Share

Chapter 160.4

“Kung dalawang silang lalaki at isang babae ay tuturuan ko silang maging mabuting mga lalaki sa kapatid nilang babae, tuturuan ko rin sila ng martial arts para kapag umayaw sa kapatid nila ay may magtatanggol rito at kapag lumaki sila ay sila na ang magmamana ng kumpanya.” sabi nito sa kaniya.

Sa pakikinig sa sinabi nito ay hindi mapigilan ni Annie na mapangiti. “Mukhang nakapagdesisyon ka na rin kung ano ang magiging mga anak natin ah.” sabi niya rito.

“Medyo lang, pero kung ano ang ibigay e di magiging masaya pa rin ako.” sagot nito sa kaniya. Nag-usap pa sila sandali at pagkatapos ay bigla na lamang tumunog ang tiyan ni Annie. Bagamat hindi niya alam kung magsusuka pa ba siya o hindi na kapag kumain siya ay pinilit pa rin niyang tumayo sa kama at lumapit sa kung nasaan ang mga pagkain. Kapag hindi siya kumain ay walang magiging nutrisyon ang mga baby niya lalo pa at tatlo ang mga ito.

Mabilis naman na nagsalita si Lucas. “Kung ayaw mong kumain ay huwag mong pilitin ang sarili mo.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status