Share

Chapter 2

While looking around with my mind in chaos, I felt my bag vibrate—it was my phone. My dad was calling, but I decided not to answer. I knew I didn’t really matter to him; all he cared about was the money he gets every month in his bank account. When I didn’t answer, a message popped up.

"Pumayag ka sa divorce? Anong pumasok sa kukute mo, Cassandra, at nakipaghiwalay ka? Sinayang mo ang lahat ng pinaghirapan ko! Bumalik ka ngayon din kay Vincent at magmakaawa na huwag ka hiwalayan!" Pagbababantang mensahe nang aking ama.

Hirap akong tumayo at hinilot ang balakang ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit nang pagkakabagsak ko kanina sa sahig. Masyado malakas ang pagkakatulak ni Vincent sa akin. Halatang puno ng galit at pagkamuhi.

At kung iniisip ni daddy na susundin ko siya at babalik sa mansyon para magmakaawa kay Vincent ay nagkakamali siya. Hindi ko na gagawin pang tanga ang sarili ko.

Naupo ako sa kama at huminga nang malalim. Maya-maya, may isa pang tawag na dumating. Akala ko si daddy ulit kaya galit ko itong sinagot at doon ko binuhos lahat ng sama ng loob.

"Hindi ako babalik sa mansyon, dad! Ayaw na sa akin ni Vincent!" malakas kong sigaw mula sa kabilang linya. "Binigay ko na sakanya ang lahat—ubos na ubos na ako!"

“Mrs. Mercadi?” boses iyon ng private doctor ko.

"D-Doc..." kinagat ko ang ibabang labi ko.

"I'm sorry kung naistorbo kita, pero naiwan mo sa opisina ko ang diagnosis ng sakit mo—"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. "Sunugin mo na lang, doc."

Matagal bago sumagot si doktor Ceres, ilang sandali pa ay narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "Pwede ka ba bumalik sa opisina ko? Mukhang may nakalimutan pa ako sabihin sayo."

"Tungkol... ba ito sa sakit ko?" Iniwan ako ng asawa ko, mag-isa ako ngayon, at may sakit pa ako. What could be worst than this? Meron pa ba?

"Yes, I need to discuss something important, Mrs. Mercadi—"

"I'll see you there," putol ko sa kanya at ibinaba ko na ang tawag. 

I'm no longer Mrs. Mercadi. Isa na ako ulit Lopez ngayon. Hinaplos ko ang tiyan ko at parang isang baliw na natawa para ibsan ang sakit na nararamdaman.

"Baby... naririnig mo ba ako? Please, behave, okay? Huwag mong pahirapan si mommy—tayo lang dalawa ang magkasama..."

Hindi ko alam kung ilang ulit ako umiyak. Napagtanto ko na lang na wala akong luha, kahit gustuhin ko pa umiyak ay wala ng pumapatak.

Bandang alas sinco ng hapon ay inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat magmukmok. Kailangan ko magpakatatag para sa magiging anak ko.

I washed my face and took a taxi to the hospital. Halfway there, I opened my bag and checked the money I had… it wasn’t much. All I had left was in my card, and I had to make it last while I looked for a job. But how could I even find a job at this point? Buntis ako at may sakit.

God… what am I going to do? I doubt I have enough money for my treatment. Tiyak akong hindi ako tutulungan ni daddy kung hindi ako babalik kay Vincent para magmakaawa.

Napabaling ang tingin ko sa bintana at nadaanan ko ang simbahan kung saan kami ikinasal ni Vincent. Tandang-tando ko pa na nalulunod sa mga rosas ang labas ng simbahan na ito noon at kung gaano karami ang imbitado sa kasal naming dalawa. Ngayon ay isa na lamang iyong ala-ala na hindi na dapat balikan pa.

Nang makarating ako sa hospital ay binayaran ko ang taxi driver at mabilis na bumaba. Pinagtitinginan ako ng iba dahil mugtong-mugto ang mga mata ko, pero hindi ko sila pinansin. 

"Ngayon lang ba sila nakakita ng umiyak at maga ang mga mata?" iritable kong bulong sa sarili ko.

My strides were long, and I accidentally bumped into a man who passed in front of me. He wasn’t that old, maybe about the same age as Vincent, but he had a metal support to help him walk. Sorry, I guess today just isn’t my lucky day.

I bent down to pick it up and quickly handed it back to him, and before he could speak, I hurried away.

I glanced back, and he was gone, so I breathed a sigh of relief.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa opisina ng private doctor ko. Naabutan ko siya na nakaupo sa swivel chair niya at mukhang naghihintay sa akin.

"Nasabi mo na ba sa asawa mo ang tungkol sa sakit mo? Kailangan natin agapan para hindi na lalo pang lumama, Mrs. Mercadi," bakas sa tono ng doktor ang pag-aalala sa boses. Bata pa lang ako ay siya na ang doktor ko kapag may lagnat ako kaya parang pamilya na rin ang turing namin sa isa't-isa.

"Hindi ko na siya asawa," sabi ko na ikinagulat niya na huminto at tiningnan ako ng gulat. “Cassandra... anong nangyari?”

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay humila ako ng upuan sa harapan niya.

“Cassanra...” muling tawag niya.

"No, hindi ko kailangan ng awa. Kaya ko—kakayanin ko," kunwari'y matapang kong sabi. Ayaw ipakita ang pagiging miserable ngayon.

“Pero paano ang anak niyo?"

"Anak ko. Wala siyang anak. Palalakihin ko ang bata na mag-isa at walang ano na hinihingi sa kanya. Siguraduhin ko rin na hindi niya malalaman na nagkaanak kami." Huminto ako sandali bago nilunok ang kung anong bagay ang humaharang sa aking lalamunan. "Mahirap, oo alam ko... Pero para anak ko ay kakayanin ko."

“May alam akong foundation na pwede ka matulungan. Kaibigan ko ang may-ari non. Pwede kita ilapit sa kanila para sagutin nila ang pagpapagamot mo."

Bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay nagsalubong na ang magkabila kong kilay. Mula sa salamin sa likuran ni Doctor Ceres ay nakita ko roon ang lalaki na nakabangga ko kanina. Nakatingin siya sa amin at mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin.

Inis akong tumayo at nilapitan ang lalaki. "Anong ginagawa mo rito?" pagalit kong tanong sa kanya.

Napatayo na rin di Doctor Ceres. Akma siyang lalapit sa aming dalawa ng lalaki, pero mabilis kong isinarado ang pintuan.

"Tinatanong kita," pagtataray ko. "Nakikinig ka ba ng usapan namin?"

Matagal siya bago sumagot kaya napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na gwapo pala siya. Bagay na bagay sa kanya ang makapal niyang kilay at pulang labi. Depinado rin ang kanyang mga panga.

“I know it’s not right to eavesdrop on others’ conversations, but I was really intrigued. I’m sorry if I seem nosy, but… ikaw ba ang asawa ni Vincent Mercadi?"

Kumunot ang noo ko. "Paano mo nakilala si Vincent?"

"Nagkibit balikat siya. "Business, what a small world."

Businessman din siya? Hindi ako pamilyar sa mga nakakasalamuha ni Vincent kaya marahil ay hindi ko siya kilala.

“Why are you asking that? I don’t even know you.”

"Pero kailangan mo ako at kailangan din kita."

“W-What? Need me for what?” I asked, confused.

"To bring down your husband... and his family."

Sandali akong natigilan dahil sa sinabi niya. Napakurap pa ako, tinatanto kong tama ba ang dinig ko.

"Who are you? Isa ka ba sa mga rival na kompanya ni Vincent?"

Maraming gusto pabagsakin si Vincent, pero wala pa ni isa ang nagtatagumpay. Bukod kasi sa matalino ito ay bata pa lang sinanay na magpatakbo ng negosyo.

"Sabihin na nating rival company nga... Pero hindi ako ganon kababaw para pabagsakin siya," mahina siyang natawa. "May malalim akong dahilan para balikan siya."

Malalim na dahilan? Ano naman kaya ang ginawa ni Vincent para maging ganito kalalim ang galit ng lalaking ito at gusto pa talaga balikan pati ang buong angkan ng mga Mercadi?

"Hindi na ako ang asawa niya. Hindi kita matulungan." Akma na sana akong tatalikod sa kanya at ipipihit ang doorknob ng opisina ni Doctor Ceres, nang marahan niyang hawakan ang braso ko.

"Mas maganda. Sabay nating silang balikan at pagbayarin sa lahat ng ginawa nila." Sa tono ng pananalita niyo ay mukhang alam din ng lalaking ito ang dahilan ng divorce nila ni Vincent. At mukhang kilala talaga siya nito para maglakas ng loob lapitan ngayon.

"Hindi ako ganong klase ng tao," mariing sabi ko sa kanya at marahas na inalis ang kamay niya.

"Kaya hahayaan mo na lang sila maging masaya?" he shot back. "Niloko ka nilang lahat—ginamit. Pinagmukhang tanga. Wala ka lang bang gagawin?"

He's provoking me, alam ko iyon. Mas lalo niya akong pinupuno para mas lalo akong magalit at kamuhian si Vincent at ang pamilya Mercadi.

"Sa paanong paraan mo gusto silang balikan?" hamon ko sa kanya. Malakas ang loob niya kaya alam kong may alas siya laban sa mga Mercadi.

"Kukunin ko kung anong meron sila," determinado niyang sabi, taas noo.

"At sa paanong paraan kita matutulungan?" taas kilay kong dagdag. "Wala akong alam tungkol sa business. Kung inaakala niya na may alam ako tungkol sa kompanya ni Vincent ay nagkakamali siya. Sa tatlong taon naming mag-asawa ni Vincent ay nasa bahay lang ako habang hinihintay ang pag-uwi niya galing sa trabaho. A trophy wife to be exact.

"Pakasalan mo ako—Be my wife..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status