Share

43

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2024-10-14 16:44:52
Alam ng lahat na mortal na magkaaway sina Alexander at Harold.

Ngumiti si Karylle, "Pwede mo na akong tawaging Karylle ngayon."

Napatigil sa ngiti si Mr. Mercado, at sa sumunod na sandali, tila may naisip siya at nagulat, "Pero si Harold…hindi ba… I mean, may problema ba sainyo?"

Ngumiti si Alexander, "Hiwalay na sila."

Lalo pang nagulat si Mr. Mercado.

Hindi ba’t napakaganda ng relasyon nila? Pero basta na lang silang naghiwalay...? Sa kanyang isipan.

Bago pa siya makapagtanong, ngumiti si Alexander at sinabi, "May gagawin pa ako, paalam muna, at isasama ko muna si Miss Karylle.."

Napuno ng pagkadismaya ang mata ni Mr. Mercado, habang si Karylle ay umalis kasama si Alexander.

Ngumiti si Alexander kay Karylle, "Ang Mr. Mercado na ‘yan ay parang radyo na walang tigil sa chismis. Kapag nalaman niya, sapat na ‘yun."

Tumaas ang kilay ni Karylle. Tiningnan niya si Alexander at sinabing, Paano mo nalaman na kailangan kong ipaalam ang bagay na iyon?"

Bahagyang ngumiti si Alexander, "Dahil, ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   44

    Pinipigilan ni Karylle ang sariling magsalita.Ngumiti si Alexander, bahagyang tumataas ang sulok ng kanyang mga labi, "Huwag kang matakot. Kung kinakabahan ka, sasamahan kita mamaya."Huminga nang malalim si Karylle. Tama nga si Alexander—wala nang atrasan sa puntong ito.Tama na rin, si Harold ang walang puso, at hindi niya kasalanan ang nangyari.Sa puntong iyon, si Jason ay nakatayo pa rin sa entablado na may ngiti sa kanyang mukha. "Karaniwan sa ganitong mga pagtitipon, nag-uusap ang lahat tungkol sa posibleng mga corporation in private. Ngayon, magbibigay ako ng bagong paraan para sa inyo. May inihanda akong isang wall dito."Lahat ay nagtataka habang pinagmamasdan si Jason, hanggang sa kumaway ito at dalawang matangkad na babae ang nagtulak palabas ng isang pader na panel. Maraming puting sticker na nakapaskil dito para matakpan ang mga nakasulat na pangalan.Ngumiti nang bahagya si Jason, "Ito ay espesyal kong ipinaayos. Mga pangalan niyo ito."Nagkatinginan ang mga tao.Ano ka

    Last Updated : 2024-10-15
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   45

    Maraming tao ang kabadong nag-aabang, ramdam ang tibok ng puso nila sa kanilang lalamunan. Lahat ay nag-iisip kung ano ang sasabihin kung sila ang mapili. Sino mang mauna ang matawag, tiyak na magdadalawang-isip.Hindi na ito masyadong iniisip ni Karylle. Alam niya, hindi siya papayagang maunang tawagin ni Alexander.Huminga siya nang malalim at mahina niyang sinabi, “Pupunta muna ako sa banyo.”Tinitigan siya ni Alexander gamit ang malalim na tingin at mahinang sinabi, “Sige, Karylle. Huwag kang kabahan.”Kabahan.Subtle ang salitang ito. Lahat naman ng naroon ay may estado sa lipunan at sanay nang humarap sa mga ganitong okasyon. Walang rason para kabahan.Pero alam niyang hindi iyon ang punto ni Alexander. Sinabi iyon para ipaalala sa kanya na huwag siyang matakot kay Harold.Tumango si Karylle at tahimik na tumalikod papunta sa banyo.Nakita ni Adeliya ang pag-alis ni Karylle, kaya mabilis din niyang sinabi kay Harold, “Harold, pupunta muna ako sa banyo.”Tumango lang si Harold hab

    Last Updated : 2024-10-15
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   46

    Tumingin ng malamig si Harold kay Karylle at sinabing, "Masaya ka na ba dito?""Masaya?" Tumawa nang bahagya si Karylle. "Sino ba ang gumagawa ng gulo?"Dati, ginawa niya ang lahat para maging karapat-dapat na Mrs. Sanbuelgo. Palaging umiikot ang mundo niya sa pamilya Sanbuelgo, at kailanman ay hindi siya gumawa ng anuman para ipahiya sila. Marami ang humanga sa kakayahan niyang humawak ng mga bagay-bagay.Pero kahit gano'n, ni minsan ay hindi siya binigyan ng pansin ni Harold. Sa huli, nag-flirt ito kay Adeliya. Ngayon, malapit na silang magpakasal, at naging isa siyang malaking biro. Pero sa kabila ng lahat, siya pa ang sinisisi ni Harold na gumagawa ng gulo.Habang nagiging mas matalim ang sarcasm sa mga mata ni Karylle, napakuyom ng labi si Harold. "Umalis ka na sa party na 'to, para tapos na ang usapan."Tiningnan siya ni Karylle nang malamig. "At kung umalis ako, sasama ka ba sa akin bukas sa Civil Affairs Bureau para mag-file ng kasal?"Ngumisi nang mapait si Harold. "Karylle, i

    Last Updated : 2024-10-15
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   47

    Si Adeliya ay napakunot-noo rin sa gulat. Nagtatanong na sa isipan kung ano ang gagawin ng kanyang pinsan sa oras na makarating ito sa stage.Sigurado siyang hindi si Harold ang nagplano nito, tumingin siya kay Alexander na nakangiting nakatingin kay Karylle. “Anong plano nila?” bulong niya sa kanyang sarili.Curiosity na lang ang nararamdaman ni Adeliya ngayon. Sigurado siyang hindi tutulong si Alexander para pag-ayusin sina Harold at Karylle. Mukhang pinili na ni Karylle na tuluyang talikuran si Harold. Hindi mapigilan ni Adeliya na maging interesado. Gusto niyang makita kung hanggang saan aabot ang tapang ni Karylle.Nilingon ni Alexander si Karylle, at bahagyang ngumiti. “Gusto mo bang sumama ako?""Hindi, hindi kita kailangan."Payapa ang ekspresyon ni Karylle, at wala siyang bahid ng pag-aalinlangan.Si Alexander at si Harold ang mga sentro ng atensyon. Ngayon na nasa tabi si Karylle ni Alexander, hindi maiwasang tumingin ang lahat sa kanya. Lahat ng mata ay nakatuon habang siya

    Last Updated : 2024-10-16
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   48

    "Totoo ba ito, nababaliw na ba siya?!" Iyon ang tingin ng lahat ng taong naroon maliban kay Alexander na nakangiti pa rin habang nakatingin kay Karylle, pagkatapos ay tumingin siya kay Harold, ngunit nakita niyang ang malamig nitong mukha ay walang ipinapakitang emosyon.Dinala niya si Adeliya ngayon, marahil ay para lang magpakitang-tao.Ngunit sa ginawa ni Karylle, lahat ng plano niya ay nauwi sa pagkasira ng kanilang relasyon.Nararamdaman ni Harold ang tingin ni Alexander, kaya tumingin siya dito. Kahit hindi sila magkasama sa iisang mesa, tila kayang magtagpo ng kanilang mga mata kahit maraming tao ang pagitan nila—at ang tinginan na iyon ay puno ng tensyon.Ngumiti si Alexander at tinaas ang kanyang goblet, kahit champagne ang laman nito, parang tinuturing niya itong toast.Hindi na siya tinignan ni Harold at tumayo na lang ito at lumabas.Mabilis namang sumunod si Adeliya. Bagamat excited ang kanyang mga mata, pilit niyang ipinakita ang kunwaring pag-aalala sa mukha, "Harold!"N

    Last Updated : 2024-10-16
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   49

    Ngumiti si Alexander, "May mga bagay pa akong kailangang asikasuhin ngayon. Sa susunod, hahanapan ko ng pagkakataon na bumawi sainyo."Hindi na kailangang magsalita ni Jason dahil sa pagiging magalang ni Alexander. Ngumiti siya, "Napakagalang mo, Mr. Handel. Sige, mauna ka na sa mga gawain mo."Tumango si Alexander at umalis kasama si Karylle. Nagpatuloy naman ang programa, ngunit dahil sa pag-alis ng mga mahahalagang tao, parang nawala ang sigla ng mga naiwan sa party. Mukhang kailangang umasa na lang sila sa balita para sa susunod na update.Pagbalik sa sasakyan, binuksan ni Alexander ang pintuan ng passenger seat para kay Karylle, at sumakay ito. Pagkapasok ni Alexander at pagsara ng pintuan, nagsalita na si Karylle."Tapos na ang banquet, kailan mo balak mag-apela?""Hintayin muna nating matapos ang divorce mo. May mga bagay pa akong kailangang ayusin, pero hindi ito magtatagal."Tumango si Karylle at hindi na nag-usisa pa.Pagkatapos ng prosesong ito kay Alexander, wala na siyang

    Last Updated : 2024-10-16
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   50

    Napatingin si Karylle kay Alexander. “Salamat sa lahat ng ginawa mo ngayong araw.”Kung hindi dahil sa mga plano at tulong ni Alexander, maaaring hindi naging ganoon kadali ang mga nangyari.Kumindat naman si Alexander. “Pareho tayong nakinabang, hindi mo na kailangang magpasalamat.”Napangiti si Karylle ng bahagya. “Dapat ka na ring magpahinga nang maaga.”Napangisi si Alexander, at may halong birong sinabi. “Nag-aalala ka ba para sa akin?”Naging magalang lang siya, pero ngumiti siya at hindi na sumagot pa. Bumaba na siya ng sasakyan.Alam niyang si Alexander ay laging may layuning makuha ang gusto niya. Malamang, kaya pa rin nito gustong panatilihin ang koneksyon sa kanya ay dahil abogado siya. Ngunit, si Karylle, wala nang balak makipag-ugnayan pa kung hindi naman ito kailangan.Pagkauwi niya hindi na siya mapakali. Sa kabila ng lahat, maraming bagay pa rin ang gumugulo sa isipan niya.Sa huli, kinuha niya ang telepono at tumawag.Agad namang sinagot ang tawag. “Karylle.”Naramdama

    Last Updated : 2024-10-16
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   51

    Isang oras na biyahe at sa wakas ay narating na ang lugar.Sa buong pagpasok, ang mga katulong ay tinitingnan siya nang kakaiba. Kahit na ang handaan ngayon ay sarado at walang media na papasok, hindi maiwasan ang dami ng tao, at ang mga tao sa handaan ay maaaring mag-video ng sarili nilang mga eksena.Kahit na walang maglalakas-loob na mag-post diretso sa internet, tiyak na kakalat ito.Naupo si Lauren sa sofa, suot ang madilim na berdeng kaswal na damit na hindi kayang takpan ang kanyang galit. Pinipigilan niya ang apoy at naghihintay ng pagdating ni Karylle, at nang makita na siya ni Karylle, agad niyang sinabi nang malamig na tinig, "Talaga bang naglakas-loob kang dumating!"Tumingala si Karylle at tinignan siya, si Lauren ay pareho pa rin ng dati, maayos ang pananamit, at ang aura niya ay matalim.Noong nakaraan, nag-alala si Karylle, iniisip kung paano mapapasaya ang kanyang biyenan, ngunit ngayon, ang ekspresyon niya ay kalmado, "Hindi ko kayan tanggihan ang hiling mo, Ma’am…."

    Last Updated : 2024-10-16

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   542

    Saglit na natigilan si Harold. Hindi niya inakalang seryoso pala si Karylle sa sinabi nitong naliligo siya.Nabalutan lamang ito ng isang manipis na bath towel, na bahagyang lampas lang sa kanyang mga hita. Ang makinis na balat sa kanyang leeg at ang basang buhok na nakadikit dito ay lalong nagbigay ng mapanuksong tanawin. Sa bawat paggalaw ni Karylle, bahagyang lumilitaw ang mas marami pa, na agad namang kinuha ang pansin ni Harold.Napasingkit ang mga mata ni Harold, at napansin ni Karylle na pinipigil nito ang sarili—nanikip ang kanyang mga labi at hindi nakapagsalita.Hawak-hawak ni Karylle ang bath towel gamit ang dalawang kamay, halatang nag-aalala na baka biglang bumagsak ito. Napakunot ang noo niya, at galit na galit na tinanong si Harold, “Ano ba talagang kailangan mo?!”

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   541

    Matalino si Adeliya, at kadalasan, kahit hindi pa nagsasalita ang mga tao, nararamdaman na niya kung may kakaiba. Iyon ang ikinatatakot ni Andrea—ang katalinuhan ng sariling anak.Pinilit ni Andrea na panatilihing kalmado ang itsura habang sumagot, “Nagpapalinis lang tayo. Ayoko na kasi sa layout ng lumang bahay, gusto ko nang baguhin. Pagkatapos ng renovation, kailangan pa nating pabugahan ng hangin ‘yon, para mawala ang amoy ng pintura. Aabutin pa ‘yon ng ilang buwan, kaya dito muna tayo pansamantala.”Napakunot muli ang noo ni Adeliya. “Pero 'di ba bago pa lang ‘yung bahay na ‘yon? At ‘yung design, ikaw mismo ‘yung pumili nun dati. Bakit mo biglang gustong baguhin lahat?”Tinitigan niya si Andrea, pilit inaalam kung may tinatago ito.Hindi alam ni Andrea kung paano siya sasagot. Kaya sa huli, nakaisip siya ng palusot. “Eh kasi naman ‘yung assistant ng daddy mo, siya ‘yung kumuha ng contractor. Ang dami nilang nilokong part ng project—puro mumurahing materyales ang ginamit. Kaya ayo

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   540

    “Ano 'yang suite na 'yan! Paano mo naisip na gusto kong makasama ka sa iisang kwarto?” inis na sambit ni Nicole habang napapangit ang mukha sa pagkainis. Halatang hindi siya sang-ayon.Sumimangot din si Roy. “Kung suite, bakit parang isang kwarto lang?” Hindi niya maitago ang inis. Si Nicole, tulad ng dati, ay prangkang magsalita. Pero sa harap ng maraming tao, basta na lang niyang binanggit ang gano’n? Nakakahiya. Gusto ba niyang mawalan ako ng dangal?Tahimik na lang ang receptionist. Nahihiya man sa tensyon sa harapan niya, wala siyang nasabi.Hindi na pinansin ni Nicole ang sinabing iyon ni Roy. Sa halip, hinarap niya ang front desk at mahinahong sinabi, “Puwede po bang magbukas ako ng ibang kwarto?”Muli, mahinahong sumagot ang receptionist. “Pasensya na po, ma’am. Fully booked na po kami. Kailangan po talaga ng advance reservation para makakuha ng kwarto.”Biglang lalong dumilim ang mukha ni Nicole. Napalingon siya kay Roy at pinanlakihan ito ng mata. “Alam mo nang pupunta ka ri

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   539

    Sa pagkakataong ito, hindi na naisipan ni Karylle na umupo sa likod. Diretso siyang umupo sa passenger seat sa unahan.Bahagyang dumilim ang mukha ni Harold, pero wala siyang sinabi.Mahaba ang biyahe ngayon, kaya pagkapasok pa lang ni Karylle sa kotse ay pumikit na siya para subukang matulog.Ngunit ilang saglit lang, nag-vibrate ang kanyang cellphone. Binuksan niya ang Telegram.May group chat iyon nila ni Nicole at ni Roxanne.Nicole: En, kasama mo ba ngayon si Harold?Napakunot ang noo ni Karylle. May nakakita na naman ba sa amin at ipinost online?Karylle: Oo, bakit?Roxanne: Bakit kayo magkasama? Work ba?Karylle: Oo, pupunta kami ngayon sa Rosen Bridge. May kailangan lang asikasuhin.Roxanne: Rosen Bridge? Ang layo niyan ah. Kayo lang dalawa?Nicole: Putik! Totoo nga! Hindi pala ako niloko ng hayop na 'yon!Kasunod nito, nag-send pa si Nicole ng picture na halatang may inis na caption.Roxanne: ???Karylle: ???Karylle: Kasama rin si Bobbie, FYI.Patuloy lang sa pagta-

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   538

    Nagsimulang ilapag ng mga waiter ang mga pagkain sa mesa. Dahil naka-reserve na ito ni Bobbie bago pa man sila dumating, puwede na agad silang kumain pagkaupo.Pagbalik ni Bobbie matapos i-park ang sasakyan, agad niyang napansin ang seating arrangement nila. Napahinto siya at saglit na natigilan.Bigla niyang naisip, Aba, parang ayoko nang lumapit.Kabisado na niya ang mood ni Mr. Sanbuelgo. Sa tingin pa lang niya, alam niyang ayaw na ayaw ng boss niya na makisalo siya sa upuan ngayon. Ramdam niyang pinipigilan pa nito ang sarili.Pero bago pa siya makapagdesisyon kung babalik na lang siya sa sasakyan o tuluyan nang lalapit, nagsalita agad si Roy—na para bang palaging sabik sa gulo at hindi natatakot sa drama.“Bobbie, halika na! Umupo ka na, mabilis lang 'to. Kain lang tapos alis agad, time is tight and the task is heavy!” nakangising sabi nito.Napabuntong-hininga si Bobbie. Aba, kung hindi ba naman ako iniipit nito...Malinaw na si Roy ay nagpapasaya lang at sadyang ginagatungan an

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   537

    Sa kabila ng lahat, nanatiling mabigat ang loob ni Karylle.Ang Rosen Bridge ay hindi ganoon kalapit. Bagama’t nasa loob pa rin ito ng Lungsod B, matatagpuan ito sa isang maliit na lalawigan na kailangan pang tawirin mula sa isang urban area papunta sa isa pa.Ibig sabihin, kung aalis sila sa hapon, malamang ay gabi na bago matapos ang inspeksyon, at posibleng kailanganin pa nilang mag-overnight doon.Dahil dito, naramdaman ni Karylle ang isang hindi maipaliwanag na inis.Pero dahil ito ay tungkol sa trabaho at bahagi ng kanyang tungkulin, wala siyang magawa kundi lunukin ang nararamdaman. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon o ihalo ang personal sa propesyonal. Kapag ginawa niya iyon, tiyak na iisipin ng iba na isa siyang maliit at pihikang tao. Sa kasalukuyang kalagayan niya—na pilit bumabangon muli para makuha muli ang kontrol sa Granle—hindi siya puwedeng magkaroon ng kahit kaunting kapintasan.Lalo na ngayong ang proyektong ito kasama si Harold ay isa sa pinakamahalaga sa kany

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   536

    Itinutok ni Harold ang kanyang mata kay Karylle, kahit hindi siya nagsalita, ramdam pa rin ni Karylle ang matinding ironiya sa mga mata nito.Hindi pinansin ni Karylle si Harold at sa halip ay tumingin siya sa namumuno ng planning department na nagsalita."Ba't ninyo gustong magpalit ng trabaho?" tanong ni Karylle.Agad na sumagot ang head ng planning department, "Ganito po kasi, magkaibang mga kalakasan ng bawat isa, at ang cooperation plan po ay nagbago, kaya't pinili namin ang mga posisyon na akma sa amin."Isang matalim na tingin mula kay Harold ang tumama sa manager ng planning department, at malamig niyang tanong, "Ano ang resulta?"Dali-daling tumingin ang manager kay Karylle, hindi niya kayang tumingin kay Harold. Nang makita niyang nakasimangot si Karylle, agad siyang kinabahan.Naku!Pumait ang kanyang pakiramdam. Akala niya na ang mga pagbabago ay makakatulong para magustuhan siya ni Karylle at Harold, pero ngayon, parang napaglaruan lang siya ng sarili niyang kakulangan at

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   535

    Napakunot ang noo ni Adeliya. “Alam ko,” maikli niyang sagot.Ayaw na sana niyang magtiwala sa taong iyon, pero hindi na rin niya kayang maghintay pa.Nang makita ni Andrea na naging mas mahinahon na si Adeliya, tumango ito. “Sige, hintayin na lang muna natin ang balita. Pag naayos na ang lahat, makakalabas na tayo agad ng ospital.”Tumango si Adeliya. “Hmm.”Mabilis lumipas ang araw, pero hindi alam kung ilang tao ang hindi nakatulog nang maayos.Si Karylle, ilang ulit nagising sa kalagitnaan ng gabi. Halatang hindi maganda ang lagay niya, at kung wala siyang alarm kinabukasan, siguradong malalate siya.Nang lumabas si Nicole sa kwarto, nadatnan niya si Karylle na kakatapos lang sa banyo. Ngumiti siya at kinawayan ito, “Morning, baby~”Pinilit ngumiti ni Karylle. “Morning. Mauna ka na maghilamos, ako na maghahanda ng breakfast.”Umiling si Nicole habang pinapakita ang hawak niyang cellphone. “No need, I already ordered. Papadeliver ko na lang.”Tumango si Karylle. “Okay, sige, mag-ay

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   534

    "Mukhang gano'n na nga." Walang pag-aalinlangang sabi ni Jerianne, habang ang kanyang mga mata ay naglalaman ng malalim na pag-unawa. "Kung may ganitong tensyon sa lumang mansyon ng Sabuelgo family, malamang maraming hindi pagkakaunawaan at tampuhan sina Harold at Karylle."Napakagat-labi si Reyna, hindi alam kung ano ang sasabihin.Hinila siya ni Jerianne palapit at niyakap. "Anak, huwag mong pilitin ang sarili mong mag-isip ng kung anu-ano. Kung kaya mong ipaglaban, ipaglaban mo. Pero kung hindi na talaga kaya, matutong bumitaw. Yung paulit-ulit kang nasasaktan pero ayaw mong pakawalan—hindi ikaw 'yon. At ayokong mas lalo ka pang masaktan."Nanginginig ang mga labi ni Reyna, at dama niyang pati ang ina niya ay gusto na siyang sumuko.Pero hindi niya kaya.Napakabuting lalaki ni Harold...Sa isip niya, si Harold pa rin ang laman—ang pagiging maayos nitong tingnan, ang diretsong kilos, ang tapang, at ang matikas nitong tindig.Hindi niya matanggal sa isipan ang lalaki. Ang bigat ng pa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status