Share

Kabanata 005: The Last Wish

Tinitigan ni Dwyane ang kanyang ama nang walang emosyon. Ang kaniyang gwapong mukha ay laging tila tahimik at hindi madaling mabasa. Kaya nahihirapan ang kaniyang mga kausap o kaharap na maintindihan kung ano ang emosyon o nararamdaman niya.

“Dwayne, dapat mong itago ito sa iyong Lolo. Mahina na ang kaniyang puso ngayon at malapit na siyang sumailalim sa heart transplant. Hindi niya kaya ang ano mang matinding emosyon. Alam mo namang si Liliana ang paborito niya at itinuring niyang sariling apo. Kung malalaman niyang hiniwalayan mo si Liliana para sa isang kerida, siguradong magagalit siya! At baka ikaw pa ang maging dahilan ng pagkawala niya!”

Tumango si Dwyane. “I understand, Dad . Aayusin ko ang tungkol kay Lolo, titiyakin ko na hindi niya malalaman sa ngayon.” tugon ni Dwayne, dahil ayaw niya rin naman na mapahamak ang kaniyang Lolo.

He didn’t want him to suffer more, lalo pa at matanda na ito.

Si Jasmin naman ay lihim na napapatiim bagang dahil sa sakit magsalita ng Daddy ni Dwayne. Talagang wagas kung sabihin nito ang salitang ‘kerida’! Hindi naman yata tamang term ‘yon para sa kaniya.

She will become soon the Madam of Silverio’s Empire, at dala niya ang susunod na taga-pagmana. Nararapat lang na siya ay galangin ng kahit na sino ‘di ba?

“We will go now. I will trust you about your Lolo. Kung gagawa ka o ang kerida mo ng gulo, ay natitiyak kong parehas ko kayong palalayasin dito sa Villa!” huling banta ni Harold.

Nakaramdam ng takot si Jasmin, hindi maaaring mapatalsik siya rito!

Bago pa naman umalis ang mag-asawa ay kinuha ni Sally ang kamay ni Jasmin.

“Alagaan mo ang apo namin, siya ang magiging kapalit ni Duncan. Huwag mo pababayaan ang sarili mo, dahil ngayon pa lang ay itinutuing ka na naming parte ng pamilya.” nakangiting sambit ni Sally.

Lihim na napangiti si Jasmin, naisip niyang mukang hindi siya mahhirapan dahil mayroon siyang kakampi sa pamilya ng Silverio, at ang mismong great madam pa.

“Opo, Tita Sally. Iingatan ko po ang sarili ko para sa anak namin ni Dwayne.” tugon ni Jasmin.

“Don’t call me, Tita. call me, Mommy, dahil simula ngayon ay ako na ang tatayong ina mo rito sa Villa.”

“S–Sige po, Mommy…” pagpapanggap pa nitong nahihiya.

Samantala, si Harold ay hindi pa rin tanggap si Jamsin. Mananatiling mali sa kaniya ang sitwasyon dahil sa ginawa ni Dwayne. Para sa kaniya ang mali ay hindi maaaring itama ng isa pang pagkakamali. At ang ginawa ng mga ito kay Liliana ay hindi makatarungan.

Kaawa-kaawang babae, hindi man lang nakaranas ng tunay na pagmamahal mula kay Dwayne. Matapos iburo rito sa Villa ng apat na taon, ay itatapon lang na parang basura. Ito ang hindi matanggap ni Harold.

How ruthless his son, Dwayne!

Tuluyan nang umalis ang mag-asawa, at nagkaroon na ng katahimikan sa loob ng mansion. Ngunit, sa buong araw na ‘yon, si Jasmin ay parang nakasakay sa roller coaster, pabago-bago ang kaniyang emosyon.Pero wala siyang pakielam, dahil hindi naman mahalaga sa kaniya ang mag-asawa o kahit pa ang matandang Silverio.

All she care is about Dwayne’s decision. Dahil si Dwyane ang may pinakamataas na awtoridad sa buong pamilyang Silverio, pati na rin sa buong city, ito ang may pinakamaraming kapangyarihan sa mga desisyon.

Nang mga oras na iyon ay nakatayo si Dwyane sa tabi ng bintana sa veranda. Nakatingin sa mga lilies na nakatanim sa kanilang hardin. Halos ngayon niya lang napagmasdan ang mga ito ng gano’n katagal, dahil hindi naman siya palaging narito sa Villa. Ngayon niya lang na-appreciate ang kagandahan ng mga ito.

Liliana… Lilies…

At ngayon lang din niya nalaman na ito pala ang paboritong bulaklak ni Liliana.

“Unending love…” iyon ang ibig sabihin ng bulaklak kung tungkol sa pag-ibig.

Napaisip si Dwayne, ngayon niya lang tila nakikilala ang kaniyang asawa. Talaga yatang napakasama niya. Ultimo simpleng detalye atungkol kay Liliana ay hindi niya alam. Maybe he’s the one who’s fault kaya hindi nag click ang marriage nila?

Ngayon tuloy ay tila nami-miss niya ang kaniyang asawa…

“Dwayne? Where are you?” boses iyon ni Jasmin at nawala siya sa kaniyang pag-iisip.

“I’m here. Bakit ano ang kailangan mo?” pormal niyang tanong kay Jasmin dahil dalawa lang naman sila ngayon.

Lumapit si Jasmin kay Dwyane, at pinunasan ang nito ang pekeng luha sa pisgi.

“Pasensya na, nagdulot kami ng problema sa ‘yo ng anak ko. S–Siguro mas mabuti na umalis na lang kami, ayokong mag-away-away ang pamilya niyo dahil lang sa akin. Itigil na lang natin ang pagpapanggap, Dwayne.”

Walang mababakas na akahit anong emosyon kay Dwayne. Ngayon ba sila aatras? Kung kailan wala na ang asawa niya, at hinarap na niya ang galit ng Daddy niya?

Oo nakakaramdam siya ng lungkot ngayon, pero hindi ‘yon sapat para sa isang pangakong nais niyang tuparin.

“We can’t back out, Jasmin. This is the last wish of my Kuya Duncan. Mahal ko si Kuya, at mahal ka niya. Ito ang huling hiling niya, ang bigyan kita ng buo at masayang pamilya. Ayokong sirain ang pangako ko sa kaniya.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status