"Nakita ko siyang kasama mo noong linggo sa dog farm. I was busy babysitting Bruno at that time. Kahit na malayo ay kita ko pa rin kung paano siya makipag-usap sa'yo Mr. Cruise. Ganun din siya kapag kinakausap niya si Zeo." sambit ni Joanna. Palundag-lundag pa ito habang naglalakad dahil nasa patag silang daanan. "Alam ko ang ugali ni Alona. Imposible 'yang sinasabi mo." seryosong wika lang ni Luke. Malabong magkagusto sa kanya si Alona. Mas siga pa nga iyon kaysa sa ibang lalaking gang members ng BPG. Mukha pa nga atang babae ang gusto n'on at hindi lalaki. "Uh-uh. Hindi mo alam ang totoong ugali ni Alona Mr. Cruise." mapanuksong sambit naman ni Joanna. "She carries a strength on the outside but a fragility on the inside. Palaban lang talagang babae si Alona, pero ang totoo ay napakalambot niya sa loob. Matagal ko na siyang kilala kaya mas alam ko ang ugali niya at kung anong kahulugan ng bawat kilos niya." Saglit na huminto ito at humarang sa harapan ni Luke kaya napahinto rin si
Napangisi si Dexter dahil sa tapang na ipinapakita ni Alona. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Ang nakaagaw lang ng kanyang atensyon dito ay ang pula nitong buhok."Who the fuck are you? How dare you beat my girlfriend? And how dare you call her a bitch?" galit na sigaw ni Dexter.Hindi maiwasang makaramdam ng kaba ng mga estudyanteng naroon para kay Alona. Humanga sila sa tapang nitong tulungan sina Kina. Pero sigurado silang hinding-hindi papalampasin ng pamilya Velasquez sa ginawa nito kay Tiffany. At mas lalong hindi rin papayag si Dexter na hindi ito maparusahan.Para sa kanila ay hindi ito ililigtas ng tapang nito kapag pinadampot na ito ni Mayor Derek at ipabilanggo.Hinawakan ni Kina si Alona sa braso at pinakiusapang humingi nalang ng patawad. Pero hindi ito pinansin ni Alona. Para sa kanya, ang turuan ang mga ito ng leksyon ang mas tamang gawin."Bakit, sino ka rin ba? Are you the ruler of this school?" sarkastikong tanong pabalik ni Alona. Dahil dito ay mas lalong
Pagkatapos ng mahigit isang oras pa na paglalakad ay narating din nina Luke sa wakas ang lugar kung saan nawala ang pulang tuldok sa mapa sa kanilang mga tablet. Natagpuan din nila ang durog-durog na cellphone ni Richard.Sa lugar na ito mismo nanatili ang tuldok simula kahapon. Ang ipinagtataka ni Luke ay wala namang kabahay-bahay rito o anumang uri na pwedeng masilungan. Imposible ring makatulog sila rito sa gabi dahil paniguradong pagpi-fiesta-han sila ng mga lamok."Anong balita?" tanong ni Luke kay Leon na kakarating lang. Tumulong ito sa pagsisiyasat ng buong lugar."Negative. Walang senyales na may namalagi rito nang buong magdamag." tugon ni Leon.Hindi nagbago ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Luke simula pa kanina nang dumating sila rito. Muli niyang iginala ang kanyang paningin.Kahit na masukal ang kinaroroonan nila ngayon ay patag ang lugar na iyon. Wala siyang nakitang anumang kahina-hinala sa paligid. Parang normal na kasukalan lang iyon. Sa dami ng taong pumunta rit
"May potensyal siya. Bakit hindi siya ang ipalit mo kay Douglas?" suhestiyon na tanong ni Leon."Sinubukan ko na siyang alukan ng posisyong iyon. Pero tinanggihan niya lang." tugon ni Malcov. May pagkadismaya sa tono ng boses nito.Simula nang makilala ni Malcov si Zeo ay alam niya nang may tinatago itong kakayahan. Pero hinayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin at wala siyang balak na punain iyon o ipaalam kahit na kaninuman. Ang importante ay nakumbinsi niya itong sumali sa kanilang gang pati na sa gang officials."You fool! How could you lie shamelessly to Mr. Cruise?" pasigaw na sambit ni Dylan kay Zeo. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat ng naroon.Hindi matanggap ng orgulyo nito ang pagsang-ayon ni Luke kay Zeo. Dahil sa nalamangan siya ng panghuling miyembro ng kanilang gang official lalo pa't isa siyang high ranking.Kaya naman ay nakaisip si Dylan ng paraan upang pahiyain si Zeo."Mr. Cruise, kung hindi niyo pa alam ay ang lalaking 'yan ang panghuling miyembro ng aming
Hindi man nila maunawaan ang ibig sabihin ni Larry ay natahimik nalang ang mga ito. "Upang mapatunayan ko sainyong totoo ang aking mga sinabi ay papasukin namin itong kweba. I will bring few people along with me. Ichicheck namin kung nandyan nga ba talaga sila sa loob o wala." pagpapatuloy ni Dylan. Hindi pa rin nawawala ang pagkahambog sa itsura nito. "Kapag may na-spot-an kaming miyembro ng Night Bandos sa loob ay ipapaalam ko kaagad sainyo gamit ang radyo at saka na kayo sumunod upang bumack-up sa'min. Pwede natin silang dakipin at gawing hostage kapalit ng kalayaan ni Richard." ani pa nito na may malawak na ngisi sa labi. Nakumbinsi ng kanyang sinabi ang ilang mga BPG members. Maganda ang naisip na plano ni Dylan. Sa ganitong paraan, mabilis lang nila mababawi si Richard nang walang kahirap-hirap. Pero para kay Malcov at ilang WDK members ay masamang ideya iyon lalo na kung tama nga sina Luke. Nagpakawala ng mababaw na buntong hininga si Luke. "Kung ganun, gawin mo kung anong g
Dahil sa hindi inaasahan ni Luke ang ganitong plano ng Night Bandos ay nawalan rin ng silbi ang naging pagpupulong nila kahapon.Ang ipinagtataka ni Luke ay kung paano nalaman ng mga ito ang mga ikikilos nila? Paano nahulaan ng mga ito na matatagpuan nila ang kwebang iyon? Higit sa lahat ay bakit napakalinis ng naging plano ng mga ito?Kasalukuyan silang nakakubli hindi kalayuan sa may bunganga ng Mt. Makiling. Mamasa-masa pa rin ang lupa dahil sa naging malakas na pag-ulan kanina pero hindi nila alintana iyon habang lahat sila ay nakadapa at matiyagang naghihintay.Nasa mahigit isang daang WDK members at piling BPG officials lang ang isinama ni Luke. Ang iba ay nanatili sa may bukana ng kweba."Why are we here Mr. Cruise?" takang tanong ni Joanna na siyang katabi ni Luke sa kaliwa habang nasa kanan niya si Malcov. Nagtataka ito dahil wala naman sa kanilang plano ang pumunta rito."Just wait and see, Joanna." si malcov ang sumagot sa tanong na iyon ni Joanna. "Any moment now, the bomb
Kaya naman pala ganito nalang kadali para sa Night Bandos na malaman ang bawat hakbang nila.Dahil sa meron silang espiya.Nabasag ang saglit nilang katahimikan dahil sa mahinang pagtawa ni Luke.Bakit nga ba hindi niya naisip na maaaring may espiya ang Night Bandos sa kanyang mga kasama? Iyon lang ang pinakamalinaw na paliwanag sa kung paano napaghandaan ng mga ito ang pagpunta nila rito. Dahil sa alam na ng mga ito ang gagawin nila kahapon palang.Masyado ba siyang nagtiwala? Sino nga ba ang espiyang tinutukoy ni Razid?"Anong pangalan ng espiya niyo?" nakatawang tanong ni Luke.Kahit na alam niya namang hindi iyon sasagutin ni Razid ay sinubukan niya pa rin. Natawa naman si Razid dahil sa naging tanong niyang iyon."Dahil sa mabait naman ako, bibigyan kita ng ideya." wika nito kay Luke pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Malcov. Bahagya pa nitong inilapit ang kanyang bibig sa tainga ni Malcov. "Isa sa mga opisyales mo ang espiya namin."Mas lalong natigagal si Malcov dahil sa ka
Nasa kalagitnaan pa rin ng pag-iisip si Luke sa kung anong ibig-sabihin ng pinapasabi ng misteryosong kliyente nina Razid ay naputol iyon nang biglang sugurin ni Malcov si Zeo at kwelyuhan. Nagulat pa ang iba sa kanila dahil sa ginawa nito."Ikaw ba? Ikaw ba ang espiya ng Night Bandos?" galit na tanong nito.Kilala na ni Malcov lahat ng opisyales ng kanilang gang bukod kay Zeo na bago lang. Para sa kanya ay misteryo pa rin ang pagkatao nito.Kaya ba ibang-iba si Zeo sa iba niyang opisyales? Kaya ba napakatalentado nito ay dahil sa isa rin ito sa miyembro ng Night Bandos?"I'm not." tugon lamang ni Zeo na may blangkong ekspresyon sa mukha."Of course itatanggi mo na hindi ikaw ang espiya nila." pasinghal na sambit ni Malcov pagkatapos ay umismid ito. "Sa lahat ng opisyales ko ay ikaw ang pinakamahusay at pinakatalentando sa kanila. But you chose to conceal it because you are aware that it could potentially reveal your true identity, dahil sa mahahalata ka ng lahat. And for me you are t
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni