Share

Chapter 124.4

Agad na nanlamig ang katawan ni Lucas nang marinig niya ang sinabi ni Annie at pagkatapos ay napakuyo ang mga kamay. Napatigil din siya sa kanyang pagkalalakad. Sa puntong iyon ay doon na siya naabutan ni Annie. Nilingon niya ito na malamig ang mga mata. “Hindi. Hindi ko gustong malaman.” mabilis na sabi niya rito. Ayaw niyang marinig kung sino ang lalaking iyon.

Nang marinig naman niya ang pagtanggi ni Lucas ay agad na namutla si Annie. Kung kailan nagkaroon na siya ng lakas ng loob na sabihin rito kung sino ang lalaking mahal niya ay ito naman ang tumnggi.

“Ayaw mo ba talagang malaman?” kagat-labi niyang tanong rito. “Lucas, paano kung sabihin ko sayo na—”

Bago pa man matapos ni Annie ang sasabihin nito ay mabilis siyang gumalaw ang tinakpan ang bibig nito. “Sinabi ko ng ayaw kong marinig.” malamig na sabi niya rito. “Ayokong malaman kung sino ang lalaking mahal mo Annie.” may himig na galit ang kanyang tinig. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya tuluyang binitawan ang mga lab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status