Share

Chapter 124.3

Pagkatayo niya doon at tumanaw sa malawak na open space ay para bang umalon ang mga alaala ng mga nakaraan sa kanyang isipan. Katulad ng mga nasa pelikula, bawat eksena, bawat minuto at segundo ay malinaw niyang naaalala ang lahat. Bigla tuloy niyang naramdaman na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Napakabilis ng paglipas ng panahon at sampung taon na nga kaagad ang lumipas. Sampung taon na niyang kilala si Lucas at hindi lang basta kilala kundi sampung taon na niya itong minamahal.

Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang niyang naramdaman ang pagdulas ng isang patak ng luha sa kanyang mga mata ng hindi niya namamalayan, tahimik niyang itinaas ang kanyang kamay upang punasan ito.

SAmantala, kahit na ganun kabilis nitong pinunasan ang luha nito ay nakita pa rin ito ni Lucas. Sa mga sandaling iyon ay patuloy na kumikirot ang kanyang puso. Sobrang nahihirapan siya na nakikita niya itong ganito. Bigla niyang naalala ang sinabi niya kanina na mukhang may soft spot siya rito at do
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status