Masayang nag-uusap si Lance at Kina habang naglalakad ang mga ito sa koridor patungo sa dormitoryo ni Kina. Nasa likuran naman nila at nakabuntot sina Luke.Simula sa cafeteria ay nakapokus lang ang atensyon ni Alona sa dalawang nasa unahan nila."Sa tingin mo ba ay bagay sila sa isa't-isa?" biglang tanong nito kay Luke. Hindi man lang nagawang alisin ang tingin nito sa dalawa.Napataas ang kilay ni Luke. Pinagmasdan niya muna si Alona bago ito tinugon. "Oo naman.""Pssh!" tanging reaksyon ni Alona sa naging sagot ni Luke. Napairap pa ito.Natawa naman agad si Luke. "Bakit parang hindi ka naniniwala? Nagtanong ka pa."Huminto si Alona sa paglalakad at binigyan si Luke ng mapanuring tingin."A-ano na naman 'yan?" takang tanong ni Luke.Nagkibit-balikat lang si Alona bago muling nagpatuloy sa paglalakad kaya mas lalong naguluhan si Luke sa inaasta nito."You said you like her. But it seems like you've given up on her. Hahayaan mo nalang bang matuloy ang kasal nila?" walang lingon likod
"W-what do you mean?" nagugulumihanang tanong ni Lance.Ibinulsa ni Luke ang kanyang mga kamay at tumingin sa direksyon ng dormitoryo nina Kina. "Hindi ko alam kung alam mo na ang tungkol sa nangyari sa kanya sa Paraisong Tunay Bar noong nakaraang linggo. Doon ko siya unang nakilala."Hindi nagbago ang tingin ni Lance kay Luke na may nagugulumihanang ekspresyon pa rin sa mukha. Naghihintay ng bawat salitang lalabas sa bibig ni Luke."Nagkaroon kami ng kasiyahang mga magkakaibigan sa mismong bar nang gabi ring iyon. Nakita ko si Kina noon na nagsisilbi ng inumin sa mesa nina Douglas, dating kanang kamay ni Malcov. Hanggang sa pwersahang dalhin nila si Kina sa VIP lounge at binalak na gawan ng masama." patuloy ni Luke.Tigagal ang mukha ni Lance habang nakikinig. Sa kabila nito ay nanatili lang itong tahimik. Muling nagpatuloy si Luke."Mabilis akong nagtungo sa ikatlong palapag. Nadatnan ko sila sa isang kwarto, nakahalukipkip lang noon sa sofa si Kina. Nakita ko kung gaano siya katako
Kasalukuyang naglalakad-lakad si Dominica sa kanilang hardin. Nasa likuran lang nito at nakabuntot ang dalawang katulong. Sa kabila ng edad nitong eighty one ay malinaw pa rin ang paningin nito. Kaya naman ay tuwang-tuwa siya sa pagmamasid sa naggagandahang bulaklak sa kanyang paligid na paminsan-minsang inaamoy pa.Nawala lang ang kasiyahang iyon sa mukha nito nang matanaw ang mag-asawang naglalakad papasok ng mansyon. Mga magulang iyon ni Kina."What are they doing here?" magkasalubong ang kilay na tanong nito sa sarili. Mas lalo pang sumama ang itsura nito nang makita ang mga dala-dalang bagahe ni Ferdinand."Talaga nga namang mga bwisit na 'to. Pinagsabihan ko na silang 'wag nang babalik pa sa pamamahay na ito." pagalit na wika nito.Mabilis na sinundan niya sina Ferdinand at nadatnan sila sa may main hall. Kahit na matanda na ay mabilis pa rin ang mga hakbang ni Dominica, kaya saglit lang nitong nahabol ang mag-asawa. Idagdag pang mabagal lang maglakad sina Ferdinand at Caroline
"M-Mr. Velasquez, anong ibig niyong sabihing pati ang kasal ng ating mga anak?" tigagal na tanong ni Caroline. Mas inaalala nito ang kasal nina Lance at Kina kaysa sa kolaborasyon. Kung hindi matutuloy ang kasal ng kanilang mga anak ay hindi rin matutuloy na regaluhan sila ni Theodore ng ipinangakong villa nito sa kanila. May tsansa ring paalisin sila sa mansyon ng pamilya Alanis. "Hindi ko maunawaan Mr. Velasquez, bakit biglaan naman ata ang desisyon mo? Kung kailan naisapubliko niyo na ang pakikipagkolaborasyon sa kumpanya ni dad?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Ferdinand. Pinagmasdan lang sila ni Theodore na may blangkong ekspresyon sa mukha. Wala siyang planong sagutin ang mga katanungan ng mga ito. "Mr. Velasquez, I am puzzled by your sudden decision without informing me beforehand. Gusto kong malaman ang rason kung bakit mo bigla nalang naisipang ikansela ang pakikipagkolaborasyon sa aming kumpanya. You are aware that it will lead to our bankruptcy." mariing wika ni Jav
Napalingon sa may pintuan si Larry. Nalaglag ang panga nito nang makita kung sino ang tinutukoy ni Cleo. Hindi agad ito nakaimik na pinagtatakhan ang presensya ni Luke ngayon sa kanilang meeting room. "Siya rin ang nakalaban ko kahapon!" gitlang sambit nito. Tila hindi naulinigan ni Cleo ang sinabing iyon ni Larry dahil nakatitig lang ito nang husto kay Luke. Lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon ay nagtatakang sinundan ng tingin si Luke. "Who is he?" tanong ng isang opisyales sa katabi nito. "I don't know. Ngayon ko lang siya nakita rito." "Kilala ko ang lalaking 'yan. Siya ang tumalo sa mga tauhan ni Douglas noong nakaraang linggo sa Paraisong Tunay Bar." nakangiting sabat naman ng isa nilang katabi. Nakasalikop pa ang mga palad nito sa kanyang leeg at tila may paghangang nakatingin kay Luke. Joanna ang pangalan nito. Ika-labing-isang ranggo ng gang officials. Pare-parehas na napakunot ang noo ng mga nakarinig sa sinabi nito. "Pero mukha lang siyang estudyante. Paano niya maga
Tumayo sa kinauupuan si Warren at Lumapit sa kinaroroonan ni Luke. Higit na mas matanggad ito kaysa kay Luke. Katulad ni Malcov ay meron din itong abot leeg na haba ng buhok at nakatali iyon gamit ang rubber band.Kinilatis nito si Luke mula ulo hanggang paa. Mas lalo lang itong naging kampante sa sariling hindi totoo ang sinasabi nina Arman."Sigurado ka ba kuya na ipapagulpi mo sa'kin 'tong bisita mo? Kung sabagay, wala rin namang kinalaman ang lalaking ito sa magiging pagpupulong natin kaya mas mainam na pauwiin nalang natin sakay ng ambulansya." nakapameywang na sambit nito na sinundan ng pagtawa.Mahina ring natawa ang iba sa gang officials.Napakunot ang noo ni Luke sa kung paano tinawag ni Warren si Malcov. 'Kuya? Kapatid ni Malcov ang mokong na 'to?' tanong ni Luke sa kanyang isip.Kung sabagay, magkahawig nga silang dalawa. Mas payat lang nang kaunti si Malcov."Kung yun ay magugulpi mo si Mr. Cruise. I am certain that you cannot even touch him. Not even one finger." wika ni
Tigagal ang itsura ng bawat opisyales na naroon ngayon sa meeting room. Kahit na mismo si Larry na alam na ang tunay na pagkakakilanlan ni Luke ay napaawang pa rin ang bibig."W-what do you mean Malcov? Why must we follow his orders? Who exactly is he?" sunod-sunod na tanong ni Shiela, ang ikalawang ranggo ng opisyal.Lahat ay seryosong nakatingin lang kay Malcov. Pare-parehas na naghihintay ng kasagutan ang mga ito na kaparehas lang din ng naging tanong ni Shiela ang kanilang mga katanungan.Bago magpaliwanag si Malcov ay humingi muna ito ng pahintulot kay Luke sa pamamagitan ng tingin. Tinanguan lang ito ni Luke."Si Mr. Cruise ay isa sa tagapagmana ng pamilya Cruise, ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa buong bansa." panimula ni Malcov, pero nagitla na agad ang lahat sa kanilang narinig. Nanlaki pa ang mata ng ilan sa kanila na napatitig kay Luke. "Siya rin ngayon ang presidente ng isa nilang pag-aaring kumpanya na ENDX Corpor
Sumunod na araw, kasama ang mahigit limang daang miyembro ng White Dragon Knights ay naghanda na rin ang nasa mahigit dalawang daang inatasang miyembro ng Blazing Phoenix Gang para sa gagawin nilang pagsagip kay Richard.Kahit na walang tulong ng kanilang pamilya, mabilis na nalaman ni Luke ang lokasyon ng Night Bandos sa pamamagitan ng intel ng White Dragon Knights.Kasalukuyang hindi pa rin nakakaalis sa Luzon ang mga ito kaya minabuti ni Luke na isagawa ang kanilang plano nang mas maaga upang maging madali ang pagsagip nila kay Richard. Paniguradong mahihirapan sila kapag nakabalik na ang mga ito sa Mindanao.Ayon sa intel ng kanilang gang ay eksaktong nasa Mt. Makiling sa probinsya ng Laguna ngayon ang Night Bandos at doon nagpalipas ng magdamag. Ang ipinagtataka ni Luke ay simula tanghali pa sila kahapon naroon. May oras pa sila upang bumyahe nang mas malayo upang madali silang makabalik sa Mindanao.Isa pa ay ipinagtataka niya rin kung bakit doon nila naisipang huminto. Ayon kay