Mabilis namang nasakyan ni Joey ang pagpapanggap ni Luke. "You're welcome, Mr. Cruise. Sana ay sagutin ka na ng nililigawan mo." nakangiting wika nito pagkatapos ay inabot ang mga card. Maingat na inilagay niya iyon sa kanyang wallet. Hindi niya gugustuhing magasgasan ang mga ito.Nalaglag ang balikat ng mga nakapalibot sa kanila at makikita ang pagkadismaya sa kani-kanilang mukha.'This guy is so shameless. Talagang nagawa niyang magpanggap na mayaman para lang magyabang sa nanay ng kanyang nililigawan?''What a loser. Kapag nakita ko ulit ang aleng iyon ay sasabihin ko sa kanya ang kasinungalingan ng lalaking 'to.''Anong tingin niya sa'ming mga babae? Mabilis mabulag sa salapi?'Kanya-kanya silang panunumbat sa kani-kanilang isip pero wala silang lakas ng loob upang sabihin iyon kay Luke. Kasama pa rin ito ni Joey, na siyang tunay na may-ari ng SVIP card at Black card.Imbes na sa isang sinungaling, bakit hindi nalang sila mag
Napasimangot si Jacob dahil sa inasta ng kanyang ina. "Ma, it's not necessary for you to make fun of him. Kahit na mahirap lang si Luke ay hindi niya gagawin iyon." Matagal na siyang kinukulit ng kanyang ina na itigil niya na ang pakikipagkaibigan kina Luke dahil hindi naman daw siya matutulungan ng mga ito balang araw kapag nangailangan siya ng pinansyal na tulong sa kanila. Baka nga siya pa raw ang hingan lagi ng tulong ng mga ito. "I'm not making fun of him. Nagsasabi lang ako ng totoo. Sinabi ko naman sa'yo 'di ba na 'wag mo na silang imbitahan? Especially this guy dahil wala ka namang mapapala sa lalaking ito." sumbat ng ina ni Jacob. "It's not surprising that his girlfriend left him. Tama lang ang ginawang iyon ni Veronica." nakaismid at may pangungutyang wika pa nito. Biglang lumamig ang ekspresyon ng mukha ni Luke dahil sa sinabing iyon ng ina ni Jacob. Marahil ay si Katarina ang nagkwento ng hiwalayan nila ni Veronica rito dahil sa magkaibigan ang mga ito. "Ma, please stop
Nagulat silang lahat sa ginawang iyon ng babae. Hindi ito nakasuot ng eleganteng kasuotang pambabae kung hindi ay nakasuot lamang ito ng kulay itim na halter tank top na pinaparesan ng denim jeans. Bagay na bagay iyon sa maputi nitong kutis kaya nagmumukha itong koreana. Nakasuot din ito ng kulay navy blue na beanie na bumabagay naman sa kulay pula nitong buhok.Namumukhaan ni Luke ang babae pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Ang ipinagtataka niya ay bakit siya kilala nito."W-what do you think you're doing? Bitawan mo ako! Hindi mo ba ako kilala?" galit pero may kabang sambit ni Gareth.Nginisian lang siya ng babae. "Kanina pa ako naririndi sa ingay mo. Daig mo pang ikaw ang may kaarawan. Gusto mo bang tabasin ko ng kutsilyo 'yang dila mo? Anong karapatan mong maliitin si Mr. Cruise?"Ilang beses napalunok si Gareth dahil sa takot. Medyo malakas din ang pwersang inilalaan ng babae upang hatakin ang kwelyo ng kanyang damit. Pakiramdam niya ay mapupunit na iyon. Babae b
"Mr. Gareth! What on earth are you doing?" mabilis na tinulungan nitong tumayo si Gareth pagkatapos ay magkasalubong ang kilay na tiningnan si Jacob. "Anong kaguluhan 'to Jacob? Bakit hinahayaan mo lang na mangyari ito kay Mr. Gareth?" galit na tanong nito. "It's fine, Ma. Humihingi lang siya ng kapatawaran sa kanyang mga nasabi kina Luke." sambit ni Jacob. Mas kampante na siya ngayon magsalita dahil sa pagiging miyembro ni Luke ng BPG. Idagdag pang nandito rin ngayon si Alona na isang high-ranking official ng gang at mukhang tinutulungan nito si Luke. "W-what? Bakit naman gagawin iyon ni Mr. Gareth?" pasinghal na tanong ni Marian. "Bakit, akala niyo ba ay isang mabuting tao ang lalaking 'yan? Haven't you heard him ridiculed or mocked someone before? Isa ba siyang santo sa inyong paningin?" tanong naman ni Alona. Nakahalukipkip ang mga kamay nito sa kanyang dibdib. Ang nakasimangot na mukha ni Marian ay mas sumimangot pa. Sino ang babaeng ito? Bakit ganito ito makipag-usap sa kany
Simula nang malaman ng mga bisita ni Jacob na miyembro ng BPG sina Luke at Alona ay sila itong sentro ng atensyon sa pagdiriwang na iyon. Maging si Marian ay halos sila ni Luke ang pinagsisilbihan nito na para bang sila itong may kaarawan.Hindi maiwasan ni Alona na mairita. Nawalan na rin siya ng ganang tapusin pa ang pagdiriwang na iyon. Hindi rin naman niya kilala si Jacob. Sumama lang naman siya kay Sebastian dahil sa pagkabagot.Nakita ni Luke na lumabas ng dining room si Alona kaya sinundan niya ito."Saan ka pupunta?" tanong ni Luke nang maabutan niya itong papalabas ng pintuan ng bahay. Nilingon ito ni Alona."Mr. Cruise..."Magalang munang binati ni Alona si Luke bago tinugon ang tanong nito."Pupunta ako sa camp." maiksing tugon nito."Pero hindi pa tapos ang pagdiriwang. Bakit nagmamadali ka? May problema ba sa gang niyo?"Umiling-iling si Alona. "Wala naman."Mahinang natawa lang si Luke na ikinataka ni Alona kaya napakunot ang noo nito. Anong nakakatawa?Nagpatiunang magl
Magkatabing nakaupo si Luke at Alona sa likuran ng taxi. Nakatanaw lang sa labas ng bintana si Luke habang si Alona ay nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan habang nakapikit ang mata at nakahalukipkip ang mga kamay.Naputol lang ang katahimikang iyon nang magsalita si Alona. "Can I ask you a question, Mr. Cruise?"Napakunot ang noo ni Luke at nilingon niya ito. "Ano yun?"Idinilat ni Alona ang kanyang mata at saglit na pinagmasdan si Luke. "Ikaw ba ang tunay leader ng White Dragon Knights?"Halos maubo si Luke sa naging tanong na iyon ni Alona. Hindi agad siya nakatugon sa halip ay tiningnan niya lang ito sa mata.Hula lang ba nito ang kanyang itinanong o talagang alam na ni Alona ang tungkol doon? Pero paano?Napasinghap si Luke. "Oo. Nakakagulat lang na nalaman mo ang tungkol dun. May nagsabi ba sa'yo?" tanong ni Luke.Naningkit lang ang mata ni Alona. Binabasa niya ang ekspresyon ng mukha ni Luke. Simula nang makila
Mabilis na kumawala si Alona sa pagkakahawak ni Larry. Sinubukan niya ulit itong atakihin ng isang paikot na sipa pero ganun din ang nangyari. Napatango-tango si Luke. Nakumbinsi siyang mas mahusay nga si Larry kaysa kay Alona. Kumpara sa mga tauhan ni Douglas na ginulpi niya sa Paraisong Tunay Bar ay higit na mahusay si Alona sa kanila at hindi niya akalaing may mas higit pang mahusay kaysa kay Alona. "Ayoko sanang bumugbog ng babae, lalo pa't kabilang sa top 7 high rank officials. Pero magpasensyahan nalang tayo, kailangan kong ipaghiganti ang kapatid ko. Hindi ako mapalagay kapag nakikita kang pagala-gala habang ang kapatid ko ay nakaratay sa ospital." sambit ni Larry. Hindi nito binitawan ang paa ni Alona. Masamang tiningnan ni Alona si Larry na pilit kumakawala sa pagkakahawak nito. "You asshole! Nararapat lang yun sa kanya! Kung walang umawat sa'kin ay malamang na diretso na sa morge ang kapatid mo!" pasigaw na sambit ni Alona. Pumait ang itsura ni Larry dahil sa sinabi ni Al
Naunang umatake si Luke. Dahil sa kanyang bilis ay hindi agad nakakilos si Larry na sinalo lang ang kanyang suntok at tumama iyon sa dibdib nito kaya napaatras ito.Saglit itong natigilan. "A-ang liksi niya..." hindi makapaniwalang sambit nito. Masyado niyang minaliit ang kakayahan ni Luke kaya hindi niya napaghandaan ang pag-atakeng iyon.Agad na bumawi ito ng postura at galit na sinugod si Luke. Lumundag ito at habang nakasuspende sa ere ay bumwelo ito ng isang solid na suntok na handang ipatama sa mukha ni Luke. Napakabilis ng ginawa niyang iyon kaya nakasisiguro siyang mapupuruhan niya si Luke.Pero hindi niya inaasahan na sasalubungin lang iyon ni Luke ng simpleng back kick na may malakas na pwersa kaya tumilapon ito nang limang metrong layo mula sa kinatatayuan ni Luke.Napaawang ang bibig ni Alona. Ni hindi man lang bumwelo si Luke upang tumilapon nang ganun kalayo si Larry. Nakatayo lang si Luke at partidang nasa likuran pa ang mga kamay nito.Imposible! Paano niya nagawa iyon
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni