Share

AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK
AFTER THE DIVORCE: MY EX-HUSBAND WANTS ME BACK
Author: febbyflame

Kabanata 001: Surprise Divorce!

“May supresa ako sa ‘yo, Dwayne!” nakangiting sambit ni Liliana nang sumalubong siya kay Dwayne pagdating nito sa bahay nila.

Mula sa kusina ay kinuha niya ang niluto niyang paboritong ulam nito. It was, kare-kare at nagpaturo pa siya kay Lola Madel, para lutuin ‘yon.

“Ako rin, I have a surprise for you.” walang buhay na tugon ni Dwayne.

Dali-daling inilagay ni Liliana sa lamesa ang mangkok na dala niya.

“T–Talaga? May surpresa ka rin sa ‘kin? Kung gano’n naalala mo ang wedding anniversary natin?”

Bigla ay napakunot ng noo si Dwayne.

“Ah– So, wedding anniversary pala natin ngayon?” balik tanong nito na ikinalito niya.

“O–Oo, hindi… hindi mo na naman ba naalala?” nanlalata akong biglan “E–Eh, bakit ang sabi mo may supresa ka?” naguguluhan kong tanong.

Tumango si Dwayne. “Mayroon nga, at sakto pala itong supresa ko.” may kinuha si Dwayne na envelope, at inabot nito ‘yon sa kaniya. “Here’s my gift. Happy anniversary, sana masaya ka ngayong araw na ‘to.” wala buhay nitong pagbati sa kaniya.

Hindi maintindihan ni Liliana kung masaya ba si Dwayne, o galit. Ngunit kahit gano’n pa man ay mas pinili niyang tanggapin ang envelope at saka ‘yon binuksan.

“D–Divorce settlement a–agreement?” pagkabasa niya.

Naramdaman niya kaagad ang panginginig ng kamay niya habang hawak ang papel.

“Surprise! Let’s get divorce! Gusto ko ng makipaghiwalay sa ‘yo!” nakangiti ngunit bakas ang malamig sa boses ni Dwayne.

“P–Pero bakit? A–Anong dahilan? May nagawa ba akong mali?” sunod-sunod niyang tanong, at tila ang kaniyang luha ay nagbabadya ng bumagsak.

“Mali? Bulag ka ba para hindi makita na itong apat na taon na mag-asawa tayo ay isa ng malaking pagkakamali! Sa ating dalawa, pangalan lang ang pagiging mag-asawa natin, walang pagmamahalan. Ngayon, tapos na ang apat na taon, at oras na para tapusin natin ‘to.” malamig ang boses ni Dwayne, habang umaatras sa pagitan nilang dalawa.

Napakagat si Liliana sa ibabang labi. Alam niyang darating ang araw na maghihiwalay sila ni Dwayne, but she didn’t expect it to happen on the day of their 4th year wedding anniversary.

Paano nga ba sila naging mag-asawa?

Four years ago, nalugi ang wine company nila Liliana. Isinugal ng ama niya sa Casino ang natitira nilang pera, at sa huli ay lalo lamang silang nalugmok sa utang. Hindi iyon kinaya ng kaniyang ina at nagbigti ito, kasunod nito ang pagpapakamatay din ng kaniyang ama.

She left alone, kasama ang utang ng mga magulang niya.

Akala niya ay mag-isa na lamang siya, ngunit mula sa probinsya ay umuwi ang kaniyang Lolo Herman, at ipinakilala siya sa pamilyang Silverio. Ipinagkatiwala siya nito kay Lolo Derek na isang malapit na kaibigan mula sa negosyo bago ito pumanaw.

And the marriage happened suddenly.

At first it was just a plain marriage, hindi naman niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya kay Dwayne.

Sinong hindi? Guwapo, matangkad, moreno, at matipuno ang pangangatawan nito. Kahit sinong babae ay tiyak na mahuhumaling kay Dwayne.

Ang mali niya lang ay umasa siya– umasa siyang mamahalin din siya nito pabalik, dahil naging mabuti naman siyang asawa.

But in exchange she received a divorce paper!

“Don’t worry, I will give you, 500 million, kasama na ang mansion at resort sa Maldives na natanggap nating regalo noong ikinasal tayo. Don’t think twice, pirmahan mo na lang ‘agad.” kung magsalita ito ay para bang nag-uutos lang sa tauhan.

Inabot ni Dwayne kay Liliana ang isang buntong dokumento nang walang emosyon. Tinignan naman ni Liliana ang kasunduan at ang mga numero.

4 years for 500 million? Tila may pasobra pa. Hindi talaga makakailang mayaman ang pamilyang Silverio.

“K–Kailangan ba talaga nating maghiwalay? K–Kailangan ba ngayong araw din na ‘to?” tanong niya habang pinipigilang tumulo ang luha.

Ibinaba niya ang papel at tumitig sa mga mata ni Dwayne, at kita niya ang kakaibang emosyon nito, seryoso ngunit tila may itinatagong emosyon.

“Yes, kailangan na nating maghiwalay. And it should be right now.” walang alinlangan sa malamig na tono ni Dwayne.

Bahagyang kumirot ang puso niya, ngunit hindi siya nagpakita ng kahit anong sign ng kahinaan.

Talagang hanggang dito na lang yata talaga sila.

“S–Sige, pumapayag na ako...”

Kumuha siya ng ballpen at mabilis na isinulat ang kaniyang pangalan sa kasunduan, saka ‘yon pinirmahan.

Bahagyang nagulat si Dwayne. Nakilala niya kasi si Liliana na mahina ang loob. Madaling bumagsak ang luha, at mahina ang emosyon, but right now in front of him is like other women– she looks brave and cool.

And he felt irritated, dahil tila ba wala ng pakielam ang asawa niya.

“I will inform you ng oras bukas para ma-aprobahan ang documents na ‘to. Kung maaari, mabuti pang umalis ka na ngayong gabi.” malamig na sambit ni Dwayne.

Hindi na pinansin pa ni Dwayne ang nararamdaman niyang kakaiba at pagkairita. At tumalikod na lamang at umalis palabas ng Village.

Kasunod nito ang sunod-sunod na pagdating ng photos sa kaniyang email– It was Dwayne and a woman.

They are both naked… in bed doing an intimate scene…

Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ni Liliana.

Kinagabihan, lalo pang lumala ang pagtrato ng mga kasambahay, na dati nang hindi maganda ang pakikitungo kay Liliana, nang malaman nilang pinapirma na siya sa divorce paper.

Tinapon ng mga ito ang gamit niya sa labas ng mansion.

“Sa wakas ay tapos na rin ang pagiging linta mo sa pamilyang Silverio! Nararapat lang na paalisin ka na ngayon din!” sigaw ni Yaya Marites sa kaniya.

Hindi sumagot o nagsalita man lang si Liliana, at sa halip ay pinulot na lamang niya ang mga damit niyang nagkalat sa malamig na semento.

At that time, biglang may kotseng pumarada sa kaniyang harapan at bumaba doon ang isang sopistikadang babae.

“Oh, Miss Jasmin! Nandito ka na pala!” biglang lumapit ang katulong na si Marites at kaagad na inalalayan ang kadarating lamang na babae.

Taas noong tumingin ang babae sa mga katulong.

“Be careful holding my things, dahil mamahalin ang mga ‘yan, hindi niyo kayang bayaran kahit buhay niyo pa ang kapalit.”

Ngayon ay napagtanto ni Liliana kung bakit siya gustong paalisin kaagad ni Dwayne ngayong gabi. Because there’s someone who will come– his mistress.

Natawa siya sa kaniyang isip. Dwayne is a cheater! At nasasaktan siya para sa ganitong klaseng lalaki?

He doesn’t deserve me.

Lumapit si Jasmin kay Liliana na may mataas na tingin. “Are you Liliana? Bakit hindi ka pa umaalis?” mapangmataas nitong tanong. “Dwayne threw you away, but still there you are at nagkakalat ng baho mo!”

Walang pakialam si Liliana sa sinasabi nito at patuloy na pinulot ang kaniyang mga gamit na nagkalat sa sahig.

“Are you deaf? Hindi mo ba ako naririnig?”

“Pasensya na hindi kita naririnig.” Sa wakas itinaas ni Liliana ang kaniyang ulo, ngunit kalmado ang mukha. “Pero may naaamoy ako, isang nabubulok at mabahong basura– basurang desperada.”

“What?! Ang kapal naman ng mukha mo para tawagin akong basura!”

“Hindi ko sinabing ikaw, wala rin akong binanggit na pangalan, pero kusa mong inako.” pagkatapos ay pinulot niya ang maleta. “Excuse me, aalis na ako. Mahirap na kasing magkasakit kung patuloy kong maaamoy ang hindi magandang amoy.”

“You bitch!”

Susugurin na sana siya ni Jasmin, pero kaagad itong pinigilan ng mga kasambahay.

“Miss Jasmin, hayaan mo na ang lintang ‘yon! Hindi siya karapatdapat na dapuan ng malinis at makinis mong palad!” saad ni Marites.

“You’re right.”

Kumalma si Jasmin, ngunit may nananatiling tanong sa kaniyang isip. ‘Ang akala niya ay sobrang api si Liliana? Bakit tila matapang ito at palaban?’

“Ikaw namana talaga ang reyna ng mansion na ‘to, Miss Jasmin, kaya hayaan mo na ang walang silbing si Liliana!”

“Reyna… Queen of Silverio’s Mansion. Oh, yes! I like that! Dalhin niyo na ako sa kuwarto ko dahil gusto ko ng magpahinga.”

“Tamang-tama dahil malinis at mabango na ang kuwartong ipinahanda ni Sir Dwayne para sa inyo. Tara na po sa loob.”

Nakangiting pumasok si Jasmin sa loob ng mansion. Habang si Liliana ay nanatili sa tapat ng malaking gate, at nakatitig doon.

Four years… gano’ng katagal siya tumira sa mansion na ‘to, pero natapos ng gano’n na lang.

Maybe her life is not that important. Though this is not the end, dahil maluwag naman sa loob niya ang pag-alis dito at maging malaya muli– malaya na siyang gawin muli ang gusto niya.

Kinuha ni Liliana ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numero ng taong matagal na niyang hindi nakikita.

“Zico, it’s me, Liliana. Puwede mo ba akong sunduin?”

“Oh, thank God! That asshole finally let you go.” sambit sa kabilang linya.

Ang nasa kabilang linya ay si Zico Viera, isa sa mga bilyonaryong kaibigan niya.

“Are you okay? Your divorce thing is all over the news. Akala ko nga ay fake news.”

“Okay lang ako, Zico. Kailangan ko lang ngayon ng matutuluyan.”

I heard him chuckle. “Fvck, kung matutuluyan lang marami ka niyan. Kung alam lang nila kung sino ka–”

“Zico, stop. Ayokong pag-usapan ngayon ‘yan.”

“Ooops, I’m sorry, Lil.”

“It’s okay, and one thing, may gusto sana akong malaman na impormasyon. Can you help me?”

“Of course! Wait for me there. I’m on my way.”

Binaba ni Liliana ang cellphone matapos makipag-usap kay Zico.

Kasabay nito, dumating ang isang text message, at galing ito kay Dwayne!

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

“Tomorrow, 9 in the morning, at the Civil Affairs Bureau.” halatang walang emosyon ang text nito na parang sobra na kung nadagdagan pa ng isang letra.

Mapait siyang napangiti at unti-unting kumalma ang puso niya.

Hindi na dapat siyang umasa, dahil si Dwayne– ang lalaking minahal niya ay isang manloloko at walang puso.

“Okay, pupunta ako.” walang emosyon niya ring reply.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
mahal ka na ni Dwayne indenial lang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status