Share

Chapter 63 - I'm Really Sorry Luke

Habang sakay ng taxi pabalik sa kanilang dormitoryo, nabalot ng malalim na pag-iisip si Luke dahil sa mga nalaman mula kay Dwayne patungkol sa paghihiwalay nila ni Veronica.

Ang buong akala ni Luke ay mas pinili ni Veronica si Richard dahil sa yaman nito. Hindi niya akalain na lahat ng iyon ay pwersahan lang palang ginawa ni Richard.

Nalaman niyang kaya nagawang makipaghiwalay ni Veronica sa kanya ay dahil sa presyon ng mga magulang nito. Tinakot ni Richard sina Katarina upang kumbinsihin ng mga ito si Veronica na sagutin si Richard.

Dala na rin ng pinagsama-samang emosyon, presyon sa hinaharap, at takot na baka bumagsak ang kanilang kumpanya ay napagdesisyunan ni Veronica na hiwalayan si Luke at sagutin si Richard. Dagdagan pa ng mapangkumbinsing matatamis na salita ni Richard kaya talagang naging buo ang desisyong iyon ni Veronica. Ang hindi alam ni Veronica na lahat ng iyon ay pakulo lang ni Richard. Ganda lang ni Veronica ang habol ni Richard, hindi dahil gusto o mahal siya nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status