Share

A Sprinkle of Pixie Dust
A Sprinkle of Pixie Dust
Author: aurum

Chapter 1: Get to Know Isla

Sa isang malaking studio at sa gitna ng mga abalang tao, sampung malalaking camera at limang malalaking ilaw ang nakatapat sa isang babae na nakabusangot at halatang walang gana sa kaniyang ginagawa.

“Ms. Isla, now that your business is booming, what can you say to future entrepreneurs who wanted to enter the industry of furnitures?” tanong ng babae na nakaupo sa katapat na sofa ng babaeng ini-interview niya.

“Well, make sure your works are flawless and beautiful,” maiksing sagot nito at tsaka iniangat ang matatalim na mata sa host.

“O-okay! Moving on, ngayon ay successful ka na. Is it because you have a special someone in your life right now?”

Malakas na hiyawan ang pinakawalan ng mga tao sa studio dahilan para mas lalong ma-irita ang babaeng nagngangalang Isla.

Bakit ko ba tinanggap ang interview na to? tanong niya sa sarili habang hinahawakan ang magkabilang tenga para ipakita ang iritasyon na nadarama.

“Do I need a man to be successful?” Tinaasan niya ng kilay ang host at humalukipkip.

“I mean, having a support syste —"

“I don’t need a support system, Ms. Whatever your name is. I am my own support system,”

hindi niya na pinatapos ang pagpapaliwanag ng host para sabihin ito sa harap ng staffs at maging sa harap ng camera.

“Totoo nga ang tsismis, mataray nga talaga si Ma’am Isla,” bulung-bulungan ng mga staff habang pinapanood ang interview sa likod ng mga naglalakihang camera.

“How about you, miss? Do you need a support system say, a man to be successful?” sarkastikong tanong ni Isla sa host.

“N-no?” alangang sagot nito dahilan para ngumisi si Isla ng nakakaloko.

“You’re not sure? Aw, that’s sad.” tugon ni Isla gamit ang malambing na boses.

“W-why is that s-sad?” Halata sa babaeng host and nerbyos at takot kay Isla.

Tumayo si Isla at inilapit ang bibig sa tenga ng babae.

“Because you’re not sure if you’re going to be successful by yourself, I’m not like you sweetie.” Inilayo niya ang kaniyang sarili sa host at dire-diretsong naglakad paalis sa studio.

Naiwang tulala ang host at tsaka lamang nakahinga ng maluwag nang nakalabas na ng studio si Isla.

Hindi maintindihan ni Isla kung bakit lagi na lang isinasama ng mga reporter ang lalaki sa pagkamit ng kaniyang tagumpay sa business. Isa siyang fairy na minsang namuhay sa Clover, walang sinumang lalaki ang makakahigit sa kaniya. Mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili dahil kung hindi, sino ang gagawa noon para sa kaniya?

Pumasok si Isla sa pintuan na may nakalagay na Director at umupo sa harap ng desk ng kaniyang kaibigan.

“Terence, sabi ko sa iyo na i-monitor mo ang scripts at maging ang competence ng reporter na isasabak mo sa akin.” Pangangaral niya sa matalik na kaibigan na siyang may-ari ng studio na kaniyang pinanggalingan.

Si Terence ay isang fairy na nanggaling din sa Clover at sinundan si Isla sa mundo ng mga tao dahil ayon sa kaniya, boring ang Clover kung wala ang maarte at palaban na kaibigan.

“Isla, hindi ko trabaho iyon. Sana’y sa scriptwriter ka nagreklamo.” Tumayo ito at lumapit sa kaibigan at hinilot ang ulo ni Isla dahilan para bigla itong kumalma.

“Tandaan mo Terence, hindi matutumbasan ng hilot ang inis ko sa staff mo.” Halata sa kalmadong itsura ni Isla na nakatulong ang paghilot ni Terence sa kaniyang ulo kaya napangiti ang lalaking kaibigan.

Naglakad si Terence papunta sa mini refrigerator upang kumuha ng dalawang canned soda. Ihinagis niya ang isa kay Isla habang nakapikit ito ngunit nagulat ito nang biglang iminulat ni Isla ang kaniyang mata at perpektong sinalo ang canned soda gamit ang kaliwang kamay.

“Wow, mukhang nasasanay ka na sa bato ko Isla ah. Next time ay lalakasan ko na.” Ngumisi si Terence at bumalik sa kaniyang upuan.

“Mas naging aware lang ako sa paligid lalo na pag ikaw ang kasama,” sagot ni Isla sa kaibigan dahilan para humaba ang nguso nito at titigan siya ng masama.

“Oh baket? Totoo naman ah,” defensive na dagdag ni Isla.

“Bakit galit? Kaya mo na buto mo?” mahinang tinapik ni Terence ang balikat ni Isla at nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

“Anong trip mo Terence? Ang hyper mo ah, sarap mo banatan,” Inirapan ni Isla si Terence at dire-diretsong nilagok ang canned soda.

“Oh, aalis ka agad?” tanong ni Terence nang makita si Isla na tumayo at inaayos ang nagusot na palda.

“Oo eh, bibisitahin ko ang mga mahal kong empleyado.” Kumindat si Isla at iwinagayway ang kamay sa ere bilang paalam sa kaibigan.

Napailing na lamang si Terence dahil alam niya ang ibig sabihin ni Isla sa “mahal na empleyado”.

Si Isla at Terence ay nagmula sa mahiwagang mundo na tinatawag na Clover. Ang Clover ay ang mundo kung saan malayang naninirahan ang mga fairy, elf, nymph, siren at ang mga taong may espesyal na kakayahan.

Si Isla ay isang fairy na kayang gumawa at umayos ng iba’t-ibang klaseng kagamitan basta ito ay pisikal niyang nahahawakan o ito ay kaniyang nailalarawan gamit ang kaniyang isipan. Si Terence naman ay isang fairy na kayang kontrolin ang mga bato o diamante na kaniyang maisip o mahawakan.

Sa loob naman ng pabrika kung saan ginagawa ang iba’t-ibang putol, disenyo at kulay ng furnitures ay makikita ang mga empleyado na nagtatawanan habang ginagawa ang trabaho na naka-assign sa kanila. Makikita ang magandang relasyon ng mga trabahador sa isa’t-isa.  

“Si Ma’am Isla ay nasa Gate 1 na!” malakas na sigaw ng isang trabahador na may kulay asul na uniporme at may pin na production staff sa kaliwang dibdib.

Mabilis na isinuot ng mga trabahador ang mga face mask na nasa kanilang mga bulsa at ang iba ay inaayos ang kanilang mga buhok gamit ang mga maliliit na salamin na galing naman sa ilalim ng kanilang mga lamesa.

Bakit ganito ang inaasta nila?

Isang tunog ng heels ang umalingawngaw sa buong pabrika at ito ay naging senyales sa mga empleyado na humarap sa malaking pintuan at batiin ang babaeng nakatayo sa kanilang harapan.

“Good morning, Ms. Isla!” masiglang bati ng halos 1,000 empleyado kay Isla na ngayon ay iniikot ang mata na tila may hinahanap.

Ang pagbati ng mga empleyado ay isa lamang sa patakaran ni Isla na dapat sundin ng kaniyang mga empleyado. Ang pagsusuot naman ng facemask ay naging patakaran din ni Isla dahil ayaw niyang makita ang mga empleyado na nangangalay ang mga labi dahil sa malalaking ngiti ng mga ito sa tuwing siya ay pupunta sa pabrika.

“Nasaan ang mga nabalitaan kong nag-away noong nakaraang linggo?” karamihan sa mga empleyado ay nagpatuloy na sa kanilang ginagawa habang ang lima na natigil sa kanilang posisyon ay lumapit kay Isla.

“Sa office,” tipid na dagdag ni Isla dahilan para bumilis ang tibok ng puso ng limang empleyado.

Naglakad silang lahat papunta sa office ni Isla na matatagpuan sa ikalawang palapag ng pabrika. Ang office ni Isla ay punong-puno ng kulay puting palamuti at ang mga muwebles naman ay kulay itim. Sa bandang kisame naman ay makikita ang mga artificial na paru-paro na nahahati lang din sa kulay itim at puti.

Dahan-dahang umupo ang limang empleyado sa harap ni Isla.

“Ano ang dahilan ng away niyong lima?” kalmadong tanong ni Isla sa kanila.

“M-ma’am nalaman p-po kasi naming na iisa lang po ang aming nobya,” kabadong sambit ng isa sa kanila.

“Saang department?” agarang tanong ni Isla habang nakataas ang kaniyang kanang kilay.

Hindi na nagulat si Isla nang malaman ang ugat ng alitan ng limang empleyado dahil may kilala siya na maaaring nagdulot ng problemang ito.

“S-sa d-designing po,” sabay-sabay na sagot nila kay Isla.

Inilabas ni Isla ang kaniyang cellphone at nagtipa ng ilang Segundo bago ibinalik ang atensyon sa lima.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa nito ang isang magandang babae dahilan ng biglaang pagtayo ng limang lalaki.

“S-siya po yun, Ma’am.” Tinuro ng isang lalaki ang babae na ngayon ay matinding tinititigan si Isla.

“Lumabas na muna kayong lima at kakausapin ko lang ang babaeng kinahuhumalingan niyo.” Naglakad palabas ng opisina ang limang lalaking empleyado at umupo naman ang babaeng sinabing naging dahilan ng pag-aaway nila.

“Amelia, sabi ko naman sayo ay wag mo gagamitin ang humming charm mo dito sa trabaho.” Napakunot ang noo ng babae at binigyan si Isla ng isang malaking ngiti.

“Narinig kasi nila ang charm ko noong kumakain ako mag-isa sa cafeteria, alam mo naman na hindi ko kaagad matatanggal ang charm hangga’t hindi ko nahahawakan ang kanilang labi.” Pagpapaliwanag niya at hindi pa rin inaalis ang malaking ngiti sa kaniyang mukha.

Ang babaeng may ngalan na Amelia ay hindi mortal, isa siyang Siren na nagmula rin sa Clover. Ang kaniyang dahilan ng paglisan ay ang pang-aabuso ng mga tauhan ni Zoom sa kaniyang humming charm para tuluyang maligaw ang ibang pirata at manlalayag sa karagatan.

“Wag mo akong ngitian alam mong di yan uubra,” mataray na banat ni Isla kaya napahinto sa pagngiti ang magandang babae at humalukipkip na lamang.

“Hayaan mo’t tatanggalin ko ang charm mamayang gabi, promise!” pangungumbinsi niya kay Isla na tanging iling na lamang ang isinagot sa kaniya.

“Balik na ko sa work, bye fairy godmother!” Mabilis itong tumakbo palabas ng opisina dahil alam ni Amelia na ayaw ni Isla na tinatawag siyang fairy godmother.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ni Isla. Kahit na may mga problemang nagawa si Amelia ay hindi nito matutumbasan ang effort at kalidad ng disenyo na ginagawa sa trabaho. Isa siya sa masipag at magaling na empleyado ni Isla kaya ang ideya na sisantehin si Amelia ay wala sa pagpipilian.

Muli niyang pinapasok ang lima at pinagsabihan ang mga ito ng malumanay.

“Kung nagkaka-ganyan kayo dahil sa isang babae, maigi pa sigurong maghanap kayo ng ibang trabaho,” malumanay na sambit ni Isla at napailing ang limang lalaki.

Humingi ang mga ito ng pasensiya sa isa’t isa at maging kay Isla. Tinanggap ito ni Isla at pinabalik na sila sa kanilang trabaho. Kahit na strikta at mataray si Isla ay maawain at may mabuting puso rin ito lalo na sa kaniyang mga empleyado.

Ang tinuran ni Isla ay isa lamang na patibong para mabilis na magkaayos ang kaniyang mga empleyado.

Alam ni Isla kung gaanokahirap ang ginagawa ng kaniyang empleyado kaya hindi siya kailanman nagpalayas ng manggagawa. Ang ibang umalis sa kaniyang kumpanya ay maalin lamang sa magreretiro o may malubhang sakit na dinaramdam.

Si Isla ay naging manggagawa rin sa Clover noon kaya lahat ng natutunan niya ay kaniyang ginamit sa kaniyang business para mas maging maayos ang pamumuno niya at magkaroon ng magandang relasyon ang mga empleyado sa isa’t isa. Sa tuwing binibisita niya ang pabrika ay naaalala niya ang Clover at ang mga kaibigan niya roon.

Kasabay ng kaniyang pagalala sa matamis na nakaraan kasama ang kaniyang mga kaibigan ay ang mapait na katotohanan na minsan siyang pinagtaksilan ng taong taos puso niyang minahal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status