Share

Chapter 159.2

Aaminin niya na bagamat napakatagal nang panahon ay para bang wala man lang iniwan na marka rito ang panloloko ni Alejandro rito dahil nananatili pa rin itong napakaganda hanggang sa mga oras na iyon. Bigla tuloy niyang inisip ang kanyang itsura, mayroon siyang kulay abong buhok at may mga wrinkles na rin sa mukha at ang kanyang itsura nang mga oras na iyon ay hindi na kasing ganda katulad ng dati. Idagdag pa na nakasuot siya ng maluwag na pajama. Dahil doon ay mas nagalit pa siya lalo sa babaeng kaharap niya.

Habang sinusuyod naman ni Lian ng tingin ito mula ulo hanggang paa ay hindi niya lubos mapagtanto kung paano nakuhang magustuhan ni Alejandro ang babaeng katulad nito na sobrang napakalayo sa kaniya. Siya ay hamak na mas maganda at elegante rito. Gayunpaman ay hindi na iyon mahalaga pa. Malamig niyang tiningnan ito at naglakad sa sofa at umupo at sabay tingin sa nakatayong si Veron. “Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito? Dahil ba sa hindi kita pinapansin nitong mga nakaraang taon?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emelita Paloma Abrea
bat hindi pa sya nag reresign sa hospital.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status