Share

Chapter 2

Author: Anning
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Talaga ba, anak?"

"Opo, nay! Papakyawin daw ng magandang babae ang paninda natin. At gusto niya rin daw mag-order para sa birthday ng mommy niya!"

"Aba'y mukhang hindi lang mabait itong anak mo, Carla. Suwerte pa sa negosyo mo!" 'ika ni Aling Petra.

"Tama po kayo."

"Makakauwi na po tayo nang maaga, nay. Atsaka, di ba, po puyat kayo?"

Natawa si Carla sa sinabi ng anak. Napakahusay talaga nitong mag-isip. Sa edad nito na apat ay matalino ito at madiskarte. Hindi ito nagiging pabigat sa kanya, sa halip ay ito pa ang nagiging katuwang niya sa pahahanap-buhay.

Bukod sa naisalba niya ang buhay ng kapatid na si Bryle, ang anak niya rin ang isa pang magandang nangyari four years ago. At hindi niya pinagsisisihan ang nangyari noon kahit pa naging mahirap para sa kanya ang magpalaki ng bata na mag-isa at walang ama. Kakayanin niya lahat at hindi siya mapapagod na ibigay sa anak niya ang mga bagay na kaya niyang ibigay.

Alam niyang magtatanong ang anak kung saan ang ama nito, pero alam din ni Carla na maintindihan siya ng kanyang anak kapag ipinaliwanag niya ito rito.

"Nanay, babalik po ulit ako sa loob, ha?"

"Hindi ka pa ba tapos magdasal, Fiona?" malambing na tanong niya sa anak.

"Kadarating lang po ni Father."

"Sige, pero huwag kang manggugulo sa mga nagdadasal, ha?" Hinayaan na niya ito dahil naging ugali na ng anak na kapag may misa ay dumadalo talaga ito.

Nagsimula na si Carla magligpit ng mga paninda at ihiniwalay ang ibang ibebenta sa babaeng sinasabi ng kanyang anak. Ganon ang naging buhay nila sa loob ng apat na taon. Ang pagtitinda ang tumutustos ng mga pangangailangan nila.

**

Ibinulsa ni Isaac ang hawak na cellphone matapos ang pakikipag-usap kay Gia. Lately ay nagiging clingy na ito sa kanya at selosa sa mga babaeng nadidikit sa kanya. Gayung simula't sapul ay nilinaw niya rito kung anong relasyon lang ang meron sila. At iyon ang ang relasyon sa kama. No string attached.

Sa tuwing stress siya sa trabaho ay pumupunta siya kay Gia para magpaligaya. Pero hindi lang iyon ang pakay niya rito. Gusto niya rin malaman ang tungkol sa kaibigan nitong si Bea, ang babaeng binili niya noon sa halagang ten million para iregalo sa kaibigang si Jasper. Ang sabi ni Gia ay wala na siyang balita kay Bea dahil lumipat na ito ng bahay, pero tutulungan daw siya nito para mahanap si Bea.

Walang nakakaalam sa nangyari sa kanila ni Bea noon. Ang akala ni Jasper ay ibinalik ni Isaac ang bayad. Samantala, ang alam naman ni Gia ay si Jasper ang kasama ni Bea noon.

Pero apat na taon na ang lumipas at hanggang ngayon ay wala pa rin naibibigay na balita si Gia kay Isaac tungkol kay Bea. Sa tingin ni Isaac ay nagsisinungaling lang sa kanya si Gia para huwag niya ito iwanan. Pati nga ang totoong pangalan ni Bea ay ayaw rin sabihin ni Gia. Dahilan nito ay nangako ito kay Bea hindi malalaman ng kahit sino ang totoong pangalan hanggat hindi galing mismo sa bibig ni Bea.

"You need to find Bea. Asap."

Iyon ang huling mensahe na ipinadala ni Isaac kay Gia. Time time, sigurado na si Isaac na makikita na niya si Bea dahil hindi papayag si Gia na iwanan niya ito. Tiyak siyang hahanapin nito si Bea.

Papasok na sana si Isaac sa loob ng simbahan upang sundan ang kapatid na si Steffie nang makasabay niya ang batang babae na kausap ni Steffie kanina.

Nagkasalubong ang tingin nila ng bata. Kimi itong ngumiti sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad papasok ng simbahan. 

Natigilan si Isaac. Isang malabong mukha ng babae ang biglang nag-flash sa kanyang alaala. Hindi niya alam kung ano ang meron sa mukha ng batang iyon na biglang nagpaalala sa kanya.

Could it be her eyes?

Sa kaiisip ni Isaac ay hindi niya napansing nakabuntot na pala siya sa bata. Humanap ito ng bakanteng upuan at tahimik na pumuwesto ng upo.

Nagsisimula na ang misa. Nasa bandang unahan nakapuwesto ang kapatid niya. Humanap na lang din siya ng sariling upuan. Tahimik siyang naupo sa likuran ng kinauupuan ng bata. Habang nagmimisa ang pari ay natagpuan niya ang sariling pinagmamasdan ang bata sa unahan niya.

Nang matapos ang misa ay nakita niya itong nag-antada. Pagpihit nito para lumabas ay tila nagulat ito pagkakita sa kanya. Patay-malisya siyang nagbawi ng tingin. Hindi niya alam kung bakit. Pero nang mapalingon ito sa kanya at mahuli siyang nakatingin ay biglang kumabog ang kanyang dibdib. 

Those eyes...

Pamilyar na pamilya ito kay Isaac.

Bago pa niya naawat ang sarili ay sinilip niya ang bata at inihatid ng tingin hanggang sa makalabas ito ng simbahan. Napangiti siya. He feels like a Peeping Tom when she caught him watching her. Her stare was quite arresting for a very innocent child.

Pasado alas dos ng madaling araw nang mag-ring ang cellphone ni Isaac. Nakita niya sa screen na tumatawag si Gia. Inis pa siyang namura bago sagutin iyon.

"Gia, alam mo ba kung anong oras na?" Iyon ang bungad niya rito.

"Yes, I know. Pero matutuwa ang kaibigan mo at hindi ka na niya guguluhin sa kakatanong tungkol kay Bea."

Natigilan si Isaac sa narinig at mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga. "What do you mean?"

"Alam ko na kung saan lumipat ng bahay si Bea."

"Where?"

"Meet me. Puntahan mo ako, Isaac."

Mabilis na tinungo ni Isaac ang banyo at nagbihis. Halos paliparin niya ang sasakyan makarating lang sa unit ni Gia.

"Pasok ka," ang tamis ng bungad ng ngiti nito sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Gumapang ang mga kamay nito paakyat sa pisngi niya at umakto na hahalikan siya, pero mabilis siyang lumayo dito.

"Hindi ako puwedeng magtagal, Gia, kaya sabihin mo na kung ano man ang kailangan mong sabihin."

May lumatay na sakit sa magandang mukha ni Gia. Malungkot nitong iminuwestra sa kanya ang sofa.

"Siguro naman ay hindi mo mamasamain kung aalukin kitang maupo habang tayo'y nag-uusap?"

Napilitang maupo si Isaac. Naupo na rin si Gia sa katapat ng inuupuan niya.

"Nakatira siya ngayon sa lalawigan ng Rizal," may binanggit itong pangalan ng isang maliit na bayan. "Heto ang kanyang kumpletong address."

Kinuha ni Isaac ang kapirasong papel na inilapag ni Gia sa center table.

"Carla Ricaforte?"

"Iyon ang buo niyang pangalan..."

So totoo ngang fake lang ang Bea na pangalan nito?

"Kung hindi ako nagkakamali, may asawa't anak na si Jasper, Isaac," tila may pag-aalangang sabi nito. "Puwede ko bang malaman kung ano ang balak niya kay Carla? Sa pagkakakilala ko sa kaibigan ko ay hindi iyon papayag na maging kabit ng isang may-asawa. Nagkataon lang na nagipit siya kaya ibinenta niya ang sarili ng gabing 'yon."

"At kumusta naman siya pagkatapos ng gabing 'yon? Katulad mo na rin ba siya na lumipat ng ibang lalaki—" Mabilis na umiling si Gia. Kahit mukhang nasaktan ito sa sinabi niya ay pinilit nitong balewalain iyon.

"Katulad ng sinabi ko, nagipit lang siya. Masyadong mataas ang moralidad ni Carla para maging katulad ko, Isaac," may bahid sarcasm ang huli nitong sinabi. "At nabanggit na rin lang ang moralidad, sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Nagkaanak siya."

"W-What did you say?" kung ano ang pakiramdam ng nasasabugan ng bomba ay iyon marahil ang pakiramdam ni Isaac.

"Nabuntis siya ng kaibigan mo. Pinayuhan ko siyang ipatanggal ang bata pero hindi kaya ng kunsensya niya. Itinuloy niya ang pagbubuntis kahit alam niyang mahihirapan siya."

May pakiramdam si Isaac na naglaho ang kulay sa kanyang mukha. Sa pagkakatanda niya ng gabing 'yon, kahit isang beses ay hindi siya gumamit ng rubber. Bukod sa hindi niya inaasahang siya ang makakatalik ng babaeng binili niya sa auction ay naisip niyang safe naman ito dahil birhen.

Hindi dumaan sa isip niya na posibleng mabuntis niya ito. Una sa lahat, naririto ang responsibilidad na protektahan ang sarili sa unwanted pregnancy. Ikalawa, masyado siyang nasiyahan sa katalik ng gabing iyon na hindi niya gustong gumamit ng anumang proteksyon na makasasagabal ng balat sa balat na pagtatagpo ng kanilang mga laman.

He wanted to feel her raw. Every inch of her was delicious. The feel and taste of her flesh was exquisite. Na kahit lumipas ang apat na taon ay parang nakadikit pa rin sa kanyang pandama ang lasa at amoy nito.

Hindi na siya makapaghintay na matagpuan ito at makita ang anak niya rito.

"Isaac—"

"Ano ang anak na—niya?" he almost said 'namin'. Pero sa huling sandali ay napaalalahanan ni Isaac ang sarili.

"Babae. Ang pangalan niya ay Fiona. Medyo sakitin ang bata at may sakit na hika. Kaya bugbog sa pagtitindi si Carla para maiahon ang mga pangangailangan ng bata."

Nahagod ni Isaac ang magkabilang sentido. Parang puputok ang ulo niya sa natuklasan.

"I have to go," aniya pagdaka.

"Kung sasama ka sa kaibigan mo ay puwede mo akong isama," suhestiyon ni Gia. Alam ni Isaac na gusto lang siya makasam ni Gia.

"Hindi na kailangan. Thank you. I will send you the check."

"Check?" mahinang natawa si Gia at umiling. "Isaac, hindi ko kailangan ang pera mo. Alam mo kung ano at sino ang kailangan ko—"

"This means a lot me—to my friend, that is. Kaya tanggapin mo na lang ang halagang ipapadala ko sa'yo. You will need it to start anew."

"W-Wha do you mean by that?" Mabilis na napatayo si Gia. Kitang-kita niya kung paano ito kinabahan. "Bakit parang... nagpapaalam ka na at wala ng balak na bumalik dito?"

"I have to go." Tinalikuran niya ito at mabilis na naglakad palabas ng unit nito.

"Isaac!"

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi na lumingon pa. Walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi si Carla at ang anak nila. Kailangan niya makita ang mag-ina niya.

Kaugnay na kabanata

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 3

    "Ang laki pala ng bahay nina Ate Steffie!" namamanghang bulalas ni Fiona nang umibis ito ng sasakyan kasunod si Carla.Bagay na ikinangiti lang ng ina. Katulad ng sabi ni Steffie, ipinasundo sila nito sa driver para dumalo sa paanyaya sa kaarawan ng Mommy nito. "Ganyan po ba iyong tinatawag na palasyo, Nanay?""Medyo malaki pa riyan ang palasyo, anak. Pero tama ka, para ngang palasyo sa laki ang bahay na ito," at habang nakatayo sila sa harapan ng mala-palasyong bahay ay nakaramdam siya ng pangungunti. Masyadong alanganin ang bihis niya na simpleng bestida at flat na sandalyas. Mabuti na lamang ang anak niya ay maayos at mukhang mamahalin ang suot na damit. Iyon iyong huling damit na ibinigay ni Annika para rito. Hindi na baleng magmukha siyang yaya ng anak, ang mahalaga ay presentable ito."Ate Carla!"Natuwa si Willa nang makita si Steffie. Ang ganda-ganda nito lalo dahil nakaayos ito at ang ganda-ganda ng bihis. Para itong prinsesa sa mga fairy tale."I'm glad you made it," wika

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 1

    Hindi na siya pwedeng umatras. Gagawin niya ito para sa kapatid niya. She's too desperate.Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ni Carla. One hundred million. Iyon ang presyo ng virginity niya. Wala naman siyang ibang mapagpipilian. Wala sila ni anong property o mahalagang kagamitan na maaaring ibenta o isanla maliban sa kanyang katawan.Agaw-buhay sa ospital ang kapatid niyang si Bryle. Habang nakikipagkarera ng bisikleta sa mga kabarkada nito ay aksidenteng nabundol ito at tumilapon ang yayat na katawan. Tinakbuhan ito ng nakabangga at ngayo'y kailangan niyang pasaning mag-isa ang pagpapa-opera sa kapatid upang hindi ito mamatay."Wala akong ibang maitutulong sa'yo malibang tiyakin na magiging maayos ang bidding," naalala niyang sabi ni Gia.Kababata niya ito at naging kaklase sa kolehiyo. Isang sem lang ang nakuha niya sa kursong HRM. Dahil sa kakulangan sa pera at sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang, hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral. Biro nga nito, parang tumapak

Pinakabagong kabanata

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 3

    "Ang laki pala ng bahay nina Ate Steffie!" namamanghang bulalas ni Fiona nang umibis ito ng sasakyan kasunod si Carla.Bagay na ikinangiti lang ng ina. Katulad ng sabi ni Steffie, ipinasundo sila nito sa driver para dumalo sa paanyaya sa kaarawan ng Mommy nito. "Ganyan po ba iyong tinatawag na palasyo, Nanay?""Medyo malaki pa riyan ang palasyo, anak. Pero tama ka, para ngang palasyo sa laki ang bahay na ito," at habang nakatayo sila sa harapan ng mala-palasyong bahay ay nakaramdam siya ng pangungunti. Masyadong alanganin ang bihis niya na simpleng bestida at flat na sandalyas. Mabuti na lamang ang anak niya ay maayos at mukhang mamahalin ang suot na damit. Iyon iyong huling damit na ibinigay ni Annika para rito. Hindi na baleng magmukha siyang yaya ng anak, ang mahalaga ay presentable ito."Ate Carla!"Natuwa si Willa nang makita si Steffie. Ang ganda-ganda nito lalo dahil nakaayos ito at ang ganda-ganda ng bihis. Para itong prinsesa sa mga fairy tale."I'm glad you made it," wika

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 2

    "Talaga ba, anak?""Opo, nay! Papakyawin daw ng magandang babae ang paninda natin. At gusto niya rin daw mag-order para sa birthday ng mommy niya!""Aba'y mukhang hindi lang mabait itong anak mo, Carla. Suwerte pa sa negosyo mo!" 'ika ni Aling Petra."Tama po kayo.""Makakauwi na po tayo nang maaga, nay. Atsaka, di ba, po puyat kayo?"Natawa si Carla sa sinabi ng anak. Napakahusay talaga nitong mag-isip. Sa edad nito na apat ay matalino ito at madiskarte. Hindi ito nagiging pabigat sa kanya, sa halip ay ito pa ang nagiging katuwang niya sa pahahanap-buhay.Bukod sa naisalba niya ang buhay ng kapatid na si Bryle, ang anak niya rin ang isa pang magandang nangyari four years ago. At hindi niya pinagsisisihan ang nangyari noon kahit pa naging mahirap para sa kanya ang magpalaki ng bata na mag-isa at walang ama. Kakayanin niya lahat at hindi siya mapapagod na ibigay sa anak niya ang mga bagay na kaya niyang ibigay.Alam niyang magtatanong ang anak kung saan ang ama nito, pero alam din ni C

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 1

    Hindi na siya pwedeng umatras. Gagawin niya ito para sa kapatid niya. She's too desperate.Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ni Carla. One hundred million. Iyon ang presyo ng virginity niya. Wala naman siyang ibang mapagpipilian. Wala sila ni anong property o mahalagang kagamitan na maaaring ibenta o isanla maliban sa kanyang katawan.Agaw-buhay sa ospital ang kapatid niyang si Bryle. Habang nakikipagkarera ng bisikleta sa mga kabarkada nito ay aksidenteng nabundol ito at tumilapon ang yayat na katawan. Tinakbuhan ito ng nakabangga at ngayo'y kailangan niyang pasaning mag-isa ang pagpapa-opera sa kapatid upang hindi ito mamatay."Wala akong ibang maitutulong sa'yo malibang tiyakin na magiging maayos ang bidding," naalala niyang sabi ni Gia.Kababata niya ito at naging kaklase sa kolehiyo. Isang sem lang ang nakuha niya sa kursong HRM. Dahil sa kakulangan sa pera at sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang, hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral. Biro nga nito, parang tumapak

DMCA.com Protection Status