“Sabi ko na e, sayang hindi ?” tanong niya rito at mapait na ngumiti rito. “Pero kasi ay ayaw niya daw na marinig, dalawang beses ko ng sinubukan na sabihin sa kaniya pero wala…” malungkot na sabi niya rito. Hindi niya napigilan na hindi mag-init ang sulok ng kanyang mga mata kaya mabili niya itong inabot at pinunasan bago siya nagpatuloy. “Alam mo na mahina ang mga babae, dalawang beses niya akong tinaggihan kahit na gaano ko pa siya kamahal ay nawalan ako ng lakas na loob na sabihin sa kaniya ulit…” dagdag pa niyang sabi rito.“At…” napakagat-labi siya. Hindi niya ako mahal, hindi na niya nakaya pang sabihin iyon kay Greg at naging tahimik na lamang. Parang halos ayaw na niyang magsalita ng mga oras na iyon.Hindi na rin naman nagsalita pa si Greg at tahimik na pinaandar ang kotse hanggang sa makarating na sila sa tapat ng ospital. Bago pa man siya makababa ay agad na nag-ring ang cellphone ni Greg kung saan ay dali-dali naman nitong sinagot iyon. Hindi siya nakababa kaagad dahil s
Asawa? Natulala sandali si Lucas nang marinig ang sinabi nito. Kung hindi siya nagkakamali ay ibig lang sabihin nito ay hindi sinabi ni Annie sa kaniya na hiwalay na sila. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Akala pa naman niya ay alam na nito kaya lapit na ito ng lapit kay Annie.“Kung ganun ay ayoko na makita na ang isang lalaki ay lumalapit pa sa asawa ko kapag hindi ako nakatingin.” malamig na sabi niya rito lalo na nang maalala niya ang nakita niya kahapon at kani-kanina lang na niyakap pa talaga nito si Annie.“Lalayo ako kay Annie, pero…” napatitig si Greg kay Lucas. “Gagawin ko iyon hindi dahil sa mga pagbabanta mo at lalong-lalo na hindi dahil natatakot ako sayo kundi dahil alam kong iyon ang pinakamabuti kong gawin.” sabi niya rito. “Lucas kung talagang mahal mo si Annie ay pwede bang alagaan mo siya at protektahan ng buo mong makakaya at kung, kung hindi mo naman siya mahal ay pakawalan mo na lang siya para hindi masira ang buha
Nang sumara ang pinto ay bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha. Sa kabila ng kalasingan niya ay mas nangibabaw sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya. Sobrang sakit ng puso niya na tila ba may pumipiga. Pinilit niyang pumunta sa banyo para mahimasmasan siya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa banyo at binuksan ang shower at itinapat niya ang kanyang ulo.Noong una ay malamig ang buga ng tubig hanggang sa unti-unti nang uminit ang tubig. Napapikit siya ng mariin nang tumulo sa katawan niya ang mainit na tubig. Ramdam na ramdam pa rin niya ng mga oras na iyon ang sakit ng dibdib niya. Sobrang sakit, sobra. …Nang mawala si Annie sa paningin ni Lucas ay kaagad niyang tinawagan si Kian, alam niyang napakarami nitong nainom at nag-aalala siya. Paglabas niya ay wala na ito doon kaya wala siyang ibang maisip kundi ang pumunta na lamang sa apartment nito dahil baka nakauwi na ito. Pagdating niya doon ay agad siyang bumaba ng kotse at nagmartsa patungo sa pinto ng tinutuluyan ni A
Ibinaba ni Annie ang kanyang ulo at binuksan ang kanyang mga mata, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula doon kung saan ay patuloy na pinupunasan naman nito.“Huwag ka ng umiyak.” sabi niya rito.“Hindi ako umiiyak.” mabili naman na tanggi nito pero kitang-kita niya na umiiyak talaga ito lalo na at halos mamaga na ang mga mata nito dahil kanina pa ito umiiyak. Habang nakikita niya itong umiiyak ay parang pinipiga ang kanyang puso kaya iniunat niya ang kanyang kamay at yayakapin sana ito nang bigla na lamang itong umiwas sa kaniya. Kaya ang kanyang mga labi ay dumampi sa mga pisngi nito. Dahil sa pag-iwas ni Annie ay inilayo niya ng kaunti ang kaniyng bibig mula sa muha nito at hinalikan ang mga luhang naglalaglag mula sa mga mata nito.Dahil naman sa ginawa ni Lucas ay mas lalo lamang napaiyak si Annie lalo na at ang nasa isip niya ay baka nananaginip lamang siya kaya napaka-banayad nito sa kaniya samantalang kanina ay parang hindi siya nito kilala.“Lucas…” mahinang ungol ni Annie
Nang bitawan ni Lucas ang kanyang mga labi ay bigla na lamang namula ang mukha ni Annie lalo pa at nag-umpisa nang gumapang ang init sa buong katawan niya. Lalo pa at nang mga oras na iyon ay naroon pa rin ang epekto ng alak sa katawan niya. Agad na hinalikan nito ang kanyang mukha at pinupog ng halik. At masasabi niya sa sarili niya na nagugustuhan niya ang ginagawa nito. Napakasaya niya ng mga oras na iyon.“Annie… gusto kong… gusto kong… angkinin ka ngayon…” namamaos ang tinig na bulog sa kaniya ni Lucas habang pinapaliguan siya ng halik sa kanyang mukha. Sa totoo lang ay kakatapat lang nilang dalawa ng kani-kanilang nararamdaman sa isat-isa kani-kanina lang at parang napakadali naman yata ng lahat? Kailangan ba nilang madaliin?Nang hindi sumagot si Annie ay medyo naunawaan ni Lucas at mabilis na nagsalita. “Kung ayaw mo ay huwag kang mahiyang tumanggi. Patigilin mo ako at nasisiguro ko sayo na titigil ako…” bulong niya rito.“Hindi ka ba magagalit?” maingat na tanong ni Annie ri
“Tapos na akong maligo. Gusto mo bang maligo na ri—” bago pa man nito matapos ang sinasabi nito ay nakatayo na siya at nakalapit rito at walang pasabing hinalikan ito. Kung kanina ay puno ng pag-iingat ang kanyang halik, ngayon ay iba na at mas mapusok na. Para siyang uhaw na uhaw at tila ba siyang isang mabangis na leon ng mga oras na iyon.Samantala, wala namang maatrasan si Annie kaya ang ginawa niya ay tumingkayad na lamang upang salubungin ang halik nito. Hindi nagatagal ay gumalaw ang mga kamay ni Lucas at yumakap sa kaniya lalo na at wala itong narinig na pagtutol mula sa kaniya. Ilang sandali pa ay binuhat siya nito at inihiga sa kama.Napapikit ng mariin si Lucas at hirap na hirap na niyakap si Annie at mahinang bumulong. Pinilit niyang kinontrol ang kanyang sarili. Lumayo siya ng kaunti kay Annie. “Hindi sapat sa akin ang halik lang…” hirap na hirap na bulong niya rito.Mabilis naman sumagot sa kaniya si Annie. “Maraming pagkakataon sa hinaharap…” sabi nito kaya wala na lama
Habang yakap-yakap niya ito ay mabilis siyang humilig sa dibdib nito at pinakinggan ang paghinga nito at kaagad niyang naamoy ang pamilyar na amoy ng katawan ni Lucas at doon pa lang naniwala si Annie na totoo ang lahat ng nasa harapan niya at hindi lamang basta panaginip. Hindi panaginip ang lahat ng nangayri kagabi sa pagitan nilang dalawa. Dahil rito ay bigla na lamang nag-umapaw ang sayang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay bigla na lamang nagkakulay ang napaka-lungkot niyang mundo.“Saan ka nagpunta? Akala ko ay iniwan mo na ako…” sabi niya rito ng nakanguso at pagkatapos ay tumingala rito.Hindi naman maiwasan ni Lucas ang hindi mapangiti dahil sa reaksiyon nito ng wala sa oras at pagkatapos ay mabilis na kinurot ang pisngi nito ngunit sa halip na bitawan siya nito ay mas lalo pa siya nitong niyakap ng mas mahigpit pa. As if natatakot ito na baka umalis siya.“Ano ka ba syempre iniisip ko na baka kapag nagising ka ay gutom ka. Kaya bumili na ako ng makakai
Napalingon siya sa pinto ng banyo nang marinig niya ang tunog ng lagaslas ng tubig na nagmumula roon at alam niyang si Lucas ay naliligo. Tumayo si Annie mula sa kama habang hawak- hawak niya ang kumot at bahagyang namula pa ang kaniyang mukha ng maalala niya ang mga nangyari kagabi sa pagitan nila ng kaniyang asawa. Bagamat dalawang taon na silang kasal ay hindi pa rin niya maiwasan ang hindi makaramdam ng hiya tuwing nagniniig sila. Napatayo siya ng tuwid at binitawan ang kumot na hawak niya nang bigla na lamang tumigil ang tunog ng gripo sa banyo. Ilang sandali pa nga ay mabilis na lumabas mula sa banyo si Lucas na nakatapis lamang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi niya maiwasan ang hindi pamulahan ng mukha nang mapatitig sa hubad na katawan nito lalong- lalo na sa mga abs nito. Iniiwas niya ang kaniyang tingin mula rito. Nang makita siya nito na nakatayo sa tabi ng kama ay biglang napatanong ito sa kaniya. “May kailangan ka ba?” tanong nito sa kaniya habang nagp