Sa isang sikat na mall makikita ang isang babae na nakaupo at abot tenga ang ngiti na pinipirmahan ang mga librong inilalahad sa kaniya ng mga taong nakapila. Siya ay may mala-niyebe na kulay ng buhok at ang haba nito ay hanggang sa kaniyang balikat. Mayroon siyang porselanang kutis at ang kaniyang mga mata ay itim na itim. Sa kaniyang ngiti naman ay makikita mo ang malalalim niyang biloy at ang mala-rosas niyang mga labi.
Isang malaking tarpaulin ang nakapaskil sa kaniyang likuran na may pagbati na Welcome back, Ms. Nia.
Sa likod ng kaniyang matatamis na ngiti ay may ideya na kanina pa niyang iniisip.
Gutom na ako! sigaw niya sa kaniyang sarili.
Hindi magkamayaw ang mga tao dahil isa siyang sikat na author at ito ang kaniyang pangalawang book signing event kaya hindi na pinalampas ng mga taong humahanga sa kaniya ang pagkakataong makita at makausap siya kahit sandali lamang.
“Thank you for inspiring me, Ms. Nia.” Nagulat si Nia nang makilala kung sino ang nagsabi nito.
“Terence! Ang saya naman at nandito ka,” sarkastikong bati ni Nia.
“Grabe talaga kayo ng Ate Isla mo, masyado niyo akong favorite.” Ngumisi si Terence at kinuha ang libro na katatapos lang pirmahan ni Nia.
Si Nia ay nakababatang kapatid ni Isla at siya ay isang ice fairy na nagmula rin sa Clover.
“Ano, Nia, pwede humingi favor?” nahihiyang tanong ni Terence.
Napairap si Nia sa narinig at tiningnan si Terence ng masama.
Sa sobrang dami ng tao na nakapila, inanunsyo ni Nia na may signing event din na gaganapin bukas at nakiusap sa mga staff na putulin na ang pila.
“Kung ibubugaw mo ako, umalis ka na.” Tumayo si Nia sa kaniyang inuupuan at naglakad ng mabilis palabas ng mall.
Ang mga tao ay hinahabol ngayon si Nia para makunan man lang siya ng litrato. Ang mga security at staff ay hindi na rin mapigilan ang mga ito at hindi na makagalaw si Nia sa kaniyang kinatatayuan.
Isang malaking braso ang humawi sa mga tao na nasa harapan ni Nia at bigla siyang napaigtad nang maramdaman niya ang kamay nito sa kaniyang bewang. Higit pa sa gulat ang kaniyang naramdaman lalo na nang iangat niya ang kaniyang paningin. Ilang pulgada na lang ay maaari nang magdikit ang kanilang labi dahilan para sa walang humpay na pagtibok ng kaniyang puso hindi tiyak kung dahil ba ito sa gulat o sa tunay niyang nararamdaman para sa taong ito.
“Dapat hinintay mo na ako Nia,” malumanay na sambit ni Terence sa kaniya at hindi niya maintindihan kung bakit sa simpleng salitang iyon ay nakaramdam siya ng matinding kaba.
Tagumpay silang nakalabas ng mall at dali-daling sumakay sa van ni Nia. Nagulat si Nia nang tumabi sa kaniya si Terence.
Naririnig niya kaya ang malakas na pagtibok ng puso ko? tanong ni Nia sa sarili at tila inaabala ang mata sa pagtingin ng isa sa kaniyang sinulat na libro.
“Nia tutal niligtas kita kanina, pagbigyan mo na sana ako sa favor ko,” mahinang bulalas ni Terence.
Ang kakaibang saya na nararamdaman ng kaniyang puso ay napalitan ng lungkot at dismaya. Alam niya sa sarili niya na hindi siya nito magugustuhan, na ang tanging nakikita lang ni Terence ay ang Ate Isla niya. Isa lamang siyang hamak na kapatid at ang ipinapakita ni Terence ay batay lamang sa responsibilidad nito sa kapatid ng kaniyang matalik na kaibigan na kaniya ring hinahangaan sa loob ng ilang daang taon.
Ngunit alam niyang hindi siya makakatanggi sa isang pabor lalo na kung galing ito kay Terence.
“A-ano ba yang favor na ‘yan?” Lumiwanag ang mukha ni Terence nang marinig ang tanong ni Nia.
“Iyong broadcasting studio ng isa kong kaibigan ay gusto kang i-invite sa isang show. Meet him today, he’ll tell you the details.” Napataas ang kilay ni Nia sa narinig.
“Wow, since when did you have friends?” asar ni Nia kay Terence na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya.
Ito ‘yong tingin na nakakatunaw, ito ‘yong nagustuhan ko. Bulong ni Nia sa kaniyang sarili.
Pumayag si Nia na puntahan ang kaibigan ni Terence sa isang coffee shop di kalayuan sa mall na kanilang pinanggalingan. Nagpaalam si Terence sa kaniya dahil pupuntahan nito si Isla. Nakaramdam si Nia ng matinding iritasyon dahil akala niya ay sasamahan siya ni Terence.
Pagpasok niya sa coffee shop ay may isang lalaki ang kumaway sa kaniya at tumungo siya sa direksyon nito. Nag-offer ng drinks ang lalaki ngunit gusto na ni Nia matapos ang meeting na ito dahil wala na siya sa mood.
“Good afternoon, my name’s Jeff.” Inabot ni Nia ang kamay ni Jeff at tsaka umupo.
“May kaunting info na nasabi si Terence sa akin, nais ko lang malaman ang buong detalye.” Ngumiti si Nia sa lalaking kausap na nangngangalang Jeff.
“Nice, bali ito ay 2 episodes lang. 45 minutes each then it is about a car blind date, here is the proposal.” Ibinigay ni Jeff ang envelope kay Nia.
Ang laman ng envelope ay ang detalye tungkol sa car blind date. Ang dalawang bida, isang babae at isang lalaki, ay magkikita lamang sa oras na pareho na silang nakasakay sa sasakyan. May mga tanong na nakahanda at habang sila ay patuloy na iniikot ang siyudad, maaari nilang tanungin ang isa’t-isa upang lubos na magkakilala.
Nakalagay din sa proposal na ito ang salary ng dalawang bibida sa car blind date. Nagandahan sa offer si Nia pero ayaw niyang ma-involve sa ganitong klase ng show kaya tinanggihan niya ito.
“Sorry pero hindi ko kaya ang ganitong klase ng show, I know someone who’s fitted for the job.” Ibinalik ni Nia kay Jeff ang envelope.
Ayaw niyang sumabak sa mga show na maaari siyang madamay sa buhay ng ibang tao, lalo na sa buhay ng isang lalaki. Nais niyang manatiling tahimik sa kaniyang buhay pag-ibig hanggang sa masabi niya ang kaniyang nararamdaman kay Terence.
“Ikaw pa naman sana ang target namin para sa show na ito,” malungkot na sabi ni Jeff kay Nia.
“You know Isla of LA Bella, right?” Nagulat si Jeff sa sinabi ni Nia dahilan para biglaang malunok ang iniinom na tsaa.
“H-hindi siya pumapayag sa ganitong shows diba?” Tumango si Nia.
“H-how?” naguguluhang tanong ni Jeff.
“She’s my sister, I can convince her.” Ngumiti si Nia kay Jeff nang makita ang gulat, takot at mangha sa mukha niya.
Hindi lahat ay alam ang relasyon ni Isla at Nia. Hindi naman nila ito nais itago, sadyang pribado lang ang kanilang buhay kahit na ilang libong tao ang nakakakilala sa kanila.
Mabilis na natapos ang kanilang pag-uusap at tumungo na si Nia sa hotel kung saan siya mananatili sa loob ng limang araw.
Pagdating sa suite ay agad na binuksan ni Nia ang tv dahil ngayon ang schedule ng interview ni Isla sa isang channel na pagmamay-ari ni Terence.
“O-okay! Moving on, ngayon ay successful ka na. Is it because you have a special someone in your life right now?” Napataas ang kilay ni Nia sa tanong ng host at nakangiting hinintay ang sagot ni Isla.
“Do I need a man to be successful?” Tumawa ng malakas si Nia nang marinig ang sagot ng kaniyang kapatid.
Napaisip si Nia kung ano ang kaniyang isasagot sa ganoong klaseng tanong, napangiti siya nang mapagtanto na may pagkakapareho ang reaksyon nila ni Isla tungkol sa topic na ito.
“Bakit ba kasi ikaw ang naging host? Ayaw ni Isla ng tanong tungkol sa lovelife lalo sa mga lalaki!” malakas na sigaw ni Nia sa harap ng telebisyon.
Pagkatapos ng interview ay kinuha ni Nia ang kaniyang cellphone at inilapat ito sa kaniyang tainga.
“Ate Isla, nice interview,” bungad ni Nia sa kaniyang kapatid.
“Yeah, so what’s up? Anong need mo?” halata sa boses ni Isla na kakagising palang nito.
Napairap si Nia dahil alam niyang mas sumasama ang mood ni Isla pag bagong gising.
“I set an interview sched sa kabilang channel. No monkey business, just feature yourself,” diretsong sabi ni Nia sa kapatid.
“Myself?” pagkaklaro ni Isla sa sinabi ni Nia.
Agad na napailing si Nia at nataranta dahil dito.
“Ah-ah! I mean yourself, diba ikaw ang owner ng LA Bella? They want to know how you manage your business,” mahinhin na sagot ni Nia.
“Oh, that’s nice. Walang questions about my love life?” Napangiti si Nia dahil ramdam niya ang interes ni Isla sa interview na kaniyang sinasabi.
“No, nothing at all. I warned them,” proud na sagot niya sa kapatid.
Sa huli, pumayag si Isla sa interview na sinabi ni Nia sa kaniya at masayang ipinabatid ni Nia and balita kay Jeff.
Pagkatapos ng tawag ay binuksan ni Nia ang kaniyang social media account para basahin ang messages na iniwan ng fans sa kaniyang account. Natuwa siya nang mabasa ang mga mensahe na pinupuri ang kaniyang galing sa pagsusulat. Patuloy siyang nag-scroll para tingnan ang mga mensahe nang biglang mag flash sa screen ng kaniyang cellphone ang pangalan na Gina.
“Gina.”
“Nia! May ise-send akong link sayo, kindly open it. Hot issue!” Napaisip si Nia sa nasabi ng kaniyang Editor.
Ibinaba niya ang tawag at hinintay ang link na sinasabi ni Gina. Ilang Segundo lang ay nai-send na ito sa kaniya at nang makita niya kung ano ito ay nagtipa siya ng numero sa kaniyang cellphone at inilapit itong muli sa kaniyang tenga.
“Yo,” walang ganang sagot ni Terence.
“How come you’re not affected?” iritang tanong ni Nia kay Terence.
Ang link na sinasabi ni Gina ay tungkol sa nangyari kanina sa mall. May nakakuha ng litrato kung saan makikita ang higpit ng hawak ni Terence sa bewang ni Nia habang ang isang kamay ay hinahawi ang mga tao sa direksyon na kanilang dadaanan ni Nia palabas ng mall. Ang litratong ito ay may nakalagay na “mystery guy” bilang caption at ito ay may limampung libong likes, sampung libong comments at labindalawang libong shares.
“Why would I be?” pabalang na tanong ni Terence.
“This might stir an issue and some people are already shipping you with me!” sigaw ni Nia sa cellphone.
Nagulat si Terence sa biglaang pagsigaw ni Nia dahil alam niyang hindi ito basta-basta sumisigaw kung hindi ito natatakot, kinakabahan o natataranta.
“Hey, kalma ka lang. This will be gone soon,” malumanay na sabi ni Terence, sinisigurong bawat salita na binibitawan ay puno ng konsiderasyon.
“I just hate it! You’re involved in my business which isn’t supposed to happen,” kalmadong sagot ni Nia kay Terence.
Ayaw ni Nia na makilala ng mundo kung sino si Terence, gusto niyang ipagdamot ang binata kahit na alam niyang hindi ito mahuhulog sa kaniya.
“Bakit? Ayaw mo ba akong ma-involve sa business mo?” Nanigas si Nia sa kaniyang kinauupuan at nararamdamang ang unti-unting pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.
“H-hindi naman sa gano—”
“Then let me, let me get involved in whatever business you have.” Ibinaba ni Terence ang tawag at naiwan si Nia na tulala.
Litong-lito sa nangyari, gulong-gulo sa iniisip at natataranta dahil sa sariling damdamin.
Ilang araw matapos ang maikling usap ni Isla at Nia sa telepono, si Isla ay nasa harap ng kaniyang malaking salamin habang nilalagyan ng kolorete ang kaniyang kilay at labi. “Kailan ba naging mahirap ang pagmi-make up?” tanong niya sa sarili habang dahan-dahang nililinyahan ang kaliwang kilay. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin si Isla sa kaniyang pag-aayos at ngayon ay tila nahihilo dahil sa sobrang dami ng damit na kaniyang pamimilian. Isa sa hilig ni Isla ang pagbili ng damit ngunit tuwing aalis siya ay limang damit o terno lamang ang kaniyang pinamimilian. Sa huli, pinili niya ang magarbong itim na damit na tila niyayakap ang kaniyang buong katawan dahilan para makita ang hubog nito. Nagsuot siya ng kwintas na gawa sa purong perlas at ang kaniyang braso ay pinalamutian niya ng mamahaling relo at isang ginto na bracelet. Bago umalis ng kaniyang tahanan ay sinuot niya ang kaniyang salaming pang-araw at nag-pose sa harap ng salamin ng ilang minuto.
Hindi malaman ni Henry kung bakit nakaramdam siya ng matinding pagpupuyos nang makita ang walang humpay na pagtulo ng luha sa mga mata ni Isla. Dahil ba sa matalik niya itong kaibigan? O dahil may iba na siyang nararamdaman? Nais niyang pakawalan si Isla ngunit wala siyang maisip na paraan para lusutan ang hangal na plano ni Captain Zoom. “Ibigay mo sa akin si Mary at pakakawalan ko si Isla,” seryosong sambit ni Captain Zoom kay Henry. Napakadali lang ng kondisyon na iyon pero bakit hirap na hirap mamili si Henry? Tila may pwersa na nagpipigil sa kaniyang ibigay si Mary kay Captain Zoom. “Pakawalan mo si Isla! Alam kong ako ang pakay mo.” Lumapit si Henry upang kahit papaano’y maipakita kay Isla na ayos lamang ang lahat, na nandito si Henry para sa kaniya. “Isang hakbang mo pa.” Diniinan ni Captain Zoom and kaniyang espadang nakadantay sa leeg ni Isla dahilan para mas lalong sumigaw si Isla sa sakit. Kahit nanla
“You wouldn’t hear any gratitude from me,” paunang sabi ni Isla nang ibaba siya ni Henry mula sa pagkakabuhat.Nagkibit-balikat lamang si Henry at mahinang itinulak si Isla papasok sa isang dressing room.Sa loob ng kulay kahel na silid, makikita ang dalawang hilera ng mga damit at isang malaking salamin na pinaliligiran ng ilaw at isang lamesa na naglalaman ng iba’t-ibang klaseng kolorete sa mukha. Pumasok si Isla sa banyo upang maghilamos ng kaniyang mukha at linisin ang sugat na natamo kanina.Matapos ang ilang minuto ng paghihilamos, lumapit si Isla sa mga damit na nakasabit sa isang bakal upang makapili ng damit na kaniyang susuotin sa shoot mamaya. Isang kulay kayumangging dress na abot hanggang tuhod ang kaniyang napili at nang makita niya ang sarili sa salamin,“I am pathetic today,” dismayadong sambit ni Isla habang nakatingin sa salamin. Napailing na lamang siya at umupo upang maglagay ng kaunting make up para
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng malapit kay Isla ang nangyari noon sa kaniya at kay Henry. Alam ng fairies sa Clover kung gaano nito naimpluwensyahan ang paraan ng pamumuhay ng dalaga at maging ang maging ang pakikitungo nito sa ibang tao. “Siguro kung bibigyan ako ng ancient fairy ng kapangyarihan para pumatay, sa’yo ko iyon unang gagamitin.” Hinilot ni Isla ang kaniyang sentido dahil sa matinding stress na naidulot sa kaniya ng shoot, partikular na rason ay ang presensya ni Henry. Dalawang oras ang itinagal ng shoot at dahil ito naman ay hindi scripted, wala ng takes na kailangan ulitin. “Chill, malay ko ba?” “Alam kong alam mo!” Pinatay ni Isla ang tawag at nagpokus sa ginagawang disenyo. Ang disenyo na ginagawa ni Isla ay para sa nalalapit na launch ng kaniyang Spring Collection. Lahat ng tauhan sa pagawaan ay hindi maaabala dahil sa sobrang dami ng kailangang gawin at ihanda para rito. Isa rin sa pinakaabala ngayon ay si Isla
“There, I look good.” Kinuha ni Isla ang kaniyang cellphone at kinuhaan ng litrato ang sarili sa harap ng salamin.Matapos ang matinding pag-aaway ni Isla at Terence kaninang umaga, hinayaan niya na umalis si Terence at saka natulog maghapon. 4 pm na nang lumabas si Isla sa kaniyang kwarto at nakita ang isang lunch box na nasa lamesa at may Sorry na note sa itaas nito.Isa sa ugali ni Isla ang matulog kung mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan o di kaya ay may di pagkakaintidihan katulad ng nangyari sa kanila ni Terence. Isa ito sa kaniyang paraan para makalimot at umiwas sa sariling problema.Isang kulay itim na backless dress ang suot ni Isla kahit kakaiba ito sa kaniyang tipikal na estilo. Gumamit rin siya ng lipstick na kasing pula ng isang mansanas na taliwas din sa karaniwang lipstick na ginagamit ng dalaga.Maaga nagsimula ang party sa Vale, isang sikat na club sa lungsod. Marami ring sikat na personalidad ang nagagawi sa Val
Sa isang malaking studio at sa gitna ng mga abalang tao, sampung malalaking camera at limang malalaking ilaw ang nakatapat sa isang babae na nakabusangot at halatang walang gana sa kaniyang ginagawa.“Ms. Isla, now that your business is booming, what can you say to future entrepreneurs who wanted to enter the industry of furnitures?” tanong ng babae na nakaupo sa katapat na sofa ng babaeng ini-interview niya.“Well, make sure your works are flawless and beautiful,” maiksing sagot nito at tsaka iniangat ang matatalim na mata sa host.“O-okay! Moving on, ngayon ay successful ka na. Is it because you have a special someone in your life right now?”Malakas na hiyawan ang pinakawalan ng mga tao sa studio dahilan para mas lalong ma-irita ang babaeng nagngangalang Isla.Bakit ko ba tinanggap ang interview na to? tanong niya sa sarili habang hinahawakan ang magkabilang tenga para ipakita ang iritasyon na nadarama.