Nasurpresa sina Andrie sa biglang pagsulpot ni Luke sa kanilang gilid. Inakbayan pa ni Luke si Jonas.
"Isali n'yo ako." Pare-parehas silang natigilan. Talaga bang magpiprisinta si Luke na sumali sa kanilang pangkat? Ang Luke Cruise na hindi nila mapilit-pilit? "P-pero sabi mo hindi ka maru—" Agad na siniko ni Andrie si Isaac kaya nahinto ito sa pagsasalita. "Sure! Iyon pa rin ang usapan natin, sa'yo na ang mapapanalunan ko kay Oliver." nagagalak na sambit ni Andrie. Sinabi niya na nga ba at tama ang pakiramdam niyang nagsisinungaling lang si Luke. Marahang tumango lang si Luke. Ang totoo ay plano niya lang gamitin ang pagkakataong iyon upang mas mapalapit siya kay Kina. Wala talaga siyang planong maglaro para kina Andrie. Papunta na sana sila sa kabilang stadium kung nasaan ang volleyball court nang marinig nila ang tawanan ng mga kalalakihan hindi kalayuan sa kanila. Matatangkad ito at nakasuot pa ng unipormeng panlaro. Patungo rin ang mga ito kung saan sila papunta. Parehas na namilog ang mata ni Isaac at Jonas nang makita at makilala ang mga ito. "S-sila ang mga kakampi ni Oliver?" gulat na tanong ni Jonas dahil sa kaparehas ng suot ng mga ito ang suot na uniporme ni Oliver ngayon. "That's not fair, mga varsity players sila! Sila ang pambato ng paaralang ito sa men's volleyball! That's actually cheating!" protesta ni Isaac. Sa kabila ng pagkagulat din ni Andrie ay kampante naman itong mananalo sila dahil kakampi nila si Luke. "Calm down guys, anong ikinababahala ninyo? Luke Cruise is on our side! They are nothing compared to our best recruit!" Nagkatinginan sa isa't-isa si Jonas at Isaac dahil sa sinabi ni Andrie bago tingnan si Luke. Alam nilang mahusay si Luke sa martial arts, pero si Luke na rin mismo ang nagsabi kaninang hindi siya marunong maglaro ng volleyball. Bukod pa roon ay mga best players ang kalaban nila sa kanilang paaralan. Anong tsansang manalo sila kahit ikampi nila si Luke? "Hindi sa wala akong tiwala kay Luke," Bahagyang dumistansya si Isaac at Andrie upang hindi sila marinig ni Luke. Sumunod sa kanila si Jonas. "Pero alam naman nating walang tsansang manalo tayo sa kanila kahit na palitan pa natin si Luke ng mas marunong sa kanya. O kahit sino pa ang ikampi natin sa team natin. It's impossible for us to win against them!" "Tama ang sinabi ni Isaac. Kahit na marunong nga si Luke maglaro, tayo naman ang hindi. Alam mo namang trip trip lang tayo kung maglaro ng volleyball hindi ba? Mga propesyonal ang kalaban natin. Hindi kakayanin ni Luke ang mga kalaban nang siya lang ang marunong sa'tin." Napasinghap nalang si Andrie nang mapagtanto ang punto ni Jonas. Tama, kung maglaro nga ang mga iyon ay mga halimaw at talagang team work. E sila larong tira-tira lang. Ang nasa isip lang ay mailipat sa kabilang net ang bola, walang angkop na direksyon. Magiging pabigat lang sila kay Luke. Kahit gaano pa kahusay si Luke ay hindi nito kakayanin ang isang team. Maikukumpara ang nabuong grupo ni Andrie sa watak-watak na tingting, si Luke lang ang pinakamatibay. Samantalang ang kanilang kalaban ay isang bugkos ng walis-tingting at siguradong wawalisin lang sila palabas ng court ng mga iyon. "That loser Oliver! Ang kapal naman ng mukha niyang dayain tayo. Ang usapan ay mga taga-BSBM students lang ang kasali, bakit siya nagkampi ng mga totoong players?" inis na sambit ni Isaac. Nanahimik nalang si Andrie at napalunok. Hindi naman talaga nila napag-usapan ni Oliver ang tungkol doon. Ang usapan nila ay ikampi nila ang gusto nilang ikampi basta't tuloy ang kanilang pustahan. Siya lang itong nag-assume na mga taga-BSBM lang din ang ikakampi ni Oliver dahil sila palang ang kakilala nito. Hindi naman niya akalain na maiisipan nitong mismong mga top players ng volleyball sa kanilang paaralan ang gagawin nitong kakampi. Balido pa rin naman iyon at magagraduhan pa rin naman si Oliver para sa sports event participation dahil estudyante pa rin ng La Fernandia ang mga kakampi nito. "Pwede naman sigurong magback-out nalang tayo, hindi ba?" suhestiyon ni Jonas. Pinakamainam na gawin iyon kaysa ang karnehin sila ng kanilang makakalaban. "That's right. Tutal naman ay hindi sumunod si Oliver sa usapan n'yo. How about 'wag na nating ituloy 'to?" sang-ayon ni Isaac habang nakataas ang isang kilay na tinitingnan si Andrie. "N-no, we can't. Kapag nag-back-out tayo, hindi lang grado natin ang maapektuhan, pati na rin ang imahe natin sa klase." "Fuck that, Andrie! Kayo lang ang may usapan ni Oliver at imahe mo lang ang maapektuhan. We're only playing because of grades. I-inform nalang natin si Prof. Lito na dinaya tayo ni Oliver. I'm sure maiintindihan niya tayo at tapos ang usapan." pagalit na sambit ni Isaac. Nailing-iling nalang si Luke habang pasimpleng nakikinig sa kanila. Wala siyang ideya sa naging kasunduan nina Andrie at Oliver, pero sa loob ng ilang araw na naging kaklase nila si Oliver ay lagi itong kabangayan ni Andrie. Malamang na nagkaroon ng pustahan ang dalawa na higit pa sa isang daang libong piso. Base sa estadong meron ang dalawa ay hindi malabo iyon. Napapansin niya ring tila napakalaking bagay ng larong ito para kay Andrie, hindi lang isang daang libong piso ang nakataya at grado. Iyon nga lang napakatanga nito upang magpagulang kay Oliver. "Gawin na natin 'to," kumakamot sa kilay na singit ni Luke. "Sayang ang tinakbo ko papunta rito tapos hindi matutuloy ang laro?" Kampante si Luke na kaya niyang talunin ang mga varsity players na iyon. Pero wala siyang balak na manalo. Ayaw niya lang masayang ang pagkakataong nandoon si Kina. Malaking tulong pa nga sa kanyang plano na mga varsity players ang kanilang makakalaban. "S-sinabi ko nga, itutuloy natin ang laro." Nawala bigla ang angas ni Isaac nang magsalita si Luke. "Sino ba ang nagsabing ayaw na nating maglaro, ikaw ba Jonas?" Mabilis na umiling-iling si Jonas sabay turo kay Totoy na kakarating lang. "Hindi ah. Baka si Totoy 'yon." Wala namang kaide-ideya si Totoy sa sinasabi nila. May dala-dala itong mga plastik na bote ng mineral na tubig habang nakakunot ang noo. "Huh? Kakarating ko lang ah. Ako na naman ang pagbibintangan niyong umutot?"Nagtungo sila sa court. Nadatnan nilang nagwa-warm-up na ang mga ka-team ni Oliver. Napapalunok nalang si Jonas habang pinagmamasdan ang nagtatangkarang mga kalaban samantalang si Totoy na hindi kasali ay humahanga sa kanila.Agad na lumapit sa kanila ang dalawa pa nilang kakamping ni-recruit lang din ni Andrie sa kanila mismong klase. Parehas na matangkad at mukhang athletic ang dalawa pero hindi kasingtangkad ng kanilang kalaban. Parehong may nag-aalalang ekspresyon sa mukha ang mga ito."Ano 'to Andrie? Bakit sila ang mga kakampi ni Oliver?" tanong ng isa."Ang akala ko ba ay mga taga business management lang ang maglalaban-laban? Hindi ba't iyon ang usapan ninyo ni Oliver?" agad na dugtong ng isa pa."Chill out, kakampi natin si Luke. Don't worry." sambit ni Andrie habang may hambog na ekspresyon sa mukha sabay baling ng tingin kay Luke.Sinundan ng dalawa ang tingin ni Andrie. "Siya? Marunong ba siyang maglaro ng volleyball?" tanong ng isa, makikita sa pagkunot ng noo nito ang pa
Tila nagpapacute pa si Andrie habang tinitingnan si Luke sa pamamamagitan ng pagkurap-kurap ng mata nito. Iritableng mahinang siniko ito ni Luke upang lumayo ito sa kanya."Anong sinabi ni Andrie? Ipapanalo ng lalaking 'yan ang pangkat nila?" tanong ng isang varsity player."Iyon ba ang pagkakasabi niya?" Pinagmasdan ng isa pang varsity player si Luke. "But he doesn't look like a volleyball player to me. Ni mukhang hindi nga ata siya interesadong maglaro.""Siya na ba ang pambato ninyo?"Napatingin silang lahat sa isang varsity player na siyang pinakamatangkad sa lahat ng mga kasama nito. Ang pangalan nito ay Nicolo Robio, ang pinakamagaling na hitter o attacker ng kanilang team. Sumikat ito dahil sa napakataas nitong paglundag at malakas na pag-spike ng bola. Iilang propesyonal lang ang nakakagawang saluhin ang mga atake nito. Ito rin ang tumatayong kapitan ng kanilang pangkat at kakilala rin ito ni Oliver kaya madali lang para kay Oliver na i-recruit ang team nila.Lumapit si Nicolo
Nag-umpisa ang laro, best of five ang laban. Kung sinong unang makatatlong panalo ng set ay siyang tatanghaling panalo sa buong laro. Pero malinaw naman para sa karamihan na ang pangkat nina Oliver ang mananalo.Todo hiyawan ang mga estudyanteng nanonood. Ang ibang nanonood ng badminton at table tennis ay nagsilipat ng pwesto sa tapat ng volleyball court. Halos kasinglaki lang ng stadium ng basketball ang stadium na kinaroroonan nila ngayon. Pinagkasya roon ang badminton, table tennis at volleyball."Anong meron?" takang tanong ni Jackielyn nang mapunang nagsisilipat ng pwesto ang ilang estudyante. Tumanaw ito sa mga nagkukumpulan sa may volleyball court.Tumanaw din doon si Kina at agad na napako ang tingin nito sa isang lalaking nakasuot lang ng simpleng pares ng t-shirt at pantalon. "Luke?"Kasali rin si Luke sa sports event?"Hindi ba't mga varsity players sila?" Namimilog ang matang ani ni Jackielyn sa kinikilig na boses. Niyugyog pa nito ang balikat ni Kina. Nahinto rin agad ito
Napagdesisyunan ni Luke na umalis. Dahil sa wala na rin naman doon si Kina ay wala nang punto pang maglaro. Wala rin namang klase ngayon kaya bibisitahin niya nalang muna siguro ang kanyang kumpanya. Marami pa siyang hahabuling pagsasanay. Si Alona nalang muna ang bahalang magbantay kay Kina."Saan ka pupunta?" takang tanong ni Andrie. May pag-aalala sa mukha nito."Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Mukha atang hindi na ako makakapaglaro. Humanap nalang kayo ng papalit sa'kin."Nagsilaglagan ang balikat nina Andrie samantalang nagsitawanan naman ang pangkat ni Oliver."What a loser. Tumaas pa man din ng tingin ko sa'yo kanina nang binalaan kami ni Oliver sa'yo." nakaismid na sambit ng isang kakampi ni Oliver."Martial Artist my ass," Dumura pa si Nicolo matapos sabihin iyon. Nakasabit ang mga kamay nito sa net. "Anong klase naman ng martial arts ang inaaral mo? Nagsasanay kung paano hindi ilagan ang atake ng kalaban?" pang-aasar nito. Nagsitawanan ang mga kasamahan nito maliban k
Two-zero ang puntos, pabor sa pangkat ni Oliver. Sa kanila ang bola at sila ang magsi-serve. Si Oliver ang setter ng kanilang pangkat kaya nakapwesto ito sa kanang tabi ng libero. Ito rin ang kasalukuyang nagsi-serve. Outside hitter naman si Nicolo samantalang opposite si Allen.Sa pangkat naman ni Luke, siya ang nagsisilbing outside hitter na nakapwesto sa kaliwa ng kanilang libero na walang iba kung hindi ay si Andrie. Si Andrie lang din mismo ang nagtalaga sa kanyang sarili na maging libero ng kanilang pangkat. Hindi dahil sa siya ang pinakamahusay na tactic maker sa kanila, kung hindi sa siya ang lider ng kanilang pangkat. Ang ganda ng basehan hindi ba?Setter ang isa sa ni-recruit ni Andrie at ang isa naman ay opposite. Si Jonas ang nagsisilbing middle blocker at si Isaac naman ang katabi nito sa kanan. Hindi katangkaran si Jonas upang maging blocker, pero iyon ang napag-usapan nilang posisyon: posisyong kamote.Sinong may pake? Hindi naman sila mga propesyonal na manlalaro. Ni w
Malakas na hinampas ni Luke ang bola habang nakasuspende siya sa ere. Lahat ay may pigil lang na hininga habang nakatingin sa pagtama ng kanyang kamay sa bola. Tila nag-slo-mo pa ang pangyayaring iyon sa kanilang paningin dahil sa kanilang sobrang pagkabigla. Ang kaninang lalampa-lampa ay hindi nila akalaing napakataas palang lumundag!Dahil sa sobrang pagkabigla nina Nicolo at buong pangkat nito ay hindi agad nakakilos ang mga ito. Ni hindi man lang nag-abalang gumalaw ang mga ito nang puntong lumipat na sa kabila ng net ang bola. Lahat sila ay nakasunod lang ang tingin sa paglapag ni Luke."I-imposible!" gulat na reaksyon ni Nicolo. Siya na ang pinakamataas na tumalon sa kanilang pangkat at aminado siyang nahigitan iyon ni Luke.Pumito ang referee. Itinaas nito ang dalawa nitong kamay habang ang mga palad ay nakaharap sa sarili nito. Ibig sabihin lang niyon ay bumagsak sa labas ng linya ang bola. Puntos pa rin iyon ng pangkat ni Oliver."Mukha atang wala akong kontrol sa pag-spike.
Nakita niya nalang na umangat sa ere ang bola at papunta pa rin ang direksyon niyon sa kanilang setter. Tinangka nitong baliktarin ang pagpapadulas ng kamay sa pagtanggap ng bola pero muli na namang binaliktad ni Oliver ang direksyon ng ikot niyon kaya mabilis na tumalbog iyon nang pahalang pakaliwa. Tsansa na sana iyon ni Luke upang buhayin ang bola pero inabot iyon ni Andrie kaya tumalbog iyon paitaas diretso palabas ng court.Napakamot nalang si Luke sa kanyang ulo. Seven-zero na ang score. Hindi siya nababahala dahil matalo man sila ay unang set palang iyon at may apat na set pa. Pero wala siyang balak na ipatalo iyon. Ayaw na niyang paabutin pa ang laro sa ikaapat na set. Ilang ikot pa bago siya mag-serve. Siguradong hindi gugustuhin nina Oliver kapag siya na ang mag-serve.Pumito ang referee at ang kanilang setter na naman ang tumanggap ng serve ni Oliver. Nagawa ng setter na matanggap ang bola at maipalobo iyon pero palabas pa rin ang direksyon niyon. Sa tingin ng ilan ay punto
"Look how happy he is." nakangising sambit ni Alona habang nakatingin kay Luke. Kasama ito ngayon nina Kina.Hindi nagbago ang masayang ekspresyon sa mukha ni Kina. Nakasunod lang ang kanyang tingin kay Luke. Masaya siya dahil sa ibinalita ni Alona sa kanya.Nang palabas na sila ng gate ng stadium ay saktong nakasalubong nila si Alona. Tinanong sila nito kung saan sila pupunta at gaya nga ng naging rason niya kay Jackielyn ay iyon ang sinabi niya kay Alona. Nabigla nalang siya nang hilahin siya nito papunta sa likurang bahagi ng stadium kung saan walang makakarinig sa kanila.Inamin sa kanya ni Alona ang tungkol sa nararamdaman ni Luke para sa kanya. Pati ang pagkakabasa nito sa kanyang diary ay nabanggit din nito kaya hindi na siya nakapagsinungaling pa tungkol doon. Nalalagay lang na parehas sila ni Luke ng nararamdaman sa isa't-isa kung ganoon.Nalaman niya ring kaya tinanggap ni Luke ang trabahong inalok ng kanyang lolo ay dahil sa gusto talaga siya nitong protektahan, dahil sa ma
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg
Bumagsak sa semento ang gang member at diretsong nawalan ito ng malay. Ilang saglit na hindi nakakibo ang ilan dahil sa ginawa ng lalaki. Aminado sila sa kanilang mga sarili na napalakas nga ng ginawa nitong pagsipa."A-anong karapatan mong gawin 'yon sa kanya? B-bagong sal'ta ka lang rito!" singhal ng isa pang gang member.Imbes na humingi ng dispensa ang lalaki ay ngumisi pa nga ito na animo'y wala itong pakialam. "Gaya ng sinabi ko ay nandito ako upang sanayin kayo, at hindi ako bagong sal'ta. Ako ang magiging batas ng training ground n'yo. Kung sinuman sa inyo ang gustong sumubok sa'kin," Inilahad nito ang mga kamay nito na tila tumatanggap ito ng hamon. "Go on, patunayan n'yo muna sa'kin na may ibubuga kayo."Napakuyom ang kamao ng ilang gang members dahil sa inis sa pagiging arogante ng lalaki. Gayunpaman ay wala ni isa man sa mga ito ang nangahas na pumalag.Napasimangot nalang si Luke dahil sa inaasta ng lalaki. Si Malcov ba talaga ang kumuha sa lalaking ito upang sanayin ang
Kumunot ang noo ni Luke sa narinig habang pinagmamasdan ang matabang pisngi ng lalaki. Isinabit niya ang hawak niyang helmet sa manibela ng scooter.'Nominasyon, huh?'Tumungo siya sa gym at nadatnan doon ang pagtitipon-tipon ng ilang miyembro ng gang. Parang nasa sabungan ang mga ito sa ingay at lahat ay parang may pusta.Napakunot ang kanyang noo nang makita at makilala niya ang isa sa mga nasa ring."Isaac?"Anong ginagawa nito rito? Huwag nito sabihing..."Tapusin! Tapusin! Tapusin!..."Nagsimulang humiyaw ang mga tao roon para sa katunggali ni Isaac. Matangkad ito at may matipunong pangangatawan. Napakaswabe rin ng kilos nito na animo'y isang bihasang martial artist. Hindi ito magawang matapatan ni Isaac.Sa unang tingin palang ay masasabi na ni Luke na isa itong sundalo. Anong ginagawa nito rito sa kampo ng Blazing Phoenix? May sadya ba ito kay Malcov?Gumuhit ang aroganteng ekspresyon sa mukha ng lalaki habang si Isaac naman ay kasalukuyang nakangiwi ang mukha dahil sa iniindan
"Get lost! 'Wag na 'wag ka nang babalik sa pamamahay na ito!" sigaw ni Caroline.Bago pa man tuluyang magsarado ang pinto ay pinahabulan pa si Luke ni Kina ng bumalik-ka-nalang-mamaya na tingin.Nagpapakawala siya ng malalim na buntong hininga pagkatapos ay hinubad ang suot niyang apron at isinabit niya iyon sa kanyang balikat. Naupo siya sa hagdan sa tapat ng pintuan, nangalumbaba habang nakasimangot.Ibang klase talaga si Caroline. Pasalamat na nga ito at pinaglinis lang ito ng banyo ni Rodeo. Kung ibang tao ang nasa sitwasyon nito ay malamang na ipinagiling na ito nang buhay ni Rodeo sa mga tauhan nito.Dapat nga ay pasalamatan pa siya nito.Habang pinakikinggan ang pagsusumbong nito kay Kina ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Leon.[Mr. Cruise, may lead na kami sa maaaring pinagtataguan ng organisasyon ni Jason Zheng. Nasa isa silang isla malapit sa Sulu. Pwede namin silang atakihin nang pasurpresa.]Napakunot ang kanyang
Isinubsob ni Rodeo ang ulo nito sa sahig habang nakadapa ang mga kamay. "M-Mr. Cruise, p-pakiusap, patawarin n'yo po ako. H-hindi ko naman alam na kayo pala ang... ang—""'Wag mo nang banggitin, hindi na mahalaga pa 'yon," putol niya rito pagkatapos ay tumayo at naglakad pabalik kay Ferdinand. "Tatlong milyon ba ang utang nila sa'yo?" tanong niya.Hindi agad nakatugon si Rodeo dahil sa pagkabigla. Nagtataka ito kung paano iyon nalaman ni Luke. Narinig ba nito ang pag-uusap nila?Gayunpaman ay isinawalambahala nalang nito iyon sa isiping baka nalaman lang iyon ni Luke sa kung kaninuman nito nalaman na nandito ngayon ang mag-asawa."N-nagbibiro lang ako, Mr. Cruise. W-wala talaga silang utang sa'kin," wika ni Rodeo sa mapang-along boses habang may awkward at pilit na ngiti. Sinusubukang hingin ang kapatawaran ni Luke sa pamamagitan niyon.Napakurap-kurap nalang ang mga mata ni Caroline habang nasa blangko lang ang mukhang nakatitig kay Rodeo bago ilipat iyon kay Luke. Kahit na nagtatak