Chapter: Chapter 3"Ang laki pala ng bahay nina Ate Steffie!" namamanghang bulalas ni Fiona nang umibis ito ng sasakyan kasunod si Carla.Bagay na ikinangiti lang ng ina. Katulad ng sabi ni Steffie, ipinasundo sila nito sa driver para dumalo sa paanyaya sa kaarawan ng Mommy nito. "Ganyan po ba iyong tinatawag na palasyo, Nanay?""Medyo malaki pa riyan ang palasyo, anak. Pero tama ka, para ngang palasyo sa laki ang bahay na ito," at habang nakatayo sila sa harapan ng mala-palasyong bahay ay nakaramdam siya ng pangungunti. Masyadong alanganin ang bihis niya na simpleng bestida at flat na sandalyas. Mabuti na lamang ang anak niya ay maayos at mukhang mamahalin ang suot na damit. Iyon iyong huling damit na ibinigay ni Annika para rito. Hindi na baleng magmukha siyang yaya ng anak, ang mahalaga ay presentable ito."Ate Carla!"Natuwa si Willa nang makita si Steffie. Ang ganda-ganda nito lalo dahil nakaayos ito at ang ganda-ganda ng bihis. Para itong prinsesa sa mga fairy tale."I'm glad you made it," wika
Huling Na-update: 2024-05-26
Chapter: Chapter 2"Talaga ba, anak?""Opo, nay! Papakyawin daw ng magandang babae ang paninda natin. At gusto niya rin daw mag-order para sa birthday ng mommy niya!""Aba'y mukhang hindi lang mabait itong anak mo, Carla. Suwerte pa sa negosyo mo!" 'ika ni Aling Petra."Tama po kayo.""Makakauwi na po tayo nang maaga, nay. Atsaka, di ba, po puyat kayo?"Natawa si Carla sa sinabi ng anak. Napakahusay talaga nitong mag-isip. Sa edad nito na apat ay matalino ito at madiskarte. Hindi ito nagiging pabigat sa kanya, sa halip ay ito pa ang nagiging katuwang niya sa pahahanap-buhay.Bukod sa naisalba niya ang buhay ng kapatid na si Bryle, ang anak niya rin ang isa pang magandang nangyari four years ago. At hindi niya pinagsisisihan ang nangyari noon kahit pa naging mahirap para sa kanya ang magpalaki ng bata na mag-isa at walang ama. Kakayanin niya lahat at hindi siya mapapagod na ibigay sa anak niya ang mga bagay na kaya niyang ibigay.Alam niyang magtatanong ang anak kung saan ang ama nito, pero alam din ni C
Huling Na-update: 2024-05-26
Chapter: Chapter 1Hindi na siya pwedeng umatras. Gagawin niya ito para sa kapatid niya. She's too desperate.Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ni Carla. One hundred million. Iyon ang presyo ng virginity niya. Wala naman siyang ibang mapagpipilian. Wala sila ni anong property o mahalagang kagamitan na maaaring ibenta o isanla maliban sa kanyang katawan.Agaw-buhay sa ospital ang kapatid niyang si Bryle. Habang nakikipagkarera ng bisikleta sa mga kabarkada nito ay aksidenteng nabundol ito at tumilapon ang yayat na katawan. Tinakbuhan ito ng nakabangga at ngayo'y kailangan niyang pasaning mag-isa ang pagpapa-opera sa kapatid upang hindi ito mamatay."Wala akong ibang maitutulong sa'yo malibang tiyakin na magiging maayos ang bidding," naalala niyang sabi ni Gia.Kababata niya ito at naging kaklase sa kolehiyo. Isang sem lang ang nakuha niya sa kursong HRM. Dahil sa kakulangan sa pera at sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang, hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral. Biro nga nito, parang tumapak
Huling Na-update: 2024-05-26
Billionaire's Deal With A Divorced Wife
Tuwang-tuwa si Cassandra nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, si Vincent. Mga bata pa lang kasi sila ay may lihim nang pagtingin si Cassandra kay Vincent at ang buong akala niya ay kapag nakasal sila, magugustuhan din siya pabalik ng binata. Pero doon nagkamali si Cassandra. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi ipinaramdam ni Vincent na mahal siya nito. Pero nang malaman ni Cassandra na nagdadalang-tao siya at mabibigyan na niya ng anak si Vincent, muli na naman siyang umasa na masusuklian na ni Vincent ang nararamdaman niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ni Cassandra nang malaman niyang nabuntis ni Vincent ang dating kasintahan, at sa halip na magpaliwanag ay humingi ito ng diborsyo. Wasak at sawi sa pag-ibig, gulong-gulo ang isip ni Cassandra—hindi niya alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin, not until a mysterious billionaire showed up in front of her and offered her marriage.
Basahin
Chapter: Chapter 3Pakasalan siya at maging asawa niya?Akward akong natawa sa sinabi niya at napailing na lang. Nahihibang na ba siya? Kung totoo ngang mortal na rival sila ni Vincent ay bakit ko naman siya papakasalan? Dapat ay ilayo ko pa ay sarili ko!"Hindi. Hindi ko gagawin yan. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin—""They never care, Cassandra. Walang pakialam ang mga tao sayo dahil hindi ka na asawa ni Vincent." Tila isa iyong malakas na sampal na tumama sa mukha ko.Oo nga pala, mabait lang sa akin ang lahat dahil asawa ako ni Vincent. Nilalapitan lang nila ako dahil kay Vincent at ngayong hiwalay na kami ay tama ang lalaking nasa harapan ko ngayon, walang pakialam sa akin ang mga tao."B-But... it doesn't mean—No, I still won't marry you." Hindi ako papagamit sa kanya."Do you still expecting him to comeback to you?"Katahimikan. Isang mahabang katahimikan ang namuo sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita, pareho lang kami nakatitig sa isa't-isa.A big part of me hate Vincent. Galit
Huling Na-update: 2024-08-26
Chapter: Chapter 2While looking around with my mind in chaos, I felt my bag vibrate—it was my phone. My dad was calling, but I decided not to answer. I knew I didn’t really matter to him; all he cared about was the money he gets every month in his bank account. When I didn’t answer, a message popped up."Pumayag ka sa divorce? Anong pumasok sa kukute mo, Cassandra, at nakipaghiwalay ka? Sinayang mo ang lahat ng pinaghirapan ko! Bumalik ka ngayon din kay Vincent at magmakaawa na huwag ka hiwalayan!" Pagbababantang mensahe nang aking ama.Hirap akong tumayo at hinilot ang balakang ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit nang pagkakabagsak ko kanina sa sahig. Masyado malakas ang pagkakatulak ni Vincent sa akin. Halatang puno ng galit at pagkamuhi.At kung iniisip ni daddy na susundin ko siya at babalik sa mansyon para magmakaawa kay Vincent ay nagkakamali siya. Hindi ko na gagawin pang tanga ang sarili ko.Naupo ako sa kama at huminga nang malalim. Maya-maya, may isa pang tawag na dumating. Akala ko si da
Huling Na-update: 2024-08-25
Chapter: Chapter 1"Vincent..." bulong ko sa sarili.Halos hindi ko mapigilan ang pakiramdam na parang may kung anong bagay na humaharang sa aking lalamunan, nanginginig ang aking mga kamay, at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang aking puso na nadudurog.Hawak ko ngayon ang resulta ng pregnancy test na isinagawa sa akin kanina ng doktor. Walang mapagsidlan ang saya ko nang malaman ko na buntis ako. Ang buong akala ko ay ito na ang magiging susi para mahalin din ako pabalik ni Vincent, pero bakit ganito?Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Nahihirapan ako huminga.Bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto naming mag-asawa, sapat iyon para makita ko kung ano ang ginagawa sa loob ng asawa ko at ng babaeng hindi ko kilala. Mas lalo lamang nanikip ang dibdib ko.Sa kwarto pa talaga naming mag-asawa ginagawa ang kawalanghiyaan na ito. At ang masakit pa rito, mukhang alam ng mga kasambahay namin ang mga nangyayari, pero ni isa sa kanila ay wala man lang nagsabi sa akin. Tiyak ako na hindi ito ang unang
Huling Na-update: 2024-08-25