Share

Chapter 3

Pakasalan siya at maging asawa niya?

Akward akong natawa sa sinabi niya at napailing na lang. Nahihibang na ba siya? Kung totoo ngang mortal na rival sila ni Vincent ay bakit ko naman siya papakasalan? Dapat ay ilayo ko pa ay sarili ko!

"Hindi. Hindi ko gagawin yan. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin—"

"They never care, Cassandra. Walang pakialam ang mga tao sayo dahil hindi ka na asawa ni Vincent." Tila isa iyong malakas na sampal na tumama sa mukha ko.

Oo nga pala, mabait lang sa akin ang lahat dahil asawa ako ni Vincent. Nilalapitan lang nila ako dahil kay Vincent at ngayong hiwalay na kami ay tama ang lalaking nasa harapan ko ngayon, walang pakialam sa akin ang mga tao.

"B-But... it doesn't mean—No, I still won't marry you." Hindi ako papagamit sa kanya.

"Do you still expecting him to comeback to you?"

Katahimikan. Isang mahabang katahimikan ang namuo sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita, pareho lang kami nakatitig sa isa't-isa.

A big part of me hate Vincent. Galit na galit ako sa kanya at kinamumuhian ko siya, pero hindi nga makakaila na may parte sa akin na umaasa na pupunta siya sa akin, babawiin niya ang desisyon niya at ako ang pipiliin niya.

"I'm going to force you," basag niya sa katahimikan. "Pero kung kakailanganin mo ng tulong, pwede mo ako kontakin." May dinukot siya sa bulsa ng suit niya at iniabot iyon sa akin. Mabilis ko iyon dinampot at tinalikuran na siya. Bago ako tuluyang makabalik sa loob ng opisina ni Doctor Ceres ay narinig ko pa ang huli niyang sinabi na nag-iwan ng isang malaking tandang pananong sa akin. "Hindi mo pa kilala ang mga Mercadi..."

Tatlong taon ko nakasama si Vincent at ang pamilya niya, pero talaga nga bang kilala ko ang pamilyang kinabilangan ko?

Habang pinapaliwanag sa akin ni Doctor Ceres ang tungkol sa sakit ko ay hati ang laman ng isip ko. Hindi ako makapag-focus kaya kinailangan ko pa ipaulit ang mga sinabi ng doktor.

"Sa makalawa natin isasagawa ang proseso kaya huwag mo pagurin ang sarili mo. Iwasan mo ang mastress dahil makakasama iyon sa bata."

Tipid akong ngumiti kay Doctor Ceres at tumayo na para magpaalam. Pumunta ako sa mga hiring na kompanya at pumila kasama ng ibang aplikante, pero mukhang lahat ng mga kompanyang iyon ay takot na tanggapin ako dahil kay Vincent. Kaya kahit mas magaling ako sa ibang aplikante ay hindi nila ako kinukuha.

Malakas akong napabuntong-hininga nang makalabas sa ikalimang kompanya. Tirik na tirik ang araw kaya mabilis na may namuong pawis sa noo ko.

Hindi pwedeng wala akong trabaho. Hindi kami mabubuhay ng anak ko.

Bumalik ako sa hotel para i-charge ang cellphone ko. Nagbakasakali rin ako sa mga dati kong kaibigan bago ako ikasal kay Vincent, pero ni isa sa kanila ay walang sumagot—o baka walang gusto sumagot.

Bagsak ang mga balikat at nanlulumo akong napayuko na lang sa kama. Ang ginusto ko lang naman ay ang maikasal kay Vincent at mahalin niya ako. Pero bakit sobra-sobra naman ata ang singil sa akin ng Diyos ngayon. Ganon ba talaga kalaki ang naging kasalanan ko para magdusa nang ganito?

Aksidente kong nasiko ang bag ko kaya nahulog iyon sa sahig. Pati ang mga laman non ay nagkalat.

Inis akong tumayo para pulitin ang mga iyon at ibalik sa bag ko. Pero napahinto ako nang makita ang calling card ng lalaki kanina sa ospital. Pinagmasdan ko iyon at binasa ang nakalagay roon.

Thomas Gilbert...

Nanlaki ang mga mata ko at napatuptop pa sa bibig ko. He is Thomas... Siya ang businessman na laging nagpapainit ng ulo ni Vincent!

Hindi ko siya kilala ng personal at ngayon ko pa lang siya nakita. Pero sa tuwing uuwi sa Vincent ng bahay ay madalas kong marinig ang pangalan ni Thomas na pinag-uusapan ng pamilya Mercadi.

Pero bakit ganon na lang nagusto ni Thomas pabagsakin ang mga Mercadi? Ano ang ginawa ng mga Mercadi sa kanya para pati ako ay subukan niyang isama sa plano niya?

Nakita ko na lang ang sarili ko na tinatawagan ang numero na nakalagay sa calling card. Nakataling ring ang numero, bago may sumagot sa kabilang linya—Ang assistant niya.

"I-It's... Cassandra Lewis," bati ko. "I need to talk to your boss."

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero there's a part of me na gusto ko alamin kung ano ang ginawa ng mga Mercadi sa kanya. Bawat salitang binibitawan niya sa pamilyang iyon ay puno ng laman at hindi iyon mawala sa isip ko.

"Hindi ko alam na ganito kabilis magbago ang isip mo, Cassandra," may tudyo sa tono niya pero naroon pa rin ang pagiging seryoso.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, bago nagsalita. "Anong... Anong ginawa sayo ng mga Mercadi? Bakit gusto mo sila pabagsakin? Anong mga nalalaman mo tungkol sa kanila?" sunod-sunod kong tanong.

Mahina siyang natawa. "Kung malalaman mo lang ang mga ginawa ng pamilya ng dati mong asawa ay natitiyak ko na susugod ka sa kanila ngayon din mismo, Cassandra—"

"Cut your shit, Thomas! Anong alam mo tungkol sa kanila!" Hindi ko na napigilan ang sigawan siya. Masyado niyang pinaglalaruan ang isip ko at tinataniman iyon nang malalim na curiosity.

"Come to me," bumalik na siya sa pagiging seryoso. "Come to me and I'll tell you everything."

Ipinasundo ako ni Thomas sa driver niya rito sa hotel. Halos isang oras din ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa sinasabing mansyon ni Thomas. Nasa itaas iyon ng bundok at nag-iisa lang na nakatayo, walang ibang kalapit na bahay.

Pagpasok namin sa gate ay limang minuto pa ang itinakbo ng sasakyan, bago tuluyang huminto sa harapan ng mansyon. Mula roon sa itaas ng hagdan ay nakita ko si Thomas at mukhang naghihintay sa akin. Triple ang laki ng mansyon na ito kaysa sa mansyon ng mga Mercadi kaya hindi ko maiwasan ang hindi humanga.

"Sa oras na ito ay alam na ng dati mong asawa na narito ka. Panigurado ay nag-aapoy na siya sa galit," bungad ni Thomas sa akin nang makaakyat ako sa mahabang hagdan.

Nagsalubong ang mga kilay ako at sumunod sa kanya. "Paano niya nalaman na narito ako?"

"He wants you gone, Cassandra." Huminto siya sa tapat ng bilog na lamesa. May nakahanda roon na dalawang kape at french bread. Sumenyas siya sa akin na maupo kaya naupo ako.

"Gone? Hindi ba't ibinigay ko na ang gusto niya? Gusto niya ako hiwalayan, hindi ba't iyon ang ginawa ko?"

Dinampot niya ang kape sa tapat niya at sumimsim doon. "He wants you gone. Gone, Cassandra. Gusto ka niya mawala ng tuluyan sa buhay niya."

Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya, pero makaramdam ako nang matinding takot, hindi lang para sa akin... Para rin sa anak ko.

"Ano bang sinasabi mo," inis kong tanong sa kanya at sinamaan siya ng thingin. "Niloko ako ni Vincent, at kinunsinti iyon ng pamilya niya, pero hindi sila mamamatay tao! Hindi sila ganon kasama!"

Sarkastiko siyang natawa at umiling sa akin. Binitawan niya ang kape na hawak niya at itinuro ang tuhod niya. "Your husband did this to me, Cassandra—He almost killed me." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatingin sa tuhod niya.

"W-What... Ano ang..." Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita, pero hindi ko alam kung anong tamang sabihin.

"Nagtatrabaho ang pamilya ko sa pamilya niya noon. Dahil lang sa isang laruan na hindi ko sinasadyang masira ay itinulak niya ako bangin, Cassandra." Kitang-kita ko ang panlilisik sa mga mata niya, puno iyon ng galit. "Ganon kasama ang dati mong asawa—at ginipit ng pamilya niya ang pamilya ko nang subukan namin umapela. Sinunog nila ang kubo namin kaya't namatay ang mga magulang ko."

Napasinghap ako. Hindi ako makapaniwala. Talaga bang nagawa iyon ng mga Mercadi? Talaga bang hindi ko sila kilala kahit pa nakasama ko sila ng ilang taon?

"P-Paano... ako makakasiguro na nagsasabi ka ng totoo?" Napalunok ako nang umigting ang panga niya sa tanong ko. "Paano—Paano kung sinasabi mo ilang ito para siraan sila sa akin—"

"Matagal na silang sira, Cassandra. Ikaw na lang ang hindi namumulat. Ikaw na lang ang bulag sa mga ginagawa nila."

Marahas akong umiling ako. Ayaw ko iyon tanggapin kahit pa ilang beses ko na narinig si Vincent na nagsu-suhestiyon sa lola niya na may ipatumba na kung sino-sinong mga tao. Binalewala ko iyon dahil mahal ko siya at itinatak sa isip ko na hindi niya magagawa ang mga bagay na iyon.

"Your mother died because she found out Mercadi's illegal business... Binaril siya ni Senior Mercadi at alam ni Vincent ang lahat, pero inilihim niya sayo."

Parang isang bomba ang mga sumunod niyang sinabi. Ilang minuto pa ang lumipas bago naproseso ng utak ko ang mga salita niya.

"That's not true!" Sigaw ko sa kanya, tumayo ako at malakas na hinampas ang lamesa. "Tama na! Ayaw ko na makinig sa mga sasabihin mo!" Nagsimula na mabasa ang gilid ng mga mata ko, pati na rin ang labi ko ay nanginginig.

"Go ask your dad. Alam niya kung ano ang totoong nangyari sa mommy mo. Pero wala siyang ginawa dahil ipinangako ng mga Mercadi na aangat kayo." Maririin ang bigkas niya, halatang gusto akong imulat sa totoong kulay ng mga Mercadi.

Muli akong umiling, tumutulo ang mga luha. Inilagay ko ang kamay ko sa mukha ko pero marahas iyong inalis ni Thomas at yumuko sa akin. Hindi pa siya tapos na sampalin ako ng katotohanan.

"Bakit sa tingin mo ipinakasal ka kay Vincent kung hindi naman kasing yaman ng pamilya mo ang mga Mercadi? Kanang kamay lang ni Senior Mercadi ang daddy mo, Cassandra, pero nang sabihin mo na kung mag-aasawa ka ay si Vincent ang gusto mo... Bakit hindi sila tumutol? Dahil malaki ang kasalanan nila sa inyo at gahaman sa pera ang daddy mo."

"T-Tama na.... Tama na, please," humagulhol ako sa iyak. Hindi ko kinakaya ang mga nalalaman ko. Ang akala ko ay wala nang mas sasakit pa sa pagtataksik ni Vincent sa akin at pagbuntis ng ibang babae... pero may mas masakit pa pala roon.

Lumaki ako na sobrang malapit sa mommy ko. Siya ang role model ko, mabait na nanay at maalagang asawa. Kaya naman nang mawala siya napakasakit noon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko si Vincent, ang pamilya Mercadi at si daddy ay nakaya ko lagpasan ang sobrang lungkot at pagdadalamhati. At hindi ko alam na sila pala ang dahilan kung bakit nawala si mommy. Pinaikot nila akong lahat, sobra-sobra pa sa panloloko.

And off people, si daddy pa... Alam kong gahaman siya sa pera pero hindi ko alam na kailangan niya pa umabot sa pagtakpan ang pagkamatay ni mommy para lang sa pera.

"Kailangan nila magbayad, Cassandra..." Marahang hinaplos ni Thomas ang buhok ko, at aaminin kong masarap iyon sa pakiramdam. "Lahat ng ginawa nila sa atin ay kailangan nila pagbayaran."

Dahan-dahan akong tumingala sa kanya, umiiyak pa rin. Akmang pupunasin ko ang mga luha ko, pero naunahan na niya ako. 

"G-Gusto ko.... Gusto ko iganti ang mommy ko... Gusto ko gumanti sa lahat ng ginawa nila sa akin..." determinado kong sabi, pumipiyok ang boses. "Help me..."

"Marry me," walang atubili niyang sagot. "Kung papakasalan mo ako ay yayanig ang mundo nila—Iyon ang unang plano."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status