Paggising nilang dalawa ni Lucas ay hapon na pala. Ang hangin na pumapasok sa bintana ng silin ay marahang umihip papasok ng silid at pumasok rin ang sikat ng araw ng silid kaya napuno ng liwanag ang buong silid. Sa kama, tahimik silang magkayakap na dalawa. Nauna siyang nagising kaysa kay Lucas. Nang akmang babangon na sana siya ay bigla na lamang niyang naramdaman ang paghigpit ng kanyang baywang at pagkatapos ay narinig niya ang namamaos na tinig ni Lucas. “Matulog ka muna rito sa tabi ko.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na napakunot ang noo ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit, hindi ka pa ba nakatulog ng maayos?” tanong niya rito.“Nakatulog, pero gusto ko kasi na dito ka na lang muna. Gusto ko pang matulog.” sabi nito sa namamaos na tinig.Sinamantala naman ni Annie ang pagkakataong iyon at pagkatapos ay matamis na ngumiti pagkatapos ay pinilit na niyang itong pinabangon dahil nga hapon na. Nang makabangon sila ay agad silang naghilamos at halos alas singko na rin
Dahil malakas ang hangin sa labas ay humigpit ang ang pagkakayakap ni Lucas kay Annie. “Malamig na. Huwag mo na akong ihatid pa. Pumasok ka na sa loob.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na umiling si Annie rito. “Gusto kitang ihatid kahit na dito na lang sa labas ng bahay, isa pa ay wala pa naman si Kian.” sabi niya na lamang rito.“Baka sipunin ka.” bulong nito sa kaniya ngunit umiling lamang siya. Hindi nga nagtagal ay dumating na nga si Kian. nang makita niyang papalapit na ang kotse mula sa kinatatayuan niya ay mabilis niya itong hinarap. Kailangan niya itong paalalahanan.“Alagaan mo ang sarili mo doon ha?” sabi niya rito. “Baka kung mapano ka na naman doon at hindi na tayo dapat pang mawalan ng komunikasyon.” seryosong dagdag niya rito.Mabilis naman na tumango sa kaniya si Lucas. “Sige.” ilang sandali itong natahimik habang nakatitig sa kaniya. “Wala ka bang ibang sasabihin?” tanong nito sa kaniya.“Bye. hihintayin ko ang pagbabalik mo.” sabi niya rito. Nang sumunod na sandali a
Nang makita ni TRisha si Lucas ay agad itong napabangon bigla mula sa kanyang kama at pagkatapos ay mabilis na yumakap sa kaniya. Nagsimulang umiyak si TRisha. MATAPOS lamang ang isang araw ay medyo bumuti naman na ang pakiramdam ni TRisha kaya inilabas na siya ni Lucas sa ospital at pgakatapos ay naghanap ng isang apartment na tutuluyan nito. Isang gabi, nang makita niya itong nakahiga sa may kama ay tinapunan niya ito ng isang sulyap at pagkatapos ay bigla na lamang siya nitong niyakap noong akmang aalis na sana siya. Akala pa naman niya ay tulog na ito ngunit nagkakamali pala siya.Mabilis niya itong itinulak palayo at ang kanyang mga mata ay malamig habang nakatitig rito. “Trisha, malinaw naman na siguro sayo ang lahat at sasabihin kong muli sayo na wala nang pag-asa pa na magkagusto ako sayo.” malamig na sabi niya rito. “Uulitin ko na naman sayo, wala akong ibang mahal kundi si Annie lamang. Hinding-hindi ako gagawa ng ikakasakit niya.” dagdag pa nyang sabi rito. “Gagawin ko lan
Pagkatapos nilang kumaing dalawa ay umalis sila sa cafeteria na parehong nakangiti. Dahil sa sobrang saya nila habang nag-uusap ay hindi na nila napansin na sa likod pala nila ay naroon si Reid na tahimik na nakikinig sa naging usapan nilang dalawa.Nang marinig niya ang usapan ng mga ito ay napaisip siya na mukhang may boyfriend nga talaga ito at hindi ito nagsinungaling sa kaniya. Come to think of it ay siya pala talaga ang nagkamali sa pagkakaintindi niya rito.PAGKATAPOS nga nilang kumain ay bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto. Tahimika na nakaupo sa kanyang upuan si Kendra nang bigla na lamang siyang makatangga ng tawag na ipinapatawag daw siya ni REid Villafuente, ang vice president ng ospital na iyon.Nang mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwala at napatanong sa kanyang isip kung bakit naman siya pag-aaksayahan ng vice president na ipatawag samantalang isa lamang siyang walang rango na empleyado nito.Sa kabila nang pagtataka niya ay pumunta pa rin siya sa opisina nito.
Pagkatapos ng shift ni Annie sa ospital ay wala na siyang ibang gusto pa kundi ang makauwi na. Nang makarating na siya sa gate ay nakahinga siya ng maluwag. Ngunit pagkatapos lang nun ay bigla na lamang may tumigil na kotse sa harap niya at pagkatapos ay dahan-dahang bumaba ang salamin ng kotse at doon niya nakita kung sino ang sakay nito. Nakita niya si REid sa loob ng kotse at ilang sandali pa nga ay tinanong siya nito. “Uuwi ka na ba? Halika, ihatid na kita.” sabi nito sa kaniya.Mabilis naman na umiling si Annie upang tumanggi. “Hindi na kailangan. Salamat na lang REid sa kabaitan mo.” sabi niya rito.Ilang sandali pa nga ay narinig nila ang ilang beses na pagwangwang ng sasakyan sa likuran nila. “Sumakay ka na, delikado na ngayong oras na ito na maglakad ka ng mag-isa.” sabi nito sa kaniya.Dahil doon ay napaisip naman bigla si Annie, kung tutuusin naman kasi kahit na papano ay tama naman ito kaya wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumakay na nga sa loob ng kotse. Pareho sila
Naging malayo ang tingin ni Reid ng mga oras na iyon at ilang minuto pa bago nito ibinuka ang kanyang bibig upang sumagot. “Tulad ng una kong pag-ibig.” sabi nito sa kaniya.Iyon pala ang dahilan. Akala pa naman ay dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay, dahil pala sa isang babae. Ibinaba niya ang kanyang mga mata ngunit ang salitang first love ay hindi pa rin naaalis sa isip niya. Noong una, akala niya ay napaka-gandang salita nito at noon pa man ay inaasam niya na maranasan iyon. Pero dahil kay Trisha ay hindi na niya masabi na maganda ang salitang iyon.“Ang aking first love ay isang batang babae na mukhang mahina at sa unang tingin pa lang ay gustong-gusto ko na siyang protektahan. Gayunman, napakaraming kalalakihan ang may gusto sa kaniya kaya hindi ako nangahas na lumapit sa kaniya at magpakilala. Masaya na akong tinatanaw ko siya mula sa malayo hanggang sa isang araw ay lumapit siya sa akin at sinabi niya na gusto niya ako. Sa mga sandaling iyon ay sobrang saya ko dahil pakiram
Napangiti si Annie nang mabasa niya ang chat mula kay Lucas at nang nakasaad doon ay babalik na raw ito pagkatapos ng dalawang araw. Mabilis naman siyang nagreply rito. Pagkatapos niyang magreply ay agad nang nakatulog si Annie.Samantala, sina Lucas at TRisha ay nag-uusap ng masinsinan. “Lucas pasensiya na pero hindi ko kayang ipangako sayo.” sabi ni TRisha sa kaniya at nang marinig niya ang sinabi nito ay wala siyang nagawa kundi ang mapasimangot rito.Nakatanggap siya ng magandang balita ng mga oras na iyon ang ang doktor na kinausap ng kanyang tauhan ay may 50% chance daw na kaya siyang muling makapaglakad sa pamamagitan ng surgery. Masaya sa balitang ito gayunpaman ay hindi niya inaasahan na magiging napakatigas ng ulo ni TRisha at hindi niya iyong lubos na inaasahan.“Trisha, bakit ba ayaw mo ha? Bagaman hindi 100% ay malaki pa rin ang posibilidad na makalakad ka ulot at wala namang mawawala kung hindi mo susubukan hindi ba?” tanong niya rito.Kalmado lang siyang tiningnan ni T
Bago sumakay si Trisha ng eroplano ay matagal na naghintay si TRisha at palingon-lingon sa kaliwat-kanan niya ngunit hindi niya ito mahintay-hintay. Sa huli ay nilingon niya ang tauhan ni Lucas na kasama niya ng mga oras na iyon. “Nasaan si Lucas? Bakit hindi pa siya dumarating?” tanong niya agad rito.Mabilis naman itong nagpaliwanag sa kaniya. “Dalawang oras na ang nakararaan nang umalis po si Sir. hindi kayo pareho ng oras na byahe.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig ni Trisha ang sinabi nito ay agad na umahon ang galit sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay naglabas ng usok ang tenga niya sa sobrang inis niya. Sinadya siguro nitong gawin ito na pinaghiwalay ang flight nilang dalawa. Nauna ito dahil sa sobrang pagmamadali na makabalik ng bansa at sabik na siguro na makitang muli ang babaeng iyon. Napakuyom na lamang ang kanyang mga kamay.MATAPOS ANG mahabang byahe, sa wakas ay nakalapag na rin sa wakas ang eroplanong sinakyan ni Lucas. Nang makababa siya ng eroplano ay alas otso na n