“You wouldn’t hear any gratitude from me,” paunang sabi ni Isla nang ibaba siya ni Henry mula sa pagkakabuhat.
Nagkibit-balikat lamang si Henry at mahinang itinulak si Isla papasok sa isang dressing room.
Sa loob ng kulay kahel na silid, makikita ang dalawang hilera ng mga damit at isang malaking salamin na pinaliligiran ng ilaw at isang lamesa na naglalaman ng iba’t-ibang klaseng kolorete sa mukha. Pumasok si Isla sa banyo upang maghilamos ng kaniyang mukha at linisin ang sugat na natamo kanina.
Matapos ang ilang minuto ng paghihilamos, lumapit si Isla sa mga damit na nakasabit sa isang bakal upang makapili ng damit na kaniyang susuotin sa shoot mamaya. Isang kulay kayumangging dress na abot hanggang tuhod ang kaniyang napili at nang makita niya ang sarili sa salamin,
“I am pathetic today,” dismayadong sambit ni Isla habang nakatingin sa salamin. Napailing na lamang siya at umupo upang maglagay ng kaunting make up para sa shoot na gaganapin.
“L-let’s go,” nauutal na sambit ni Henry nang makita si Isla.
Ang dress na napili ni Isla ay nakayakap sa kaniyang katawan kaya makikita ang kurba nito. Ang make up naman ni Isla ay simple lang ngunit nagawa nitong pakinangin ang mukha ng dalaga na naging dahilan ng mabilis at paulit-ulit na pagpikit ni Henry.
Hindi maalis sa mukha ni Henry ang pagkamangha, ngayon niya lamang napagtanto kung gaano kaganda ang dalagang simula pagkabata ay lagi na niyang kasama.
“Tinitingin tingin mo diyan?” taas kilay na tanong ni Isla.
Pero sa likod ng nagmamatapang na mukha ay ang agarang pagbilis ng tibok ng puso ng dalaga.
Hindi mapakali ang isipan ni Isla sa tingin na iginagawad sa kaniya ngayon ni Henry. Tingin niya ay hindi ito natuwa sa kaniyang pangkalahatang istura at dahil doon, mas lalo siyang kinabahan.
“Wala naman,” tipid na sagot sa kaniya ni Henry dahilang para lalong kumunot ang noo ni Isla.
“Ano nga?!”
“You just –”
“Isip bata ka pa rin talaga.” Magsisimula na sanang maglakad paalis si Isla nang biglang inilapit ni Henry ang kaniyang mukha dahilan upang dagliang umurong ang dalaga at mawalan ng balanse.
Agad na hinawakan ni Henry ang bewang ni Isla at hinila ito papalapit sa kaniya. Dahil sa malakas na pwersa ni Henry, walang nagawa si Isla kung hindi iliyad ng bahagya ang mataas na parte ng kaniyang katawan at mapahawak sa matigas na bisig ng binata bilang kaniyang sandigan.
Dahan-dahang iniangat ng binata ang kaniyang mga mata hanggang sa magtama ang kanilang paningin.
“You look fine, even better.” Nanlaki ang mga mata ni Isla habang nakatingin kay Henry.
“H-hoy ano b-ba,” nahihiyang usal ni Isla.
Hindi niya alam kung ano ang motibo sa likod ng aksyon na ito ngunit alam niya kung gaano kadelikado ito para sa kaniya, na ni minsa’y hindi tumigil sa pagmamahal sa binata.
“S-sir Henry? We’re ready to go,” alangan na sambit ng isang staff dahilan para mabilis na umayos ng pagkakatayo ang dalawa.
Tumango si Henry sa staff at pinauna itong maglakad, sa likod naman niya ay si Isla na pilit na binabagalan ang bawat hakbang upang hindi sila makasabay si Henry.
Napansin ng binata ang ginagawa ni Isla kaya sandali itong tumigil at nang makahabol si Isla ay sinabayan niya ang bawat hakbang nito. Kumunot ang noo ni Isla at tiningnan ng masama si Henry ngunit isang tipid na ngiti lamang ang iginawad sa kaniya ng binata.
“Okay na po tayo,” sambit ng staff kay Henry at nagsimula na itong mag-drive palabas ng parking lot.
Ang camera sa itaas ng rear view mirror ng sasakyan ay nagsisimula na sa pagkuha ng video at ang kasunod naman na sasakyan ay puno rin ng camera upang sundan ang ruta na tatahakin ng sasakyan para sa car blind date.
“Hello, my name’s Henry.” Inilahad ni Henry ang kaniyang kamay kay Isla.
“Hi, I’m Isla.” Ngumiti si Isla at tinanggap ang kamay ni Henry.
Halata sa mukha ng dalaga na pilit lamang ang ngiti nito ngunit hindi na ito pinuna pa ni Henry.
“We have here a box filled with questions and while you’re driving I will ask you some questions,” paliwanag ni Isla sa kanilang gagawin at tumango-tango naman si Henry.
“Let’s start?”
“Yup, let’s do this!”
“First question, what were you like as a kid?”
“Well, I am known for being clumsy and annoying. I just, you know, like teasing people and –”
“Ha! yeah I know.” Nanlaki ang mata ni Henry at agad na napatingin sa gawi ni Isla.
“I-I mean, that’s how kids act,” dagdag ni Isla sa naunang komento.
Lihim na napangiti si Henry dahil dito.
Nagulat ang mga staff na nasa kabilang sasakyan dahil sa natural at komportable na kilos at usap ng dalawa. Maging ang mga nanonood sa streaming app ay patuloy na nagiiwan ng komento tungkol dito katulad ng
Hala, bagay sila!
What is this show? Kinikilig ako!
Natural and cute!
First meet pa lang, may chemistry agad? Sana all!
“Ikaw, what were you like as a kid?”
“M-me? I always love dressing up and play with my friends until midnight,” sagot ni Isla habang nakabaling ang ulo sa labas.
Alam niya naman kung ano ako noong bata ako, diba? Why reciprocate the question?
Ilan sa mga tanong na naglalaro sa isipan ni Isla, dahil ba ito sa show? o nais lamang talaga ni Henry na asarin ang dalaga.
“Alright! For this question we need to answer it on the same time,” masiglang sambit ni Isla
“What is your favorite place?”
“1,2,3, 4 – ”
“My hometown,” sabay na sagot ng dalawa.
Napataas ng kilay si Isla dahil sa sagot na narinig mula kay Henry.
“Hometown, really?” sarkastikong tanong ng dalaga.
Sa sobrang lakas ng kabog ng d****b, huminga ng malalim si Isla upang iwasang mapahiya ang sarili lalo na’t sila ay napapanood ng maraming tao ngayon.
“I have a lot of memories there,” sagot ni Henry habang nakangiti.
“Like what?” masiglang tanong ni Isla.
“Like my friends there,” agarang sagot ni Henry.
“Looks like you cherish your friends, I like that.” Tinapik ni Isla ang braso ni Henry bago muling ibaling ang atensyon sa kahon na naglalaman ng mga katanungan.
Mas maraming komento ang nadagdag dahil sa sinabi ni Isla, tingin nila ay nagsisimula nang maging interesado si Isla sa binata.
“How about you, do you cherish you friends?” balik na tanong ni Henry sa kaniya.
Saglit na natigilan si Isla bago humarap sa binata at sagutin ang tanong.
“Of course!” sarkastikong tugon ng dalaga.
Saktong naipit ang dalawa sa matinding traffic kaya ngayon ay nagawang humarap ni Henry kay Isla.
“Would you hate a friend if he/she did something that he/she can’t control?” seryosong tanong ni Henry habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.
Nais magsalita ni Isla tungkol sa nangyari sa nakaraan ngunit alam niyang hindi pwede, ngayon ay napangungunahan siya ng galit at kuryosidad dahil sa nais na ipabatid ng binata sa tanong na iyon.
“Well, if that friend hurt me, I would probably hate him/her for the rest of my life.” Ngiti ang iginawad ni Isla kay Henry nang matapos nitong sagutin ang binata.
“Woah, for the rest of your life?”
“I didn’t deserve to be hurt by someone whom I cherished the most,” makahulugang sambit ni Isla bago ibaling ang paningin sa kalsada.
Huminga siya ng malalim at mabilis na ipinukol ang tingin sa binata ngunit ito ay nakatingin na rin sa kalsada.
Nakapalumbaba si Isla at tila iniisip kung ano ang kinabukasang naghihintay sa kanila kung hindi nila nakilala si Mary at kung hindi nangyare ang insidente na dalawang dekadang namamalagi sa isipan at puso ng dalaga.
“Would you hurt someone special to you?” kasabay ng tanong na ito para kay Henry ay ang munting katanungan ni Isla para sa kaniyang sarili.
What kind of force urged me to hate Henry for so long?
"We're trending on twitter!" malakas na sigaw ng isang staff dahilan para mapahiyaw sa tuwa ang ibang kasamahan nito sa sasakyan.
"Sundan mo lamang ang sinasakyan nila Sir Henry ha," paalala ng babaeng nakasakay rin sa kotse na puno ng staffs at producer ng show na kinabibilangan ni Isla at Henry.
"Head Prod! Look at this comment." Inilahad ng isang staff ang kaniyang cellphone sa babaeng pumalit kay Henry bilang head producer ng show.
I miss you...
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng malapit kay Isla ang nangyari noon sa kaniya at kay Henry. Alam ng fairies sa Clover kung gaano nito naimpluwensyahan ang paraan ng pamumuhay ng dalaga at maging ang maging ang pakikitungo nito sa ibang tao. “Siguro kung bibigyan ako ng ancient fairy ng kapangyarihan para pumatay, sa’yo ko iyon unang gagamitin.” Hinilot ni Isla ang kaniyang sentido dahil sa matinding stress na naidulot sa kaniya ng shoot, partikular na rason ay ang presensya ni Henry. Dalawang oras ang itinagal ng shoot at dahil ito naman ay hindi scripted, wala ng takes na kailangan ulitin. “Chill, malay ko ba?” “Alam kong alam mo!” Pinatay ni Isla ang tawag at nagpokus sa ginagawang disenyo. Ang disenyo na ginagawa ni Isla ay para sa nalalapit na launch ng kaniyang Spring Collection. Lahat ng tauhan sa pagawaan ay hindi maaabala dahil sa sobrang dami ng kailangang gawin at ihanda para rito. Isa rin sa pinakaabala ngayon ay si Isla
“There, I look good.” Kinuha ni Isla ang kaniyang cellphone at kinuhaan ng litrato ang sarili sa harap ng salamin.Matapos ang matinding pag-aaway ni Isla at Terence kaninang umaga, hinayaan niya na umalis si Terence at saka natulog maghapon. 4 pm na nang lumabas si Isla sa kaniyang kwarto at nakita ang isang lunch box na nasa lamesa at may Sorry na note sa itaas nito.Isa sa ugali ni Isla ang matulog kung mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan o di kaya ay may di pagkakaintidihan katulad ng nangyari sa kanila ni Terence. Isa ito sa kaniyang paraan para makalimot at umiwas sa sariling problema.Isang kulay itim na backless dress ang suot ni Isla kahit kakaiba ito sa kaniyang tipikal na estilo. Gumamit rin siya ng lipstick na kasing pula ng isang mansanas na taliwas din sa karaniwang lipstick na ginagamit ng dalaga.Maaga nagsimula ang party sa Vale, isang sikat na club sa lungsod. Marami ring sikat na personalidad ang nagagawi sa Val
Sa isang malaking studio at sa gitna ng mga abalang tao, sampung malalaking camera at limang malalaking ilaw ang nakatapat sa isang babae na nakabusangot at halatang walang gana sa kaniyang ginagawa.“Ms. Isla, now that your business is booming, what can you say to future entrepreneurs who wanted to enter the industry of furnitures?” tanong ng babae na nakaupo sa katapat na sofa ng babaeng ini-interview niya.“Well, make sure your works are flawless and beautiful,” maiksing sagot nito at tsaka iniangat ang matatalim na mata sa host.“O-okay! Moving on, ngayon ay successful ka na. Is it because you have a special someone in your life right now?”Malakas na hiyawan ang pinakawalan ng mga tao sa studio dahilan para mas lalong ma-irita ang babaeng nagngangalang Isla.Bakit ko ba tinanggap ang interview na to? tanong niya sa sarili habang hinahawakan ang magkabilang tenga para ipakita ang iritasyon na nadarama.
Sa isang sikat na mall makikita ang isang babae na nakaupo at abot tenga ang ngiti na pinipirmahan ang mga librong inilalahad sa kaniya ng mga taong nakapila. Siya ay may mala-niyebe na kulay ng buhok at ang haba nito ay hanggang sa kaniyang balikat. Mayroon siyang porselanang kutis at ang kaniyang mga mata ay itim na itim. Sa kaniyang ngiti naman ay makikita mo ang malalalim niyang biloy at ang mala-rosas niyang mga labi.Isang malaking tarpaulin ang nakapaskil sa kaniyang likuran na may pagbati na Welcome back, Ms. Nia.Sa likod ng kaniyang matatamis na ngiti ay may ideya na kanina pa niyang iniisip.Gutom na ako! sigaw niya sa kaniyang sarili.Hindi magkamayaw ang mga tao dahil isa siyang sikat na author at ito ang kaniyang pangalawang book signing event kaya hindi na pinalampas ng mga taong humahanga sa kaniya ang pagkakataong makita at makausap siya kahit sandali lamang.“Thank you for inspiring me, Ms. Nia.” Nagulat si Ni
Ilang araw matapos ang maikling usap ni Isla at Nia sa telepono, si Isla ay nasa harap ng kaniyang malaking salamin habang nilalagyan ng kolorete ang kaniyang kilay at labi. “Kailan ba naging mahirap ang pagmi-make up?” tanong niya sa sarili habang dahan-dahang nililinyahan ang kaliwang kilay. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin si Isla sa kaniyang pag-aayos at ngayon ay tila nahihilo dahil sa sobrang dami ng damit na kaniyang pamimilian. Isa sa hilig ni Isla ang pagbili ng damit ngunit tuwing aalis siya ay limang damit o terno lamang ang kaniyang pinamimilian. Sa huli, pinili niya ang magarbong itim na damit na tila niyayakap ang kaniyang buong katawan dahilan para makita ang hubog nito. Nagsuot siya ng kwintas na gawa sa purong perlas at ang kaniyang braso ay pinalamutian niya ng mamahaling relo at isang ginto na bracelet. Bago umalis ng kaniyang tahanan ay sinuot niya ang kaniyang salaming pang-araw at nag-pose sa harap ng salamin ng ilang minuto.
Hindi malaman ni Henry kung bakit nakaramdam siya ng matinding pagpupuyos nang makita ang walang humpay na pagtulo ng luha sa mga mata ni Isla. Dahil ba sa matalik niya itong kaibigan? O dahil may iba na siyang nararamdaman? Nais niyang pakawalan si Isla ngunit wala siyang maisip na paraan para lusutan ang hangal na plano ni Captain Zoom. “Ibigay mo sa akin si Mary at pakakawalan ko si Isla,” seryosong sambit ni Captain Zoom kay Henry. Napakadali lang ng kondisyon na iyon pero bakit hirap na hirap mamili si Henry? Tila may pwersa na nagpipigil sa kaniyang ibigay si Mary kay Captain Zoom. “Pakawalan mo si Isla! Alam kong ako ang pakay mo.” Lumapit si Henry upang kahit papaano’y maipakita kay Isla na ayos lamang ang lahat, na nandito si Henry para sa kaniya. “Isang hakbang mo pa.” Diniinan ni Captain Zoom and kaniyang espadang nakadantay sa leeg ni Isla dahilan para mas lalong sumigaw si Isla sa sakit. Kahit nanla

“You wouldn’t hear any gratitude from me,” paunang sabi ni Isla nang ibaba siya ni Henry mula sa pagkakabuhat.Nagkibit-balikat lamang si Henry at mahinang itinulak si Isla papasok sa isang dressing room.Sa loob ng kulay kahel na silid, makikita ang dalawang hilera ng mga damit at isang malaking salamin na pinaliligiran ng ilaw at isang lamesa na naglalaman ng iba’t-ibang klaseng kolorete sa mukha. Pumasok si Isla sa banyo upang maghilamos ng kaniyang mukha at linisin ang sugat na natamo kanina.Matapos ang ilang minuto ng paghihilamos, lumapit si Isla sa mga damit na nakasabit sa isang bakal upang makapili ng damit na kaniyang susuotin sa shoot mamaya. Isang kulay kayumangging dress na abot hanggang tuhod ang kaniyang napili at nang makita niya ang sarili sa salamin,“I am pathetic today,” dismayadong sambit ni Isla habang nakatingin sa salamin. Napailing na lamang siya at umupo upang maglagay ng kaunting make up para