Share

Kabanata 006: Dwayne’s Promise

Kung mababalik ang oras, isusugal ko ang lahat para bumalik sa gabing iyon tatlong buwan na ang nakalipas. When we are in Cebu, para sa isang bakasyon na puno ng saya, ay naging dahilan sa isang madilim na kaganapan na nagpabago sa aming lahat.

Naglalakad kami ni Kuya Duncan sa dalampasigan habang pinag-uusapan namin ang mga pangarap at plano namin sa darating na bagong taon. Ang mga plano namin ay puno ng pag-asa— mga pangarap na tila malapit na naming makamit. Pero lahat iyon ay naglaho sa isang iglap.

Bigla, isang putok ng baril ang sumalubong sa amin. Ang ingay ay umlingaw-ngaw sa paligid, dahilan nang biglang takbuhan nang mga tao. Nakaramdam ako ng takot noong mga oras na ‘yon. Akala ko ay katapusan ko na dahil ang pulang ilaw ng baril ay diretsong nakatutok sa akin, ngunit wala akong naramdaman sa katawan ko.

Doon ko lang napagtanto na sa sandaling ‘yon ay si Kuya Duncan ang sumalo ng balang para sa akin.

I saw his eyes that full of fears, at pagsisisi, habang dahan-dahan itong bumagsak. Kaagad ko siyang sinalo, kasabay nito ang pagsuka niya ng dugo. Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ko siya.

“K–Kuya… K-Kuya Duncan!” may nginig sa boses kong pagtawag sa kaniya.

“D-Dwyane,” bulong niya, ang kanyang tinig ay halos wala nang lakas, kasabay nito ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. “M–May hihilingin ako sa ‘yo… bago ako mawala…”

“N–No! H–Hindi ka mawawala! Hihingi tayo ng tulong!” tumingin ako sa paligid ko. “Tulong! Tulungan niyo kami!” malakas kong sigaw ngunit wala ni isa ang lumalapit, dahil din siguro sa takot sila.

“R–Ramdam ko na, Dwayne…” at muli ay umubo si Kuya Duncan na may kasamang dugo.

“H–Hindi… Hindi puwede!”

“P–Pakinggan mo na lang ako…”

Tumango ako bilang pagtugon ko, habang ang luha sa mga mata ko ay hindi ko na mapigilan pa sa pagtulo nito.

“I have a girlfriend… Her name is Jasmin, p–pakakasalan mo si Jasmin… she's currently pregnant… live for me, at ibibigay mo kay Jasmin at sa anak k9 ang isang buo at masayang pamilya… I–Ipangako mo sa akin, Dwayne…”

“S–Sige, Kuya Duncan… Ipinapangako ko…”

Ang mga salitang iyon ay sumisiksik sa aking isipan, isang pangako na hindi ko kayang tuparin. Mula sa mga daliri kong nababalot ng kaniyang dugo, naramdaman kong tila unti-unti ng nawawalan ng malay si Kuya Duncan.

Hanggang sa tuluyan niyang ipikit ang kaniyang mga mata, at wala ng senyales na siya ay buhay pa.

“Kuya! Kuya Duncan!” malakas kong sigaw at pagtawag sa kaniya habang niyuyugyog ang balikat niya.

Kung mababalik ang oras, tiyak na itutulak ko siya palayo sa panganib at ako na lang ang tatanggap ng balang para sa akin naman talaga.

Napabalik ang isipan ko sa kasalukuyan.

“D–Dahil sa akin at sa anak ko, galit ngayon ang Daddy mo sa ‘yo.” pagpapatuloy ni Jasmin, ang kaniyang boses ay nanginginig. “Nasaktan mo rin si Liliana… Nakokonsensya na ako… Tapusin na lang natin ‘ro, Dwayne.”

“It can't be! Gaya ng sabi ko ay may pangako ako kay Kuya Duncan! At kahit hindi ko anak ang dinadala mo, laman at dugo pa rin siya ng isang Silverio.” sagot ko, subalit ang mga salita ay tila walang kabuluhan. “Mahirap ang mag-isa– ang maging single mom, at hindi ko hahayaan na mahirapan ka, dahil natitiyak kong kung buhay si Kuya Duncan ay hindi ka rin niya pababayaan.”

Sa lahat ng sinabi ko ay patuloy pa rin na umiyak si Jasmin. Ang kaniyang luha ay nagdudulot sa akin ng higit pang pagkabahala. Alam kong nais niyang maantig ako, pero sa mga sandaling iyon, wala akong magagawa kundi ang manatiling malamig at lumayo.

“At isa pa ay hindi alam ni Daddy ang buong kwento.” paliwanag ko. “Kaya huwag mong dibdibin ang kaniyang mga sinabi kahit pa masakit ‘yon sa parte mo.”

“And what about Liliana? She’s in pain for sure…”

Natahimik ako ngunit kaagad din na nakabawi. “Tungkol kay Lilian… kasal lang kami sa papel. Wala akong nararamdaman para sa kaniya.” malamig kong sinabi, “Apat na taon na kaming kasal, pero hindi man lang kami nagkaroon ng relasyon. Kahit wala ka, hihiwalayan ko pa rin siya.”

“Eh, si Liliana? Siguradong mahal ka niya, hindi ba?” nagtanong si Jasmin, ang kaniyang boses ay naglalaman ng pagnanasa habang nakatingin siya sa akin na parang ako ang sagot sa kaniyang mga panalangin.

Ngunit sa likod ng mga ngiting iyon, alam kong isang manipuladora siya. Hindi ko alam kung ano ang tunay na intensyon niya, ngunit nararamdaman kong may mas malalim na dahilan ang kaniyang mga tanong.

“Hindi rin niya ako mahal,” dagdag ko, nagiging mas tiyak sa aking posisyon. “Kung hindi, dahil kung mahal niya ako, sana una pa lang ay tumanggi na siyang maghiwalay kami.”

Lihim na napangiti si Jasmin. “Sa wakas, nakaramdam ako ng kapayapaan habang sinasabi niya ang mga bagay na ito. Mukhang totoo ang mga bali-balita– walang pagmamahalan ang mag-asawang ito, at tila sila'y galit sa isa’t-isa. Ang diborsyo ay usapin na lamang ng panahon.” sambit ni Jasmin sa kaniyang isipan.

“She has no taste, Dwayne. Ang gwapo mo na, ang husay mo pa, pero hindi ka niya mahal? Mabuti na lang pala at narito ako ngayon sa tabi mo– ako n ngayon ang mag-aalaga sa ‘yo.” ngumiti siya sa akin, na para bang ang mga salita niya ay nakakapagpawala sa alalahanin ko.

“No need to take care of me. Mas alagaan mo ang sarili mo pati na ang baby sa sinapupunan mo.” umiwas ako sa kaniya at kinuha ang cellphone ko sa lamesa. “I have to go home now, dahil gumagabi na rin.”

Nang marinig iyon ni Jasmin ay nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

“Ha? Eh, saan ka naman pupunta? Dito ang bahay mo ‘di ba?”

“Yeah, but I didn’t sleep here. May condo ako, at doon ako natutulog.” ang sabi ko nang may kalmang tinig.

“A-Ano?

Nabigla si Jasmin. Ang kaniyang mga mata ay nag-uumapaw ng takot, tila nawawalan ng kontrol sa kaniyang mga emosyon.

“Sige na, magpahinga ka na rin.”

Tuluyan na akong umalis at iniwan ko na siya.

Habang si Jasmin naman ay umasa na makakasama niya si Dwayne sa isang bubong! Kung sa condo pala natutulog si Dwayne sa loob ng apat na taon ay talagang kawawa si Liliana!

“Wala talagang mamumuong pag-ibig sa kanila! Kung tutuusin ay para ng byuda si Liliana! Nakakawa pala talaga siya.” sambit ni Jasmin, at mula sa veranda ay sinilip niya ang kotse ni Dwayne na papalayo.

“But I will not allow that… Hindi ko hahayaan na matulad ako kay Liliana. Kailangan kong gumawa ng paraan para kami… kami ni Dwayne ay tuluyang magkatuluyan.” humawak si Jasmin sa kaniyang tyan. “I will make sure na isang masayang pamilya ang bubuoin ko, kahit wala na si Duncan.”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
febbyflame
Thank you so much po sa pagbabasa ng story ni Liliana at Dwayne! ... Sana masamahan niyo po akong hanggang dulo ng istorya! ...
goodnovel comment avatar
Micthiyeos Eos
ang gnda nxt po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status