Share

Kabanata 007: One Month Pregnant

Makalipas ang isang linggo, simula ang ma-discharge si Liliana mula sa hospital ay gumanda na rin ang pakiramdam niya kahit paano.

Ngayon ay maglilipat na siya ng bagong apartment na tutuluyan niya.

Ngunit, ipinilit ni Zico na ang kaniyang isang-kuwartong apartment ay masyadong pangkaraniwan, kaya't inasikaso nito ang paglilipat sa ibang lugar.

“Huwag kang mag-alala, Lil. Alam kong gusto mo ng simple at pribadong buhay, kaya pinili ko ang isang tahimik na lugar para sa ‘yo.” sabi ni Zico sa cellphone.

“Siguraduhin mo lang, Zico, dahil nakakapagod na ang palipat-lipat ng tinutuluyan.” tugon niya bago ibaba ang tawag.

Ngunit nang dumating siya sa isang 300-square-meter na marangyang apartment na may tanawin ng ilog, hindi siya makapaniwala.

Isang ari-arian na nagkakahalaga ng bilyon— ito ba ang tinatawag niyang low profile at simple? Gusto niyang batukan si Zico sa harapan niya ngayon.

Bago pa man siya tumawag kay Zico upang humiling ng ibang lugar, nakatanggap siya ng isa pang tawag.

“Hello, who’s this?”

“Liliana, ito po ang Diamond Hospital. Lumabas na po ang inyong mga resulta. May ilang mga nakitang pagbabago tungkol sa resulta. Maaari ba kayong pumunta agad sa ospital?”

Napabuntong hininga si Liliana. Ano na naman kaya ang resulta ng labtest result niya? Sana naman ay wala siyang malubhang sakit, dahil iisipin niyang pinaparusahan talaga siya ng Diyos.

Nagtungo siyang kaagad patungo sa hospital, upang malaman kung ano ang resulta na sinasabi ng doktor.

“Liliana, batay sa resulta ng inyong blood test, mataas po ang inyong HCG at progesterone levels. We confirmed na kayo po ay higit sa isang buwan ng buntis.”

“Ano… buntis?!”

“Yes, congratulations po. You're gonna be a mother!” nakangitinf bati sa kaniya ng nurse.

Pagkaalis ng nurse, tila hindi pa rin makapaniwala si Liliana. Tulala siya habang nakatitig sa papel na hawak niya.

Hindi ito puwedeng mangyari, tama ba? Minsan lang naman nangyari sa kanila ‘yon ni Dwayne– halos isang beses lang– tapos buntis na siya? Napakalakas ba ng fertility niya, o napakabilis lang talagang gumalaw ng mga sp3rm ng lalaki?

Bakit tila niloloko siya ng tadhana? Kung kailan sila naghiwalay ni Dwayne ay saka niya pa malalama na buntis siya.

Ngunit walang duda, this is Dwayne’s baby.

Naalala niya ang gabing iyon mahigit isang buwan na ang nakalipas, nang katatapos lang ng Silverio family sa pag-aayos ng mga labi ni Kuya Duncan. Ang buong pamilya Silverio ay nasa ilalim ng matinding kalungkutan.

Sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala sa sarili si Dwayne. Ang kaniyang mataas at malamig na anyo, ay napalitan ng umiiyak na parang bata, umiinom ng alak ng walang tigil.

Naawa siya rito, kaya't nakisama siyang umiyak at uminom ng alak kasama nito.

Pagkatapos, nauwi sila sa kama…

Sa apat na taon ng kanilang kasal, iyon ang pinakamatinding sandali ng kanilang pagiging mag-asawa.

Inakala ni Liliana na pagkatapos ng gabing iyon, maaaring gumanda ang kanilang relasyon.

Ngunit sa halip na gumanda, natapos ito– surprise divorce paper pa ang natanggap niya!

At ngayon, ang hindi inaasahang magdadalang tao siya. Tuluyan ng magugulo ang mga plano niya.

“Talagang malas ang magpakita ng awa sa isang lalaki. Hindi mo malalama ang susunod mangyayari pero palaging agrabyado ang babae.”

Napabuntong hininga siya. Halos gusto nang batukan ni Liliana ang sarili.

Nag-aalangan siya. Sasabihin ba niya kay Dwayne na buntis siya?

Sa huli, ang bata ay kaniya. Kapwa sila may karapatan magdesisyon kung itutuloy o hindi. Maybe, dapat nilang pag-usapan ng sabay, tama?

“Liliana, ang galing naman, nandito ka rin pala sa ospital?”

Isang pamilyar na boses ang bumasag sa kanyang pag-iisip.

Lumingon si Liliana at nakita si Jasmin na hawak ang kanyang baywang, nakangiti nang maligaya.

Nakatayo sa tabi nito ay walang iba kundi ang kanyang magiging ex-husband, si Dwayne.

Gaya ng dati, matangkad, guwapo, at puno ng karisma si Dwayne, kapansin-pansin sa sinumang makakakita.

Bahagyang kumirot ang puso ni Liliana, parang may mga tinik na tumusok sa kanya.

Sobrang bagay nilang tingnan, puno ng pagmamahalan at mainit na samahan.

At sa hindi niya maintindihan, tila lumaki na naman ang tiyan ni Jasmin.

Pakiramdam ni Liliana, hindi siya nararapat sa tagpong iyon, lalo na ang bata sa kanyang sinapupunan.

“Nandito lang ako para magpatingin. Ayokong istorbohin kayong dalawa, kaya mauuna na ako.” sabi niya habang nagpapanggap na nakangiti at kumakaway sa kanila.

Sa huli, hindi niya nagawang magkalakas-loob na sabihin kay Dwayne na buntis siya.

Sa totoo lang, kung sasabihin niya ito, baka masaktan lang siya. Mas mabuti nang ilihim ito at panatilihin ang kaunting dignidad.

Ngunit bago siya makaalis, hinawakan ni Dwayne ang kanyang manipis na pulso.

“You look pale, at tila wala sa ayos ang itsura mo. May nangyari ba?”

Nagkatitigan sila ni Liliana.

Noon, madali siyang mabihag ng mga mata nito na parang mga bituin.

Ngayon, nakakatawa na lang iyon sa kanya.

“Ano man ang itsura ko, wala ka nang pakialam doon, my soon to be ex-husband.”

Sa isang maikling sagot, napatigil si Dwayne at nagdilim ang mukha, halatang naiinis.

Ngunit, sa halip na umatras gaya ng dati, tila kakaiba ngayon si Dwayne at patuloy na nakialam.

“Ikaw mismo ang nagsabi— ‘my soon to be ex-husband,’ hindi pa ako ex-husband.”

Ang matalim na tingin ni Dwayne ay bumagsak sa mga medical report na hawak ni Liliana, at sa kaniyang karaniwang awtoritaryong tono, ay nagtanong ito.

“Ano ang pina-check mo? Patingin nga.”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ann And Angela
nooo, wag mo sabihin Fatima!
goodnovel comment avatar
Micthiyeos Eos
𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐢𝐩𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦 𝐧𝐚 𝐛𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬 𝐤𝐚
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status