Share

Kabanata 004: Liliana’s Hidden Identity

Kapwa sumeryoso si Zico at Liliana habang binabasa nito ang mga impormasyon na nakasulat sa papel.

“Siya talaga ang hinahanap ko…” mahinang sambit ni Liliana, ngunit sapat na ‘yon para marinig ni Zico.

“Sino ba kasi ‘yan, at anong kailangan mo sa kaniya?” seryosong tanong ni Zico.

“Siya… siya ang taong matagal ko ng hinahanap, siya ang makakatulong sa akin…”

Napakunot ng noo si Zico. “Makakatulong? Makakatulong ba sa ‘yo ang isang magsasaka? Marami naman tayong tauhan, bakit hindi ka na lang doon mamili? Gusto mo pinakamagaling pang magsasaka ang ibigay ko sa ‘yo.”

Umiling si Liliana. “No, Zico, ayaw ko ng iba, itong taong ‘to ang kailangan ko.”

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Habang si Zico ay lihim na lamang na napangiti, dahil sa wakas mukhang unti-unti ng bumabalik si Liliana– kung gaano ito kabihasa sa lahat ng bagay.

This is a good start!

“Pero sigurado ka na ba na makikipaghiwalay ka na kay Dwayne? May silbi pa rin naman siya kahit pa paano, kaya bakit pumayag ka sa divorce?” pag-iba ng topic ni Zico.

Nakaramdam ng lungkot si Liliana, ngunit kaagad niya itong iwinaksi. Hindi siya magpapakita ng kahinaan kay Zico. At hindi niya rin maamin na minahal na niya si Dwayne– nang higit pa sa sarili niya.

“Oo, sigurado na ako. Wala naman na akong kailangan pang patunayan pa kay Dwayne, tapos na ang apat na taong kasunduan. Hindi na dapat ‘yon patagalin pa.”

Gusto niyang sabihin ang tungkol sa mga litratong natanggap niya– mga litrato kung saan n*******d si Dwayne at ang kabet nito. Ngunit, hindi na niya binaggit pa dahil baka magwala ito sa galit.

“That’s a good decision, Lil. I can’t wait to finally see you back kung nasaan ka dapat.”

“Tama ka, ako rin excited na, dahil nakakasawa at nakakapagod din ang apat na taong isang butihing asawa na sa huli ay itatapon lang na parang basura.”

Napailing si Zico. “Ano kaya ang reaction ni Dwayne kapag nalaman niya kung sino ka talaga?”

Hindi sumagot si Liliana at sa halip, ay napaisip din siya.

** At Silverio’s Village

Napatayo sa kanilang kinauupuan sina Jasmin at Dwayne nang dumating ang mga magulang niya. Magkaiba ang reaction ng dalawa.

Si Sally na kaniyang ina ay kaagad na sinalubonb si Jasmin at hinawakan ang kamay.

“Nagkakilala na rin tayo sa wakas! Napakaganda mong babae, bagay na bagay ka sa anak ko.” tuwang-tuwang sambit nito kay Jasmin. “Totoo bang ipinagbubuntis mo ang anak ni Dwayne?” tanong pa nito.

Tumango si Jasmin. “Opo, tatlong buwan na po akong buntis.”

“Grabe! Napakagandang balita! Sobra akong natutuwa dahil tatlong buwan na rin ang nakalipas simula nang mawala ang panganay kong anak, at ang pagbubuntis mo ay para bang magkatugma! Maybe this is God’s way to make me happy!”

Sa kabilang banda, si Harold na ama ni Dwayne, ay hindi maipinta ang mukha, at sukdulan ang galit kay Dwayne.

“What are you doing, Dwayne?!” galit na sigaw nito.

“Dad—” napahilot si Dwayne sa kaniyang sintido, dahil alam na niyang magagalit ito.

“Hindi pa kayo divorce ni Liliana, pero nakabuntis ka na ng ibang babae! Anong klase kang lalaki?! Baka nakakalimutan mo, kung hindi dahil sa Lolo ni Liliana ay matagal ng wala si Lolo Derek mo! Baka hindi na nakaahon pa ang pamilya natin! Wala kang utang na loob! Apat na taon na ang nakalipas, nangako kami ng Lolo mo kay Lolo Herman na aalagaan namin si Liliana. Pero paano pa namin matutupad ‘yon ngayon?!”

Lalo pang nagalit ang kaniyang ama, at sa hindi inaasahan ay inambahan nito ng suntok si Dwayne, mabilis naman na pumagitna si Jasmin kina Dwayne at sa ama nito.

“Tito Harold, don’t be mad. Kasalanan ko po ang lahat. Hindi ko dapat ipinagbubuntis ang batang ito. Kung nahihirapan kang tanggapin kami ay aalis ako bukas na bukas din.” paawa effect ni Jasmin.

“No! Walang aalis sa mansion na ‘to! The baby in your belly was sign from my first born! Hindi ako papayag na aalis ka!” natatakot na sambit ni Sally. “Harold, wake up! Apo natin ang dinadala ni Jasmin! Laman at dugo ng pamilyang Silverio!”

“Kahit na Sally! Mali pa rin ang ginawang ito ni Dwayne!”

“B–Bakit ba palagi mo na lang kinakampihan ang babaeng ‘yon!? Arat na taon sila ni Dwayne pero hindi niya tayo mabigyan ng apo! Anong silbi niya sa pamilya natin, bukod sa Lolo nito na may utang na loob si Papa?! Wala! Year, 2030 na, Harold, iba na ang panahon ngayon! Siguro naman ay sapat na rin ang apat na taong tinulungan natin si Liliana gaya nang nakasaad sa kasunduan, apt na taon lang at kung hindi nila mahal ang isa’t-isa ay palayain na lang ang isa't-isa! This time baka puwedeng hayaan natin si Dwayne magdesisyon para sa sarili niya!”

Ang lahat ay napatingin kay Dwayne.

Napangisi si Harold. “Then, tell me your non-sense decision, Dwayne.” tila wala ng tiwalang sambit ni Harold.

Si Dwayne ay may payat na pangangatawan at malamig na aura, na para bang wala siyang kinalaman sa madugong alitang ito.

Ang mga mata niya'y tumingin nang malalim sa bahagyang lumalaking tiyan ni Jasmin. “Just like what you see, higit tatlong buwan nang buntis si Jasmin. Ang batang ito ay dugo ng pamilya Silverio at kailangan ng disenteng pagkakakilanlan. I file a divorce application sa amin ni Liliana. Kapag napawalang bisa na ang aming kasal ay pakakasalan ko si Jasmin.”

Pagkatapos magsalita ng lalaki, sabay na bumuntong-hininga ng ginhawa sina Sally at Jasmin.

Si Harold naman ay galit na galit at gusto nang suntukin ang anak niya hanggang mamatay!

"Ikaw talagang bata ka, seryoso ka ba?” napailing si Harold. “Napakatanga mo para itapon mo ang una mong asawa! Mas pinili mo pa ang iyong kerida! Kung nabubuhay lang si Lolo Herman, tiyak ay wala kang kalalagyan!”

“Siya na ang malakas at matapang, pero matagal na siyang patay! At ginawa na natin ang tungkulin kay Liliana, inalagaan natin ang kahuli-hulian nilang apo, at binayaran lahat ng utang nila kahit kapalit nito ay kasiraan din ng pamilya natin! Sapat na ‘yon, Harold!”

Nang makita ni Dwayne na muling mag-aaway ang mga magulang niya ay sumimangot siya. “Nasabi ko na ang dapat sabihin. Kung gusto niyong mag-away, maghanap kayo ng ibang lugar!” inis niyang sambit.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Harold. “Ikaw na bata ka, palagi kang mayabang at matigas ang ulo. Wala nang makakapagbago ng desisyon mo maliban sa iyong nakatatandang kapatid... Kung buhay pa siya, baka nakumbinsi ka niya.”

Biglang bumigat at naging malungkot ang atmospera.

Tatlong buwan na ang nakalipas, ang biglaang pagkamatay ni Duncan ay nagdala ng matinding dagok sa pamilya nila.

“Kung talagang gusto mong pakasalan ang babaeng ito, wala akong magagawa, pero may isang bagay kang kailangang ipangako sa akin, kung hindi’y puputulin ko ang relasyon natin bilang mag-ama!”

Tumango si Dwayne, at tila naging interesado ito.

“What is it? Tell me, Dad.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status