Share

35

Author: Aurora Solace
last update Huling Na-update: 2024-10-12 10:50:10
Sa mga oras na iyon, para talagang isang espiya si Nicole, paikot-ikot at tinitingnan ang mga mukha ng dalawang tao sa harapan niya. Sigurado siyang may mali sa dalawang ito!

Hindi pa sinasabi ni Karylle na may gusto siya kay Alexander!

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Pero, paano naman nangyari iyon?!

Bigla niyang tinanong, "Karylle, ang daya mo naman! Kailan pa kayo nagkakilala? Mukhang close na kayo, ah? Hindi mo man lang ipinakilala ang bago mong kaibigan sa akin?"

Habang sinasabi ito ni Nicole, kumindat pa siya kay Karylle.

Bahagyang ngumiti si Alexander at may malalim na sinabi, "Hindi pa matagal ang pagkakakilala namin, pero malalim na ang samahan."

Naguluhan si Nicole. "Samahan?! Anong klaseng samahan ito?!”

Napangiwi si Karylle. "Hugasan mo na lang ‘yung gulay."

Ngumiti si Alexander. "Sige."

Panay ang silip ni Nicole kay Karylle, tila umaasang magbigay ito ng hint. Pero hanggang sa nailapag na ang mga putahe sa lamesa, wala siyang nakuha kahit kaunting impormasy
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   36

    Punong-puno ng pag-aalala ang boses ni Nicole. Ramdam niya na haharapin ni Karylle ang isang matinding unos balang araw.Alam ng lahat na tuwing magkasama sina Karylle at Harold sa mga party, ito’y para ipakita ang kanilang pekeng pagmamahalan. Pero ngayon,iba. Hindi na sila magkasama…Itinaas ni Alexander ang kanyang kilay ngunit nanatiling tahimik.Kung sasama si Karylle sa kanya, tiyak na magiging matinding gulo ito sa pamilya Sanbuelgo, at lubos siyang matutuwa na mangyari iyon.Bahagyang ngumiti si Karylle at sinabing, "Wala akong pakialam."Kailangan din niyang gawin ang hakbang na ito balang araw. Wala na siyang pasensya kay Harold, at hindi na niya kailangang tiisin ito.Bukod dito, kahit hindi siya ang gumawa, si Adeliya naman ang gagawa ng paraan sa mga susunod na araw. Mas mabuti pang siya na ang maging masama, para mas mapalaya na niya ang sarili niya.Bahagyang napabuntong-hininga si Nicole, "Mabuti kung ganoon. Mas magiging maayos ang proseso ng divorce niyo."Nagtaas ng

    Huling Na-update : 2024-10-12
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   37

    Tinitigan ni Karylle si Nicole at tumango bago pa man ito matapos magsalita. "Wala akong ibang magagawa. Ginawa ko na ang lahat noon. Siya ang hindi marunong maglagay ng limitasyon."Nanlaki ang mata ni Nicole. Matapos ang pagkabigla, unti-unti itong naging mas emosyonal. "Karylle, sigurado ka na ba talaga? Kapag nangyari ito, wala nang balikan!"Tumaas ang kilay ni Karylle. "Bakit? Hindi ba't ikaw ang laging nagsasabi na tigilan ko na siya? Ngayon, nagdesisyon na ako, gusto mo namang magdalawang-isip pa ako?""Siyempre gusto kong maghiwalay na kayo nang tuluyan at lumayo ka na sa lalaking iyon!" sagot ni Nicole nang buong paninindigan. Pero ilang saglit lang ay tila nag-alinlangan ito at nagsabi, "Ang iniisip ko lang, baka magsisi ka at mas maging masakit pa ito kaysa dati. Sabi nga, mas mabuti ang panandaliang sakit kaysa mahabang paghihirap, pero minsan, ang panandaliang sakit na iyon ay mas matindi."Bahagyang ngumiti si Karylle at inilagay ang isang kamay sa kamay ni Nicole. "Hind

    Huling Na-update : 2024-10-12
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   38

    Sa mga sandaling ito, nakaupo na si Karylle sa kotse ni Alexander. Wala si Nicole dahil mas pinili nitong sumama kina Christian at Roxanne.Si Alexander mismo ang nagmaneho ng kotse, at si Karylle ay nakaupo sa tabi niya sa passenger seat.Tumingin si Alexander kay Karylle na may bahagyang ngiti sa mga labi, "Bakit hindi mo sinuot ang damit na inihanda ko para sa'yo?"Ibinaling ni Karylle ang tingin sa kanya, "Hindi gaanong tugma ang sukat, kaya pumili na lang ako ng dalawang random. Ibabalik ko na lang sa'yo ang mga iyon kapag nakauwi tayo. Mas mabuti pang ibigay mo na lang sa iba mong mga babaeng kaibigan."Habang kasama si Alexander, kahit hindi sila ganoon kakilala at tila laging may kalkulasyon, hindi siya nagbibigay ng masyadong presyon. Hindi rin nakakailang kapag kausap siya.Bahagyang tumaas ang kilay ni Alexander. "Anong ibang mga babaeng kaibigan? Hindi ba't ikaw lang ang kasama ko ngayon?"Ngumiti nang bahagya si Karylle at hindi na sumagot.Habang nasa biyahe, naghanap ng

    Huling Na-update : 2024-10-13
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   39

    Medyo nawalan ng ulirat si Karylle, at tila nagkalat ang kanyang isip sa isang saglit.Bigla niyang naalala ang mga nakaraang pagkakataon sa mga party na dinaluhan nila ni Harold. Noon, upang ipakita sa iba ang pagmamahalan nilang mag-asawa, mahinahon at may lambing siyang kakausapin ni Harold habang inaakbayan siya.Sa mga sandaling iyon, inakala niyang siya ang pinakamasayang babae sa mundo.Muli siyang ngumiti nang bahagya at may halong sakit, tumingin kay Alexander, at sabay silang naglakad papunta sa pangunahing pinto.Paglampas nila sa kotse sa harapan, tuluyang naipakita ang maliit ngunit napaka-delikadong mukha ni Karylle sa harap ng lahat.Marami ang napasinghap sa hindi inaasahang nasilayan nila.Naka-damit siya ng asul na tight-fitting na hanggang tuhod ang haba. Binagayan nito ang kanyang pigura—may hubog sa harap at likod. Ang kanyang dalawang braso, na makinis at maputi, ay nagbigay diin sa kanyang kaakit-akit na baywang. Maraming lalaki ang hindi maiwasang humanga.Nguni

    Huling Na-update : 2024-10-13
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   40

    Ito ang kotse ni Mr. Sanbuelgo.Iniisip tuloy ng lahat kung magdadala kaya siya ng babaeng kasama ngayong gabi?Nakikita nilang unti-unti siyang bumaba mula sa sasakyan, at ang kanyang tindig na puno ng karangyaan at lamig ay tila naglalayo sa sinuman na lumapit.Kung ang kaibahan ni Alexander at Harold ay ang pagiging elegante at magiliw ni Mr. Handel, si Mr. Sanbuelgo naman ay may awra ng isang emperador na nakakapanghina ng loob kahit kanino.Sinara niya ang pinto ng sasakyan at naglakad papunta sa side ng pasahero gamit ang mahaba at matikas niyang hakbang.Lahat ay abot-abot ang pananabik. Para bang may malaking sikreto silang natuklasan.Isa-isa nilang tinititigan ang direksyon ni Harold, sabik na malaman kung sino ang babaeng nasa passenger seat. Sa puntong ito, parehong lalaki at babae ay may iisang iniisip—sino ang babaeng kasama niya? Habang lahat ay sabik na naghihintay, unti-unting bumukas ang pinto ng passenger seat. Ngunit hindi inalalayan ni Harold ang babae, sa halip a

    Huling Na-update : 2024-10-13
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   41

    Napakaraming bisita ang nasa center venue, ngunit sa kabila nito, agad na napansin ni Harold ang isang lalaki at babae na masayang nag-uusap at nagtatawanan malapit sa lugar kung saan nakalagay ang champagne.Isang nakakakilabot na aura ng galit ang kumawala mula kay Harold. Agad itong napansin ni Adeliya. Napatingin siya kay Harold, halatang may gulat sa kanyang mga mata.Napabulalas siya, "Oh my gosh! Paano nangyaring magkasama sina Karylle at Alexander?"Litong-lito si Adeliya. Isa itong matinding insulto kay Harold, at tiyak na hindi niya ito palalampasin.Nang makabalik sa sarili si Harold, hindi pa rin nawala ang talim sa kanyang tingin.Napansin nina Karylle at Alexander ang titig ni Harold kaya sabay silang tumingin sa pintuan.Saglit na tumigil ang tingin ni Karylle. Pagkatapos, dahan-dahan siyang ngumiti at itinapat ang malamig niyang mga mata kay Adeliya.Nang makita niya si Adeliya sa pulang damit, bahagyang kumunot ang noo niya. Maganda talaga si Adeliya, at alam niyang a

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   42

    Hindi man lang nilingon ni Harold si Adeliya.Habang pinapanood si Karylle at Alexander na masayang nagkukuwentuhan, lihim na napangisi si Adeliya. Pagkalipas ng tatlong taon, sa wakas ay matatapos na rin ang larong matagal nang sinimulan.Si Karylle mismo ang nagtulak sa sarili niya sa bitag, kaya hindi na dapat sisihin kung maging sobra man ang gagawin niya.Ang araw na ito ay para sana sa kaarawan ni Mr. Sandejas, pero ngayon... ang tunay na bida ng gabi ay ang apat na taong ito.Siyempre, ang sentro ng lahat ay ang tunggalian nina Harold at Alexander—isang labanan para maagaw ang asawa?Kaya para sa mga tao ay mukhang magiging kapana-panabik ang mga susunod na eksena.Habang nakatingin ang lahat, narating na ni Harold si Karylle. Ang kanyang mga mata ay madilim, at ang kanyang mukha ay punong-puno ng lamig.Itinaas ni Karylle ang kanyang paningin at nasilayan ang paparating na si Harold at si Adeliya. Bahagya siyang ngumiti, "Nandito na pala kayo."Ang tono niya’y kalmado, na para

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   43

    Alam ng lahat na mortal na magkaaway sina Alexander at Harold.Ngumiti si Karylle, "Pwede mo na akong tawaging Karylle ngayon."Napatigil sa ngiti si Mr. Mercado, at sa sumunod na sandali, tila may naisip siya at nagulat, "Pero si Harold…hindi ba… I mean, may problema ba sainyo?"Ngumiti si Alexander, "Hiwalay na sila."Lalo pang nagulat si Mr. Mercado.Hindi ba’t napakaganda ng relasyon nila? Pero basta na lang silang naghiwalay...? Sa kanyang isipan.Bago pa siya makapagtanong, ngumiti si Alexander at sinabi, "May gagawin pa ako, paalam muna, at isasama ko muna si Miss Karylle.."Napuno ng pagkadismaya ang mata ni Mr. Mercado, habang si Karylle ay umalis kasama si Alexander.Ngumiti si Alexander kay Karylle, "Ang Mr. Mercado na ‘yan ay parang radyo na walang tigil sa chismis. Kapag nalaman niya, sapat na ‘yun."Tumaas ang kilay ni Karylle. Tiningnan niya si Alexander at sinabing, Paano mo nalaman na kailangan kong ipaalam ang bagay na iyon?"Bahagyang ngumiti si Alexander, "Dahil, ma

    Huling Na-update : 2024-10-14

Pinakabagong kabanata

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   446

    Binuksan ni Harold ang pinto ng kotse at mababang tinig na nagsabi, "Bumaba ka."Bahagyang nanginig ang pilikmata ni Karylle. Ayaw niyang gumalaw, at ramdam niya ang matinding pagtutol sa loob niya.Sa totoo lang, mas gusto pa niyang manatili sa loob ng sasakyan, kahit na pagmamay-ari ito ni Harold.Nang makita niyang hindi siya gumagalaw, lumabas muna si Harold ng kotse. Ilang saglit lang, umikot siya sa kabilang gilid at binuksan ang pinto ng pasahero.Nakita niyang nananatiling nakaupo si Karylle at walang balak bumaba. Muli siyang nagsalita, "Bumaba ka."Kumunot ang noo ni Karylle at tiningnan ang lalaking nasa harapan niya nang may pagtataka. "Bakit mo ako dinala rito?""’Di mo ba gustong makita? Matagal ka nang hindi nakakabalik."May kakaibang bigat ang tono ni Harold nang sabihin niya iyon.Lalong kumunot ang noo ni Karylle at naramdaman niyang ayaw niyang manatili rito. "Hindi ko na kailangang bumalik. Hindi ko na lugar ito.""Bumaba ka."Mas mabigat ang tono ni Harold kaysa

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   445

    Kakaiba at hindi maintindihan ang lalaking ito, at ngayon, sa tuwing makakaharap niya ito, napapailing na lang siya sa inis.Ipinadlock ni Harold ang kotse gamit ang kamay niya, saka idiniretso ang tingin kay Karylle.Nakatingin din si Karylle sa kanya, malinaw na hinihintay itong magsalita. Gusto niyang makita kung ano na namang palabas ang gagawin ng lalaking ito at kung anong nakakatawang bagay ang sasabihin niya!Matapos ang ilang segundong katahimikan, sa malalim na boses ay sinabi ni Harold, “Ano ang relasyon niyo ni Christian?”Napatigil si Karylle at napatingin dito na may halong pagtataka. “At anong kinalaman mo ro’n?”Biglang nanlamig ang mukha ni Harold, saka siya napangisi nang may halong galit. “Anong kinalaman ko?!”Kumunot ang noo ni Karylle. May mali ba siyang nasabi?Nanggigigil na nagngitngit ang mga ngipin ni Harold at bigla niyang hinawakan ang pulso ni Karylle, saka ito hinila. Sa madiin na tono, sinabi niya, “Karylle, may puso ka ba talaga?!”Ano ba ang ginawa ni

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   444

    "May kinalaman ito sa akin.""Harold, maniwala ka sa akin, wala akong kasalanan!"Bahagyang kumunot ang noo ni Harold. "Sa tingin mo ba, maniniwala ako?""Kailangan mong maniwala sa akin, Harold! Wala talaga akong kinalaman dito!" Napasigaw na si Adeliya, halatang emosyonal.Sa sumunod na sandali, narinig niya ang boses ni Andrea—halatang may halong pagkadismaya."Harold, simula nung nangyaring insidente, parang nawawala na sa sarili si Adeliya. Minsan, hindi na lang siya nagsasalita buong araw, tapos bigla na lang siyang magpipilit na kausapin ka, gusto niyang magpaliwanag sa'yo. Harold, mabuting tao si Adeliya, hindi niya magagawa ang bagay na 'yon, sana maintindihan mo..."Bago pa niya matapos ang sinasabi, nawalan na ng pasensya si Harold."Huwag niyo na akong guluhin. Hanggang dito na lang ang pasensya ko."Pagkasabi noon, ibinaba na niya ang telepono.Ubos na talaga ang pasensya niya sa mag-inang ito. Ayaw na niyang makitang nagpapanggap pa sila.Habang inilalapag niya ang telep

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   443

    Karylle ay lumabas na, suot ang isang simpleng light yellow na pambahay. Ang kanyang maluwag na buhok ay nagbigay sa kanya ng itsurang parang inosenteng dalagang estudyante sa kolehiyo, kaya't hindi maiwasang mapansin siya ng mga tao.Nang makita siya ni Christian, hindi na nito naalis ang tingin sa kanya."Karylle."Nicole: "......" Bigla niyang naisip na kailangan niyang magsipilyo.Roxanne: "......" Matagal na siyang nakaupo sa sofa sa sala, pero ni minsan ay hindi siya napansin ni Christian.Ngumiti si Karylle at tumango kay Christian. "Nandito ka na pala, maupo ka."Pagkasabi nito, dumiretso na siya sa sofa.Si Roxanne ay nakaupo sa pangalawang puwesto sa sofa, at si Karylle naman ay dumiretso sa unang puwesto at umupo doon—wala nang espasyo para makaupo si Christian sa tabi niya.Ngunit hindi ito ininda ni Christian. Umupo siya sa pinakamalapit na puwesto kay Karylle sa gilid."Kumusta na ang pakiramdam mo?"Ito na naman…Parang ito na ang paboritong tanong ni Christian sa kanya

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   442

    Napabuntong-hininga si Nicole, medyo may halong panghihinayang. "Bukas, siguradong iniisip ni Christian na makikita ka niya nang mag-isa. Hindi niya alam na nandito kaming dalawa. Bakit hindi ko na lang ipost sa social media?"Napailing si Roxanne. "Ngayon, medyo mas maayos na ang lagay ni Christian, pero hindi pa rin kaya ng utak niya ang matinding stress. Lalo na kung may alak pa. Ang inaalala ko, baka hindi niya makontrol ang sarili niya at bumalik sa bisyo, o kahit hindi siya uminom, baka maapektuhan pa rin siya nang husto. Ano na lang ang gagawin natin kung mangyari ‘yon?"Natahimik ang dalawa pang kasama niya.Alam nilang pareho ang pinangangambahan ni Roxanne. Kung hindi, hindi na sana nagpatumpik-tumpik si Karylle sa ganitong sitwasyon.Napakagat-labi si Karylle, hindi alam kung ano ang sasabihin o kung paano haharapin ang lahat ng ito.Napabuntong-hininga muli si Nicole. "Wag na muna nating isipin ‘yan. Ang mahalaga, ipaalam muna natin kay Christian na nandito tayong dalawa k

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   441

    Kinuha ni Karylle ang kanyang cellphone at tinawagan si Nicole.Agad namang sinagot ito ng kaibigan. "Ano yun, baby? Tapos na?""Oo, pumunta ka na dito.""Sige~"Pagkababa ng tawag, dumating si Nicole nang nagmamadali. Pagbukas niya ng pinto, hindi man lang siya tumingin nang maayos at agad na nagsalita nang pabiro, "O, tingnan mo naman ang ate mo, napaka-entertaining, 'di ba? Baka kasi masyadong mataas ang wattage ko, baka maduling ka~"Hindi pa siya tapos magsalita nang mapansin niyang nakaupo si Alexander sa isang upuan, may bahagyang ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya. "Natutuwa ako na may kaibigan si Karylle na katulad mo."Bahagyang nagkamot ng noo si Nicole, tila nahihiya. "Ah...uh..."Lalo pang lumalim ang ngiti ni Alexander. Tumingin siya kay Karylle at mahinang nagtanong, "Dinner tayo mamaya?""Hindi na. Masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpahinga." Walang pag-aatubiling tumanggi si Karylle.Tumaas ang kilay ni Alexander. "Sige."Bago umalis, muli siyang tuming

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   440

    Si Karylle ay hindi mahilig sa kalabuan, at hindi rin siya basta-basta nagpaparusa sa isang tao nang walang dahilan—ugali na niya ito."Oo, alam ko." Ngumiti nang bahagya si Alexander, ngunit sa halip na makaramdam ng pagkailang, tila natuwa pa siya sa sinabi ni Karylle.Dati-rati, tinatawag siya nitong Mr. Handel sa bawat pagkakataon, pero ngayon, kahit na ito ay dahil sa guilt o sa ibang dahilan, handa na siyang tawagin siya nang mas pormal. Para kay Alexander, malaking bagay na ito, at sapat na para mapasaya siya.Bahagyang kumunot ang noo ni Karylle, hindi alam kung ano ang iniisip nito, pero malinaw na ang usapan. Kung magpapatuloy pa siya sa pagdiin ng bagay na ito, baka magmukhang paulit-ulit na lang siya.Hindi na niya binanggit pa ito, sa halip ay sinabi niya nang kalmado, "Gagawa ako ng plano sa loob ng sampung araw. Ano ba ang gusto mo, at kailan mo ito gustong ipatupad?""Walang problema sa pagpapaliban ng implementasyon. Maaari itong maging isang malaking investment, pero

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   439

    "Noodles?""Hindi ka ba dapat nagpapahinga?"Bahagyang ngumiti si Alexander. "Mas mabuti pang makita ka kaysa magpahinga."Bahagyang pinagdikit ni Karylle ang kanyang mga labi. Sa usaping ito ng pakikipagkasundo sa pamilya Sabuelgo, darating ang araw na kakailanganin niyang magbigay ng paliwanag sa Handel Group. Hindi rin siya maaaring magkaroon ng alitan kay Alexander, kaya sooner or later, kakailanganin niyang ipaliwanag ang lahat sa kanya.Matapos ang saglit na pag-aalinlangan, sa wakas ay nagsalita siya. "Nasaan ka?""Nasa labas lang ako ng paliparan, malapit lang sa’yo. Hanap ka ng lugar, maghihintay ako."Sa totoo lang, siguradong alam na ni Alexander ang kasalukuyang

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   438

    Nanlaki ang mga mata ni Adeliya, ngunit agad niyang ibinaba ang kanyang ulo upang walang makapansin.Hindi na ito pinansin ni Karylle, dahil alam na niya kung ano ang iniisip nito.Nang makita niyang gaya ng inaasahan ay hindi nagsalita si Adeliya, bahagya siyang ngumiti. "Kung talagang gusto mong manatili sa ganitong kalagayan, hayaan mo, pagbibigyan kita."Sa pandinig ng iba, tila ba puno ng panghihinayang ang sinabi ni Karylle, ngunit para sa tatlong taong kaharap niya, iba ang naging dating nito.Dahil iyon mismo ang iniisip ni Karylle—na manatili si Adeliya sa ganitong kalagayan habambuhay.Lalong pumangit ang ekspresyon ni Andrea. Malalim siyang huminga bago magsalita, "Karylle, paano mo nasabi 'yan? Magkapatid kayo!"Ngumiti si Karylle, ngunit malamig ang kanyang tinig. "Ganyan talaga ang mundo, Andrea. Survival of the fittest. Kung wala kang kakayahan, matutulad ka sa mga pinababayaan. Kung pinili ng pinsan kong magpakatamlay at magkulong sa sarili niyang mundo, hayaan na lang

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status