Home / Romance / A Sprinkle of Pixie Dust / Chapter 3: Love and Hate

Share

Chapter 3: Love and Hate

Author: aurum
last update Huling Na-update: 2021-08-15 00:01:22

Ilang araw matapos ang maikling usap ni Isla at Nia sa telepono, si Isla ay nasa harap ng kaniyang malaking salamin habang nilalagyan ng kolorete ang kaniyang kilay at labi.

“Kailan ba naging mahirap ang pagmi-make up?” tanong niya sa sarili habang dahan-dahang nililinyahan ang kaliwang kilay.

Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin si Isla sa kaniyang pag-aayos at ngayon ay tila nahihilo dahil sa sobrang dami ng damit na kaniyang pamimilian. Isa sa hilig ni Isla ang pagbili ng damit ngunit tuwing aalis siya ay limang damit o terno lamang ang kaniyang pinamimilian.

Sa huli, pinili niya ang magarbong itim na damit na tila niyayakap ang kaniyang buong katawan dahilan para makita ang hubog nito. Nagsuot siya ng kwintas na gawa sa purong perlas at ang kaniyang braso ay pinalamutian niya ng mamahaling relo at isang ginto na bracelet. Bago umalis ng kaniyang tahanan ay sinuot niya ang kaniyang salaming pang-araw at nag-pose sa harap ng salamin ng ilang minuto.

“Kuya, wala na bang ibibilis ‘to?” Tinanggal ni Isla ang kaniyang salamin at hinarap ang driver gamit ang rear-view mirror ng sasakyan.

“Ma’am may aksidente po kasi sa harapan natin kaya hindi ko po maitakbo ang sasakyan,” mahinahong sagot ng driver.

“Sandali nga manong, may gagawin lamang ako.” Binuksan ni Isla ang pintuan ng sasakyan at saka naglakad papunta sa harapan upang makita kung ano ang nangyayari.

Hindi aksidente ang kaniyang nadatnan ngunit isang sasakyan na flat ang dalawang gulong sa harapan at ngayon ay nago-overheat na rin.

Pasimpleng nilapitan ni Isla ang sasakyan at hinawakan ito, biglang tumigil ang usok na lumalabas dito maging ang gulong na kanina ay walang hangin tila ay napalitan ng bago.

Pumikit si Isla at maya maya ay bumalik na sa normal ang daloy ng mga sasakyan at naglakad na siya pabalik sa kaniyang kotse.

Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa building kung saan makikita ang studio na sinabi sa kaniya ni Nia. Matayog ang building na ngayo’y kinatatayuan ni Isla at hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng istruktura nito.

Sumakay si Isla sa elevator at pinindot ang numero 11 na buton kung saan matatagpuan ang direktor ng nasabing show.

Sa kabilang banda naman, sa loob ng studio, makikita ang isang matipunong lalake na may hawak na papel at pinapaypay ito sa sarili habang naglalakad paikot sa isang lamesa.

Ang lalaking ito ay may kayumangging kulay, ang kaniyang buhok ay kasing itim ng gabi, ang kaniyang mga mata ay mala-tsokolate, mayroon din siyang mahahabang pilikmata at ang ilong ay matangos. Makikita rin sa kaniyang mga balikat ang resulta ng madalas na pag-eehersisyo. Maging ang kaniyang tangkad ay kainggit-inggit din.

“D-direk H-Henry a-ayaw po talagang sumagot ni Byron,” kabadong sambit ng isang babae kay Henry na ngayon ay tumigil na sa paglalakad at ibinaling ang atensyon sa babae.

Ang lalaking nagngangalang Henry ay nanggaling din sa Clover kung saan nagmula si Isla, Nia at Terence. Isa siyang tao na may espesyal na kakayahan katulad ng paglipad at ang panghabang buhay na kabataan.

Ngunit bakit nga ba nandito siya sa mundo ng mga tao?

“10 minutes na lang nandito na ang partner niya, anong gagawin natin?” Umupo si Henry sa lamesa at hinihilot ang sentido dahil isa sa kanilang cast ay umurong ilang minuto bago magsimula ang show.

Ang babae at lima sa kasamahan niya ay nagbulungan at saba-sabay ibinaling ang tingin kay Henry.

“S-sir, pasensiya na po.” Tinakpan ng mga ito ang mata ni Henry gamit ang isang kulay itm na panyo at hinawakan ang mga kamay para hindi nito matanggal ang blindfold.

“Sir tingin po namin ay kaya ninyong palitan si Byron,” malumanay na sambit ng isa sa staff na nakahawak sa kamay ni Henry.

Hindi na tumanggi si Henry at tumnago-tango na lamang sa kaniyang staff.

Si Henry ay kilala sa kaniyang dedikasyon sa trabaho. Lahat ng shows na kaniyang ginawa ay laging nagti-trending online at patok sa mga masa. Kaya ang mga problema na katulad nito ay maliit na bagay lamang kumpara sa teknikal na problema katulad ng pagkasira ng mga camera at mics na laging ginagamit sa shoot.

“Ano pa bang magagawa ko,” buntong hiningang sambit ni Henry sa kanila dahilan para matawa ang mga ito.

“Guys! Nandito na ang female partner!” sigaw ng isang staff na nakahawak sa pintuan ng studio.

Nataranta ang lahat at ang isang staff ay tumakbo palabas ng studio hawak ang kulay puting blindfold.

“Hi, I’m Isla from LA Bella, where should I go for the interview?” masiglang tanong ni Isla sa babaeng nakatayo sa kabilang pintuan ng studio.

“Interview?” takang tanong ng staff kay Isla.

“My sister, Nia –”

Hindi na natapos ni Isla ang nais sabihin dahil may isang staff na nagtakip sa kaniyang mga mata gamit ang kulay puting panyo.

“W-what is this?!” magkahalong gulat at galit na tanong ni Isla.

“S-sorry Ma’am this is for the show po,” magalang na sagot ng staff at inalalayan si Isla papasok sa studio.

Inis, galit, poot, pagkamuhi, yamot, pagpupuyos at pagkasuklam ang mga salitang naglalarawan sa nararamdaman ni Isla ngayon. Hindi siya makapaniwala na naisahan siya ng kaniyang nakababatang kapatid.

Matapos ang ilang minutong pagbi-brief ng producer ay tumayo na ang dalawa at sila ay parehong inalalayan ng mga staff papunta sa parking kung nasaan ang kotse para sa car blind date.

“Once you feel that comfortable in the car seat you can both remove the blindfold na,”

paliwanag ng producer at wala nang nagawa si Isla kung hindi tumango kahit na nagpupuyos na sa galit ang buong katawan nito.

“Okay na?”

Tumaas ang balahibo ni Isla dahil sa boses na kaniyang narinig. Pamilyar ang boses pero nagkakaroon siya ng pagdududa sa sariling alaala. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso at nagkakaroon ng estrangherong pakiramdam sa kaniyang tiyan.

Imposibleng siya ito, dalawang dekada na ang nakalipas. Sambit ni Isla sa sarili.

“Let’s start,” mataray na sagot ni Isla.

Nagulat si Henry nang marinig niya ang boses ng babae na kasama niya pero hindi niya na ito pinansin at tuluyan nang tinanggal ang itim na panyo.

“Ikaw?!” Sabay na sambit ni Henry at Isla.

Napahawak sa sariling dibdib si Isla habang si Henry naman ay napasuklay ng buhok gamit ang kaniyang mga daliri.

“Look who showed up,” sarkastikong bulalas ni Isla kay Henry.

Hindi kaagad nakasagot si Henry nang maalala kung ano ang nangyari 20 taon na ang nakalipas…

Sa Clover kung saan matatagpuan ang mahihiwagang nilalang at ang mga taong may espesyal na kakayahan makikita si Isla at Henry na naghahabulan sa ere.

“Humanda ka sakin Henry!” sigaw ni Isla habang pilit na inaabot si Henry.

“Paano ako maghahanda eh hindi mo nga ako mahuli,” sagot ni Henry kay Isla na ngayon ay masama na ang tingin sa kaniya.

Patuloy na naghabulan ang dalawa hanggang sa mapadpad sila sa Sapien sea kung saan matatagpuan ang kakaibang lamang dagat katulad ng jellyfish na nananatili sa ere tuwing gabi, mga seahorse na nagiging kulay rosas tuwing tag-init at kulay ulap naman tuwing tag-lamig at mga clams na nagbibigay ng gintong perlas isang beses sa isang taon.

Ngunit hindi nila inaasahan na makikita nila si Captain Zoom sa Sapien sea. Nagtago ang dalawa sa malaking puno malapit sa barkong nakadaong sa pampang at tinitignan ang ginagawa ni Captain Zoom.

“Sige, ibaba na yan!” Tatlong piratang kasama ni Captain Zoom ang lumabas sa barko bitbit ang isang malaking sako.

Nagulat si Isla at Henry nang makitang gumagalaw ang kung ano mang laman ng sakong iyon.

Sinuri ni Captain Zoom ang paligid kaya napilitan ang dalawa na itago ang kanilang ulo at nabigla nang magkalapit ang kanilang mukha.

Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng kanilang puso dahil sa kanilang paghahabulan sa ere, ngayon ay dumoble pa ang bilis nito.

“Ako lang kaya ang nakakaramdam nito?” Kuryosong tanong ni Isla sa kaniyang sarili.

Napapikit si Isla dahil sa naisip at dahan-dahang lumayo kay Henry.

“Isla lapitan natin,” sambit ni Henry na ngayon ay inililipat ang tingin sa sakong iniwan ni Captain Zoom at sa barko nito na paunti-unti nang lumalayo sa dalampasigan.

Natauhan si Isla sa sinabi ni Henry at tahimik na sumunod dito.

“Teka Henry paano kung halimaw pala ang laman ng sako na yan?” takot na sambit ni Isla kay Henry.

“Ako ang magtatanggol sayo Isla,” seryosong sambit ni Henry at dahan-dahang hinaplos ang mukha ni Isla.

Matagal nang may pagtingin si Isla kay Henry at ang mga ganitong klase ng kilos mula kay Henry ay nagbibigay sa kaniya ng pag-asa, na baka gusto rin siya nito at balang araw ay maihayag ang pag-ibig na matagal nang itinatago.

“T-tulong” Nagulat si Isla at Henry nang mapagtantong hindi halimaw ang nasa loob ng sako kundi isang

“Mortal?” Sabay na sambit ni Isla at Henry nang makita na isang babaeng mortal ang iniluwa ng sako.

Buhat ni Henry ang babae dahil hinang-hina ito. Si Isla naman ang sumusuyod sa daanan pabalik sa Clover.

Pinatuloy nila ito sa kanilang tahanan at inalagaan. Halinhinan sa pagbabantay si Isla, Henry, Nia at Terence sa babaeng mahimbing na natutulog sa kama.

Isang linggo ang nakalipas nang magising ang babaeng nagngangalang Mary.

“Mary, paano ka napadpad dito?” mahinahong tanong ni Isla.

“S-sa isang panaginip,” mahinang sagot ni Mary.

Ang panaginip na tinutukoy niya ay tinatawag na dream chaser. Isa itong uri ng salamangka na tanging matatandang elf at fairies lamang ang nakakaalam. Aakalain ng biktima na siya ay nananaginip lamang ngunit lahat ng nangyayari ay totoo at ang mahika ay mawawala lamang kung ang biktima ay pisikal na nasaktan.

“Paano nalaman ni Captain Zoom ang ganitong klaseng mahika?” takang tanong ni Nia.

“Malamang ay nakuha niya ito sa Clavel,” sagot ni Henry.

“Balita ko’y nasakop na ni Captain Zoom ang Clavel,” dagdag impormasyon ni Terence.

Ang Clavel ay isang lugar kung saan matatagpuan ang ilan sa matatandang fairies at elves dahil ang lupa sa Clavel ay puno ng mahika at dito sila kumukuha ng karagdagang mahika o di kaya ay karunungan para ibahagi sa mga naninirahan sa Clover.

Ang mga istruktura at imbensyon na ginawa sa Clover ay nagmula sa natutunan ng mga matatandang fairies at elves sa Clavel.

“Salamat pala sa inyong tulong, hindi ko alam kung paano ko gagantihan ang inyong kabutihan.”

Lumapit si Mary kay Henry at binigyan ito ng halik sa pisngi, lumapit din siya kay Isla para yakapin ito.

Nakita ni Isla ang pamumula ng tenga ni Henry mula sa halik na iyon dahilan para siya ay manghina at mawalan ng gana.

“Kayo na lang muna magbantay kay Mary,” sambit ni Isla na may tono ng pagtatampo.

Ginamit ni Isla ang kaniyang pakpak para makahiga sa dagat ng ulap.

“Ganoon ba ang mga mortal kapag pinakitaan ng kaunting kabaitan?” tanong niya sa sarili habang iwinawagayway ang kamay sa ere.

Magdidilim na nang bumalik si Isla sa kanilang tree house. Nagulat ito nang makita na si Nia at Terence na lamang ang nasa loob.

“Nasaan yung dalawa?” kabadong tanong ni Isla.

Agad agad na pumunta si Isla sa Sapien sea para hanapin si Mary at Henry.

Nakita niya ang dalawa na nakaupo lamang sa buhangin sa dalampasigan at masayang nagkukwentuhan, nagulat siya nang biglang halikan ni Mary si Henry sa labi.

Nalukot ang ekspreyon ng kaniyang mukha at napalitan ng galit at matinding selos ang kaninang lungkot na nadarama.

Nasa likod lamang siya ng puno at tahimik na pinapanood ang dalawa nang biglang

“Ah! Tulong!” malakas na sigaw ni Isla nang biglang may humatak sa kaniang mga pakpak.

Narinig ito ni Henry at Mary kaya pinuntahan nila ang pinanggalingan ng sigaw.

Nakita ni Henry at Mary si Captain Zoom na nakatutok ang matalim na espada sa leeg ni Isla.

“Henry sino ngayon ang pipiliin mo?” sarkastikong tanong ni Captain Zoom dahilan para magalit si Henry.

“Pakawalan mo si Isla!” Lumapit si Henry kay Captain Zoom ngunit mabilis na naidiin ni Captain Zoom ang espada sa leeg ni Isla dahilan para magdugo ito.

Nanlalabo ang paningin ni Isla dahil sa walang humpay na pagtulo ng kaniyang mga luha dala ng matinding takot sa susunod na mangyayari.

Kaugnay na kabanata

  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 4: The Puzzle He Never Solved

    Hindi malaman ni Henry kung bakit nakaramdam siya ng matinding pagpupuyos nang makita ang walang humpay na pagtulo ng luha sa mga mata ni Isla. Dahil ba sa matalik niya itong kaibigan? O dahil may iba na siyang nararamdaman? Nais niyang pakawalan si Isla ngunit wala siyang maisip na paraan para lusutan ang hangal na plano ni Captain Zoom. “Ibigay mo sa akin si Mary at pakakawalan ko si Isla,” seryosong sambit ni Captain Zoom kay Henry. Napakadali lang ng kondisyon na iyon pero bakit hirap na hirap mamili si Henry? Tila may pwersa na nagpipigil sa kaniyang ibigay si Mary kay Captain Zoom. “Pakawalan mo si Isla! Alam kong ako ang pakay mo.” Lumapit si Henry upang kahit papaano’y maipakita kay Isla na ayos lamang ang lahat, na nandito si Henry para sa kaniya. “Isang hakbang mo pa.” Diniinan ni Captain Zoom and kaniyang espadang nakadantay sa leeg ni Isla dahilan para mas lalong sumigaw si Isla sa sakit. Kahit nanla

    Huling Na-update : 2021-11-13
  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 5: We look good, aren't we?

    “You wouldn’t hear any gratitude from me,” paunang sabi ni Isla nang ibaba siya ni Henry mula sa pagkakabuhat.Nagkibit-balikat lamang si Henry at mahinang itinulak si Isla papasok sa isang dressing room.Sa loob ng kulay kahel na silid, makikita ang dalawang hilera ng mga damit at isang malaking salamin na pinaliligiran ng ilaw at isang lamesa na naglalaman ng iba’t-ibang klaseng kolorete sa mukha. Pumasok si Isla sa banyo upang maghilamos ng kaniyang mukha at linisin ang sugat na natamo kanina.Matapos ang ilang minuto ng paghihilamos, lumapit si Isla sa mga damit na nakasabit sa isang bakal upang makapili ng damit na kaniyang susuotin sa shoot mamaya. Isang kulay kayumangging dress na abot hanggang tuhod ang kaniyang napili at nang makita niya ang sarili sa salamin,“I am pathetic today,” dismayadong sambit ni Isla habang nakatingin sa salamin. Napailing na lamang siya at umupo upang maglagay ng kaunting make up para

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 6: Bomb

    Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng malapit kay Isla ang nangyari noon sa kaniya at kay Henry. Alam ng fairies sa Clover kung gaano nito naimpluwensyahan ang paraan ng pamumuhay ng dalaga at maging ang maging ang pakikitungo nito sa ibang tao. “Siguro kung bibigyan ako ng ancient fairy ng kapangyarihan para pumatay, sa’yo ko iyon unang gagamitin.” Hinilot ni Isla ang kaniyang sentido dahil sa matinding stress na naidulot sa kaniya ng shoot, partikular na rason ay ang presensya ni Henry. Dalawang oras ang itinagal ng shoot at dahil ito naman ay hindi scripted, wala ng takes na kailangan ulitin. “Chill, malay ko ba?” “Alam kong alam mo!” Pinatay ni Isla ang tawag at nagpokus sa ginagawang disenyo. Ang disenyo na ginagawa ni Isla ay para sa nalalapit na launch ng kaniyang Spring Collection. Lahat ng tauhan sa pagawaan ay hindi maaabala dahil sa sobrang dami ng kailangang gawin at ihanda para rito. Isa rin sa pinakaabala ngayon ay si Isla

    Huling Na-update : 2021-11-27
  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 7: A Messy Night

    “There, I look good.” Kinuha ni Isla ang kaniyang cellphone at kinuhaan ng litrato ang sarili sa harap ng salamin.Matapos ang matinding pag-aaway ni Isla at Terence kaninang umaga, hinayaan niya na umalis si Terence at saka natulog maghapon. 4 pm na nang lumabas si Isla sa kaniyang kwarto at nakita ang isang lunch box na nasa lamesa at may Sorry na note sa itaas nito.Isa sa ugali ni Isla ang matulog kung mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan o di kaya ay may di pagkakaintidihan katulad ng nangyari sa kanila ni Terence. Isa ito sa kaniyang paraan para makalimot at umiwas sa sariling problema.Isang kulay itim na backless dress ang suot ni Isla kahit kakaiba ito sa kaniyang tipikal na estilo. Gumamit rin siya ng lipstick na kasing pula ng isang mansanas na taliwas din sa karaniwang lipstick na ginagamit ng dalaga.Maaga nagsimula ang party sa Vale, isang sikat na club sa lungsod. Marami ring sikat na personalidad ang nagagawi sa Val

    Huling Na-update : 2021-12-08
  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 1: Get to Know Isla

    Sa isang malaking studio at sa gitna ng mga abalang tao, sampung malalaking camera at limang malalaking ilaw ang nakatapat sa isang babae na nakabusangot at halatang walang gana sa kaniyang ginagawa.“Ms. Isla, now that your business is booming, what can you say to future entrepreneurs who wanted to enter the industry of furnitures?” tanong ng babae na nakaupo sa katapat na sofa ng babaeng ini-interview niya.“Well, make sure your works are flawless and beautiful,” maiksing sagot nito at tsaka iniangat ang matatalim na mata sa host.“O-okay! Moving on, ngayon ay successful ka na. Is it because you have a special someone in your life right now?”Malakas na hiyawan ang pinakawalan ng mga tao sa studio dahilan para mas lalong ma-irita ang babaeng nagngangalang Isla.Bakit ko ba tinanggap ang interview na to? tanong niya sa sarili habang hinahawakan ang magkabilang tenga para ipakita ang iritasyon na nadarama.

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 2: The Thing that Never Changes

    Sa isang sikat na mall makikita ang isang babae na nakaupo at abot tenga ang ngiti na pinipirmahan ang mga librong inilalahad sa kaniya ng mga taong nakapila. Siya ay may mala-niyebe na kulay ng buhok at ang haba nito ay hanggang sa kaniyang balikat. Mayroon siyang porselanang kutis at ang kaniyang mga mata ay itim na itim. Sa kaniyang ngiti naman ay makikita mo ang malalalim niyang biloy at ang mala-rosas niyang mga labi.Isang malaking tarpaulin ang nakapaskil sa kaniyang likuran na may pagbati na Welcome back, Ms. Nia.Sa likod ng kaniyang matatamis na ngiti ay may ideya na kanina pa niyang iniisip.Gutom na ako! sigaw niya sa kaniyang sarili.Hindi magkamayaw ang mga tao dahil isa siyang sikat na author at ito ang kaniyang pangalawang book signing event kaya hindi na pinalampas ng mga taong humahanga sa kaniya ang pagkakataong makita at makausap siya kahit sandali lamang.“Thank you for inspiring me, Ms. Nia.” Nagulat si Ni

    Huling Na-update : 2021-08-14

Pinakabagong kabanata

  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 3: Love and Hate

    Ilang araw matapos ang maikling usap ni Isla at Nia sa telepono, si Isla ay nasa harap ng kaniyang malaking salamin habang nilalagyan ng kolorete ang kaniyang kilay at labi. “Kailan ba naging mahirap ang pagmi-make up?” tanong niya sa sarili habang dahan-dahang nililinyahan ang kaliwang kilay. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin si Isla sa kaniyang pag-aayos at ngayon ay tila nahihilo dahil sa sobrang dami ng damit na kaniyang pamimilian. Isa sa hilig ni Isla ang pagbili ng damit ngunit tuwing aalis siya ay limang damit o terno lamang ang kaniyang pinamimilian. Sa huli, pinili niya ang magarbong itim na damit na tila niyayakap ang kaniyang buong katawan dahilan para makita ang hubog nito. Nagsuot siya ng kwintas na gawa sa purong perlas at ang kaniyang braso ay pinalamutian niya ng mamahaling relo at isang ginto na bracelet. Bago umalis ng kaniyang tahanan ay sinuot niya ang kaniyang salaming pang-araw at nag-pose sa harap ng salamin ng ilang minuto.

  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 2: The Thing that Never Changes

    Sa isang sikat na mall makikita ang isang babae na nakaupo at abot tenga ang ngiti na pinipirmahan ang mga librong inilalahad sa kaniya ng mga taong nakapila. Siya ay may mala-niyebe na kulay ng buhok at ang haba nito ay hanggang sa kaniyang balikat. Mayroon siyang porselanang kutis at ang kaniyang mga mata ay itim na itim. Sa kaniyang ngiti naman ay makikita mo ang malalalim niyang biloy at ang mala-rosas niyang mga labi.Isang malaking tarpaulin ang nakapaskil sa kaniyang likuran na may pagbati na Welcome back, Ms. Nia.Sa likod ng kaniyang matatamis na ngiti ay may ideya na kanina pa niyang iniisip.Gutom na ako! sigaw niya sa kaniyang sarili.Hindi magkamayaw ang mga tao dahil isa siyang sikat na author at ito ang kaniyang pangalawang book signing event kaya hindi na pinalampas ng mga taong humahanga sa kaniya ang pagkakataong makita at makausap siya kahit sandali lamang.“Thank you for inspiring me, Ms. Nia.” Nagulat si Ni

  • A Sprinkle of Pixie Dust    Chapter 1: Get to Know Isla

    Sa isang malaking studio at sa gitna ng mga abalang tao, sampung malalaking camera at limang malalaking ilaw ang nakatapat sa isang babae na nakabusangot at halatang walang gana sa kaniyang ginagawa.“Ms. Isla, now that your business is booming, what can you say to future entrepreneurs who wanted to enter the industry of furnitures?” tanong ng babae na nakaupo sa katapat na sofa ng babaeng ini-interview niya.“Well, make sure your works are flawless and beautiful,” maiksing sagot nito at tsaka iniangat ang matatalim na mata sa host.“O-okay! Moving on, ngayon ay successful ka na. Is it because you have a special someone in your life right now?”Malakas na hiyawan ang pinakawalan ng mga tao sa studio dahilan para mas lalong ma-irita ang babaeng nagngangalang Isla.Bakit ko ba tinanggap ang interview na to? tanong niya sa sarili habang hinahawakan ang magkabilang tenga para ipakita ang iritasyon na nadarama.

DMCA.com Protection Status