Pagkatapos ng napakaganda at napakahusay na pag-perform nina Dwayne ay nakumbinsi nga nito ang mga bisita katulad ng sinabi ni Theodore sa kanila."Mahusay nga sila. Ano ang pangalan ng club nila?""I'll make sure to hire bodyguards from their dojo!""Mr. Dwayne pa-autograph po ako mamaya!""Ang galing nila! Totoo nga ang sinabi ni Mr. Velasquez!"Kaliwa't-kanang komento at papuri ang maririnig mula sa mga bisita. Maging si Javier ay napahanga rin sa ipinamalas nina Dwayne.Wala namang karea-reaksyon ang mukha ni Dwayne habang bahagya lang nitong tinatanguan ang mga bisita bilang pasasalamat sa binibigay nilang papuri."Who's this instructor again? Bakit hindi ko siya kilala kung taga rito siya sa Quezon?" tanong ni Javier kay Theodore."He is Dwayne Lacson. He's training his students at White Dragons Dojo Club in a low-key manner. Iilan lang ang personal na nakakakilala sa kanya, kabilang na si Richard." sagot ni Theodore na may malawak na ngiti sa kanyang mukha."White Dragons Dojo
"Nabingi ba ako? Tinawag ba ni Mr. Dwayne na Mr. Cruise ang lalaking 'yan sa nakapagalang na pamamaraan?" nagtatakang sambit ng isang bisita.Lahat sila ay hindi makapaniwala kung paanong ang isang tulad lang ni Luke ay kakilala sina Natalia at Dwayne."Nandito ako dahil sa aking trabaho." wika lamang ni Luke kay Dwayne. Sinusubukang ipaunawa rito na hindi pwedeng malaman ng mga taong naroroon ang tunay niyang pagkakakilanlan.Nauwanaan naman agad iyon ni Dwayne nang mapagtantong nakasuot si Luke ng uniporme pangtrabaho. Gusto man niyang humingi ng paumanhin ay hindi na siya nagsalita pa.Kabilang si Dwayne sa White Dragon Knights. Isa siya sa may mataas na ranggo sa herarkiya ng gang. Nagkita na sila ni Luke nitong huwebes lang sa Paraisong Tunay Bar nang isama ito ni Leon upang ipakilala kay Luke. Doon din nalaman ni Luke na may dojo pala ito rito sa Quezon.Samantala, nanigas naman sa kinatatayuan nila sina Richard at Theodore. Magkakilala si Luke at Dwayne? Imposible!Agad na buma
Sa sobrang takot ay halos maihi na si Richard sa kanyang pantalon. Si Dwayne Lacson itong may hawak sa kwelyo ng kanyang damit, isang 7th dan black belter, hindi kung sino lang na basagulero."M-Mr. Dwayne, please calm down. Hindi namin—"Natahimik nalang si Theodore nang balingan ito ni Dwayne ng masamang tingin."Magbibilang ako ng lima. Kapag hindi ka lumuhod at humingi ng kapatawaran kay Mr. Cruise sa lahat ng ginawa mo sa kanya ay ako mismo ang magiging kamay at paa niya para ilabas ang sama ng loob niya sa'yo. Naiintindihan mo ba ako?" maawtoridad na wika ni Dwayne kay Richard. Hindi mapigilan nina Theodore na kilabutan, lalo na si Richard.Bakit ito ginagawa ni Dwayne? Bakit mas importante si Luke kaysa sa kanya? Hindi ba dapat mas pinaglilingkuran siya nito dahil sa ang pamilya Gregory ang tumulong dito para maitayo ang kanyang dojo?"I-I'll do it! I'll do it!" nanginginig ang boses na bulalas ni Richard.Sa kabila ng kagustuhan niyang sumbatan si Dwayne dahil sa kapangahasan
Ilang saglit lang ang nakalipas ay mga armadong kalalakihan naman ang sumunod na pumasok mula sa pinto ng mansyon. Tulad nga ng sinabi ng security personnel ay mga nakabonet ang mga ito. Makikita ang takot sa mga mata ng mga bisita maging ang buong pamilya Alanis. Anong nangyayari? Sino sila? Sa puntong iyon ay palihim na napangisi si Richard. Oras na para pagbayaran nina Luke at Dwayne ang ginawa nilang ito sa kanya. Samantala, hindi alam ni Luke kung bakit tila pamilyar ang hubog ng katawan at tangkad ng nasa unahan ng mga armadong kalalakihan. Wala itong anumang dalang baril o armas kaya ipinagpalagay ni Luke na ito ang lider ng grupo. Mapapansin din ang dulo ng buhok nito na bahagyang nakalagpas sa suot nitong bonet. Naniningkit ang matang tiningnan ni Luke ang mga kasamahan nito. Naka-bonnet man sila ay sigurado si Luke na sina Malcov iyon. Anong ginagawa nila rito at bakit mga armado sila? Nandito ba sila para sa pamilya Alanis? Napabaling ang tingin niya kay Richard. 'O bak
"Hindi mo kailangang lumuhod sa harapan ko. Isa pa ay isa lang akong empleyado na kasama sa nag-catering service ngayon, hindi mo kailangang maging magalang sa'kin. Nirerespeto lang nila ako dahil sa mahusay ako makipaglaban, yun lang." wika ni Luke."P-pero—""Gaya nga ng sinabi ko ay mahirap lang ako, sino ba naman ako upang magdesisyon para sa kaparusahan ni Mr. Velasquez?" putol ni Luke sa sasabihin ni Lance.Lumapit si Luke kay Malcov. "Mr. Malcov, masyado niyo naman po ata akong iginagalang. Wala po ako sa tamang lugar upang magdesisyon para sa balak niyong gawin kay Mr. Velasquez. Ano man ang balak mong gawin sa kanya ay labas na po ako roon. Ayoko pong sumama ang loob sa'kin ng pamilya Velasquez."Naunawaan ni Malcov ang ibig sabihin ni Luke. Para itong encrypted message na sila-sila lang ang nagkakaunawaan."Tama ka nga. Nagulat lang ako kanina dahil sa ikaw pala ang ipinapadukot ni Richard sa'kin." Nakangising tiningnan ni Malcov si Theodore. "Plinano niyo ni Richard na ipad
Ano ang pakiramdam na iyon? Bakit parang pamilyar iyon sa kanya. Hindi niya lang maalala kung kailan niya iyon naramdaman dati. May nagti-trigger sa kanyang isip na parang isang malaking parte ito ng kanyang nakaraan. Matapos ng ilang saglit na pilit na pag-alala kung saan niya ito unang naramdaman ay binalewala niya nalang iyon. Malamang na dahil lang iyon sa pagod na kanyang nararamdaman ngayon. Ibinalik niya ang libro kung saan niya ito kinuha pagkatapos ay naupo sa sopa. Saktong kakapasok lang ni Joey na may dalang baso ng tubig. "Malapit nang matapos ang inaasikaso ni dad sa baba, Mr. Cruise. Aakyat na rin siya rito maya-maya." sambit ni Joey. Inilapag nito ang baso ng tubig sa maliit na mesa sa harap ni Luke. "Salamat sa tubig Mr. Alanis. Hintayin ko nalang si Lord Javier. Hindi mo na ako kailangang samahan pa habang hinihintay siya. Alam kong marami ka pang gagawin kaya maaari mo na akong iwanan." wika ni Luke. Nauunawaan niyang may mga mas importante pang gawain si Joey bu
"Maaari ko po bang malaman kung anong klaseng problema ang kinaharap ng inyong kumpanya?" pakiusap na tanong ni Luke."Pasensya na Mr. Cruise, but that information is confidential." tugon ni Javier. "Isa pa, kahit naman na sabihin ko sa'yo ay hindi mo naman maiintindihan dahil sa problema kumpanya ito." natatawang dagdag pa nito.Mahinang tumawa nalang din si Luke. Kung alam lang ni Javier ang totoo niyang pagkakakilanlan ay malamang hindi ito magdadalawang isip na sabihin sa kanya ang naging problema ng kumpanya nila."Anyway, let's move on. Let's talk about you." sambit ni Javier. Tiningnan nito si Luke nang may paghanga sa kanyang mata. "Mark of Ignorance is an ancient technique in Chinese Martial Arts. Paanong ang isang tulad mo na isa lang estudyante ay alam ang ganung klaseng pamamaraan? Saan ka natuto?" interesadong tanong ni Javier.Tumawa nang mahina si Luke. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Javier."N-napanood ko lang po sa telebisyon." pagpapalusot
Hindi na nagulat si Luke sa kanyang narinig. Tulad nga ng kanyang inaasahan ay aalukan siya ni Javier na magtrabaho bilang tagabantay ni Kina."Ow?" tanging reaksyon lang ni Luke. Pakunwaring nagulat."I'll pay you twice the salary of a bodyguard. Libre tirahan na rin. Pagkain mo nalang ang iintindihin mo Mr. Cruise." pangungumbinsi ni Javier.Gustong-gusto ni Luke pumayag sa napakagandang alok na ito ni Javier. Mas mababantayan niya nang malapitan si Kina. Wala rin namang mawawala sa kanya kung papayag siya."If you are worried about your studies, I've already planned to transfer you to La Fernandia University. Nang sa ganun ay kahit sa loob ng paaralan ay mababantayan mo si Kina. Ako na rin ang bahala sa mga bayarin mo sa pag-aaral. Ipinapakiusap ko lang na sana ay pumayag ka, Mr. Cruise."Nakataas lang ang kilay na pinagmasdan ni Luke si Javier. Hindi naman inaalala ni Luke ang kanyang pag-aaral. Ang kanyang inaalala ay baka mapabayaan niya ang kanyang business training. Kung sabag