“Annie…” biglang tawag sa kaniya ni Lucas.“Hmm?” sagot niya naman rito at pagkatapos ay nilingon niya ito.“Minsan ba pumapasok sa isip mo na parang napaka-boring naman ng relasyon natin?” tanong nito sa kaniya bigla.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit naman bigla-bigla mong naitanong?” tanong niya rito at pagkatapos ay nagbawi siya ng kanyang tingin.“Kasi diba, lagi na lang ako busy sa trabaho ko at wala akong oras masyado sayo para makasama at halos hindi man lang kita nailalabas.” sabi nito sa kaniya.Sandali naman siyang natigilan ng mga oras na iyon at pagkatapos ay muling nilingon ito. “Totoo ang sinabi mo na wala ka nga talagang oras masyado sa akin at ngayong buwan ay halos dalawang beses kang umalis ng bansa. Idagdag rin na sa sobrang busy mo ay hindi ka pwede nasa tabi ko bawat oras.” sabi ni Annie rito.Nang marinig naman ni Lucas ang sinabi ni Annie ay parang tinusok ang puso niya. Handa na sana niyang ibuka ang kan
Hindi iyon lubos na inasahan ni Annie. Tumingin siya rito. “Kailan ka bumili ng singsing?” tanong niya rito.Agad naman na kinuha ni Lucas ang kamay niya at mahigpit na hinawakan bago nagsalita. “Noong unang beses akong nagpunta sa ibang bansa ngayong buwan ay talagang naghanap ako ng magaling na tagagawa ng singsing sa ibang bansa at noong huli akong nagpunta ay kinuha ko yan.” sagot nito sa kaniya.Bigla siyang napaisip at pilit na inalala kung kailan ito unang umalis. Noong ilang araw pa lamang simula nang maging okay ang relasyon nila. “Ganun ka kaaga na naghanda?” nakangiting tanong ni Annie rito. “Hindi na iyon maaga pa.” tumigil si Lucas at pagkatapos ay seryosong tumingin sa kaniya. “Annie huli na ang lahat para sa akin.” sabi niya rito.“Hmm, pero ilang araw pa lang tayong magkasama ah.” sabi niya rito.“Dalawampu’t dalawang araw na.” sagot naman nito kaagad sa kaniya.Nang marinig ni Annie ang sinabi ni Lucas ay saglit siyang natulala rito. Hindi niya akalaing natatandaan n
Matapos silang kumain ng barbeque ay marami pa silang street food na kinain at nang mabusog sila ay handa nang umuwi si Annie nang bigla na lamang hawakan ni Lucas ang kamay niya. “Pasok tayo sa loob at tumambay muna tayo doon.” sabi nito sa kaniya.“Pwede ba tayong makapasok?” salubong naman ang kilay na tanong ni Annie rito.“Hintayin mo ako at ako na ang bahala.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumalikod ito sa kaniya at lumapit sa gate ng school kung saan ay naroon ang mga guard. Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay nilingon siya nito nang may ngiti sa mga labi at kinawayan siya, hudyat na pwede na nga silang pumasok at napapayag nito ang mga guard.Nang maisip niya ang ginawa nitong dahilan noong huli silang nagpunta doon ay hindi maiwasan ni Annie na magtanong kay Lucas nang tuluyan na siyang makalapit rito. “Ano na naman ang sinabi mong palusot ngayon?” tanong niya rito.Mabilis naman na ipinilig ni Lucas ang kaniyag ulo at nilingo siya. “Wala ah. Hindi ako nagpalusot at k
Nang ibaba siya ni Lucas ay hingal na hingal ito. Akmang magsasalita na sana siya nang bigla na lamang siyang mapatingala ng wala sa oras dahil napuno ng fireworks ang kalangitan. “Wow…” hindi napigilang mabulalas ni Annie habang pinapunuod ito. “Ang ganda…” dagdag pa niya.Lihim naman napangiti si Lucas at pagkatapos ay hinila ang kamay ni Annie. Sa ilalim ng nagliliwanag na fireworks sa kalangitan ay hinalikan niya ito sa labi. Nappaikit naman si Annie ng mga oras na iyon at ipinulupot ang kanyang kamay sa leeg nito hanggang sa tuluyan na siya nitong bitawan. Ilang sandali pa ay niyakap siya nito mula sa likod at sabay nilang pinanuod ang fireworks.Nang matapos ang fireworks ay bigla na lamang lumakas ang hangin kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Lucas at handa na sanang umuwi nang bigla na lamang hawakan ni Lucas ang kamay niya at tumingin sa relo nito. “Tela lang.” sabi nito sa kaniya.Napakunot naman ang noo ni Annie na nakatingin rito. “Bakit? Gabi na.” sabi niya rito a
Nagising si Annie na may nakayakap sa kaniya. Nang makita niya si Lucas na nasa tabi niya ay agad siyang napangiti. Hindi na rin niya namalayan na tumabi ito sa kaniya dahil sa himbing ng tulog niya kagabi. Nang makita niyang tulog pa rin ito hanggang sa mga oras na iyon ay dahan-dahan siyang bumangon.Bumaba siya sa kama at pagkatapos ay nagpunta sa kusina upang magluto ng pang-almusal nilang dalawa. Bagamat hindi siya masyadong magaling ay magluto ay alam niya namang maghanda ng mga pang umagang ulam.Nang magising naman si Lucas ay amoy na amoy na niya kaagad ang mga niluluto mula sa kusina. Agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata at nagmumog sandali bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nang makababa siya ay eksakto namang nakaluto na si Annie ng pang umagahan nila kaya kumain na sila kaagad. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang bigla na lamang dumating si Kian dala ang ilang mga papeles.Pagkatapos nilang kumain ay inihanda na ni Annie ang isusuot niyang mga damit niya nang bigla
Ilang sandaling natigilan si Annie at pagkatapos ay mabilis na umiling. Hindi na bale na lang, hanggang sa mga oras na iyon ay nagsisinungaling pa rin ito sa kaniya. “Ayokong pumunta sa ospital, may mga gamot naman dito sa bahay kaya iinom na lang ako.”“Saan nakalagay? Kukunin ko para sayo.” sabi nito sa kaniya.“Sa pangalawang drawer na nasa sala.” sagot niya rito.“Okay.” sagot nito at pagkatapos ay tumalikod na. Pagkatapos uminom ng gamot ni Annie ay nagpasalamat siya kay Lucas. Nang marinig naman ito ni Lucas ay agad niyang hinawakan ang ulo nito. “Ano ka ba naman, bakit ka nagpapasalamat sa akin e tungkulin ko naman talaga iyon.” sabi nito sa kaniya. Hindi na lamang siya sumagot. “Matulog ka na muna at magluluto ako ng lugaw para sayo.” sabi nito sa kaniya.Humiga naman kaagad si Annie at binalot ng kumot ang sarili. Walang nakakaalam kundi siya lang na sa sandaling tumalikod si Lucas ay napatakip siya sa knaiyang bibig at napaiyak. Sobrang sikip ng dibdib niya. Hindi niya ala
Mabilis na tumalikod si Annie rito. Ayaw niya nang makita ito dahil natatakot siya na baka bigla na lamang siya maiyak sa harap nito at ayaw niyang makita nitong umiiyak siya at parang isang batang mahina. Kailangan niyang maging matatag. Humugot siya ng ilang malalim na hininga at sinubukang pakalmahin ang sarili niya. Matapos niyang kumalma ay humarap siya at nagsalita. “Lucas alam ko na tama ka, pero anong magagawa kung ito nga ako? Ito nga yung ugali ko. Sorry din ha? Kung pakiramdam mo ay napaka-makasarili ko.” sabi niya rito at pagkatapos ay mabilis na tumalikod rito.Ngunit mabilis din siyang tumigil sa kanyang paglalakad. “Lucas, naisip ko na talaga ito.” humarap siya kay Lucas ng dahan-dahan. “Maghiwalay na tayo.” sabi niya rito.Naalala niya ang lahat ng sinabi sa kanya ni Trisha, ni natiis nito na hindi tumawag o ni magtext sa kaniya yun pala ay ayaw lang siya nitong kontakin noong mga panahong iyon. Samakatuwid ay palagi lang siyang naniniwala sa mga pinagsasabi nito sa ka
Pagdating nila sa ospital ay agad din naman na gumaan ang pakiramdam ni Annie kahit na papano. Isa pa, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya na kung ano man ang nararamdaman at problema niya ay hindi niya dapat iyon dalhin sa trabaho niya dahil baka maka-apekto lamang iyon sa paggawa niya. Kailangan niyang palaging kalmado dahil kung hindi ay hindi naman siya ang maaapektuhan kundi ang mga magiging pasyente niya.Pagkatapos niyang magbihis ng damit ay agad siyang nakatanggap ng tawag na may pasyente raw na dumating at may cerebral hemorrhage at delikado raw ang kondisyon. Nang marinig niya ito ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis na tumakbo patungo doon.Dahil sa edad ng pasyente ay nagkaroon pa ng ibang komplikasyon at halos sampung oras na inubos nila sa loob ng Emergency room bago naging stable ang lagay nito. Ni hindi sila kumain o uminom ng tubig habang nasa loob sila at halos silang lahat ay pare-pareho ng nararamdaman pagkatapos ng operasyon. Nanghihina din si