Ilang saglit lang ang nakalipas ay mga armadong kalalakihan naman ang sumunod na pumasok mula sa pinto ng mansyon. Tulad nga ng sinabi ng security personnel ay mga nakabonet ang mga ito. Makikita ang takot sa mga mata ng mga bisita maging ang buong pamilya Alanis. Anong nangyayari? Sino sila? Sa puntong iyon ay palihim na napangisi si Richard. Oras na para pagbayaran nina Luke at Dwayne ang ginawa nilang ito sa kanya. Samantala, hindi alam ni Luke kung bakit tila pamilyar ang hubog ng katawan at tangkad ng nasa unahan ng mga armadong kalalakihan. Wala itong anumang dalang baril o armas kaya ipinagpalagay ni Luke na ito ang lider ng grupo. Mapapansin din ang dulo ng buhok nito na bahagyang nakalagpas sa suot nitong bonet. Naniningkit ang matang tiningnan ni Luke ang mga kasamahan nito. Naka-bonnet man sila ay sigurado si Luke na sina Malcov iyon. Anong ginagawa nila rito at bakit mga armado sila? Nandito ba sila para sa pamilya Alanis? Napabaling ang tingin niya kay Richard. 'O bak
"Hindi mo kailangang lumuhod sa harapan ko. Isa pa ay isa lang akong empleyado na kasama sa nag-catering service ngayon, hindi mo kailangang maging magalang sa'kin. Nirerespeto lang nila ako dahil sa mahusay ako makipaglaban, yun lang." wika ni Luke."P-pero—""Gaya nga ng sinabi ko ay mahirap lang ako, sino ba naman ako upang magdesisyon para sa kaparusahan ni Mr. Velasquez?" putol ni Luke sa sasabihin ni Lance.Lumapit si Luke kay Malcov. "Mr. Malcov, masyado niyo naman po ata akong iginagalang. Wala po ako sa tamang lugar upang magdesisyon para sa balak niyong gawin kay Mr. Velasquez. Ano man ang balak mong gawin sa kanya ay labas na po ako roon. Ayoko pong sumama ang loob sa'kin ng pamilya Velasquez."Naunawaan ni Malcov ang ibig sabihin ni Luke. Para itong encrypted message na sila-sila lang ang nagkakaunawaan."Tama ka nga. Nagulat lang ako kanina dahil sa ikaw pala ang ipinapadukot ni Richard sa'kin." Nakangising tiningnan ni Malcov si Theodore. "Plinano niyo ni Richard na ipad
Ano ang pakiramdam na iyon? Bakit parang pamilyar iyon sa kanya. Hindi niya lang maalala kung kailan niya iyon naramdaman dati. May nagti-trigger sa kanyang isip na parang isang malaking parte ito ng kanyang nakaraan. Matapos ng ilang saglit na pilit na pag-alala kung saan niya ito unang naramdaman ay binalewala niya nalang iyon. Malamang na dahil lang iyon sa pagod na kanyang nararamdaman ngayon. Ibinalik niya ang libro kung saan niya ito kinuha pagkatapos ay naupo sa sopa. Saktong kakapasok lang ni Joey na may dalang baso ng tubig. "Malapit nang matapos ang inaasikaso ni dad sa baba, Mr. Cruise. Aakyat na rin siya rito maya-maya." sambit ni Joey. Inilapag nito ang baso ng tubig sa maliit na mesa sa harap ni Luke. "Salamat sa tubig Mr. Alanis. Hintayin ko nalang si Lord Javier. Hindi mo na ako kailangang samahan pa habang hinihintay siya. Alam kong marami ka pang gagawin kaya maaari mo na akong iwanan." wika ni Luke. Nauunawaan niyang may mga mas importante pang gawain si Joey bu
"Maaari ko po bang malaman kung anong klaseng problema ang kinaharap ng inyong kumpanya?" pakiusap na tanong ni Luke."Pasensya na Mr. Cruise, but that information is confidential." tugon ni Javier. "Isa pa, kahit naman na sabihin ko sa'yo ay hindi mo naman maiintindihan dahil sa problema kumpanya ito." natatawang dagdag pa nito.Mahinang tumawa nalang din si Luke. Kung alam lang ni Javier ang totoo niyang pagkakakilanlan ay malamang hindi ito magdadalawang isip na sabihin sa kanya ang naging problema ng kumpanya nila."Anyway, let's move on. Let's talk about you." sambit ni Javier. Tiningnan nito si Luke nang may paghanga sa kanyang mata. "Mark of Ignorance is an ancient technique in Chinese Martial Arts. Paanong ang isang tulad mo na isa lang estudyante ay alam ang ganung klaseng pamamaraan? Saan ka natuto?" interesadong tanong ni Javier.Tumawa nang mahina si Luke. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Javier."N-napanood ko lang po sa telebisyon." pagpapalusot
Hindi na nagulat si Luke sa kanyang narinig. Tulad nga ng kanyang inaasahan ay aalukan siya ni Javier na magtrabaho bilang tagabantay ni Kina."Ow?" tanging reaksyon lang ni Luke. Pakunwaring nagulat."I'll pay you twice the salary of a bodyguard. Libre tirahan na rin. Pagkain mo nalang ang iintindihin mo Mr. Cruise." pangungumbinsi ni Javier.Gustong-gusto ni Luke pumayag sa napakagandang alok na ito ni Javier. Mas mababantayan niya nang malapitan si Kina. Wala rin namang mawawala sa kanya kung papayag siya."If you are worried about your studies, I've already planned to transfer you to La Fernandia University. Nang sa ganun ay kahit sa loob ng paaralan ay mababantayan mo si Kina. Ako na rin ang bahala sa mga bayarin mo sa pag-aaral. Ipinapakiusap ko lang na sana ay pumayag ka, Mr. Cruise."Nakataas lang ang kilay na pinagmasdan ni Luke si Javier. Hindi naman inaalala ni Luke ang kanyang pag-aaral. Ang kanyang inaalala ay baka mapabayaan niya ang kanyang business training. Kung sabag
"Good morning, Mr. Cruise. Mahimbing ba ang tulog niyo kagabi?" nakangiting bungad ni Joey sa magalang na tono.Masaya siya dahil sa wakas ay malapit na sa kanyang pamilya ang isang tagapagmana na nagmula sa pinakamayamang pamilya. Malaking tulong ito sa pamilya Alanis at pamilya Dela Vega. Sinisigurado ni Joey na pagsisilbihan niya nang husto ngayon si Luke."Sakto lang." nakangiting tugon lang ni Luke.Ang totoo ay hindi siya masyado nakatulog kakaisip kay Kina. Nagagalak na siyang maging personal bodyguard nito.Sa puntong iyon ay tatlong babae ang sumulpot mula sa likuran ni Joey."I said I'm busy, maybe next time kapag napasyal ulit ako rito." sambit ni Joey kay Patricia. Akala niya ay nandito sila upang kulitin siya. "Let's go Mr. Cruise. Let's have a breakfast first. Saan mo gusto?""Kahit saan. Anong maisa-suggest mo?"Saglit na nag-isip si Joey at nagliwanag ang mukha nito nang may maisip na masarap na kainan ng almusal."I know someone who owns a fine restaurant in Downtown.
"Katarina?" gulat na tanong ni Luke sa kanyang sarili.Anong ibig sabihin nito? Niloloko niya ba si Roger?Namumukhaan ni Luke ang lalaking kasama ni Katarina. Isa ito sa naging bisita sa banquet sa restaurant ng kanyang tito Damian at ito ang lalaking kasama nina Katarina sa parehong mesa nila. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit sila nakapunta sa ganung klaseng pagdiriwang.Makapangyarihan din ba ang lalaking ito? Niloko ba ni Katarina si Roger dahil sa mayaman ito? Kailan niya pa ginagawa ito?Mabilis na tumalikod si Luke nang lumingon si Katarina sa kinaroroonan niya. Magiging awkward lang ang senaryo kapag nakita siya nito. Sigurado siyang uusisain na naman nito ang kanyang presensya sa ganung klaseng boutique.Pero magagawa kaya iyon ni Katarina? Hindi ba't si Katarina pa nga itong dapat matakot o mahiya sa kanya dahil baka isumbong niya ito kay Veronica o kay Roger?"Mr. Alanis! It's good to see you!" dinig ni Luke na sambit ng lalaking kasama ni Katarina."Mr. Edmund Abad!
"How dare you talk to Edmund so casually? Sa tingin mo ba magkalebel lang kayo ng estado sa buhay?" galit na bulyaw ni Katarina kay Luke. "Stop it Katarina! You're the one who shouldn't be talking like that to Mr. Cruise! You're not even worthy of talking to him!" pasinghal ding sambit ni Edmund kay Katarina. Magkakahalong gulat, pagtataka at takot ang naramdaman ni Katarina sa ginawang iyon Edmund. Hindi niya lubos maunawaan ang inaasal nito ngayon. Bakit maging si Edmund ay nirerespeto na rin si Luke? Sino ang pamilya Cruise na sinasabi nila? Kabilang ba talaga si Luke sa pamilyang iyon? "Ang lalaking ito, na minamaliit mo ay walang iba kung hindi ang nangungunang kandidatong tagapagmana ng pamilya Cruise, ang pinakamayamang pamilya sa buong bansa." Marahan lang pagkakasabing iyon ni Edmund pero dahil sa hindi naman kalakihan ang boutique ay rinig iyon ng ibang taong naroon. Napanganga sila sa gulat dahil sa kanilang narinig pagkatapos ay napatitig kay Luke. Tagapagmana ng pinak