Sa pagtingin sa natutulog na mukha ni Annie ay bigla na lamang napangiti si Lucas ng wala sa oras. Hindi niya akalain na iiyak ito sa napakababaw ng dahilan at ang akala nito at tinitiis niya ito. Kinabukasan ay maagang nagising si Annie at pagkamulat pa lamang ng kanyang mga mata ay agad na niyang nakita ang lalaking natutulog sa tabi niya. Nang maalala niyang muli ang nangyari kagabi ay agad na naman niyang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi niiya.Napatitig siya sa gwapong mukha nito. Akala niya ay ilang araw pa ang hihintayin niya para makasama itong muli ngunit hindi niya inaasahan na sosorpresahin pala siya nito at bigla-bigla na lamang umuwi ng hindi niya alam.PAGKATAPOS ng kanilang almusal ay naging abala na si Lucas at nagkulong sa study room nito. Naiintindihan naman iyon ni Annie dahil alam niya kung gaano naman kasi kalaki ang negosyo na kailangang asikasuhin ni Lucas. Hindi na lamang niya ito inabala pero dinadalhan niya ito ng kape kahit na hindi naman ito nanghihingi.
“Lucas?” tawag niya rito. Gayunpaman ay walang sumagot sa kaniya. Napatingin siya sa kanyang sarili at pagkatapos ay niyuko niya ang kanyang sarili at doon niya nakita na may kumot na pala siya. Mabilis siyang bumangon mula sa sofa at pagkatapos ay binuksan ang pinto at lalabas na sana nang bigla na lamang siyang may mabangga. Nagbanggaan silang dalawa ni Lucas.Napapikit si Annie nang tumama ang ulo niya sa ilong ni Lucas. Alam niya na mas matigas ang kanyang ulo kaysa sa ilong nito at sigurado siya na masakit ang pagtama ng kanyang ulo sa ilong nito. Agad na inabot ni Annie ag ilong nito. “Bakit kasi bigla-bigla ka na lang pumasok? Masakit ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Hindi naman. Okay lang ako hindi naman siya masakit.” agad namang sagot nito sa kaniya.Natapatitig naman si Lucas sa nag-aalalang mukha ni Annie ng mga oras na iyon at malamang sa malamang na kapag sinabi niya rito na masakit ay tiyak na mas mag-aalala pa ito panigurado. Dahan-dahan siyang ngumiti rito. “Nga
“Annie…” biglang tawag sa kaniya ni Lucas.“Hmm?” sagot niya naman rito at pagkatapos ay nilingon niya ito.“Minsan ba pumapasok sa isip mo na parang napaka-boring naman ng relasyon natin?” tanong nito sa kaniya bigla.Agad naman na nagsalubong ang mga kilay ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit naman bigla-bigla mong naitanong?” tanong niya rito at pagkatapos ay nagbawi siya ng kanyang tingin.“Kasi diba, lagi na lang ako busy sa trabaho ko at wala akong oras masyado sayo para makasama at halos hindi man lang kita nailalabas.” sabi nito sa kaniya.Sandali naman siyang natigilan ng mga oras na iyon at pagkatapos ay muling nilingon ito. “Totoo ang sinabi mo na wala ka nga talagang oras masyado sa akin at ngayong buwan ay halos dalawang beses kang umalis ng bansa. Idagdag rin na sa sobrang busy mo ay hindi ka pwede nasa tabi ko bawat oras.” sabi ni Annie rito.Nang marinig naman ni Lucas ang sinabi ni Annie ay parang tinusok ang puso niya. Handa na sana niyang ibuka ang kan
Hindi iyon lubos na inasahan ni Annie. Tumingin siya rito. “Kailan ka bumili ng singsing?” tanong niya rito.Agad naman na kinuha ni Lucas ang kamay niya at mahigpit na hinawakan bago nagsalita. “Noong unang beses akong nagpunta sa ibang bansa ngayong buwan ay talagang naghanap ako ng magaling na tagagawa ng singsing sa ibang bansa at noong huli akong nagpunta ay kinuha ko yan.” sagot nito sa kaniya.Bigla siyang napaisip at pilit na inalala kung kailan ito unang umalis. Noong ilang araw pa lamang simula nang maging okay ang relasyon nila. “Ganun ka kaaga na naghanda?” nakangiting tanong ni Annie rito. “Hindi na iyon maaga pa.” tumigil si Lucas at pagkatapos ay seryosong tumingin sa kaniya. “Annie huli na ang lahat para sa akin.” sabi niya rito.“Hmm, pero ilang araw pa lang tayong magkasama ah.” sabi niya rito.“Dalawampu’t dalawang araw na.” sagot naman nito kaagad sa kaniya.Nang marinig ni Annie ang sinabi ni Lucas ay saglit siyang natulala rito. Hindi niya akalaing natatandaan n
Matapos silang kumain ng barbeque ay marami pa silang street food na kinain at nang mabusog sila ay handa nang umuwi si Annie nang bigla na lamang hawakan ni Lucas ang kamay niya. “Pasok tayo sa loob at tumambay muna tayo doon.” sabi nito sa kaniya.“Pwede ba tayong makapasok?” salubong naman ang kilay na tanong ni Annie rito.“Hintayin mo ako at ako na ang bahala.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumalikod ito sa kaniya at lumapit sa gate ng school kung saan ay naroon ang mga guard. Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay nilingon siya nito nang may ngiti sa mga labi at kinawayan siya, hudyat na pwede na nga silang pumasok at napapayag nito ang mga guard.Nang maisip niya ang ginawa nitong dahilan noong huli silang nagpunta doon ay hindi maiwasan ni Annie na magtanong kay Lucas nang tuluyan na siyang makalapit rito. “Ano na naman ang sinabi mong palusot ngayon?” tanong niya rito.Mabilis naman na ipinilig ni Lucas ang kaniyag ulo at nilingo siya. “Wala ah. Hindi ako nagpalusot at k
Nang ibaba siya ni Lucas ay hingal na hingal ito. Akmang magsasalita na sana siya nang bigla na lamang siyang mapatingala ng wala sa oras dahil napuno ng fireworks ang kalangitan. “Wow…” hindi napigilang mabulalas ni Annie habang pinapunuod ito. “Ang ganda…” dagdag pa niya.Lihim naman napangiti si Lucas at pagkatapos ay hinila ang kamay ni Annie. Sa ilalim ng nagliliwanag na fireworks sa kalangitan ay hinalikan niya ito sa labi. Nappaikit naman si Annie ng mga oras na iyon at ipinulupot ang kanyang kamay sa leeg nito hanggang sa tuluyan na siya nitong bitawan. Ilang sandali pa ay niyakap siya nito mula sa likod at sabay nilang pinanuod ang fireworks.Nang matapos ang fireworks ay bigla na lamang lumakas ang hangin kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Lucas at handa na sanang umuwi nang bigla na lamang hawakan ni Lucas ang kamay niya at tumingin sa relo nito. “Tela lang.” sabi nito sa kaniya.Napakunot naman ang noo ni Annie na nakatingin rito. “Bakit? Gabi na.” sabi niya rito a
Nagising si Annie na may nakayakap sa kaniya. Nang makita niya si Lucas na nasa tabi niya ay agad siyang napangiti. Hindi na rin niya namalayan na tumabi ito sa kaniya dahil sa himbing ng tulog niya kagabi. Nang makita niyang tulog pa rin ito hanggang sa mga oras na iyon ay dahan-dahan siyang bumangon.Bumaba siya sa kama at pagkatapos ay nagpunta sa kusina upang magluto ng pang-almusal nilang dalawa. Bagamat hindi siya masyadong magaling ay magluto ay alam niya namang maghanda ng mga pang umagang ulam.Nang magising naman si Lucas ay amoy na amoy na niya kaagad ang mga niluluto mula sa kusina. Agad siyang nagmulat ng kanyang mga mata at nagmumog sandali bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nang makababa siya ay eksakto namang nakaluto na si Annie ng pang umagahan nila kaya kumain na sila kaagad. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang bigla na lamang dumating si Kian dala ang ilang mga papeles.Pagkatapos nilang kumain ay inihanda na ni Annie ang isusuot niyang mga damit niya nang bigla
Ilang sandaling natigilan si Annie at pagkatapos ay mabilis na umiling. Hindi na bale na lang, hanggang sa mga oras na iyon ay nagsisinungaling pa rin ito sa kaniya. “Ayokong pumunta sa ospital, may mga gamot naman dito sa bahay kaya iinom na lang ako.”“Saan nakalagay? Kukunin ko para sayo.” sabi nito sa kaniya.“Sa pangalawang drawer na nasa sala.” sagot niya rito.“Okay.” sagot nito at pagkatapos ay tumalikod na. Pagkatapos uminom ng gamot ni Annie ay nagpasalamat siya kay Lucas. Nang marinig naman ito ni Lucas ay agad niyang hinawakan ang ulo nito. “Ano ka ba naman, bakit ka nagpapasalamat sa akin e tungkulin ko naman talaga iyon.” sabi nito sa kaniya. Hindi na lamang siya sumagot. “Matulog ka na muna at magluluto ako ng lugaw para sayo.” sabi nito sa kaniya.Humiga naman kaagad si Annie at binalot ng kumot ang sarili. Walang nakakaalam kundi siya lang na sa sandaling tumalikod si Lucas ay napatakip siya sa knaiyang bibig at napaiyak. Sobrang sikip ng dibdib niya. Hindi niya ala