Share

Chapter 3

Author: Anning
last update Last Updated: 2024-05-26 17:00:59

"Ang laki pala ng bahay nina Ate Steffie!" namamanghang bulalas ni Fiona nang umibis ito ng sasakyan kasunod si Carla.

Bagay na ikinangiti lang ng ina. Katulad ng sabi ni Steffie, ipinasundo sila nito sa driver para dumalo sa paanyaya sa kaarawan ng Mommy nito. 

"Ganyan po ba iyong tinatawag na palasyo, Nanay?"

"Medyo malaki pa riyan ang palasyo, anak. Pero tama ka, para ngang palasyo sa laki ang bahay na ito," at habang nakatayo sila sa harapan ng mala-palasyong bahay ay nakaramdam siya ng pangungunti. 

Masyadong alanganin ang bihis niya na simpleng bestida at flat na sandalyas. Mabuti na lamang ang anak niya ay maayos at mukhang mamahalin ang suot na damit. Iyon iyong huling damit na ibinigay ni Annika para rito. Hindi na baleng magmukha siyang yaya ng anak, ang mahalaga ay presentable ito.

"Ate Carla!"

Natuwa si Willa nang makita si Steffie. Ang ganda-ganda nito lalo dahil nakaayos ito at ang ganda-ganda ng bihis. Para itong prinsesa sa mga fairy tale.

"I'm glad you made it," wika nito na ipiningki ang pisngi sa kanya.

Kahit parang gustong umurong ng balat niya sa hiya ay tinanggap na lang niya ang pakikipagbeso-beso nito.

"'Yon nga palang cassava cake, ipinapasok ko na kay Manong Driver," aniya rito.

"Yes, I saw it. It looks delish. I'm sure Mom will love it. Hello, Fiona," natutuwang ibinaling ni Steffie ang pansin kay Fiona. "You look so lovely. I knew it, bagay na bagay talaga sa'yo ang damit na 'yan. Come, come. Pumasok na tayo sa loob. Nagsisimula ng magdatingan ang mga bisita."

Walang nagawa si Carla kundi ang sumunod nang hawakan ni Steffie sa kamay ang kanyang anak at isamang papasok ng mansion. Nakikiming yumuko lamang siya nang tila may pang-uuring hagurin siya ng tingin ng ilang bisita. Dinala sila ni Steffie sa isang mesa at pinasilbihan sa isang naka-unipormeng tagasilbi.

"Nagugutom ka na ba, Fiona?"

Sunod-sunod na tango ang tugon ng paslit.

"Ano ang gusto mong kainin? We almost have everything. Cake, ice cream, chicken, spaghetti, steak—"

"Chicken po at ice cream."

"Okay, chicken at ice cream." Binalingan ni Steffie ang nagsi-serve, binigyan nito iyon maikling instruction. "Pakibilisan."

Hindi naman nagtagal at nakabalik kaagad ang tagasilbing inutusan ni Steffie. Isinilbi nito ang mga pagkaing hiningi ni Steffie. Nagsisimula na silang kumain nang tumunog ang kalansingan ng mga baso.

"I think my brothers are here," ani Steffie nang magpunas ng bibig at tumayo.

Sa gitna ng bulwagan ng mansion ay nakita ni Carla ang isang napaka-eleganteng babae na tila older version ni Steffie. Napakaganda nito at mukhang sosyal na sosyal. Hindi na siya magugulat kung sasabihin ni Steffie na ang babae ang ina nito. Sa tabi nito ay may nakatayong isang matangkad na lalaki. Napaka-pogi niyon at mukhang modelo. Patingin-tingin ito sa mga bisita na parang may hinahanap. Hanggang sa tumigil iyon sa kanilang mesa. Natuon ang tingin nito kay Steffie.

"Ate Carla, iiwanan ko muna kayo. That's my Kuya Samuel, by the way. Cute, diba?"

Mahinang natawa si Carla at tumango. "Oo naman."

"And that's my other brother, our eldest, Kuya Isaac. Maiwan muna kita, ate."

Sinundan ng tingin ni Carla ang tinutukoy ni Steffie. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang mapagsino ang lalaking tinutukoy nito.

Ang lalaki ay walang iba kundi ang lalaking nakatalik niya four years ago!

Hindi sinasadyang natabig ni Carla ang baso sa tabi niya. Bumagsak iyon sa sahig at lumikha ng ingay.

"Sorry, sorry," mabilis siyang napauklo nang mapalingon sa direksyon niya ang lalaki.

"Ako na po, Ma'am. Baka po masugatan kayo," anang tagapagsilbi kay Carla. May dala itong maliit na dustpan na may maiksing hawakan at sinimulang linisin ang bubog ng nabasag na baso.

"Pasensya na. Ako na lang ang magtatapon."

"Hindi na po, Ma'am. Bisita po kayo, ako na ang bahala rito."

Pasimpleng sumilip si Carla sa likod ng mesa. Mabuti na lamang at nakatuon na ang atensyon ng lahat sa gitna ng bulwagan. Naroroon ang celebrant at kasama nito ang tatlong anak habang umaawit ang mga bisita ng happy birthday. Isang napakagandang cake ang kasalukuyang tulak-tulak ng lalaking tinukoy ni Steffie kanina na Kuya Samuel.

Yumuko si Carla nang sa akala niya ay mapapadako ang tingin nito sa kanyang direksyon. Napakaliit ng mundo. Akalain ba niyang ang lalaking umangkin sa kanya ng gabing iyon ay kapatid ni Steffie?

Kasunod ng reyalisasyon ay may nakapa ring takot ang dalaga. Paano kung makilala siya ng lalaki at matuklasan nito ang tungkol sa anak nila?

Makapal ang make-up niya ng gabing iyon. Gumamit pa nga siya ng false eye lashes para maikubli ang totoo niyang hitsura. Kahit natanggal nito ang kanyang wig, ay mahihirapan pa rin itong kilalanin siya dahil sa kanyang make-up. Magandang klase ang make-up na ginamit sa kanya ni Gia. Na kahit daw pagpawisan siya nang husto ay hindi iyon basta-bastang matatanggal.

Hindi siya sigurado kung magkaka-interes pa rin ito sa kanya dahil apat na taon na rin ang nakalipas. Pero mas mabuti na sigurong umiwas siya habang maaga. Natatandaan pa niya ang sinabi nito nang tanggihan niya ang alok nitong gawing kept woman.

"You will eventually become mine, whether you like it or not. Just name your price, sky is the limit."

Masyado itong hambog. Iyon ang naisip ni Carla matapos nitong sabihin iyon. Pero ngayong lihim niya itong pinagmamasdan mula sa kanyang kinauupuan ay naisip niyang may karapatan itong sabihin ang mga bagay na iyon dahil naririto na ang lahat.

Looks, money and influence. At sa nakikita niyang atensyon na ibinibigay rito ng mga kababaihan sa pagtitipong iyon, natitiyak niyang hindi pa ito tinanggihan ng kahit na sinong babae. Baka nga siya pa lang ang babaing tumanggi rito.

Sa naisip ay hindi niya napigilang mapaismid. Napingasan niya siguro ang ego. 

Nang muling dumako ang tingin niya sa kinatatayuan ng lalaki ay napansin niyang nakatingin sa kanilang mag-ina ang isa sa dalawang kapatid na lalaki ni Steffie. Mabilis siyang nagyuko ng ulo.

**

"So, who is that hot chick, little sis?" tanong ni Samuel sa bunsong kapatid na si Steffie.

Nakatingin ito sa direksyon ng ino-okupang mesa ng mag-inang Carla at Fiona.

Sinundan ng tingin ni Isaac ang tinutukoy ng kapatid. "Interesado ka sa tindera ng kakanin?" he sneered.

"So, what? Dahil ba tindera siya ng kakanin hindi na ako puwedeng magandahan sa kanya?" sarcastic na tugon ni Samuel.

"Tindera ng kakanin at isang dalagang ina. How's that, little brother?"

"Do you even know the circumstances that led her to become one—an unwed mother? Paano kung hindi siya pinanagutan ng kupal niyang boyfriend? O mamatay ng maaga ang asawa niya? Naisip mo ba yun?"

"And you do?"

"Stop it, you two," mahinang saway ng kanilang ina habang nakangiti. "This is my birthday. Puwede bang kahit ngayong gabi lang ay magkasundo naman kayo?"

"She's my guest, Kuya Isaac. Whatever her circumstances are, wala kang karapatan na husgahan ang kanyang pagkatao," galit na sabi sa kanya ni Steffie.

"Whatever," dinukot ni Isaac mula sa inside pocket ng kanyang suit ang isang parihabang pelus box. In it is a diamond studded bracelet. "Here, Mom. Happy birthday. I'm afraid I can't stay much longer. Kailangan ko ng umuwi."

"Thank you, son. Hindi ka man lang ba kakain?"

"I'm not hungry. Akyat lang ako sandali sa kuwarto ko."

Mabilis na h******n ni Isaac sa noo ang ina at iniwan na ang mga ito. Bago niya narating ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ay ilang guests ang nakasalubong niya at saglit na nakipag-usap sa mga ito.

Nang may mapadaang server ng drinks ay kumuha siya ng isang baso ng alak at diretso iyong tinungga. Bahagyang nagusot ang kanyang mukha sa init na gumuhit sa kanyang lalamunan.

Hindi nagtagal at nagpaalam na rin siya sa kanyang mga kausap. Naisip niyang umidlip sandali sa kanyang kuwarto bago umuwi. Kung hindi lang gabi na ay pupuntahan niya ang address na ibinigay ni Gia. Hindi niya tiyak kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Nagkaanak siya...

Bumaba siya ng kama at dumiretso ng banyo upang maligo. Twenty minutes later when he came out from the bathroom ay nagulat siya nang makita ang isang babae na nakatayo sa gitna ng kanyang silid.

Nakayuko ito kaya hindi siya napansin. Basa ang harapan ng damit nito at bakat ang magkabilang dibdib na nasasaplutan ng itim na bra.

"Who are you? And what are you doing in my room?"

Natigilan ang babae at napahinto, pero hindi ito humarap sa kanya.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko, sino ka?"

"S-Sorry... Nagkamali yata ako ng napasukang kuwarto." Dali-dali itong pumihit para lumabas ng silid, pero agad niya ito pinigilan.

"Sandali..."

Parang nanigas ang mga paa niya sa sahig.

"I know you."

"Pasensya na po talaga. Hindi ko—" marahas itong napasinghap nang mas higpitan niya ang hawak dito.

Napakagat-labi ito at pinigilang mapa-aray nang halos bumaon ang mga daliri niya sa braso nito.

"Turn around and look at me."

Ang boses na iyon! Nanlaki ang mga mata ni Carla at sandaling napigil ang paghinga nang ma-realized kung kaninong silid ang napasukan niya!

"I said, look at me!"

Sa halip na sundin ang sinabi ay lalo pang ikinubli ni Carla ang mukha kay Isaac habang pilit na hinahablot ang kanyang braso nito.

"Kilala mo ako, hindi ba?"

Hindi sumagot si Carla. Hindi dapat malaman ni Isaac na nagkaanak sila.

"Sumagot ka! Kilala mo ako, hindi ba?"

"Kuya Isaac, what are you doing?!" kaagad na hinablot ni Steffie ang braso ni Carla mula sa pagkakahawak ng kapatid. "Are you drunk? You are harassing my guest!"

Naipilig ni Isaac ang ulo. Lasing ba siya kaya naipagkamali niya ang bisita nito sa babaing nakatalik niya four years ago? Ang boses nito. At nang mapasinghap ito kanina ay halos natitiyak niyang ang babae ay si...

"Let's go, Ate Carla. In behalf of my brother, ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa niya."

"I didn't harass—what did you just call her?"

"You are becoming more and more annoying, Kuya! Put some clothes on because in case you haven't notice yet, you are almost naked!"

"What's her name, Steffie?"

Kumunot ang noo ni Steffie at nagpalipat-lipat ng tingin kay Isaac at Carla. "What?"

"Her name," mariing sabi ni Isaac at titig na titig sa nakayukong si Carla.

"Your heard me, right? It's Carla."

"Her full name!"

"Ano ba, Kuya! What the hell is your problem with her?" Hindi na rin napigilan ni Steffie ang hindi sumigaw sa inaasal ng kapatid niya ngayon. Her brother look so desperate. Hindi niya alam ang mangyayari rito. "Kanina pa mainit ang ulo mo sa kanya. You don't even know her."

"Carla Ricaforte."

Sabay-sabay silang tatlo na lumingon sa pinanggalingan ng maliit na boses. Mula sa pintuan ng kwarto ni Isaac.

"Fiona?" tawag ni Steffie sa Bata, dahilan kung umawang ang bibig ni Isaac.

That's his daughter's name!

"Ang pangalan ni Nanay ay Carla Ricaforte. Mabait po siya, kung ano man ang dahilan kung bakit nagagalit ka sa kanya ay baka hindi lang kayo nagkaintindihan. Si Nanay ang pinakamabait na tao na kilala ko."

Nanay...

It's really Carla's daughter—His daughter...

Related chapters

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 1

    Hindi na siya pwedeng umatras. Gagawin niya ito para sa kapatid niya. She's too desperate.Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ni Carla. One hundred million. Iyon ang presyo ng virginity niya. Wala naman siyang ibang mapagpipilian. Wala sila ni anong property o mahalagang kagamitan na maaaring ibenta o isanla maliban sa kanyang katawan.Agaw-buhay sa ospital ang kapatid niyang si Bryle. Habang nakikipagkarera ng bisikleta sa mga kabarkada nito ay aksidenteng nabundol ito at tumilapon ang yayat na katawan. Tinakbuhan ito ng nakabangga at ngayo'y kailangan niyang pasaning mag-isa ang pagpapa-opera sa kapatid upang hindi ito mamatay."Wala akong ibang maitutulong sa'yo malibang tiyakin na magiging maayos ang bidding," naalala niyang sabi ni Gia.Kababata niya ito at naging kaklase sa kolehiyo. Isang sem lang ang nakuha niya sa kursong HRM. Dahil sa kakulangan sa pera at sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang, hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral. Biro nga nito, parang tumapak

    Last Updated : 2024-05-26
  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 2

    "Talaga ba, anak?""Opo, nay! Papakyawin daw ng magandang babae ang paninda natin. At gusto niya rin daw mag-order para sa birthday ng mommy niya!""Aba'y mukhang hindi lang mabait itong anak mo, Carla. Suwerte pa sa negosyo mo!" 'ika ni Aling Petra."Tama po kayo.""Makakauwi na po tayo nang maaga, nay. Atsaka, di ba, po puyat kayo?"Natawa si Carla sa sinabi ng anak. Napakahusay talaga nitong mag-isip. Sa edad nito na apat ay matalino ito at madiskarte. Hindi ito nagiging pabigat sa kanya, sa halip ay ito pa ang nagiging katuwang niya sa pahahanap-buhay.Bukod sa naisalba niya ang buhay ng kapatid na si Bryle, ang anak niya rin ang isa pang magandang nangyari four years ago. At hindi niya pinagsisisihan ang nangyari noon kahit pa naging mahirap para sa kanya ang magpalaki ng bata na mag-isa at walang ama. Kakayanin niya lahat at hindi siya mapapagod na ibigay sa anak niya ang mga bagay na kaya niyang ibigay.Alam niyang magtatanong ang anak kung saan ang ama nito, pero alam din ni C

    Last Updated : 2024-05-26

Latest chapter

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 3

    "Ang laki pala ng bahay nina Ate Steffie!" namamanghang bulalas ni Fiona nang umibis ito ng sasakyan kasunod si Carla.Bagay na ikinangiti lang ng ina. Katulad ng sabi ni Steffie, ipinasundo sila nito sa driver para dumalo sa paanyaya sa kaarawan ng Mommy nito. "Ganyan po ba iyong tinatawag na palasyo, Nanay?""Medyo malaki pa riyan ang palasyo, anak. Pero tama ka, para ngang palasyo sa laki ang bahay na ito," at habang nakatayo sila sa harapan ng mala-palasyong bahay ay nakaramdam siya ng pangungunti. Masyadong alanganin ang bihis niya na simpleng bestida at flat na sandalyas. Mabuti na lamang ang anak niya ay maayos at mukhang mamahalin ang suot na damit. Iyon iyong huling damit na ibinigay ni Annika para rito. Hindi na baleng magmukha siyang yaya ng anak, ang mahalaga ay presentable ito."Ate Carla!"Natuwa si Willa nang makita si Steffie. Ang ganda-ganda nito lalo dahil nakaayos ito at ang ganda-ganda ng bihis. Para itong prinsesa sa mga fairy tale."I'm glad you made it," wika

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 2

    "Talaga ba, anak?""Opo, nay! Papakyawin daw ng magandang babae ang paninda natin. At gusto niya rin daw mag-order para sa birthday ng mommy niya!""Aba'y mukhang hindi lang mabait itong anak mo, Carla. Suwerte pa sa negosyo mo!" 'ika ni Aling Petra."Tama po kayo.""Makakauwi na po tayo nang maaga, nay. Atsaka, di ba, po puyat kayo?"Natawa si Carla sa sinabi ng anak. Napakahusay talaga nitong mag-isip. Sa edad nito na apat ay matalino ito at madiskarte. Hindi ito nagiging pabigat sa kanya, sa halip ay ito pa ang nagiging katuwang niya sa pahahanap-buhay.Bukod sa naisalba niya ang buhay ng kapatid na si Bryle, ang anak niya rin ang isa pang magandang nangyari four years ago. At hindi niya pinagsisisihan ang nangyari noon kahit pa naging mahirap para sa kanya ang magpalaki ng bata na mag-isa at walang ama. Kakayanin niya lahat at hindi siya mapapagod na ibigay sa anak niya ang mga bagay na kaya niyang ibigay.Alam niyang magtatanong ang anak kung saan ang ama nito, pero alam din ni C

  • Isaac Walton: The Highest Bidder    Chapter 1

    Hindi na siya pwedeng umatras. Gagawin niya ito para sa kapatid niya. She's too desperate.Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ni Carla. One hundred million. Iyon ang presyo ng virginity niya. Wala naman siyang ibang mapagpipilian. Wala sila ni anong property o mahalagang kagamitan na maaaring ibenta o isanla maliban sa kanyang katawan.Agaw-buhay sa ospital ang kapatid niyang si Bryle. Habang nakikipagkarera ng bisikleta sa mga kabarkada nito ay aksidenteng nabundol ito at tumilapon ang yayat na katawan. Tinakbuhan ito ng nakabangga at ngayo'y kailangan niyang pasaning mag-isa ang pagpapa-opera sa kapatid upang hindi ito mamatay."Wala akong ibang maitutulong sa'yo malibang tiyakin na magiging maayos ang bidding," naalala niyang sabi ni Gia.Kababata niya ito at naging kaklase sa kolehiyo. Isang sem lang ang nakuha niya sa kursong HRM. Dahil sa kakulangan sa pera at sa magkasunod na pagkamatay ng mga magulang, hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral. Biro nga nito, parang tumapak

DMCA.com Protection Status