Share

Chapter 53 - Redheaded Girl

Nagulat silang lahat sa ginawang iyon ng babae. Hindi ito nakasuot ng eleganteng kasuotang pambabae kung hindi ay nakasuot lamang ito ng kulay itim na halter tank top na pinaparesan ng denim jeans. Bagay na bagay iyon sa maputi nitong kutis kaya nagmumukha itong koreana. Nakasuot din ito ng kulay navy blue na beanie na bumabagay naman sa kulay pula nitong buhok.

Namumukhaan ni Luke ang babae pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Ang ipinagtataka niya ay bakit siya kilala nito.

"W-what do you think you're doing? Bitawan mo ako! Hindi mo ba ako kilala?" galit pero may kabang sambit ni Gareth.

Nginisian lang siya ng babae. "Kanina pa ako naririndi sa ingay mo. Daig mo pang ikaw ang may kaarawan. Gusto mo bang tabasin ko ng kutsilyo 'yang dila mo? Anong karapatan mong maliitin si Mr. Cruise?"

Ilang beses napalunok si Gareth dahil sa takot. Medyo malakas din ang pwersang inilalaan ng babae upang hatakin ang kwelyo ng kanyang damit. Pakiramdam niya ay mapupunit na iyon. Babae b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Arnel Jimenez Padilla
wala p update ,update please
goodnovel comment avatar
Rianes Prajes Barcelo
wla ka ng e upload lods,,,ang boring naman
goodnovel comment avatar
raymond acain
upload lodi
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status