Share

Kabanata 002: Mistress is Pregnant?!

”Mukhang ako ang nauna sa aming dalawa...” saad ni Liliana sa kaniyang isip.

Ang usapan nila ay alas nuebe ng umaga, pero si Liliana ay naghihintay na sa pintuan ng Civil Affairs Bureau ng mas maaga.

Not only did she arrive early, she also had colorful makeup and was wearing her favorite rose-red dress. Pati na ang kaniyang mahabang buhok, na karaniwang naka-lugay, ay nakatali na ngayon nang mataas, kaya't litaw ang kaniyang mahabang maputing leeg.

Gusto niyang makapag-ayos gaya ng dati, at ayaw niyang ipakita na nasasaktan siya! Gusto niya ay magmukha siyang masaya at matapang, kahit na ang totoo ay masama ang pakiramdaman niya.

Halos sampung minuto na lamang bago mag alas nuebe nang dumating si Dwayne, sakay ng isang magarang kotse, na may seryosong ekspresyon ng mukha.

When Liliana saw him, ay kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya, ngunit may halong lungkot at pagkadismaya, dahil tuloy na talaga ang paghihiwalay nilang dalawa.

There’s no turning back!

Walang ekspresyon si Dwayne nang lumapit kay Liliana. “You look so happy, huh?” sambit nito, at mabilis na nagtungo sa counter ng registration para sa diborsyo ng may malalaking hakbang na tila madaling-madali at may lakad.

“Siya nga ‘tong mukhang masaya, eh!” saad ni Liliana sa kaniyang isipan.

Hindi mapigilan ni Liliana na mapatitig sa piguran ni Dwayne. Gusto niyang kabisaduhin ang buo nitong anyo, dahil hindi niya alam kung kailan sila muling magkikita matapos nito.

Napakabilis ng proseso ng registration, kasama ang pagpirma, fingerprint, at stamping. Halos tumagal lamang ito ng sampung minuto.

“Ayon sa mga bagong regulasyon, mayroon na ngayong isang buwang cooling-off period para sa diborsyo. Sa loob ng tatlumpung araw mula sa rehistrasyon ngayon, kung sino man sa inyo ang hindi nais magdiborsyo, maaari kayong pumunta at i-cancel ito nang unilaterally kasama ang mga kinakailangang dokumento.”

Matapos magsalita ang staff, iniabot nito ang dalawang kopya ng divorce application form sa kanilang dalawa.

Nagtataka nga ang staff, dahil araw-araw silang tumatanggap ng mga dokumento ng aplikasyon para sa diborsyo, mayroong umiiyak, mayroong nagwawala, at mayroong nag-aaway sa mismong lugar. Pero ngayon lang sila nakatagpo ng dalawang tao na napaka-kalmado.

Bukod pa rito, ang dalawang ito, ang lalaki ay matangkad at gwapo, at ang babae ay payat at maganda. Parang bagay na bagay sila sa isa't-isa, paano nauwi sa divorce ang dalawa?

Kinuha ni Liliana ang dokumento at tiningnan ang mga kondisyon dito. Nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdaman. Di mawari kung masaya o malungkot siya.

“May cooling-off period para sa diborsyo, pero wala para sa kasal. Kung mayroon sanang cooling-off period para sa kasal…”

Nagdilim ang mukha ni Dwayne at ang kaniyang maninipis na labi ay kumurba ng bahagyang napaawang.

“Then, what if kung may cooling-off period para sa kasal, hindi mo ako papakasalan noon?” naniningkit ang mga mata ni Dwayne habang nakatitig sa kaniya.

“H–Hindi sa gano’n, para lang sana makapag-isip bago magpakasal…” tugon ni Liliana.

Nagdilim lalo ang mukha ni Dwayne, at saka niya niluwagan ang necktie niyang suot.

Noon ay palaging tahimik si Liliana, ngayon ay hindi na mangyayari ‘yon! Malaya na siya!

Maghihiwalay na sana sila nang marinig nila ang isang malambing na boses mula sa kanilang likuran.

“Babe, tapos na ba ang proseso?”

Sabay nilang nilingon ang nagsalita, at doon ay nakita nila si Jasmin.

Nang mga oras na ‘yon ay tila ibang babae ang nasa harapan ni Liliana. Naka-dress ito na puti, maamo ang mukha at tila mabait, hindi tulad ng una nilang pagkikita nang gabi na ‘yon.

Bukod pa doon, ay ngayon niya lang napansin na tila malaki na pala ang umbok ng tyan nito.

“I told you to stay in the car. Bakit ka lumabas? Malamig dito. You should be careful, dahil baka maapano kayo ni baby. Hindi ka pwedeng magkasakit, dahil dinadala mo ang sunod na tagapagmana ng Silverio.” puno ng pag-aalala ang boses ni Dwayne.

“T–Tagapagmana?! B–Buntis ka?” gulat na tanong ni Liliana, na siyang ikinakirot ng puso niya.

Nagkatinginan si Dwayne at Jasmin.

Sa kabilang banda ay napaisip si Liliana. Sa pagkakarinig niya sa mansion kagabi ay ito ay nagbabalik– marahil ito ang ex-fiancè ni Dwayne. Ngunit kasal sila… kasal pa sila.

“Obvious ba? At narinig mo naman ang sinabi ni Dwayne, ‘di ba?” sagot ni Jasmin.

Napangisi si Liliana. “Then, you owe me an explanation, Dwayne.”

“It’s none of your business.”

Tinitigan ni Dwayne si Liliana, ang kaniyang gwapong mukha ay kalmado at walang bakas ng emosyon.

Hindi na napigilan pa ni Liliana ang matawa.

“I thought you were different, pero mukhang katulad ka lang din ng ibang lalaki… Basta’t tawag ng pangangailangan ay kaagad na bumibigay.”

“What are you saying, huh?” Dwayne asks.

Biglang natauhan si Liliana, at nawala na ang natitirang kalungkutan sa kaniyang puso. Hindi lang kabet ang inuwi ni Dwayne sa mansion, kundi buntis pa ito!

“How do you explain this? Ah, it’s called adultery!” nakangiti niyang wika.

Bago pa makasagot si Dwayne, pumagitna si Jasmin sa kanilang dalawa na may luha sa mga mata.

“Miss Liliana, it’s my fault! Kung gusto mo siyang saktan o pagalitan, ako na lang… huwag na si Dwayne…”

Lihim na napangisi si Liliana. Kakaiba rin ang babaeng ito dahil tila nag-aral ng acting skills sa sobrang galing umarte.

“Sigurado ka ba? Walang atrasan, ah!”

Kaagad na itinaas ni Liliana ang kaniyang mga kamay, na para bang sasampalin na niya si Jasmin.

“Ah!” daing kaagad ni Jasmin kahit hindi pa dumapo ang palad ni Liliana sa pisngi nito.

“Wala pa nga, pero kung maka-react ka akala mo’y nasaktan ka ng sobra.” inayos ni Liliana ang kaniyang sarili. “But don’t assume, dahil ayokong madumihan ang palad ko ng isang maduming kabet na katulad mo! At isa pa, hindi ako basta haharang sa inyo kung nagmamahalan talaga kayo, ayokong maging kontrabida sa kuwentong gusto niyong buuin.”

Hindi makapagsalita si Jasmin, at nawala ang pagdrama niyang ‘paawa’ effect.

Looks like the news is legit!

Si Dwayne at Liliana ay kasal lamang dahil sa kontrata at wala silang nararamdaman para sa isa't-isa, dahil walang asawang basta na lang ipapamigay ang asawa niya sa kabet!

“But since it’s adultery, I think kailangan natin muling mag-usap, Dwayne. Kailangan nating gawing pantay ang paghahati sa mga ari-arian.”

Nang marinig ni Jasmin na gusto niyang makipaglaban para sa ari-arian, nagmadali siya at hindi na nagpatuloy sa kaniyang pagpapanggap bilang isang inosente at kawawa.

“Aba, teka lang! Dwayne has given you 500 million, a mansion and a resort in the Maldives! Sapat na iyon para sa ’yo. At isa pa, apat na taon din nilinis ng Silverio ang pangalan ng mga magulang mo! Binayaran nila ang mga utang ng pamilya mo! Huwag kang ganid, Liliana!”

Halos matawa si Liliana sa sobrang detailed ng mga sinabi ni Jasmin.

“I am the first wife. Hindi pa kami lubos na hiwalay ni Dwayne, at ikaw ngayon na nasa harapan ko ay kabet lang. Ang lakas naman ng loob mo na makielam at kuwentahan ako, gayong kayang-kaya ko kayong kasuhan! Puwede kitang ipakulong!”

Parang nasampal si Jasmin, namula’t namutla ang kaniyang mukha.

“Ah– I’m… t–that's not what I mean…”

Walang masyadong ekspresyon si Dwayne. Nakatitig lang siya kay Liliana na ngayon niya lang nakita ang pagiging matapang nito. He's amazed.

“Ituloy mo ang sinasabi mo, I want to know your wants.” sambit ni Dwayne.

Humarap si Liliana sa mapang-udyok na tingin ni Dwayne at diretsahang ipinahayag ang kaniyang mga kahilingan.

“To be honest, Dwayne? I don’t need your money, the mansion, or even the resort ay ayoko. But there’s one thing I want…”

Naningkit ang mga mata ni Dwayne. “What do you want?”

“Hawak mo ang isang organisasyon ng isang samahan. Silverio’s Association of Farmers sa probinsya ng Laguna. Ibigay mo sila sa ‘kin. Ilipat mo sa pangalan ko ang organization.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Dwayne at sinubukang alalahanin.

“Silverio’s Association of Farmers?”

Mayaman at malawak ang sakop ng mga Silverio. Natural na may mga hawak silang Association lalo na kung tungkol sa negosyo. At ang nais makuha ni Lilian ay kakapirangot at mababang uri lamang ng organisasyon.

“Ano ang nasa isip nito at gusto niyang makuha ‘yon? Anong gagawin niya sa mga farmers? Ano kaya ang iniisip nito nang bitawan niya ang 500 milyon sa cash at biglang humiling ng isang organisasyong mababa kung kumita?” tanong ni Dwayne sa kaniyang isipan.

Liliana is different now. This is not her wife.

“That’s only what I want. After 30 days, ay muli tayong magkikita para muling pumirma rito. Kapag nasa akin na iyon nakapangalan ay saka ko pa lamang pipirmahan ang divorce papers natin.”

“Alright, if that’s what you want.” tugon ni Dwayne.

“So, let’s end here, masyado ng maraming oras ang nasasayang.”

Nakangiti siyang nakipagkamay kay Dwayne at tila nakikipag-deal lamang sa isang negosyo. Mabuti at tinanggap iyon ni Dwayne, kaya hindi siya napahiya.

Akala niya ay iiwan niya ang mga ito nang may ngiti sa labi at taas noo, ngunit nanlabo ang kaniyang paningin, at bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at bigat ng ulo.

Nang tumalikod siya, biglang dumilim ang kaniyang paligid at tuluyan siyang bumagsak nang malakas...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status