"Y-you're one of them!" gulat na wika ni Jackielyn. Bachelor of Arts in Journalism ang kurso ni Jackielyn. Dahil sa ginawa ng Blazing Phoenix Gang kay Kina ay napagdesisyunan niyang gantihan sila sa pamamagitan ng pagpapakalat ng marurumi nilang gawain. Ito rin ang dahilan kung bakit siya tinangkang dukutin ng gang. "Anong ibig mong sabihin? Kilala mo si Alona?" usisa ni Luke. "Yes. She's one of the Blazing Phoenix Gang. S-she's actually a high-ranking official and I have a picture of her. Kaya ko siya namumukhaan." paliwanag ni Jackielyn. Kinalaunan ay nagbago rin agad ang ekspresyon sa mukha nito nang maalala ang sinabi ni Luke kay Cleo kanina. Napatitig siya kay Luke. "S-siya ba ang tinutukoy mong kakilala mong high-ranking official ng kanilang gang?" Tinugon lang iyon ni Luke ng ngiti. "Luke and I were friends. Kahit si Malcov ay kaibigan din ni Luke kaya wala ka na dapat ipag-alala pa. Hindi lang talaga alam ni Cleo ang patungkol sa bagay na ito. Soon he will be." sambit ni
"I-it's you!" may galak na sambit ni Kina. Tinanggal niya ang suot niyang earphones at inilagay iyon sa kanyang bag.Nakahinga nang maluwag si Luke. Akala niya ay narinig nito ang pag-uusap nila ni Alona.Nagtatakang tiningnan ni Alona si Luke bago inilipat kay Kina ang tingin nito.'So this girl is Kina...' sambit nito sa kanyang isip. Binase niya iyon sa naging reaksyon ng mukha ni Luke nang makita ang babae."I really wanted to meet you personally. Pagkatapos nang nangyari sa mansyon ni lolo ay hinanap kita pero hindi na kita nakita. I didn't expect to meet you here." nakangiting sambit nito.Kahit mismo si Alona ay namangha sa ganda ng ngiti nito. Pinagmasdan niya si Kina mula ulo hanggang paa pagkatapos ay napatango-tango. Nakasuot lang ito ng plain white shirt na naka tucked-in sa suot nitong skinny jeans. Pero ang lakas pa rin ng dating nito. Para itong dyosa sa ganda. Walang duda kaya ito nagustuhan ni Luke.Lumapit si Kina sa kinatatayuan ni Luke at inalukan ng pakikipagkamay
Nanunuyang napangisi ang lalaking may pula ring buhok. Sa kabila ng matalim na titig ni Alona ay tinangka ulit niyang hawakan ang buhok nito."Bakit, bawal bang hawakan ang buhok mo? Masama bang i-appreciate ang—"Nahinto ito sa pagsasalita nang hawakan ni Alona ang kamay nito at pilipitin ang isa nitong daliri. Napaigtad ito sa sakit at napasampa pa sa mesa. Makailang ulit itong nakatanggap ng sampal mula kay Alona."Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang hawakan ang buhok ko?" tanong ni Alona rito habang patuloy pa rin niyang sinasampal ito. Hindi ito makakilos dahil hawak-hawak pa rin niya ang daliri nitong nakapilipit. Napasigaw nalang ang lalaki sa sobrang sakit na nararanasan.Natigilan lahat ng nakapalibot sa kanila dahil sa ginagawa ni Alona sa kasamahan ni Paolo. Wala ni isa man sa kanila ang agad na nakakilos."H-hey! Stop it!" sigaw ni Paolo pero hindi ito pinansin ni Alona.Nahinto lang si Alona nang isang mapwersang kamay ang humawak sa kanyang kamay upang pigilan siya sa gi
Masayang nag-uusap si Lance at Kina habang naglalakad ang mga ito sa koridor patungo sa dormitoryo ni Kina. Nasa likuran naman nila at nakabuntot sina Luke.Simula sa cafeteria ay nakapokus lang ang atensyon ni Alona sa dalawang nasa unahan nila."Sa tingin mo ba ay bagay sila sa isa't-isa?" biglang tanong nito kay Luke. Hindi man lang nagawang alisin ang tingin nito sa dalawa.Napataas ang kilay ni Luke. Pinagmasdan niya muna si Alona bago ito tinugon. "Oo naman.""Pssh!" tanging reaksyon ni Alona sa naging sagot ni Luke. Napairap pa ito.Natawa naman agad si Luke. "Bakit parang hindi ka naniniwala? Nagtanong ka pa."Huminto si Alona sa paglalakad at binigyan si Luke ng mapanuring tingin."A-ano na naman 'yan?" takang tanong ni Luke.Nagkibit-balikat lang si Alona bago muling nagpatuloy sa paglalakad kaya mas lalong naguluhan si Luke sa inaasta nito."You said you like her. But it seems like you've given up on her. Hahayaan mo nalang bang matuloy ang kasal nila?" walang lingon likod
"W-what do you mean?" nagugulumihanang tanong ni Lance.Ibinulsa ni Luke ang kanyang mga kamay at tumingin sa direksyon ng dormitoryo nina Kina. "Hindi ko alam kung alam mo na ang tungkol sa nangyari sa kanya sa Paraisong Tunay Bar noong nakaraang linggo. Doon ko siya unang nakilala."Hindi nagbago ang tingin ni Lance kay Luke na may nagugulumihanang ekspresyon pa rin sa mukha. Naghihintay ng bawat salitang lalabas sa bibig ni Luke."Nagkaroon kami ng kasiyahang mga magkakaibigan sa mismong bar nang gabi ring iyon. Nakita ko si Kina noon na nagsisilbi ng inumin sa mesa nina Douglas, dating kanang kamay ni Malcov. Hanggang sa pwersahang dalhin nila si Kina sa VIP lounge at binalak na gawan ng masama." patuloy ni Luke.Tigagal ang mukha ni Lance habang nakikinig. Sa kabila nito ay nanatili lang itong tahimik. Muling nagpatuloy si Luke."Mabilis akong nagtungo sa ikatlong palapag. Nadatnan ko sila sa isang kwarto, nakahalukipkip lang noon sa sofa si Kina. Nakita ko kung gaano siya katako
Kasalukuyang naglalakad-lakad si Dominica sa kanilang hardin. Nasa likuran lang nito at nakabuntot ang dalawang katulong. Sa kabila ng edad nitong eighty one ay malinaw pa rin ang paningin nito. Kaya naman ay tuwang-tuwa siya sa pagmamasid sa naggagandahang bulaklak sa kanyang paligid na paminsan-minsang inaamoy pa.Nawala lang ang kasiyahang iyon sa mukha nito nang matanaw ang mag-asawang naglalakad papasok ng mansyon. Mga magulang iyon ni Kina."What are they doing here?" magkasalubong ang kilay na tanong nito sa sarili. Mas lalo pang sumama ang itsura nito nang makita ang mga dala-dalang bagahe ni Ferdinand."Talaga nga namang mga bwisit na 'to. Pinagsabihan ko na silang 'wag nang babalik pa sa pamamahay na ito." pagalit na wika nito.Mabilis na sinundan niya sina Ferdinand at nadatnan sila sa may main hall. Kahit na matanda na ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Dominica, kaya saglit lang nitong nahabol ang mag-asawa. Idagdag pang mabagal lang maglakad sina Ferdinand at Caroline
"M-Mr. Velasquez, anong ibig niyong sabihing pati ang kasal ng ating mga anak?" tigagal na tanong ni Caroline. Mas inaalala nito ang kasal nina Lance at Kina kaysa sa kolaborasyon. Kung hindi matutuloy ang kasal ng kanilang mga anak ay hindi rin matutuloy na regaluhan sila ni Theodore ng ipinangakong villa nito sa kanila. May tsansa ring paalisin sila sa mansyon ng pamilya Alanis. "Hindi ko maunawaan Mr. Velasquez, bakit biglaan naman ata ang desisyon mo? Kung kailan naisapubliko niyo na ang pakikipagkolaborasyon sa kumpanya ni dad?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Ferdinand. Pinagmasdan lang sila ni Theodore na may blangkong ekspresyon sa mukha. Wala siyang planong sagutin ang mga katanungan ng mga ito. "Mr. Velasquez, I am puzzled by your sudden decision without informing me beforehand. Gusto kong malaman ang rason kung bakit mo bigla nalang naisipang ikansela ang pakikipagkolaborasyon sa aming kumpanya. You are aware that it will lead to our bankruptcy." mariing wika ni Jav
Napalingon sa may pintuan si Larry. Nalaglag ang panga nito nang makita kung sino ang tinutukoy ni Cleo. Hindi agad ito nakaimik na pinagtatakhan ang presensya ni Luke ngayon sa kanilang meeting room. "Siya rin ang nakalaban ko kahapon!" gitlang sambit nito. Tila hindi naulinigan ni Cleo ang sinabing iyon ni Larry dahil nakatitig lang ito nang husto kay Luke. Lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon ay nagtatakang sinundan ng tingin si Luke. "Who is he?" tanong ng isang opisyales sa katabi nito. "I don't know. Ngayon ko lang siya nakita rito." "Kilala ko ang lalaking 'yan. Siya ang tumalo sa mga tauhan ni Douglas noong nakaraang linggo sa Paraisong Tunay Bar." nakangiting sabat naman ng isa nilang katabi. Nakasalikop pa ang mga palad nito sa kanyang leeg at tila may paghangang nakatingin kay Luke. Joanna ang pangalan nito. Ika-labing-isang ranggo ng gang officials. Pare-parehas na napakunot ang noo ng mga nakarinig sa sinabi nito. "Pero mukha lang siyang estudyante. Paano niya maga
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni