may update pa po mamaya, sorry po sobrang busy lang po ako talaga.
Kapapasok lamang ni Annie sa pinto nang bigla na lamang siyang hinila ni Lucas at hinalikan siya sa kanyang labi. Wala siyang nagawa kundi ang magparaya na lamang ng mga oras na iyon at hinayaan niyang halikan siya nito. Ilang sandali pa nga ay binitawan na rin naman siya nito pagkatapos. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi pagkatapos.“Ikaw ah.” sabi niya rito at pagkatapos ay sumandal sa dibdib nito habang nkasandal din ito sa may pinto.“Huh? Anong sinasabi mo? Wala naman akong ginagawa ah?” sabi nito sa kaniya at nagkunwari nga na tila walang ginawa.“Hindi ba at sinabi ko na sayo na mauna ka ng umuwi at hintayin mo na lang ako sa bahay? Pero anong ginawa mo? Talagang sinundan mo pa ako at takot na takot ka talaga na baka hindi na ako bumalik.” sabi niya rito nang may panunukso.Agad naman na ngumiti rin sa kaniya si Lucas at tumango. “Hmm, aba mahirap na.” sabi nito at pagkatapos ay pinisil nito ang pisngi niya. “Napakaganda kaya ng girlfriend ko e kung agawin pa siya ng
“Ano bang ginagawa mo rito at bakit ka nandito?” tanong nito sa kaniya. Mabilis niyang binitawan ang hawak niyang sigarilyo at mabilis na tinapakan pagkatapos ay sumagot rito.“Maganda kasi ang panahon at gusto ko lang sumagap ng sariwang hangin.” mabilis naman na sagot niya rito."Ganun ba…" sabi ni Annie at pagkatapos ay binitawan si Lucas at umayos ng tayo at nilapitan si Lucas at dahan-dahang inamoy. Nang masiguro niya na tama ang naamoy niya ay mabilis siyang nameywang sa harap nito. Salubong din ang kilay niya ng mga oras na iyon. Napanguso siya at napasimangot. “Hindi ka pa nga gumagaling pero naninigarilyo ka na kaagad. Bakit hindi mo alagaan ang sarili mo.” sabi niya rito.Agad naman na gumuhit ang ngiti sa labi ni Lucas. “Napakahigpit naman pala.” napakamot sa ulo nitong sagot habang nakangiti pa rin.“Bakit ayaw mo ba na pinagsasabihan kita? O edi sige, bahala ka na sa buhay mo. buhay mo naman yan e.” sabi niya rito at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at nagkunwaring gali
Paggising nilang dalawa ni Lucas ay hapon na pala. Ang hangin na pumapasok sa bintana ng silin ay marahang umihip papasok ng silid at pumasok rin ang sikat ng araw ng silid kaya napuno ng liwanag ang buong silid. Sa kama, tahimik silang magkayakap na dalawa. Nauna siyang nagising kaysa kay Lucas. Nang akmang babangon na sana siya ay bigla na lamang niyang naramdaman ang paghigpit ng kanyang baywang at pagkatapos ay narinig niya ang namamaos na tinig ni Lucas. “Matulog ka muna rito sa tabi ko.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na napakunot ang noo ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit, hindi ka pa ba nakatulog ng maayos?” tanong niya rito.“Nakatulog, pero gusto ko kasi na dito ka na lang muna. Gusto ko pang matulog.” sabi nito sa namamaos na tinig.Sinamantala naman ni Annie ang pagkakataong iyon at pagkatapos ay matamis na ngumiti pagkatapos ay pinilit na niyang itong pinabangon dahil nga hapon na. Nang makabangon sila ay agad silang naghilamos at halos alas singko na rin
Dahil malakas ang hangin sa labas ay humigpit ang ang pagkakayakap ni Lucas kay Annie. “Malamig na. Huwag mo na akong ihatid pa. Pumasok ka na sa loob.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na umiling si Annie rito. “Gusto kitang ihatid kahit na dito na lang sa labas ng bahay, isa pa ay wala pa naman si Kian.” sabi niya na lamang rito.“Baka sipunin ka.” bulong nito sa kaniya ngunit umiling lamang siya. Hindi nga nagtagal ay dumating na nga si Kian. nang makita niyang papalapit na ang kotse mula sa kinatatayuan niya ay mabilis niya itong hinarap. Kailangan niya itong paalalahanan.“Alagaan mo ang sarili mo doon ha?” sabi niya rito. “Baka kung mapano ka na naman doon at hindi na tayo dapat pang mawalan ng komunikasyon.” seryosong dagdag niya rito.Mabilis naman na tumango sa kaniya si Lucas. “Sige.” ilang sandali itong natahimik habang nakatitig sa kaniya. “Wala ka bang ibang sasabihin?” tanong nito sa kaniya.“Bye. hihintayin ko ang pagbabalik mo.” sabi niya rito. Nang sumunod na sandali a
Nang makita ni TRisha si Lucas ay agad itong napabangon bigla mula sa kanyang kama at pagkatapos ay mabilis na yumakap sa kaniya. Nagsimulang umiyak si TRisha. MATAPOS lamang ang isang araw ay medyo bumuti naman na ang pakiramdam ni TRisha kaya inilabas na siya ni Lucas sa ospital at pgakatapos ay naghanap ng isang apartment na tutuluyan nito. Isang gabi, nang makita niya itong nakahiga sa may kama ay tinapunan niya ito ng isang sulyap at pagkatapos ay bigla na lamang siya nitong niyakap noong akmang aalis na sana siya. Akala pa naman niya ay tulog na ito ngunit nagkakamali pala siya.Mabilis niya itong itinulak palayo at ang kanyang mga mata ay malamig habang nakatitig rito. “Trisha, malinaw naman na siguro sayo ang lahat at sasabihin kong muli sayo na wala nang pag-asa pa na magkagusto ako sayo.” malamig na sabi niya rito. “Uulitin ko na naman sayo, wala akong ibang mahal kundi si Annie lamang. Hinding-hindi ako gagawa ng ikakasakit niya.” dagdag pa nyang sabi rito. “Gagawin ko lan
Pagkatapos nilang kumaing dalawa ay umalis sila sa cafeteria na parehong nakangiti. Dahil sa sobrang saya nila habang nag-uusap ay hindi na nila napansin na sa likod pala nila ay naroon si Reid na tahimik na nakikinig sa naging usapan nilang dalawa.Nang marinig niya ang usapan ng mga ito ay napaisip siya na mukhang may boyfriend nga talaga ito at hindi ito nagsinungaling sa kaniya. Come to think of it ay siya pala talaga ang nagkamali sa pagkakaintindi niya rito.PAGKATAPOS nga nilang kumain ay bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto. Tahimika na nakaupo sa kanyang upuan si Kendra nang bigla na lamang siyang makatangga ng tawag na ipinapatawag daw siya ni REid Villafuente, ang vice president ng ospital na iyon.Nang mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwala at napatanong sa kanyang isip kung bakit naman siya pag-aaksayahan ng vice president na ipatawag samantalang isa lamang siyang walang rango na empleyado nito.Sa kabila nang pagtataka niya ay pumunta pa rin siya sa opisina nito.
Pagkatapos ng shift ni Annie sa ospital ay wala na siyang ibang gusto pa kundi ang makauwi na. Nang makarating na siya sa gate ay nakahinga siya ng maluwag. Ngunit pagkatapos lang nun ay bigla na lamang may tumigil na kotse sa harap niya at pagkatapos ay dahan-dahang bumaba ang salamin ng kotse at doon niya nakita kung sino ang sakay nito. Nakita niya si REid sa loob ng kotse at ilang sandali pa nga ay tinanong siya nito. “Uuwi ka na ba? Halika, ihatid na kita.” sabi nito sa kaniya.Mabilis naman na umiling si Annie upang tumanggi. “Hindi na kailangan. Salamat na lang REid sa kabaitan mo.” sabi niya rito.Ilang sandali pa nga ay narinig nila ang ilang beses na pagwangwang ng sasakyan sa likuran nila. “Sumakay ka na, delikado na ngayong oras na ito na maglakad ka ng mag-isa.” sabi nito sa kaniya.Dahil doon ay napaisip naman bigla si Annie, kung tutuusin naman kasi kahit na papano ay tama naman ito kaya wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumakay na nga sa loob ng kotse. Pareho sila
Naging malayo ang tingin ni Reid ng mga oras na iyon at ilang minuto pa bago nito ibinuka ang kanyang bibig upang sumagot. “Tulad ng una kong pag-ibig.” sabi nito sa kaniya.Iyon pala ang dahilan. Akala pa naman ay dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay, dahil pala sa isang babae. Ibinaba niya ang kanyang mga mata ngunit ang salitang first love ay hindi pa rin naaalis sa isip niya. Noong una, akala niya ay napaka-gandang salita nito at noon pa man ay inaasam niya na maranasan iyon. Pero dahil kay Trisha ay hindi na niya masabi na maganda ang salitang iyon.“Ang aking first love ay isang batang babae na mukhang mahina at sa unang tingin pa lang ay gustong-gusto ko na siyang protektahan. Gayunman, napakaraming kalalakihan ang may gusto sa kaniya kaya hindi ako nangahas na lumapit sa kaniya at magpakilala. Masaya na akong tinatanaw ko siya mula sa malayo hanggang sa isang araw ay lumapit siya sa akin at sinabi niya na gusto niya ako. Sa mga sandaling iyon ay sobrang saya ko dahil pakiram