Magkatabing nakaupo si Luke at Alona sa likuran ng taxi. Nakatanaw lang sa labas ng bintana si Luke habang si Alona ay nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan habang nakapikit ang mata at nakahalukipkip ang mga kamay.
Naputol lang ang katahimikang iyon nang magsalita si Alona. "Can I ask you a question, Mr. Cruise?"Napakunot ang noo ni Luke at nilingon niya ito. "Ano yun?"Idinilat ni Alona ang kanyang mata at saglit na pinagmasdan si Luke. "Ikaw ba ang tunay leader ng White Dragon Knights?"Halos maubo si Luke sa naging tanong na iyon ni Alona. Hindi agad siya nakatugon sa halip ay tiningnan niya lang ito sa mata.Hula lang ba nito ang kanyang itinanong o talagang alam na ni Alona ang tungkol doon? Pero paano?Napasinghap si Luke. "Oo. Nakakagulat lang na nalaman mo ang tungkol dun. May nagsabi ba sa'yo?" tanong ni Luke.Naningkit lang ang mata ni Alona. Binabasa niya ang ekspresyon ng mukha ni Luke. Simula nang makilaMabilis na kumawala si Alona sa pagkakahawak ni Larry. Sinubukan niya ulit itong atakihin ng isang paikot na sipa pero ganun din ang nangyari. Napatango-tango si Luke. Nakumbinsi siyang mas mahusay nga si Larry kaysa kay Alona. Kumpara sa mga tauhan ni Douglas na ginulpi niya sa Paraisong Tunay Bar ay higit na mahusay si Alona sa kanila at hindi niya akalaing may mas higit pang mahusay kaysa kay Alona. "Ayoko sanang bumugbog ng babae, lalo pa't kabilang sa top 7 high rank officials. Pero magpasensyahan nalang tayo, kailangan kong ipaghiganti ang kapatid ko. Hindi ako mapalagay kapag nakikita kang pagala-gala habang ang kapatid ko ay nakaratay sa ospital." sambit ni Larry. Hindi nito binitawan ang paa ni Alona. Masamang tiningnan ni Alona si Larry na pilit kumakawala sa pagkakahawak nito. "You asshole! Nararapat lang yun sa kanya! Kung walang umawat sa'kin ay malamang na diretso na sa morge ang kapatid mo!" pasigaw na sambit ni Alona. Pumait ang itsura ni Larry dahil sa sinabi ni Al
Naunang umatake si Luke. Dahil sa kanyang bilis ay hindi agad nakakilos si Larry na sinalo lang ang kanyang suntok at tumama iyon sa dibdib nito kaya napaatras ito.Saglit itong natigilan. "A-ang liksi niya..." hindi makapaniwalang sambit nito. Masyado niyang minaliit ang kakayahan ni Luke kaya hindi niya napaghandaan ang pag-atakeng iyon.Agad na bumawi ito ng postura at galit na sinugod si Luke. Lumundag ito at habang nakasuspende sa ere ay bumwelo ito ng isang solid na suntok na handang ipatama sa mukha ni Luke. Napakabilis ng ginawa niyang iyon kaya nakasisiguro siyang mapupuruhan niya si Luke.Pero hindi niya inaasahan na sasalubungin lang iyon ni Luke ng simpleng back kick na may malakas na pwersa kaya tumilapon ito nang limang metrong layo mula sa kinatatayuan ni Luke.Napaawang ang bibig ni Alona. Ni hindi man lang bumwelo si Luke upang tumilapon nang ganun kalayo si Larry. Nakatayo lang si Luke at partidang nasa likuran pa ang mga kamay nito.Imposible! Paano niya nagawa iyon
"Why are you here Mr. Cruise? I thought you were doing some business with Malcov? Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sainyo. I know it's kinda rude..."Tumigil sa pagsasalita si Alona nang mapagtantong nakatingin lang sa kanya si Luke. Hindi niya alam pero nagsimula na naman siyang makaramdam ng hiya kaya mabilis siyang tumalikod. May problema ba sa kanyang itsura?"Tara. Mag-ensayo muna tayo. Maaga pa naman." wika ni Luke. "May spare gloves ka pa ba diyan?" tanong nito.Hindi tumugon si Alona sa halip ay binuksan niya ulit ang kanyang locker at kinuha ang pares ng boxing gloves."Here." Inihagis niya iyon kay Luke."Tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. Naririndi na ako sa Mr. Cruise." sambit ni Luke habang isinusuot ang gloves."O-okay." maiksing tugon lang ni Alona.Pumasok sila sa loob ng boxing ring at nagsimulang mag-ensayo. Dumipensa lang si Luke habang si Alona naman ay umaatake."Totoo nga ang sinabi ni Larry, napakahina ng suntok mo."Saglit na huminto si Alona at nama
Tulad ng iniutos ni Luke ay dinala ng mga tauhan ni Malcov si Theodore sa isang maliit na kubo upang masinsinan niya itong makausap. Nananatiling tahimik si Theodore na magpahanggang ngayon ay tulala pa rin."Mr. Velasquez," pagtawag ni Luke rito. Saka lang ito nagbalik sa realidad."M-Mr. Cruise..." Agad na nagkaroon ng sigla ang mata ni Theodore nang makita si Luke. "Mr. Cruise patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa'yo kagabi. Alam kong naniniwala kang nagawa ko lang lahat ng iyon dahil sa kagustuhan ni Richard."Pinagmasdan lang ni Luke si Theodore na may blangkong ekspresyon sa mukha. Hindi ba't ginawa niya iyon sa kagustuhang mas mapalapit sa pamilya Gregory?"Nauunawaan ko." sambit ni Luke. "Pero hindi ba't sinubukan ko nang pakiusapan si Malcov kagabi?"Laglag ang balikat na napatitig lang si Theodore kay Luke. Nararamdaman niyang nagsisinungaling lang si Luke. Napakagalang nina Malcov dito kaya kahit itago man ni Luke ang katotohanan ay kayang-kaya nito silang pasunurin. Isang u
"I-is that all, Mr. Cruise?" may kabang tanong ni Theodore.Hindi tumugon si Luke sa halip ay binigyan niya lang ito ng malamig na tingin."I-I'll do it, I'll do it. Salamat Mr. Cruise."Nakahinga nang maluwag si Theodore. Ang akala niya ay pipwersahin siya ni Luke na umamin mismo kay Javier. Siguradong malaking kahihiyan iyon sa kanya at sa kanyang pamilya.Tinawag ni Luke si Malcov at inutusang ihatid si Theodore pauwi sa kanila."What about the other dog, Mr. Cruise." tanong ni Malcov.Tinanaw nila ang sigaw nang sigaw na si Richard dahil sa nakita nito ang nakangiting si Theodore na sumakay ng kotse ni Malcov. Marahil ay nahulaan nitong pinapalaya na si Theodore ng gang."Hayaan mo lang siyang tumahol nang tumahol sa kanyang kulungan. May plano pa akong gawin sa kanya." seryosong tugon ni Luke.Nang makaalis na sina Malcov ay saktong dating naman ni Alona. Mas babaeng-babae ito tingnan sa suot nitong pinaghalong puti at itim na raglan sleeve na pinaparesan ng kulay itim na miniski
"W-who are you exactly? Why everyone here is respecting you so much? Miyembro ka rin ba ng gang na ito?" tanong ni Richard kay Luke. Desperado itong malaman ang katotohanan. Hindi niya maunawaan nang husto kung bakit nang dahil lang sa mahusay si Luke sa pakikipaglaban at iniligtas nito ang buhay ni Malcov ay nakakatamasa ito ng ganito kataas na respeto mula sa iba't-ibang kilalang personalidad tulad na lamang ni Natalia at Dwayne. Hindi lang yun, nang marinig ni Noah ang pangalan ni Luke ay mabilis na nagbago ang pananalita nito na para bang bigla itong natakot kay Luke. Kaya ang hinuha ni Richard ay hindi lang basta iniligtas ni Luke ang buhay ni Malcov. Malamang ay miyembro din si Luke ng gang. "Sino ba talaga ako?" pag-uulit ni Luke sa tanong ni Richard. Seryoso ang mukhang pinagmasdan niya ito. Naupo muna siya at ilang segundong pinagmasdan si Richard bago sagutin ang tanong nito. "May tanong muna ako sa'yo. May ideya ka ba kung bakit ka nagawang bugbugin ni Reynold?" Napati
Habang sakay ng taxi pabalik sa kanilang dormitoryo, nabalot ng malalim na pag-iisip si Luke dahil sa mga nalaman mula kay Dwayne patungkol sa paghihiwalay nila ni Veronica. Ang buong akala ni Luke ay mas pinili ni Veronica si Richard dahil sa yaman nito. Hindi niya akalain na lahat ng iyon ay pwersahan lang palang ginawa ni Richard. Nalaman niyang kaya nagawang makipaghiwalay ni Veronica sa kanya ay dahil sa presyon ng mga magulang nito. Tinakot ni Richard sina Katarina upang kumbinsihin ng mga ito si Veronica na sagutin si Richard. Dala na rin ng pinagsama-samang emosyon, presyon sa hinaharap, at takot na baka bumagsak ang kanilang kumpanya ay napagdesisyunan ni Veronica na hiwalayan si Luke at sagutin si Richard. Dagdagan pa ng mapangkumbinsing matatamis na salita ni Richard kaya talagang naging buo ang desisyong iyon ni Veronica. Ang hindi alam ni Veronica na lahat ng iyon ay pakulo lang ni Richard. Ganda lang ni Veronica ang habol ni Richard, hindi dahil gusto o mahal siya nito
Kotse iyon ni Joey. Bumaba ito at ubod ang ngiting lumapit kay Luke pero nawala rin agad iyon nang mapagtanto ang malungkot na mukha ni Luke."Mr. Cruise, I came here to pick you up. Pasensya na kung pinaghintay ko kayo."Nginitian lang ito ni Luke. Pilit na itinatago ang kanyang emosyon. "Ayos lang. Kakalabas ko lang rin naman para maghintay ng taxi."Hindi inaasahan ni Luke na susunduin siya ni Joey kaya napakamot nalang siya sa kanyang ulo. Paniguradong pagtitinginan sila ng mga estudyante roon.Tinulungan siya nitong mailagay ang mga gamit niya sa loob ng sasakyan. Lahat ng estudyanteng nasa may entrance ng gate ay napanganga dahil sa kanilang nasasaksihan."W-why Mr. Joey Alanis is here? A-at bakit niya tinutulungan si Luke?" gulat na tanong ng isa sa nakikiusisa. Pare-parehas na iyon ang katanungan nila sa kanilang isip.Pinagmasdan nila kung paano magalang na kausapin ni Joey si Luke at kung paano isakay nito ang mga gamit ni Luke sa kotse. Maging ang pagbukas ng pinto ni Joey