Share

Chapter 124.1

Nang makarating sila doon ay halos papalubog pa lang ang araw kaya medyo maliwanag pa. Sa kalangitan ay lumitaw ang kulay pula na langit na may halong kulay orange at mukhang napaka-perfect na isang tinta ng pinta na kung saan ay talaga namang napakaganda.

Pagkababa niya ng kotse ay agad siyang napatingala at masayang tinitigan ng paglubog ng araw. “Ang ganda…” hindi niya napigiling maibulalas.” sumabay pa ang ihip ng hagin. Napakaganda ng tanawin pero napakabigat ng pakiramdam niya, sobrang bigat.

At pagkatapos ay napatitig sa mga stall na naroon kung saan nagsimula ang lahat. Dahil rito ay napasabi niya na siguro ay ito nga talaga ang pinaka-perpektong lugar para matapos na rin ang lahat.

“Lucas bumalik ka ba rito pagkatapos ng graduation?” biglang tanong niya rito.

Mabilis naman na umiling si Lucas na nakatayo sa tabi niya at nakasandal sa kotse katulad niya. “Wala akong oras para bumalik pa rito pagkatapos ng graduation, maliban na lang noong niyaya mo ako rito.” mabilis na s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status