Nagtagpo ang tingin ni Luke at Kina. Bahagya pang napataas ang kilay ni Kina nang makilala si Luke. 'Siya ang lalaking nagligtas sa'kin sa bar noon.' pagkumpirma nito sa kanyang isip. Bahagya siyang nakaramdam ng saya pero hindi niya ipinahalata iyon. Sinabayan niya lang ang titig ni Luke. Ang mga mata nila ay tila parehas na nangungusap sa isa't-isa. Ilang segundo silang nagkatitigan bago iyon naputol nang magsalita si Theodore. "Lord Javier! You shouldn't be here. Magsisimula na ang main event." sambit nito. "Why I shouldn't be here? May nakapagsabi sa'kin na may nagaganap na gulo rito kaya gusto kong makita kung ano iyon. Hindi ko ba pwedeng makita kung anong nangyayari dito?" usisa ni Javier. Medyo namamaos na ang kanyang boses dahil sa katandaan. "H-hindi po yun ang ibig kong sabihin. I'm already taking care of things here." tugon ni Theodore habang bahagyang nakayuko. "Hindi mo na po dapat inabala pa ang sarili mo." Kahit na mas mataas ang estado ng pamilya Velasquez sa pam
Sumunod silang lahat na pumasok sa mansyon at nagkanya-kanya ng pinuntahan habang nasa hulihan nila si Luke at Joey. "Humihingi ako ng paumanhin Mr. Cruise sa abalang naidulot sa'yo nina Richard at ni Mr. Velasquez. Nauunawaan kong baka nais ninyong parusahan sila sa ginawa nila. But please, this event is very important for both families, sana hayaan niyo muna naming tapusin ang pagdiriwang na ito." bahagyang nakayukong pakiusap ni Joey. "Hindi mo kailangang ihingi sila ng kapatawaran, Mr. Alanis. Lalo na si Richard. Nauunawaan kong isang mahalagang pagdiriwang ito at may respeto ako kay Lord Javier." Sa laki ng atraso ni Richard sa kanya ay gustong-gusto na niyang tapusin ang kahibangan nito. Lalo pa't nakilala nito si Kina, bagay na ipinag-aalala niya pa. Sigurado siyang handa nitong kalimutan si Veronica at traydurin si Lance para lang maangkin si Kina. "Salamat sa pag-unawa, Mr. Cruise." nakangiting sambit ni Joey. "Do you plan to stay here and watch the event? O gusto niyong s
Unti-unting naliwanagan si Luke sa sitwasyon. Kung tama ang kanyang pagkakatugma, ang kakalabasan nito ay sapilitan lang ang kasal ni Kina. Nagtatrabaho si Kina bilang waitress upang masuportahan ang kanyang sarili. Marahil ay ang pag-aaral niya. Dahil hindi naman talaga kabilang na ang mga magulang ni Kina sa pamilya Alanis. Anuman ang dahilan ay mga magulang na mismo ni Kina ang nagpaunawa nito kay Luke na itinakwil sila ng pamilya Alanis. Nang makita ni Luke kung gaano kalungkot si Kina kanina sa garden house ay tingin ni Luke na ang dahilan nito ay ang sapilitang kasal nila ni Lance. Bukod pa rito ay kaibigan ni Lance si Richard pero maging si Richard ay ngayon lang nakilala si Kina. Ibig sabihin lang ay hindi pa gaano katagal na magkakilala si Kina at Lance. May mabubuo bang pag-ibig sa kanilang dalawa sa loob lang ng maiksing panahon na hahantong sa desisyon nilang magpakasal? Kung magiging magkasintahan man ang dalawa ay hindi naman siguro nila maiisipang magpakasal kaagad. L
Pagkatapos ng napakaganda at napakahusay na pag-perform nina Dwayne ay nakumbinsi nga nito ang mga bisita katulad ng sinabi ni Theodore sa kanila."Mahusay nga sila. Ano ang pangalan ng club nila?""I'll make sure to hire bodyguards from their dojo!""Mr. Dwayne pa-autograph po ako mamaya!""Ang galing nila! Totoo nga ang sinabi ni Mr. Velasquez!"Kaliwa't-kanang komento at papuri ang maririnig mula sa mga bisita. Maging si Javier ay napahanga rin sa ipinamalas nina Dwayne.Wala namang karea-reaksyon ang mukha ni Dwayne habang bahagya lang nitong tinatanguan ang mga bisita bilang pasasalamat sa binibigay nilang papuri."Who's this instructor again? Bakit hindi ko siya kilala kung taga rito siya sa Quezon?" tanong ni Javier kay Theodore."He is Dwayne Lacson. He's training his students at White Dragons Dojo Club in a low-key manner. Iilan lang ang personal na nakakakilala sa kanya, kabilang na si Richard." sagot ni Theodore na may malawak na ngiti sa kanyang mukha."White Dragons Dojo
"Nabingi ba ako? Tinawag ba ni Mr. Dwayne na Mr. Cruise ang lalaking 'yan sa nakapagalang na pamamaraan?" nagtatakang sambit ng isang bisita.Lahat sila ay hindi makapaniwala kung paanong ang isang tulad lang ni Luke ay kakilala sina Natalia at Dwayne."Nandito ako dahil sa aking trabaho." wika lamang ni Luke kay Dwayne. Sinusubukang ipaunawa rito na hindi pwedeng malaman ng mga taong naroroon ang tunay niyang pagkakakilanlan.Nauwanaan naman agad iyon ni Dwayne nang mapagtantong nakasuot si Luke ng uniporme pangtrabaho. Gusto man niyang humingi ng paumanhin ay hindi na siya nagsalita pa.Kabilang si Dwayne sa White Dragon Knights. Isa siya sa may mataas na ranggo sa herarkiya ng gang. Nagkita na sila ni Luke nitong huwebes lang sa Paraisong Tunay Bar nang isama ito ni Leon upang ipakilala kay Luke. Doon din nalaman ni Luke na may dojo pala ito rito sa Quezon.Samantala, nanigas naman sa kinatatayuan nila sina Richard at Theodore. Magkakilala si Luke at Dwayne? Imposible!Agad na buma
Sa sobrang takot ay halos maihi na si Richard sa kanyang pantalon. Si Dwayne Lacson itong may hawak sa kwelyo ng kanyang damit, isang 7th dan black belter, hindi kung sino lang na basagulero."M-Mr. Dwayne, please calm down. Hindi namin—"Natahimik nalang si Theodore nang balingan ito ni Dwayne ng masamang tingin."Magbibilang ako ng lima. Kapag hindi ka lumuhod at humingi ng kapatawaran kay Mr. Cruise sa lahat ng ginawa mo sa kanya ay ako mismo ang magiging kamay at paa niya para ilabas ang sama ng loob niya sa'yo. Naiintindihan mo ba ako?" maawtoridad na wika ni Dwayne kay Richard. Hindi mapigilan nina Theodore na kilabutan, lalo na si Richard.Bakit ito ginagawa ni Dwayne? Bakit mas importante si Luke kaysa sa kanya? Hindi ba dapat mas pinaglilingkuran siya nito dahil sa ang pamilya Gregory ang tumulong dito para maitayo ang kanyang dojo?"I-I'll do it! I'll do it!" nanginginig ang boses na bulalas ni Richard.Sa kabila ng kagustuhan niyang sumbatan si Dwayne dahil sa kapangahasan
Ilang saglit lang ang nakalipas ay mga armadong kalalakihan naman ang sumunod na pumasok mula sa pinto ng mansyon. Tulad nga ng sinabi ng security personnel ay mga nakabonet ang mga ito. Makikita ang takot sa mga mata ng mga bisita maging ang buong pamilya Alanis. Anong nangyayari? Sino sila? Sa puntong iyon ay palihim na napangisi si Richard. Oras na para pagbayaran nina Luke at Dwayne ang ginawa nilang ito sa kanya. Samantala, hindi alam ni Luke kung bakit tila pamilyar ang hubog ng katawan at tangkad ng nasa unahan ng mga armadong kalalakihan. Wala itong anumang dalang baril o armas kaya ipinagpalagay ni Luke na ito ang lider ng grupo. Mapapansin din ang dulo ng buhok nito na bahagyang nakalagpas sa suot nitong bonet. Naniningkit ang matang tiningnan ni Luke ang mga kasamahan nito. Naka-bonnet man sila ay sigurado si Luke na sina Malcov iyon. Anong ginagawa nila rito at bakit mga armado sila? Nandito ba sila para sa pamilya Alanis? Napabaling ang tingin niya kay Richard. 'O bak
"Hindi mo kailangang lumuhod sa harapan ko. Isa pa ay isa lang akong empleyado na kasama sa nag-catering service ngayon, hindi mo kailangang maging magalang sa'kin. Nirerespeto lang nila ako dahil sa mahusay ako makipaglaban, yun lang." wika ni Luke."P-pero—""Gaya nga ng sinabi ko ay mahirap lang ako, sino ba naman ako upang magdesisyon para sa kaparusahan ni Mr. Velasquez?" putol ni Luke sa sasabihin ni Lance.Lumapit si Luke kay Malcov. "Mr. Malcov, masyado niyo naman po ata akong iginagalang. Wala po ako sa tamang lugar upang magdesisyon para sa balak niyong gawin kay Mr. Velasquez. Ano man ang balak mong gawin sa kanya ay labas na po ako roon. Ayoko pong sumama ang loob sa'kin ng pamilya Velasquez."Naunawaan ni Malcov ang ibig sabihin ni Luke. Para itong encrypted message na sila-sila lang ang nagkakaunawaan."Tama ka nga. Nagulat lang ako kanina dahil sa ikaw pala ang ipinapadukot ni Richard sa'kin." Nakangising tiningnan ni Malcov si Theodore. "Plinano niyo ni Richard na ipad