Napangisi si Dexter dahil sa tapang na ipinapakita ni Alona. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Ang nakaagaw lang ng kanyang atensyon dito ay ang pula nitong buhok."Who the fuck are you? How dare you beat my girlfriend? And how dare you call her a bitch?" galit na sigaw ni Dexter.Hindi maiwasang makaramdam ng kaba ng mga estudyanteng naroon para kay Alona. Humanga sila sa tapang nitong tulungan sina Kina. Pero sigurado silang hinding-hindi papalampasin ng pamilya Velasquez sa ginawa nito kay Tiffany. At mas lalong hindi rin papayag si Dexter na hindi ito maparusahan.Para sa kanila ay hindi ito ililigtas ng tapang nito kapag pinadampot na ito ni Mayor Derek at ipabilanggo.Hinawakan ni Kina si Alona sa braso at pinakiusapang humingi nalang ng patawad. Pero hindi ito pinansin ni Alona. Para sa kanya, ang turuan ang mga ito ng leksyon ang mas tamang gawin."Bakit, sino ka rin ba? Are you the ruler of this school?" sarkastikong tanong pabalik ni Alona. Dahil dito ay mas lalong
Pagkatapos ng mahigit isang oras pa na paglalakad ay narating din nina Luke sa wakas ang lugar kung saan nawala ang pulang tuldok sa mapa sa kanilang mga tablet. Natagpuan din nila ang durog-durog na cellphone ni Richard.Sa lugar na ito mismo nanatili ang tuldok simula kahapon. Ang ipinagtataka ni Luke ay wala namang kabahay-bahay rito o anumang uri na pwedeng masilungan. Imposible ring makatulog sila rito sa gabi dahil paniguradong pagpi-fiesta-han sila ng mga lamok."Anong balita?" tanong ni Luke kay Leon na kakarating lang. Tumulong ito sa pagsisiyasat ng buong lugar."Negative. Walang senyales na may namalagi rito nang buong magdamag." tugon ni Leon.Hindi nagbago ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Luke simula pa kanina nang dumating sila rito. Muli niyang iginala ang kanyang paningin.Kahit na masukal ang kinaroroonan nila ngayon ay patag ang lugar na iyon. Wala siyang nakitang anumang kahina-hinala sa paligid. Parang normal na kasukalan lang iyon. Sa dami ng taong pumunta rit
"May potensyal siya. Bakit hindi siya ang ipalit mo kay Douglas?" suhestiyon na tanong ni Leon."Sinubukan ko na siyang alukan ng posisyong iyon. Pero tinanggihan niya lang." tugon ni Malcov. May pagkadismaya sa tono ng boses nito.Simula nang makilala ni Malcov si Zeo ay alam niya nang may tinatago itong kakayahan. Pero hinayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin at wala siyang balak na punain iyon o ipaalam kahit na kaninuman. Ang importante ay nakumbinsi niya itong sumali sa kanilang gang pati na sa gang officials."You fool! How could you lie shamelessly to Mr. Cruise?" pasigaw na sambit ni Dylan kay Zeo. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat ng naroon.Hindi matanggap ng orgulyo nito ang pagsang-ayon ni Luke kay Zeo. Dahil sa nalamangan siya ng panghuling miyembro ng kanilang gang official lalo pa't isa siyang high ranking.Kaya naman ay nakaisip si Dylan ng paraan upang pahiyain si Zeo."Mr. Cruise, kung hindi niyo pa alam ay ang lalaking 'yan ang panghuling miyembro ng aming
Hindi man nila maunawaan ang ibig sabihin ni Larry ay natahimik nalang ang mga ito. "Upang mapatunayan ko sainyong totoo ang aking mga sinabi ay papasukin namin itong kweba. I will bring few people along with me. Ichicheck namin kung nandyan nga ba talaga sila sa loob o wala." pagpapatuloy ni Dylan. Hindi pa rin nawawala ang pagkahambog sa itsura nito. "Kapag may na-spot-an kaming miyembro ng Night Bandos sa loob ay ipapaalam ko kaagad sainyo gamit ang radyo at saka na kayo sumunod upang bumack-up sa'min. Pwede natin silang dakipin at gawing hostage kapalit ng kalayaan ni Richard." ani pa nito na may malawak na ngisi sa labi. Nakumbinsi ng kanyang sinabi ang ilang mga BPG members. Maganda ang naisip na plano ni Dylan. Sa ganitong paraan, mabilis lang nila mababawi si Richard nang walang kahirap-hirap. Pero para kay Malcov at ilang WDK members ay masamang ideya iyon lalo na kung tama nga sina Luke. Nagpakawala ng mababaw na buntong hininga si Luke. "Kung ganun, gawin mo kung anong g
Dahil sa hindi inaasahan ni Luke ang ganitong plano ng Night Bandos ay nawalan rin ng silbi ang naging pagpupulong nila kahapon.Ang ipinagtataka ni Luke ay kung paano nalaman ng mga ito ang mga ikikilos nila? Paano nahulaan ng mga ito na matatagpuan nila ang kwebang iyon? Higit sa lahat ay bakit napakalinis ng naging plano ng mga ito?Kasalukuyan silang nakakubli hindi kalayuan sa may bunganga ng Mt. Makiling. Mamasa-masa pa rin ang lupa dahil sa naging malakas na pag-ulan kanina pero hindi nila alintana iyon habang lahat sila ay nakadapa at matiyagang naghihintay.Nasa mahigit isang daang WDK members at piling BPG officials lang ang isinama ni Luke. Ang iba ay nanatili sa may bukana ng kweba."Why are we here Mr. Cruise?" takang tanong ni Joanna na siyang katabi ni Luke sa kaliwa habang nasa kanan niya si Malcov. Nagtataka ito dahil wala naman sa kanilang plano ang pumunta rito."Just wait and see, Joanna." si malcov ang sumagot sa tanong na iyon ni Joanna. "Any moment now, the bomb
Kaya naman pala ganito nalang kadali para sa Night Bandos na malaman ang bawat hakbang nila.Dahil sa meron silang espiya.Nabasag ang saglit nilang katahimikan dahil sa mahinang pagtawa ni Luke.Bakit nga ba hindi niya naisip na maaaring may espiya ang Night Bandos sa kanyang mga kasama? Iyon lang ang pinakamalinaw na paliwanag sa kung paano napaghandaan ng mga ito ang pagpunta nila rito. Dahil sa alam na ng mga ito ang gagawin nila kahapon palang.Masyado ba siyang nagtiwala? Sino nga ba ang espiyang tinutukoy ni Razid?"Anong pangalan ng espiya niyo?" nakatawang tanong ni Luke.Kahit na alam niya namang hindi iyon sasagutin ni Razid ay sinubukan niya pa rin. Natawa naman si Razid dahil sa naging tanong niyang iyon."Dahil sa mabait naman ako, bibigyan kita ng ideya." wika nito kay Luke pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Malcov. Bahagya pa nitong inilapit ang kanyang bibig sa tainga ni Malcov. "Isa sa mga opisyales mo ang espiya namin."Mas lalong natigagal si Malcov dahil sa ka
Nasa kalagitnaan pa rin ng pag-iisip si Luke sa kung anong ibig-sabihin ng pinapasabi ng misteryosong kliyente nina Razid ay naputol iyon nang biglang sugurin ni Malcov si Zeo at kwelyuhan. Nagulat pa ang iba sa kanila dahil sa ginawa nito."Ikaw ba? Ikaw ba ang espiya ng Night Bandos?" galit na tanong nito.Kilala na ni Malcov lahat ng opisyales ng kanilang gang bukod kay Zeo na bago lang. Para sa kanya ay misteryo pa rin ang pagkatao nito.Kaya ba ibang-iba si Zeo sa iba niyang opisyales? Kaya ba napakatalentado nito ay dahil sa isa rin ito sa miyembro ng Night Bandos?"I'm not." tugon lamang ni Zeo na may blangkong ekspresyon sa mukha."Of course itatanggi mo na hindi ikaw ang espiya nila." pasinghal na sambit ni Malcov pagkatapos ay umismid ito. "Sa lahat ng opisyales ko ay ikaw ang pinakamahusay at pinakatalentando sa kanila. But you chose to conceal it because you are aware that it could potentially reveal your true identity, dahil sa mahahalata ka ng lahat. And for me you are t
Samantala, halos hindi na makapagsalita si Dylan habang tulala lang na nakaupo sa kadiliman ng kweba. Kanina pa siya kinakausap ng mga kasama nito pero tila hindi sila nito naririnig. Maging ang hawak nitong radyo na kanina pa may nagsasalita upang kamustahin ang kanilang kalagayan ay hindi nito napapansin. Hindi siya makapaniwalang mayroon ngang patibong sa kwebang iyon. Higit sa lahat ay wala ni isa mang katao-tao silang nadatnan doon. Ang bagay na mas nakakapagpalalim pa ng kanyang iniisip ay ang sinabi ni Luke sa kanya kanina. "Bakit ako pinapasalamatan ni Mr. Cruise? All this time ay alam na talaga niyang may mga bomba rito? But how on earth did he know that?" Napakuyom ang kanyang kamao nang maalaala ang sinabi ni Zeo. Si Zeo itong naunang nagsabing isang patibong lang ang mga bakas ng sapatos sa may bukana ng kweba. Pagkatapos ng lahat ng ito ay pupurihin nina Malcov si Zeo dahil sa tama ang naging pag-aanalisa nito samantalang kahihiyan naman ang matatanggap niya dahil sa