito dahil bukod na nga sa baliw na ito ay desperada ito. Ilang sandali pa ay muli siyang napasulyap sa laptop at dahil doon ay muli siyang nagkaroon ng isang pag-asa.“Huwag mong kalimutan na hindi lang ako ang babaeng nasa video kundi pati rin ang anak mo si Reid. kung ilalabas mo yan sa publiko sa tingin mo ba hindi siya masisira? Ang imahe niya? Hindi ako naniniwala na maglalakas ka ng loob na ilabas ang video na yan sa publiko.” sabi niya rito.Ilang sandali pa unti-unti itong ngumiti sa kaniya. “Annie ganyan ba a
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa