Naging malayo ang tingin ni Reid ng mga oras na iyon at ilang minuto pa bago nito ibinuka ang kanyang bibig upang sumagot. “Tulad ng una kong pag-ibig.” sabi nito sa kaniya.Iyon pala ang dahilan. Akala pa naman ay dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay, dahil pala sa isang babae. Ibinaba niya ang kanyang mga mata ngunit ang salitang first love ay hindi pa rin naaalis sa isip niya. Noong una, akala niya ay napaka-gandang salita nito at noon pa man ay inaasam niya na maranasan iyon. Pero dahil kay Trisha ay hindi na niya masabi na maganda ang salitang iyon.“Ang aking first love ay isang batang babae na mukhang mahina at sa unang tingin pa lang ay gustong-gusto ko na siyang protektahan. Gayunman, napakaraming kalalakihan ang may gusto sa kaniya kaya hindi ako nangahas na lumapit sa kaniya at magpakilala. Masaya na akong tinatanaw ko siya mula sa malayo hanggang sa isang araw ay lumapit siya sa akin at sinabi niya na gusto niya ako. Sa mga sandaling iyon ay sobrang saya ko dahil pakiram
Napangiti si Annie nang mabasa niya ang chat mula kay Lucas at nang nakasaad doon ay babalik na raw ito pagkatapos ng dalawang araw. Mabilis naman siyang nagreply rito. Pagkatapos niyang magreply ay agad nang nakatulog si Annie.Samantala, sina Lucas at TRisha ay nag-uusap ng masinsinan. “Lucas pasensiya na pero hindi ko kayang ipangako sayo.” sabi ni TRisha sa kaniya at nang marinig niya ang sinabi nito ay wala siyang nagawa kundi ang mapasimangot rito.Nakatanggap siya ng magandang balita ng mga oras na iyon ang ang doktor na kinausap ng kanyang tauhan ay may 50% chance daw na kaya siyang muling makapaglakad sa pamamagitan ng surgery. Masaya sa balitang ito gayunpaman ay hindi niya inaasahan na magiging napakatigas ng ulo ni TRisha at hindi niya iyong lubos na inaasahan.“Trisha, bakit ba ayaw mo ha? Bagaman hindi 100% ay malaki pa rin ang posibilidad na makalakad ka ulot at wala namang mawawala kung hindi mo susubukan hindi ba?” tanong niya rito.Kalmado lang siyang tiningnan ni T
Bago sumakay si Trisha ng eroplano ay matagal na naghintay si TRisha at palingon-lingon sa kaliwat-kanan niya ngunit hindi niya ito mahintay-hintay. Sa huli ay nilingon niya ang tauhan ni Lucas na kasama niya ng mga oras na iyon. “Nasaan si Lucas? Bakit hindi pa siya dumarating?” tanong niya agad rito.Mabilis naman itong nagpaliwanag sa kaniya. “Dalawang oras na ang nakararaan nang umalis po si Sir. hindi kayo pareho ng oras na byahe.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig ni Trisha ang sinabi nito ay agad na umahon ang galit sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay naglabas ng usok ang tenga niya sa sobrang inis niya. Sinadya siguro nitong gawin ito na pinaghiwalay ang flight nilang dalawa. Nauna ito dahil sa sobrang pagmamadali na makabalik ng bansa at sabik na siguro na makitang muli ang babaeng iyon. Napakuyom na lamang ang kanyang mga kamay.MATAPOS ANG mahabang byahe, sa wakas ay nakalapag na rin sa wakas ang eroplanong sinakyan ni Lucas. Nang makababa siya ng eroplano ay alas otso na n
“Hindi rin ako inaantok.” sabi sa kaniya ni Lucas.Sa susunod na sandali ay bigla na lamang itong lumayo ng kaunti sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa mga mata niya. “Dahil hindi ka na rin naman makatulog ay gumawa tayo ng isang bagay.” sabi nito sa kaniya.Magkahalong gulat at kaba ang naramdaman ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito at malakas ang kabog ng dibdib niyang tumingin rito. “A-anong ibig mong sabihin?” mahinang tanong niya rito at nang matapos siyang magtanong ay halos pagsisihan niya ito.Ano bang sinabi niya? Kailangan pa ba niyang magtanong kung ano iyon? Napakagat-labi na lamang siya at hinintay kung ano ang isasagot nito sa kaniya. “Gawin natin ang hindi natin nagawa last time dahil sa mga sugat ko.” sabi nito sa kaniya at nang matapos lamang itong magsalita ay mabilis na gumalw si Lucas at hinalikan siya nito ngunit bago pa man dumampi ang labi nito sa kanyang mga labi ay mabilis na umiwas si Annie.Itinaas niya ang kanyang mga mata at tumingin sa mga mata n
Sa pagtingin sa natutulog na mukha ni Annie ay bigla na lamang napangiti si Lucas ng wala sa oras. Hindi niya akalain na iiyak ito sa napakababaw ng dahilan at ang akala nito at tinitiis niya ito. Kinabukasan ay maagang nagising si Annie at pagkamulat pa lamang ng kanyang mga mata ay agad na niyang nakita ang lalaking natutulog sa tabi niya. Nang maalala niyang muli ang nangyari kagabi ay agad na naman niyang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi niiya.Napatitig siya sa gwapong mukha nito. Akala niya ay ilang araw pa ang hihintayin niya para makasama itong muli ngunit hindi niya inaasahan na sosorpresahin pala siya nito at bigla-bigla na lamang umuwi ng hindi niya alam.PAGKATAPOS ng kanilang almusal ay naging abala na si Lucas at nagkulong sa study room nito. Naiintindihan naman iyon ni Annie dahil alam niya kung gaano naman kasi kalaki ang negosyo na kailangang asikasuhin ni Lucas. Hindi na lamang niya ito inabala pero dinadalhan niya ito ng kape kahit na hindi naman ito nanghihingi.
“Lucas?” tawag niya rito. Gayunpaman ay walang sumagot sa kaniya. Napatingin siya sa kanyang sarili at pagkatapos ay niyuko niya ang kanyang sarili at doon niya nakita na may kumot na pala siya. Mabilis siyang bumangon mula sa sofa at pagkatapos ay binuksan ang pinto at lalabas na sana nang bigla na lamang siyang may mabangga. Nagbanggaan silang dalawa ni Lucas.Napapikit si Annie nang tumama ang ulo niya sa ilong ni Lucas. Alam niya na mas matigas ang kanyang ulo kaysa sa ilong nito at sigurado siya na masakit ang pagtama ng kanyang ulo sa ilong nito. Agad na inabot ni Annie ag ilong nito. “Bakit kasi bigla-bigla ka na lang pumasok? Masakit ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Hindi naman. Okay lang ako hindi naman siya masakit.” agad namang sagot nito sa kaniya.Natapatitig naman si Lucas sa nag-aalalang mukha ni Annie ng mga oras na iyon at malamang sa malamang na kapag sinabi niya rito na masakit ay tiyak na mas mag-aalala pa ito panigurado. Dahan-dahan siyang ngumiti rito. “Nga
“Annie…” biglang tawag sa kaniya ni Lucas.“Hmm?” sagot niya naman rito at pagkatapos ay nilingon niya ito.“Minsan ba pumapasok sa isip mo na parang napaka-boring naman ng relasyon natin?” tanong nito sa kaniya bigla.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit naman bigla-bigla mong naitanong?” tanong niya rito at pagkatapos ay nagbawi siya ng kanyang tingin.“Kasi diba, lagi na lang ako busy sa trabaho ko at wala akong oras masyado sayo para makasama at halos hindi man lang kita nailalabas.” sabi nito sa kaniya.Sandali naman siyang natigilan ng mga oras na iyon at pagkatapos ay muling nilingon ito. “Totoo ang sinabi mo na wala ka nga talagang oras masyado sa akin at ngayong buwan ay halos dalawang beses kang umalis ng bansa. Idagdag rin na sa sobrang busy mo ay hindi ka pwede nasa tabi ko bawat oras.” sabi ni Annie rito.Nang marinig naman ni Lucas ang sinabi ni Annie ay parang tinusok ang puso niya. Handa na sana niyang ibuka ang kan
Hindi iyon lubos na inasahan ni Annie. Tumingin siya rito. “Kailan ka bumili ng singsing?” tanong niya rito.Agad naman na kinuha ni Lucas ang kamay niya at mahigpit na hinawakan bago nagsalita. “Noong unang beses akong nagpunta sa ibang bansa ngayong buwan ay talagang naghanap ako ng magaling na tagagawa ng singsing sa ibang bansa at noong huli akong nagpunta ay kinuha ko yan.” sagot nito sa kaniya.Bigla siyang napaisip at pilit na inalala kung kailan ito unang umalis. Noong ilang araw pa lamang simula nang maging okay ang relasyon nila. “Ganun ka kaaga na naghanda?” nakangiting tanong ni Annie rito. “Hindi na iyon maaga pa.” tumigil si Lucas at pagkatapos ay seryosong tumingin sa kaniya. “Annie huli na ang lahat para sa akin.” sabi niya rito.“Hmm, pero ilang araw pa lang tayong magkasama ah.” sabi niya rito.“Dalawampu’t dalawang araw na.” sagot naman nito kaagad sa kaniya.Nang marinig ni Annie ang sinabi ni Lucas ay saglit siyang natulala rito. Hindi niya akalaing natatandaan n