Pagkatapos nilang kumaing dalawa ay umalis sila sa cafeteria na parehong nakangiti. Dahil sa sobrang saya nila habang nag-uusap ay hindi na nila napansin na sa likod pala nila ay naroon si Reid na tahimik na nakikinig sa naging usapan nilang dalawa.Nang marinig niya ang usapan ng mga ito ay napaisip siya na mukhang may boyfriend nga talaga ito at hindi ito nagsinungaling sa kaniya. Come to think of it ay siya pala talaga ang nagkamali sa pagkakaintindi niya rito.PAGKATAPOS nga nilang kumain ay bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto. Tahimika na nakaupo sa kanyang upuan si Kendra nang bigla na lamang siyang makatangga ng tawag na ipinapatawag daw siya ni REid Villafuente, ang vice president ng ospital na iyon.Nang mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwala at napatanong sa kanyang isip kung bakit naman siya pag-aaksayahan ng vice president na ipatawag samantalang isa lamang siyang walang rango na empleyado nito.Sa kabila nang pagtataka niya ay pumunta pa rin siya sa opisina nito.
Pagkatapos ng shift ni Annie sa ospital ay wala na siyang ibang gusto pa kundi ang makauwi na. Nang makarating na siya sa gate ay nakahinga siya ng maluwag. Ngunit pagkatapos lang nun ay bigla na lamang may tumigil na kotse sa harap niya at pagkatapos ay dahan-dahang bumaba ang salamin ng kotse at doon niya nakita kung sino ang sakay nito. Nakita niya si REid sa loob ng kotse at ilang sandali pa nga ay tinanong siya nito. “Uuwi ka na ba? Halika, ihatid na kita.” sabi nito sa kaniya.Mabilis naman na umiling si Annie upang tumanggi. “Hindi na kailangan. Salamat na lang REid sa kabaitan mo.” sabi niya rito.Ilang sandali pa nga ay narinig nila ang ilang beses na pagwangwang ng sasakyan sa likuran nila. “Sumakay ka na, delikado na ngayong oras na ito na maglakad ka ng mag-isa.” sabi nito sa kaniya.Dahil doon ay napaisip naman bigla si Annie, kung tutuusin naman kasi kahit na papano ay tama naman ito kaya wala na lamang siyang nagawa kundi ang sumakay na nga sa loob ng kotse. Pareho sila
Naging malayo ang tingin ni Reid ng mga oras na iyon at ilang minuto pa bago nito ibinuka ang kanyang bibig upang sumagot. “Tulad ng una kong pag-ibig.” sabi nito sa kaniya.Iyon pala ang dahilan. Akala pa naman ay dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay, dahil pala sa isang babae. Ibinaba niya ang kanyang mga mata ngunit ang salitang first love ay hindi pa rin naaalis sa isip niya. Noong una, akala niya ay napaka-gandang salita nito at noon pa man ay inaasam niya na maranasan iyon. Pero dahil kay Trisha ay hindi na niya masabi na maganda ang salitang iyon.“Ang aking first love ay isang batang babae na mukhang mahina at sa unang tingin pa lang ay gustong-gusto ko na siyang protektahan. Gayunman, napakaraming kalalakihan ang may gusto sa kaniya kaya hindi ako nangahas na lumapit sa kaniya at magpakilala. Masaya na akong tinatanaw ko siya mula sa malayo hanggang sa isang araw ay lumapit siya sa akin at sinabi niya na gusto niya ako. Sa mga sandaling iyon ay sobrang saya ko dahil pakiram
Napangiti si Annie nang mabasa niya ang chat mula kay Lucas at nang nakasaad doon ay babalik na raw ito pagkatapos ng dalawang araw. Mabilis naman siyang nagreply rito. Pagkatapos niyang magreply ay agad nang nakatulog si Annie.Samantala, sina Lucas at TRisha ay nag-uusap ng masinsinan. “Lucas pasensiya na pero hindi ko kayang ipangako sayo.” sabi ni TRisha sa kaniya at nang marinig niya ang sinabi nito ay wala siyang nagawa kundi ang mapasimangot rito.Nakatanggap siya ng magandang balita ng mga oras na iyon ang ang doktor na kinausap ng kanyang tauhan ay may 50% chance daw na kaya siyang muling makapaglakad sa pamamagitan ng surgery. Masaya sa balitang ito gayunpaman ay hindi niya inaasahan na magiging napakatigas ng ulo ni TRisha at hindi niya iyong lubos na inaasahan.“Trisha, bakit ba ayaw mo ha? Bagaman hindi 100% ay malaki pa rin ang posibilidad na makalakad ka ulot at wala namang mawawala kung hindi mo susubukan hindi ba?” tanong niya rito.Kalmado lang siyang tiningnan ni T
Bago sumakay si Trisha ng eroplano ay matagal na naghintay si TRisha at palingon-lingon sa kaliwat-kanan niya ngunit hindi niya ito mahintay-hintay. Sa huli ay nilingon niya ang tauhan ni Lucas na kasama niya ng mga oras na iyon. “Nasaan si Lucas? Bakit hindi pa siya dumarating?” tanong niya agad rito.Mabilis naman itong nagpaliwanag sa kaniya. “Dalawang oras na ang nakararaan nang umalis po si Sir. hindi kayo pareho ng oras na byahe.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig ni Trisha ang sinabi nito ay agad na umahon ang galit sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay naglabas ng usok ang tenga niya sa sobrang inis niya. Sinadya siguro nitong gawin ito na pinaghiwalay ang flight nilang dalawa. Nauna ito dahil sa sobrang pagmamadali na makabalik ng bansa at sabik na siguro na makitang muli ang babaeng iyon. Napakuyom na lamang ang kanyang mga kamay.MATAPOS ANG mahabang byahe, sa wakas ay nakalapag na rin sa wakas ang eroplanong sinakyan ni Lucas. Nang makababa siya ng eroplano ay alas otso na n
“Hindi rin ako inaantok.” sabi sa kaniya ni Lucas.Sa susunod na sandali ay bigla na lamang itong lumayo ng kaunti sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa mga mata niya. “Dahil hindi ka na rin naman makatulog ay gumawa tayo ng isang bagay.” sabi nito sa kaniya.Magkahalong gulat at kaba ang naramdaman ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito at malakas ang kabog ng dibdib niyang tumingin rito. “A-anong ibig mong sabihin?” mahinang tanong niya rito at nang matapos siyang magtanong ay halos pagsisihan niya ito.Ano bang sinabi niya? Kailangan pa ba niyang magtanong kung ano iyon? Napakagat-labi na lamang siya at hinintay kung ano ang isasagot nito sa kaniya. “Gawin natin ang hindi natin nagawa last time dahil sa mga sugat ko.” sabi nito sa kaniya at nang matapos lamang itong magsalita ay mabilis na gumalw si Lucas at hinalikan siya nito ngunit bago pa man dumampi ang labi nito sa kanyang mga labi ay mabilis na umiwas si Annie.Itinaas niya ang kanyang mga mata at tumingin sa mga mata n
Sa pagtingin sa natutulog na mukha ni Annie ay bigla na lamang napangiti si Lucas ng wala sa oras. Hindi niya akalain na iiyak ito sa napakababaw ng dahilan at ang akala nito at tinitiis niya ito. Kinabukasan ay maagang nagising si Annie at pagkamulat pa lamang ng kanyang mga mata ay agad na niyang nakita ang lalaking natutulog sa tabi niya. Nang maalala niyang muli ang nangyari kagabi ay agad na naman niyang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi niiya.Napatitig siya sa gwapong mukha nito. Akala niya ay ilang araw pa ang hihintayin niya para makasama itong muli ngunit hindi niya inaasahan na sosorpresahin pala siya nito at bigla-bigla na lamang umuwi ng hindi niya alam.PAGKATAPOS ng kanilang almusal ay naging abala na si Lucas at nagkulong sa study room nito. Naiintindihan naman iyon ni Annie dahil alam niya kung gaano naman kasi kalaki ang negosyo na kailangang asikasuhin ni Lucas. Hindi na lamang niya ito inabala pero dinadalhan niya ito ng kape kahit na hindi naman ito nanghihingi.
“Lucas?” tawag niya rito. Gayunpaman ay walang sumagot sa kaniya. Napatingin siya sa kanyang sarili at pagkatapos ay niyuko niya ang kanyang sarili at doon niya nakita na may kumot na pala siya. Mabilis siyang bumangon mula sa sofa at pagkatapos ay binuksan ang pinto at lalabas na sana nang bigla na lamang siyang may mabangga. Nagbanggaan silang dalawa ni Lucas.Napapikit si Annie nang tumama ang ulo niya sa ilong ni Lucas. Alam niya na mas matigas ang kanyang ulo kaysa sa ilong nito at sigurado siya na masakit ang pagtama ng kanyang ulo sa ilong nito. Agad na inabot ni Annie ag ilong nito. “Bakit kasi bigla-bigla ka na lang pumasok? Masakit ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Hindi naman. Okay lang ako hindi naman siya masakit.” agad namang sagot nito sa kaniya.Natapatitig naman si Lucas sa nag-aalalang mukha ni Annie ng mga oras na iyon at malamang sa malamang na kapag sinabi niya rito na masakit ay tiyak na mas mag-aalala pa ito panigurado. Dahan-dahan siyang ngumiti rito. “Nga
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka