Nang makita ni TRisha si Lucas ay agad itong napabangon bigla mula sa kanyang kama at pagkatapos ay mabilis na yumakap sa kaniya. Nagsimulang umiyak si TRisha. MATAPOS lamang ang isang araw ay medyo bumuti naman na ang pakiramdam ni TRisha kaya inilabas na siya ni Lucas sa ospital at pgakatapos ay naghanap ng isang apartment na tutuluyan nito. Isang gabi, nang makita niya itong nakahiga sa may kama ay tinapunan niya ito ng isang sulyap at pagkatapos ay bigla na lamang siya nitong niyakap noong akmang aalis na sana siya. Akala pa naman niya ay tulog na ito ngunit nagkakamali pala siya.Mabilis niya itong itinulak palayo at ang kanyang mga mata ay malamig habang nakatitig rito. “Trisha, malinaw naman na siguro sayo ang lahat at sasabihin kong muli sayo na wala nang pag-asa pa na magkagusto ako sayo.” malamig na sabi niya rito. “Uulitin ko na naman sayo, wala akong ibang mahal kundi si Annie lamang. Hinding-hindi ako gagawa ng ikakasakit niya.” dagdag pa nyang sabi rito. “Gagawin ko lan
Pagkatapos nilang kumaing dalawa ay umalis sila sa cafeteria na parehong nakangiti. Dahil sa sobrang saya nila habang nag-uusap ay hindi na nila napansin na sa likod pala nila ay naroon si Reid na tahimik na nakikinig sa naging usapan nilang dalawa.Nang marinig niya ang usapan ng mga ito ay napaisip siya na mukhang may boyfriend nga talaga ito at hindi ito nagsinungaling sa kaniya. Come to think of it ay siya pala talaga ang nagkamali sa pagkakaintindi niya rito.PAGKATAPOS nga nilang kumain ay bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto. Tahimika na nakaupo sa kanyang upuan si Kendra nang bigla na lamang siyang makatangga ng tawag na ipinapatawag daw siya ni REid Villafuente, ang vice president ng ospital na iyon.Nang mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwala at napatanong sa kanyang isip kung bakit naman siya pag-aaksayahan ng vice president na ipatawag samantalang isa lamang siyang walang rango na empleyado nito.Sa kabila nang pagtataka niya ay pumunta pa rin siya sa opisina nito.
Pagkatapos ng shift ni Annie sa ospital ay wala na siyang ibang gusto pa kundi ang makauwi na. Nang makarating na siya sa gate ay nakahinga siya ng maluwag. Ngunit pagkatapos lang nun ay bigla na lamang may tumigil na kotse sa harap niya at pagkatapos ay dahan-dahang bumaba ang salamin ng kotse at doon niya nakita kung sino ang sakay nito. Nakita niya si REid sa loob ng kotse at ilang sandali pa nga ay tinanong siya nito. “Uuwi ka na ba? Halika, ihatid na kita.” sabi nito sa kaniya.Mabilis naman na umiling si Annie upang tumanggi. “Hindi na kailangan. Salamat na lang REid sa kabaitan mo.” sabi niya rito.Ilang sandali pa nga ay narinig nila ang ilang beses na pagwangwang ng sasakyan sa likuran nila. “Sumakay ka na, delikado na ngayong oras na ito na maglakad ka ng mag-isa.” sabi nito sa kaniya.Dahil doon ay napaisip naman bigla si Annie, kung tutuusin naman kasi kahit na papano ay tama naman ito kaya wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumakay na nga sa loob ng kotse. Pareho sila
Naging malayo ang tingin ni Reid ng mga oras na iyon at ilang minuto pa bago nito ibinuka ang kanyang bibig upang sumagot. “Tulad ng una kong pag-ibig.” sabi nito sa kaniya.Iyon pala ang dahilan. Akala pa naman ay dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay, dahil pala sa isang babae. Ibinaba niya ang kanyang mga mata ngunit ang salitang first love ay hindi pa rin naaalis sa isip niya. Noong una, akala niya ay napaka-gandang salita nito at noon pa man ay inaasam niya na maranasan iyon. Pero dahil kay Trisha ay hindi na niya masabi na maganda ang salitang iyon.“Ang aking first love ay isang batang babae na mukhang mahina at sa unang tingin pa lang ay gustong-gusto ko na siyang protektahan. Gayunman, napakaraming kalalakihan ang may gusto sa kaniya kaya hindi ako nangahas na lumapit sa kaniya at magpakilala. Masaya na akong tinatanaw ko siya mula sa malayo hanggang sa isang araw ay lumapit siya sa akin at sinabi niya na gusto niya ako. Sa mga sandaling iyon ay sobrang saya ko dahil pakiram
Napangiti si Annie nang mabasa niya ang chat mula kay Lucas at nang nakasaad doon ay babalik na raw ito pagkatapos ng dalawang araw. Mabilis naman siyang nagreply rito. Pagkatapos niyang magreply ay agad nang nakatulog si Annie.Samantala, sina Lucas at TRisha ay nag-uusap ng masinsinan. “Lucas pasensiya na pero hindi ko kayang ipangako sayo.” sabi ni TRisha sa kaniya at nang marinig niya ang sinabi nito ay wala siyang nagawa kundi ang mapasimangot rito.Nakatanggap siya ng magandang balita ng mga oras na iyon ang ang doktor na kinausap ng kanyang tauhan ay may 50% chance daw na kaya siyang muling makapaglakad sa pamamagitan ng surgery. Masaya sa balitang ito gayunpaman ay hindi niya inaasahan na magiging napakatigas ng ulo ni TRisha at hindi niya iyong lubos na inaasahan.“Trisha, bakit ba ayaw mo ha? Bagaman hindi 100% ay malaki pa rin ang posibilidad na makalakad ka ulot at wala namang mawawala kung hindi mo susubukan hindi ba?” tanong niya rito.Kalmado lang siyang tiningnan ni T
Bago sumakay si Trisha ng eroplano ay matagal na naghintay si TRisha at palingon-lingon sa kaliwat-kanan niya ngunit hindi niya ito mahintay-hintay. Sa huli ay nilingon niya ang tauhan ni Lucas na kasama niya ng mga oras na iyon. “Nasaan si Lucas? Bakit hindi pa siya dumarating?” tanong niya agad rito.Mabilis naman itong nagpaliwanag sa kaniya. “Dalawang oras na ang nakararaan nang umalis po si Sir. hindi kayo pareho ng oras na byahe.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig ni Trisha ang sinabi nito ay agad na umahon ang galit sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay naglabas ng usok ang tenga niya sa sobrang inis niya. Sinadya siguro nitong gawin ito na pinaghiwalay ang flight nilang dalawa. Nauna ito dahil sa sobrang pagmamadali na makabalik ng bansa at sabik na siguro na makitang muli ang babaeng iyon. Napakuyom na lamang ang kanyang mga kamay.MATAPOS ANG mahabang byahe, sa wakas ay nakalapag na rin sa wakas ang eroplanong sinakyan ni Lucas. Nang makababa siya ng eroplano ay alas otso na n
“Hindi rin ako inaantok.” sabi sa kaniya ni Lucas.Sa susunod na sandali ay bigla na lamang itong lumayo ng kaunti sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa mga mata niya. “Dahil hindi ka na rin naman makatulog ay gumawa tayo ng isang bagay.” sabi nito sa kaniya.Magkahalong gulat at kaba ang naramdaman ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito at malakas ang kabog ng dibdib niyang tumingin rito. “A-anong ibig mong sabihin?” mahinang tanong niya rito at nang matapos siyang magtanong ay halos pagsisihan niya ito.Ano bang sinabi niya? Kailangan pa ba niyang magtanong kung ano iyon? Napakagat-labi na lamang siya at hinintay kung ano ang isasagot nito sa kaniya. “Gawin natin ang hindi natin nagawa last time dahil sa mga sugat ko.” sabi nito sa kaniya at nang matapos lamang itong magsalita ay mabilis na gumalw si Lucas at hinalikan siya nito ngunit bago pa man dumampi ang labi nito sa kanyang mga labi ay mabilis na umiwas si Annie.Itinaas niya ang kanyang mga mata at tumingin sa mga mata n
Sa pagtingin sa natutulog na mukha ni Annie ay bigla na lamang napangiti si Lucas ng wala sa oras. Hindi niya akalain na iiyak ito sa napakababaw ng dahilan at ang akala nito at tinitiis niya ito. Kinabukasan ay maagang nagising si Annie at pagkamulat pa lamang ng kanyang mga mata ay agad na niyang nakita ang lalaking natutulog sa tabi niya. Nang maalala niyang muli ang nangyari kagabi ay agad na naman niyang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi niiya.Napatitig siya sa gwapong mukha nito. Akala niya ay ilang araw pa ang hihintayin niya para makasama itong muli ngunit hindi niya inaasahan na sosorpresahin pala siya nito at bigla-bigla na lamang umuwi ng hindi niya alam.PAGKATAPOS ng kanilang almusal ay naging abala na si Lucas at nagkulong sa study room nito. Naiintindihan naman iyon ni Annie dahil alam niya kung gaano naman kasi kalaki ang negosyo na kailangang asikasuhin ni Lucas. Hindi na lamang niya ito inabala pero dinadalhan niya ito ng kape kahit na hindi naman ito nanghihingi.