Share

Kabanata 008: Name Their Child

Napatitig si Liliana sa mga mata ni Dwayne, habang ang puso niya ay tila gusto ng lumabas sa sobrang lakas ng kabog nito.

“B–Bakit mo pa titingnan?” bakas sa boses niya ang panginginig. “Wala namang kinalaman ‘to sa ‘yo.”

Makikita ang seryoso at pagkunot ng noo ni Dwayne dahil sa naging reaction ni Liliana.

“Wala nga ba?” naniningkit na tanong ni Dwayne. “Pero kahit na wala ay may karapatan pa rin akong malaman lalo kung ang resulta ng labtest na ‘yan ay sa ‘yo. Mag-asawa pa rin tayo, at the same time ay ayokong mangamba na baka una ka pang mawala kaysa matapos ang 30 days off cooling period ng divorce natin.”

Napangisi si Liliana. “Don't worry, huwag mong isipin ang tungkol sa kondisyon ng kalusugan ko. Hindi pa ako mamamatay.”

Hindi mapigilan ni Liliana ang pagsagot kay Dwayne dahil sa inis na nararamdaman niya. Pero hindi pa rin talaga papatinag at papapigil si Dwayne.

“Let me see—”

Mabilis nitong kinuha ang papel sa kaniyang kamay, dahilan kay napunit ‘yon.

“Dwayne! Anong ginawa m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status