"M-Mr. Velasquez, anong ibig niyong sabihing pati ang kasal ng ating mga anak?" tigagal na tanong ni Caroline. Mas inaalala nito ang kasal nina Lance at Kina kaysa sa kolaborasyon. Kung hindi matutuloy ang kasal ng kanilang mga anak ay hindi rin matutuloy na regaluhan sila ni Theodore ng ipinangakong villa nito sa kanila. May tsansa ring paalisin sila sa mansyon ng pamilya Alanis. "Hindi ko maunawaan Mr. Velasquez, bakit biglaan naman ata ang desisyon mo? Kung kailan naisapubliko niyo na ang pakikipagkolaborasyon sa kumpanya ni dad?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Ferdinand. Pinagmasdan lang sila ni Theodore na may blangkong ekspresyon sa mukha. Wala siyang planong sagutin ang mga katanungan ng mga ito. "Mr. Velasquez, I am puzzled by your sudden decision without informing me beforehand. Gusto kong malaman ang rason kung bakit mo bigla nalang naisipang ikansela ang pakikipagkolaborasyon sa aming kumpanya. You are aware that it will lead to our bankruptcy." mariing wika ni Jav
Napalingon sa may pintuan si Larry. Nalaglag ang panga nito nang makita kung sino ang tinutukoy ni Cleo. Hindi agad ito nakaimik na pinagtatakhan ang presensya ni Luke ngayon sa kanilang meeting room. "Siya rin ang nakalaban ko kahapon!" gitlang sambit nito. Tila hindi naulinigan ni Cleo ang sinabing iyon ni Larry dahil nakatitig lang ito nang husto kay Luke. Lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon ay nagtatakang sinundan ng tingin si Luke. "Who is he?" tanong ng isang opisyales sa katabi nito. "I don't know. Ngayon ko lang siya nakita rito." "Kilala ko ang lalaking 'yan. Siya ang tumalo sa mga tauhan ni Douglas noong nakaraang linggo sa Paraisong Tunay Bar." nakangiting sabat naman ng isa nilang katabi. Nakasalikop pa ang mga palad nito sa kanyang leeg at tila may paghangang nakatingin kay Luke. Joanna ang pangalan nito. Ika-labing-isang ranggo ng gang officials. Pare-parehas na napakunot ang noo ng mga nakarinig sa sinabi nito. "Pero mukha lang siyang estudyante. Paano niya maga
Tumayo sa kinauupuan si Warren at Lumapit sa kinaroroonan ni Luke. Higit na mas matanggad ito kaysa kay Luke. Katulad ni Malcov ay meron din itong abot leeg na haba ng buhok at nakatali iyon gamit ang rubber band.Kinilatis nito si Luke mula ulo hanggang paa. Mas lalo lang itong naging kampante sa sariling hindi totoo ang sinasabi nina Arman."Sigurado ka ba kuya na ipapagulpi mo sa'kin 'tong bisita mo? Kung sabagay, wala rin namang kinalaman ang lalaking ito sa magiging pagpupulong natin kaya mas mainam na pauwiin nalang natin sakay ng ambulansya." nakapameywang na sambit nito na sinundan ng pagtawa.Mahina ring natawa ang iba sa gang officials.Napakunot ang noo ni Luke sa kung paano tinawag ni Warren si Malcov. 'Kuya? Kapatid ni Malcov ang mokong na 'to?' tanong ni Luke sa kanyang isip.Kung sabagay, magkahawig nga silang dalawa. Mas payat lang nang kaunti si Malcov."Kung yun ay magugulpi mo si Mr. Cruise. I am certain that you cannot even touch him. Not even one finger." wika ni
Tigagal ang itsura ng bawat opisyales na naroon ngayon sa meeting room. Kahit na mismo si Larry na alam na ang tunay na pagkakakilanlan ni Luke ay napaawang pa rin ang bibig."W-what do you mean Malcov? Why must we follow his orders? Who exactly is he?" sunod-sunod na tanong ni Shiela, ang ikalawang ranggo ng opisyal.Lahat ay seryosong nakatingin lang kay Malcov. Pare-parehas na naghihintay ng kasagutan ang mga ito na kaparehas lang din ng naging tanong ni Shiela ang kanilang mga katanungan.Bago magpaliwanag si Malcov ay humingi muna ito ng pahintulot kay Luke sa pamamagitan ng tingin. Tinanguan lang ito ni Luke."Si Mr. Cruise ay isa sa tagapagmana ng pamilya Cruise, ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa buong bansa." panimula ni Malcov, pero nagitla na agad ang lahat sa kanilang narinig. Nanlaki pa ang mata ng ilan sa kanila na napatitig kay Luke. "Siya rin ngayon ang presidente ng isa nilang pag-aaring kumpanya na ENDX Corpor
Sumunod na araw, kasama ang mahigit limang daang miyembro ng White Dragon Knights ay naghanda na rin ang nasa mahigit dalawang daang inatasang miyembro ng Blazing Phoenix Gang para sa gagawin nilang pagsagip kay Richard.Kahit na walang tulong ng kanilang pamilya, mabilis na nalaman ni Luke ang lokasyon ng Night Bandos sa pamamagitan ng intel ng White Dragon Knights.Kasalukuyang hindi pa rin nakakaalis sa Luzon ang mga ito kaya minabuti ni Luke na isagawa ang kanilang plano nang mas maaga upang maging madali ang pagsagip nila kay Richard. Paniguradong mahihirapan sila kapag nakabalik na ang mga ito sa Mindanao.Ayon sa intel ng kanilang gang ay eksaktong nasa Mt. Makiling sa probinsya ng Laguna ngayon ang Night Bandos at doon nagpalipas ng magdamag. Ang ipinagtataka ni Luke ay simula tanghali pa sila kahapon naroon. May oras pa sila upang bumyahe nang mas malayo upang madali silang makabalik sa Mindanao.Isa pa ay ipinagtataka niya rin kung bakit doon nila naisipang huminto. Ayon kay
Ganun din ang nangyari sa ibang grupo na may dalang tablet kaya kanya-kanya silang report kay Luke sa pamamagitan ng radyo."Malamang na meron silang look out sa may paanan ng bundok." biglang wika ni Zeo na kasalukuyang nakaupo sa maliit na bato.Napataas lang ang kilay ni Luke. Ganun din ang nasa isip niya."Hindi kaya yung mga mama na nadaanan natin kanina?" namimilog na matang sambit naman ni Joanna.Tiningnan lang ito ni Luke na may blangkong ekspresyon sa mukha dahil ang tanging mga mamang nadaanan nila ay mga intel ng WDK."That's impossible." hindi pagsang-ayon ni Zeo sa sinabi ni Joanna. Napanguso naman agad si Joanna."Bakit naman? Dahil ba sa mukha lang talaga silang mangangaso? Hindi mo ba alam na pwede silang magdisguise—""Hindi 'yan ang ibig kong sabihin." agad na putol ni Zeo kay Joanna. "Napansin ko ang ibabang bahagi ng tattoo ng isa sa kanila. Natatakpan iyon ng manggas ng suot nitong damit kaya hindi ko kita ang buong tattoo. Pero kahalintulad iyon ng ibabang bahag
"Nakita ko siyang kasama mo noong linggo sa dog farm. I was busy babysitting Bruno at that time. Kahit na malayo ay kita ko pa rin kung paano siya makipag-usap sa'yo Mr. Cruise. Ganun din siya kapag kinakausap niya si Zeo." sambit ni Joanna. Palundag-lundag pa ito habang naglalakad dahil nasa patag silang daanan. "Alam ko ang ugali ni Alona. Imposible 'yang sinasabi mo." seryosong wika lang ni Luke. Malabong magkagusto sa kanya si Alona. Mas siga pa nga iyon kaysa sa ibang lalaking gang members ng BPG. Mukha pa nga atang babae ang gusto n'on at hindi lalaki. "Uh-uh. Hindi mo alam ang totoong ugali ni Alona Mr. Cruise." mapanuksong sambit naman ni Joanna. "She carries a strength on the outside but a fragility on the inside. Palaban lang talagang babae si Alona, pero ang totoo ay napakalambot niya sa loob. Matagal ko na siyang kilala kaya mas alam ko ang ugali niya at kung anong kahulugan ng bawat kilos niya." Saglit na huminto ito at humarang sa harapan ni Luke kaya napahinto rin si
Napangisi si Dexter dahil sa tapang na ipinapakita ni Alona. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Ang nakaagaw lang ng kanyang atensyon dito ay ang pula nitong buhok."Who the fuck are you? How dare you beat my girlfriend? And how dare you call her a bitch?" galit na sigaw ni Dexter.Hindi maiwasang makaramdam ng kaba ng mga estudyanteng naroon para kay Alona. Humanga sila sa tapang nitong tulungan sina Kina. Pero sigurado silang hinding-hindi papalampasin ng pamilya Velasquez sa ginawa nito kay Tiffany. At mas lalong hindi rin papayag si Dexter na hindi ito maparusahan.Para sa kanila ay hindi ito ililigtas ng tapang nito kapag pinadampot na ito ni Mayor Derek at ipabilanggo.Hinawakan ni Kina si Alona sa braso at pinakiusapang humingi nalang ng patawad. Pero hindi ito pinansin ni Alona. Para sa kanya, ang turuan ang mga ito ng leksyon ang mas tamang gawin."Bakit, sino ka rin ba? Are you the ruler of this school?" sarkastikong tanong pabalik ni Alona. Dahil dito ay mas lalong