Nagtungo sila sa court. Nadatnan nilang nagwa-warm-up na ang mga ka-team ni Oliver. Napapalunok nalang si Jonas habang pinagmamasdan ang nagtatangkarang mga kalaban samantalang si Totoy na hindi kasali ay humahanga sa kanila.
Agad na lumapit sa kanila ang dalawa pa nilang kakamping ni-recruit lang din ni Andrie sa kanila mismong klase. Parehas na matangkad at mukhang athletic ang dalawa pero hindi kasingtangkad ng kanilang kalaban. Parehong may nag-aalalang ekspresyon sa mukha ang mga ito. "Ano 'to Andrie? Bakit sila ang mga kakampi ni Oliver?" tanong ng isa. "Ang akala ko ba ay mga taga business management lang ang maglalaban-laban? Hindi ba't iyon ang usapan ninyo ni Oliver?" agad na dugtong ng isa pa. "Chill out, kakampi natin si Luke. Don't worry." sambit ni Andrie habang may hambog na ekspresyon sa mukha sabay baling ng tingin kay Luke. Sinundan ng dalawa ang tingin ni Andrie. "Siya? Marunong ba siyang maglaro ng volleyball?" tanong ng isa, makikita sa pagkunot ng noo nito ang pagkadiskumpyado. "You're joking, right?" tumatawang ani naman ng isa. "Kapag kinampi natin 'yan ay paniguradong ang isang porsyentong tsansa ng pagkapanalo natin ay magiging zero nalang." Sumama ang timpla ng mukha ni Andrie. "Kayong dalawa, binayaran ko kayo upang maglaro sa aking team hindi para insultuhin si Luke. Mag-ingat kayo sa mga sasabihin n'yo kung hindi ay ako mismo ang tatabas ng mga dila ninyo!" Natahimik nalang ang dalawa. Naalala nilang itinuturing na palang kamiyembro nina Andrie si Luke, bagay na hindi nila maintindihan. Sino ba ang Luke na ito at paano niya nagawang kaibiganin sina Andrie? Hindi sila pinansin ni Luke na ngayon ay bahagya lang na nakangiti habang nakatingin sa direksyon ng dalawang babaeng nakaupo at nakabukod sa ibang nanonood ng badminton. Sina Kina iyon at Jackielyn. Gusto niyang lumapit sa kinaroroonan nila at kausapin si Kina, pero paano kung lumayo lang ulit ito tulad ng lagi nitong ginagawa? "Hey Andrie, kamusta?" Pare-parehas silang napalingon sa isang manlalaro na nakasuot ng kulay pulang jersey na may tatak na numero uno. May hawak-hawak itong bola ng volleyball habang may malawak na ngisi sa labi. Si Oliver iyon. "Is this your team? What a crappy team you've got." Iginala ni Oliver ang tingin nito sa mga ka-team ni Andrie at nahinto iyon kay Luke kaya napataas ang mga kilay nito. "Isa kang mandaraya! Wala sa usapan ninyo ni Andrie na magkampi ka ng taga ibang courses!" nandudurong sambit ni Isaac. Pinakalma naman agad ito ni Totoy at Jonas, pinaalalahanang ang young master ng pamilya Martinez ang sinisigawan nito. Umismid si Oliver. "Ha? Iyon ba ang sinabi sa inyo ni Andrie?" Nahinto naman si Isaac sa pag-aalboroto nito nang mapagtanto ang ibig sabihin ni Oliver. Napatingin ito kay Andrie na ngayon ay nag-iiwas ng tingin at mababatid sa mukha nito na guilty ito. "Anong naging usapan n'yo ni Oliver?" tanong ni Isaac habang may seryosong tingin. Maang-maangang tumingin si Andrie rito. "U-usapan namin?" Tumingin ito kay Oliver. "Ano nga ba ulit ang usapan natin?" Napasampal nalang sa noo si Jonas at Totoy. Maging ang dalawa pang ni-recruit ni Andrie ay napakurap-kurap nalang din ang mata. "You really are funny Andrie Aragon, aren't you? Baka pati pustahan nating isang daang libo at kotse ay nakalimutan mo na rin?" Kotse? Napako ang tingin nilang lahat kay Andrie at pare-parehas na may nagtatakang ekspresyon sa mukha, sa parehong pagkakataon ay pagkagulat. Hindi lang isang daang libong piso ang kanilang pustahan kung hindi ay pati kotse? Nakataas ang isang kilay na napatingin na rin si Luke kay Andrie. Katulad nga ng kanyang iniisip ay may higit pang napagkasunduan ang mga ito. Nakaraang linggo ay nagpaangasan ang dalawa patungkol sa pag-aari nilang kotse. Kung kanino ang mas astig at kung kanino ang mas magara. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit naisipan nilang magpustahan at iyon ang ipusta. Kung sinuman sa dalawa ang matatalo ay ibibigay sa mananalo ang kanilang kotse. 'Malas mo lang. Mukha atang mawawalan ka ng kotse.' naisip ni Luke habang nakatawang nakatingin kay Andrie. "So 'yon pala ang naging pustahan n'yong dalawa?" Dahan-dahang lumapit si Isaac kay Andrie, pinapalagutok nito ang mga daliri nito kaya nagsimulang kabahan si Andrie. "H-hey, listen to me first!" Napaatras naman si Andrie habang nakaharang sa unahan ang mga kamay nito. Nagtago ito sa likod ni Luke kaya nahinto rin sa paglakad si Isaac. "Hindi ko naman alam na maiisipan pala ni Oliver na i-recruit ang mga varsity players. Saka ako ang may pusta, hindi naman kayo ah. Bakit parang kayo ang higit na mas apektado kaysa sa'kin?" pag-amin at pagbibigay ng kabuluhan ni Andrie. "Nakasalalay rin ang grado namin dito, Andrie. Masyado kang nagpadalos-dalos. Sana man lang ay sinabi mo sa'min ang naging usapan n'yo ni Oliver. Kung gano'n kalaki ang pustahan niyong dalawa, sa tingin mo kaya ay magkakampi lang siya ng mga teletubbies sa klase natin?" Natahimik si Andrie dahil sa sinabi ni Isaac. Siya itong higit na mawawalan kapag natalo sila sa kanilang laro at higit pang mahalaga ang naging pustahan nila ni Oliver kaysa sa kanilang gradong makukuha. Pero may punto si Isaac at batid niya ring mahalaga sa kanila ang gradong iyon kaya desidido silang maglaro. Para makumbinsi silang sumali sa binubuo niyang pangkat ay sinabi niya lang sa kanila na mga taga-BSBM lang din ang kakampi ni Oliver. Malinaw na iyon ang ikinagagalit ni Isaac. At marahil ay maging sina Jonas ay diskumpyado na rin sa kanya ngayon. "Fine, I'm sorry, okay? Bakit hindi nalang natin laruin 'to? Tutal nandito na rin naman tayo at wala nang magagawa ang panunumbat n'yo sa'kin. Isa pa ay..." Saglit itong huminto at nag-angat ng tingin sa mukha ni Luke. "Ipapanalo naman ni Luke ang laro, hindi ba Luke?"Tila nagpapacute pa si Andrie habang tinitingnan si Luke sa pamamamagitan ng pagkurap-kurap ng mata nito. Iritableng mahinang siniko ito ni Luke upang lumayo ito sa kanya."Anong sinabi ni Andrie? Ipapanalo ng lalaking 'yan ang pangkat nila?" tanong ng isang varsity player."Iyon ba ang pagkakasabi niya?" Pinagmasdan ng isa pang varsity player si Luke. "But he doesn't look like a volleyball player to me. Ni mukhang hindi nga ata siya interesadong maglaro.""Siya na ba ang pambato ninyo?"Napatingin silang lahat sa isang varsity player na siyang pinakamatangkad sa lahat ng mga kasama nito. Ang pangalan nito ay Nicolo Robio, ang pinakamagaling na hitter o attacker ng kanilang team. Sumikat ito dahil sa napakataas nitong paglundag at malakas na pag-spike ng bola. Iilang propesyonal lang ang nakakagawang saluhin ang mga atake nito. Ito rin ang tumatayong kapitan ng kanilang pangkat at kakilala rin ito ni Oliver kaya madali lang para kay Oliver na i-recruit ang team nila.Lumapit si Nicolo
Nag-umpisa ang laro, best of five ang laban. Kung sinong unang makatatlong panalo ng set ay siyang tatanghaling panalo sa buong laro. Pero malinaw naman para sa karamihan na ang pangkat nina Oliver ang mananalo.Todo hiyawan ang mga estudyanteng nanonood. Ang ibang nanonood ng badminton at table tennis ay nagsilipat ng pwesto sa tapat ng volleyball court. Halos kasinglaki lang ng stadium ng basketball ang stadium na kinaroroonan nila ngayon. Pinagkasya roon ang badminton, table tennis at volleyball."Anong meron?" takang tanong ni Jackielyn nang mapunang nagsisilipat ng pwesto ang ilang estudyante. Tumanaw ito sa mga nagkukumpulan sa may volleyball court.Tumanaw din doon si Kina at agad na napako ang tingin nito sa isang lalaking nakasuot lang ng simpleng pares ng t-shirt at pantalon. "Luke?"Kasali rin si Luke sa sports event?"Hindi ba't mga varsity players sila?" Namimilog ang matang ani ni Jackielyn sa kinikilig na boses. Niyugyog pa nito ang balikat ni Kina. Nahinto rin agad ito
Napagdesisyunan ni Luke na umalis. Dahil sa wala na rin naman doon si Kina ay wala nang punto pang maglaro. Wala rin namang klase ngayon kaya bibisitahin niya nalang muna siguro ang kanyang kumpanya. Marami pa siyang hahabuling pagsasanay. Si Alona nalang muna ang bahalang magbantay kay Kina."Saan ka pupunta?" takang tanong ni Andrie. May pag-aalala sa mukha nito."Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Mukha atang hindi na ako makakapaglaro. Humanap nalang kayo ng papalit sa'kin."Nagsilaglagan ang balikat nina Andrie samantalang nagsitawanan naman ang pangkat ni Oliver."What a loser. Tumaas pa man din ng tingin ko sa'yo kanina nang binalaan kami ni Oliver sa'yo." nakaismid na sambit ng isang kakampi ni Oliver."Martial Artist my ass," Dumura pa si Nicolo matapos sabihin iyon. Nakasabit ang mga kamay nito sa net. "Anong klase naman ng martial arts ang inaaral mo? Nagsasanay kung paano hindi ilagan ang atake ng kalaban?" pang-aasar nito. Nagsitawanan ang mga kasamahan nito maliban k
Two-zero ang puntos, pabor sa pangkat ni Oliver. Sa kanila ang bola at sila ang magsi-serve. Si Oliver ang setter ng kanilang pangkat kaya nakapwesto ito sa kanang tabi ng libero. Ito rin ang kasalukuyang nagsi-serve. Outside hitter naman si Nicolo samantalang opposite si Allen.Sa pangkat naman ni Luke, siya ang nagsisilbing outside hitter na nakapwesto sa kaliwa ng kanilang libero na walang iba kung hindi ay si Andrie. Si Andrie lang din mismo ang nagtalaga sa kanyang sarili na maging libero ng kanilang pangkat. Hindi dahil sa siya ang pinakamahusay na tactic maker sa kanila, kung hindi sa siya ang lider ng kanilang pangkat. Ang ganda ng basehan hindi ba?Setter ang isa sa ni-recruit ni Andrie at ang isa naman ay opposite. Si Jonas ang nagsisilbing middle blocker at si Isaac naman ang katabi nito sa kanan. Hindi katangkaran si Jonas upang maging blocker, pero iyon ang napag-usapan nilang posisyon: posisyong kamote.Sinong may pake? Hindi naman sila mga propesyonal na manlalaro. Ni w
Malakas na hinampas ni Luke ang bola habang nakasuspende siya sa ere. Lahat ay may pigil lang na hininga habang nakatingin sa pagtama ng kanyang kamay sa bola. Tila nag-slo-mo pa ang pangyayaring iyon sa kanilang paningin dahil sa kanilang sobrang pagkabigla. Ang kaninang lalampa-lampa ay hindi nila akalaing napakataas palang lumundag!Dahil sa sobrang pagkabigla nina Nicolo at buong pangkat nito ay hindi agad nakakilos ang mga ito. Ni hindi man lang nag-abalang gumalaw ang mga ito nang puntong lumipat na sa kabila ng net ang bola. Lahat sila ay nakasunod lang ang tingin sa paglapag ni Luke."I-imposible!" gulat na reaksyon ni Nicolo. Siya na ang pinakamataas na tumalon sa kanilang pangkat at aminado siyang nahigitan iyon ni Luke.Pumito ang referee. Itinaas nito ang dalawa nitong kamay habang ang mga palad ay nakaharap sa sarili nito. Ibig sabihin lang niyon ay bumagsak sa labas ng linya ang bola. Puntos pa rin iyon ng pangkat ni Oliver."Mukha atang wala akong kontrol sa pag-spike.
Nakita niya nalang na umangat sa ere ang bola at papunta pa rin ang direksyon niyon sa kanilang setter. Tinangka nitong baliktarin ang pagpapadulas ng kamay sa pagtanggap ng bola pero muli na namang binaliktad ni Oliver ang direksyon ng ikot niyon kaya mabilis na tumalbog iyon nang pahalang pakaliwa. Tsansa na sana iyon ni Luke upang buhayin ang bola pero inabot iyon ni Andrie kaya tumalbog iyon paitaas diretso palabas ng court.Napakamot nalang si Luke sa kanyang ulo. Seven-zero na ang score. Hindi siya nababahala dahil matalo man sila ay unang set palang iyon at may apat na set pa. Pero wala siyang balak na ipatalo iyon. Ayaw na niyang paabutin pa ang laro sa ikaapat na set. Ilang ikot pa bago siya mag-serve. Siguradong hindi gugustuhin nina Oliver kapag siya na ang mag-serve.Pumito ang referee at ang kanilang setter na naman ang tumanggap ng serve ni Oliver. Nagawa ng setter na matanggap ang bola at maipalobo iyon pero palabas pa rin ang direksyon niyon. Sa tingin ng ilan ay punto
"Look how happy he is." nakangising sambit ni Alona habang nakatingin kay Luke. Kasama ito ngayon nina Kina.Hindi nagbago ang masayang ekspresyon sa mukha ni Kina. Nakasunod lang ang kanyang tingin kay Luke. Masaya siya dahil sa ibinalita ni Alona sa kanya.Nang palabas na sila ng gate ng stadium ay saktong nakasalubong nila si Alona. Tinanong sila nito kung saan sila pupunta at gaya nga ng naging rason niya kay Jackielyn ay iyon ang sinabi niya kay Alona. Nabigla nalang siya nang hilahin siya nito papunta sa likurang bahagi ng stadium kung saan walang makakarinig sa kanila.Inamin sa kanya ni Alona ang tungkol sa nararamdaman ni Luke para sa kanya. Pati ang pagkakabasa nito sa kanyang diary ay nabanggit din nito kaya hindi na siya nakapagsinungaling pa tungkol doon. Nalalagay lang na parehas sila ni Luke ng nararamdaman sa isa't-isa kung ganoon.Nalaman niya ring kaya tinanggap ni Luke ang trabahong inalok ng kanyang lolo ay dahil sa gusto talaga siya nitong protektahan, dahil sa ma
Sa hudyat ng referee, nag-serve ang kakampi ni Oliver. Hindi nalalayo ang kalakasan niyon sa mga kakampi nito. Maswerteng maayos iyong natanggap ni Jonas kaya nag-set si Andrie para kay Luke."Ikaw nang bahala Luke!" mahinang bulalas nito.Paglundag ni Luke ay tiningnan niya saglit ang posisyon ng pangkat nina Oliver. Napangisi siya nang makitang mukhang nasa likod lahat ang atensyon ng kanilang depensa. Dahil doon ay mahinang spike lang ang ginawa niya at pinasabit iyon sa itaas ng net kaya paglipat ng bola sa kabila ay diretso lang iyong bumagsak sa unahan nila.Napasampal sa noo si Nicolo. Simpleng trick at mga propesyonal sila, nagawa ni Luke na magulangan sila gamit iyon. Nagmukha silang tanga nang puntong iyon. Malaking kahihiyan iyon para sa kanilang pangkat.Pumito ang referee, puntos iyon nina Luke. Napangiti siya nang ipasa sa kanya ang bola. Siya na ang magsi-serve. Saglit niya iyong pinagmasdan at pinakiramdaman."Get ready guys, kahit malaki ang lamang natin ay may tsansa
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t