Share

Billionaire's Deal With A Divorced Wife
Billionaire's Deal With A Divorced Wife
Author: Anning

Chapter 1

"Vincent..." bulong ko sa sarili.

Halos hindi ko mapigilan ang pakiramdam na parang may kung anong bagay na humaharang sa aking lalamunan, nanginginig ang aking mga kamay, at ang tanging nararamdaman ko lang ay ang aking puso na nadudurog.

Hawak ko ngayon ang resulta ng pregnancy test na isinagawa sa akin kanina ng doktor. Walang mapagsidlan ang saya ko nang malaman ko na buntis ako. Ang buong akala ko ay ito na ang magiging susi para mahalin din ako pabalik ni Vincent, pero bakit ganito?

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Nahihirapan ako huminga.

Bahagyang nakabukas ang pintuan ng kwarto naming mag-asawa, sapat iyon para makita ko kung ano ang ginagawa sa loob ng asawa ko at ng babaeng hindi ko kilala. Mas lalo lamang nanikip ang dibdib ko.

Sa kwarto pa talaga naming mag-asawa ginagawa ang kawalanghiyaan na ito. At ang masakit pa rito, mukhang alam ng mga kasambahay namin ang mga nangyayari, pero ni isa sa kanila ay wala man lang nagsabi sa akin. Tiyak ako na hindi ito ang unang beses na may inuwi si Vincent na babae rito sa bahay habang wala ako rito. Pero lahat sila ay itinago sa akin iyon.

"Natatakot ako, Vincent," saad nang babae at malanding pinagapang ang mahabang kuko sa hubad na dibdib ng asawa ko. "May asawa ka... at magkakaroon na tayo ng anak. Panigurado ay susugurin ako ng asawa ko kapag nalaman niya ang tungkol sa acting dalawa."

Niyakap ni Vincent ang babae at marahan hinalikan ang ibabaw ng ulo niya. Pakiramdam ko ay babagsak ako anumang sandali. Hindi ko kaya ang mga nakikita at naririnig ko.

Alam ko naman na ako lang ang may kagustuhan na maikasal kay Vincent. Alam ko rin na walang nararamdaman sa akin si Vincent, pero hindi ko alam na ganito pala kasakit.

“Wala kang dapat ipag-alala, Irish, aalagaan kita at ang magiging anak natin. Pananagutan kita. Ikaw at ang anak natin ang pipiliin ko," malambing na sabi ni Vincent at mahigpit na niyakap ang babae. "Makikipaghiwalay ako sa kanya. Papakasalan kita sa kahit anong simbahan pa ang gusto mo."

"Talaga? Gagawin mo iyon para sa akin?"

“Kahit ano gagawin ko para sayo, Irish. Mahal kita, mahal na mahal kita.”

Tinakpan ko ang aking mga labi para pigilan ang aking pag-iyak habang mariin akong nakapikit, ngunit ang aking mga luha ay taksil na kusang kumakawala. Nang hindi ko na nakayanan pa ang mga pangyayari ay buong lakas kong sinipa ang pintuan at pumasok sa loob.

Sabay silang dalawa na napabalikwas sa pagkakahiga at napatingin sa akin.

"Cassandra..." bulalas ni Vincent at sinubukang lumapit sa akin.

“Huwag mo ako hawakan!" sigaw ko sa kanya at dinuro silang dalawa. "Mga walanghiya kayo—Dito niyo pa talaga ginagawa ang kababuyan niyo?" Umabante ako sa harapan ng babae at marahan na hinila ang kumot na bumabalot sa katawan niya. Nahulog iyon kaya mabilis siyang hinila ni Vincent para itago sa likuran niya. "Masyado kang makati! Ganyan ka na ba kadesperada at pati sa may asawa ay papatol ka?!"

"Huwag mo siya pagtaasan ng boses, Cassandra," banta ni Vincent sa akin.

Napantig ang tainga ko sa sinabi ni Vincent. Talagang mas pinapaboran niya ang babae niya kaysa sa akin. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko.

"At sinong gusto mo pagtaasan ko ng boses... ikaw?" angil ko at buong lakas na sinampal ang asawa ko.

Napahawak si Vincent sa pisngi niya at umiigting ang panga. Nang muli niya akong harapin ay kitang-kita ko ang nag-aalab na galit sa mga mata niya.

Gusto ko siyang sampalin pa nang paulit-ulit para maibisan ang sakit na nararamdaman ko, pero wala na akong lakas. Anumang sandali ay bibigay na ang tuhod ko. Masyadong masakit.

"I want you out of my life, Cassandra. Nasa lamesa ang divorce paper—pirmahan mo na," turo niya sa papeles. Walang bakas ng awa na makikita sa mga mata niya para sa akin. "Ayaw na kita makita pa bukas na umaga rito."

Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa lamesa kung nasaan ang divorce paper naming dalawa.

Ito na ba ang karma ko dahil ikinulong ko siya sa kasal at relasyon na hindi naman niya gusto?

"Magbihis ka na, susundin ka ni lola rito para mamili ng mga gamit ng baby natin."

Napabalik ako a realidad nang muling nagsalita si Vincent. Hinahaplos niya ang buhok ng babae, parang pinapakalma. Pero hindi iyon ang kumuha ng atensyon ko, kundi ang sinabi niya.

"A-Anong... sabi mo?" hirap kong tanong, mabilis ang pintig ng dibdib. "Lola mo? Alam ng Lola mo ang tungkol dito?"

Alam ng lahat ang ginagawang panloloko sa akin, maliban sa sarili ko?

Hindi ako sinagot ni Vincent. Naglakad siya papunta sa gilid ng kama at dinampot ang mga nagkalat na dami ng babae at hinatid ito sa bathroom ng kwarto namin.

Nanlisik ang mga mata kong sumunod sa kanilang dalawa at akmang hihilihin ang buhok ng babae, pero malakas akong naitulak ni Vincent, dahilan kung bakita ako bumagsak sa sahig.

Isinarado ni Vincent ang bathroom at hinayaan ang babae na makapagbihis, bago ako binalingan.

"Enough! Tama na, Cassandra!" Umalingawngaw ang boses ni Vincent sa buong kwarto. "Ayaw ko na! Alin ba ang hindi mo maintindihan? Ayaw ko na, gusto ko na kumawala sayo!"

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang balakang ko na tumama sa sahig, o ang puso ko na wakas.

"Kailan mo ba tatanggapin sa sarili mo na hindi kita mahal—Hindi kita mamahalin?"

Umiling-iling ako, ayaw ko marinig.

Bumukas ang pintuan ng bathroom at lumabas doon ang babae na nakabihis na, nginisian niya ako at tsaka nilagpasan. Dinampot niya ang handbag niya at hinalikan si Vincent, bago tuluyang lumabas ng kwarto.

“G-Gaano... na katagal?” Ang tangi kong nasabi sa pagitan nang paghinga. “Gaano na katagal mo, niyo akong niloloko?”

Nagbuntong-hininga si Vincent at muli akong tinalikuran. Inilagay niya ang kamay sa magkabilang bulsa at harapan sa bintana para natawin ang babae niya.

“Ano ang gusto mong marinig?” 

"Ang sabi mo ay susubukan mo akong mahalin..." nanginginig ang labi ko na sabi.

Bigla siyang natahimik, huminga ng malalim, at inilapat ang kanyang kamay sa bintana. Nang sabihin niya sa akin na kung mabibigyan ko siya ng anak at susubukan niya akong mahalin ay ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang buong akala ko ay nagiging masaya na kami dahil buntis ako at magkaka-anak na kami.

“Naniwala ako sayo…” Nang mga sandaling iyon, muli niya akong tiningnan at tumawa nang may pag-uuyam.

"Totoo ang sinabi ko, Cassandra. Handa akong mahalin ka—pero tatlong taon na tayo mag-asawa ay hindi mo pa rin ako nabibigyan ng anak!" Humakbang siya papalapit sa akin, at ako naman ay nanatiling nasa sahig. Hirap makagalaw, hirap makatayo. "Lahat ng hindi mo kaya ibigay sa akin ay naibigay ni Irish kaya hindi mo ako masisisi. Kasalanan mo rin kung bakit tayo umabot sa ganito!"

Parang mga punyal na bumabaon sa katawan ko ang bawat salitang binibitawan niya.

Isang malaking pagkakamali na ipinikit ko ang sarili sa kanya. I was so selfish. Sa sobrang pagkagusto sa kanya simula pa mga bata kami ay wala na akong ibang tiningnan na ibang lalaki. Siya parati ang bukambibig ko at hinahanap ng mga mata ko. Hindi ko na naisip na pwede niya akong iwan. Hindi ko iyon naisip dahil nang sabihin ko na gusto ko siya pakasalan ay hindi siya tumutol. Marahil ay ginamit niya lang ako at ng pamilya niya para sa pansariling interest. Lahat sila ay ginamit ako.

I almost cried in pain nang itukod ko ang kamay ko at pilitin na tumayo. Nanlalagkit ang mga pisngi ko dahil sa luha na natuyo.

"Gusto mo makipaghiwalay?" sarkastikong tawa ko at marahas na hinubad ang weeding ring naming dalawa. "Sige, kung iyan ang gusto mo!" Itinapon ko iyon sa mukha niya at paika-ika na naglakad papunta sa lamesa at dinampot ang ballpen para pirmahan ang divorce paper.

Hindi ko hahayaan ang sarili ko na bumaba sa lupa. Hindi ako magmamakaawa sa kanya na huwag ako iwan at hiwalayan. Tama na ang tatlong taon na pagpapakatanga sa kanya. Ginawa ko na ang lahat at kung hindi pa iyon sapat ay wala na akong magagawa pa roon.

"Huwag ka mag-alala. Hindi ako na ako babalik dito sa mansyon katulad ng gusto mo. Sunugin mo ang mga gamit ko dahil ni isa ay wala akong dadalhin."

Hindi ko na siya hinintay pa magsalita at mabilis na tumalikod. Naabutan ko sa ibaba ng hagdan ang mga kasambahay namin, halatang nakikinig ng usapan sa itaas. Nang makita nila ako ay mabilis silang umalis at tinungo ang kusina.

Right. Bakit nga naman nila sasabihin ang ginagawa ni Vincent na pagtataksik, samantalang si Vincent ang boss nila. Si Vincent ang nagpapasahod sa kanila at asawa lang ako. Ang loyalty nila ay kay Vincent pa rin.

Umalis na ako sa mansyon nang mga Mercari at hindi na lumingon, naglakad nang walang patutunguhan hanggang sa marating ko ang isang paradahan ng bus. Wala akong pupuntahan kaya mananatili muna ako sa isang hotel habang inaayos ko kung anong gagawin sa aking buhay.

Walang tahanan, walang pamilya, walang anuman na maaaring dumamay sa akin ngayong kailangan ko ng masasandalan. Mag-isa lang ako.

Ibinagaak ko ang sarili ko malamig na kwarto ng murang hotel at muli na namang umiyak nang maalala ang sinabi ng doktor kanina.

"Paumanhin, Cassandra, ngunit delikado ang magpatuloy sa pagbubuntis sa kondisyon mo ma ito."

Nalaman ko na lang na matapos ang maraming test na ginawa sa akin ay nagdadalang-tao na ako, pagkatapos isipin na baka hindi na ako magkakaanak.

"Ano'ng sinasabi mo?" tanong ko sa labis na kaba at takot na nagpanginig nang aking mga tuhod sa loob nang opisinang iyon.

"May leukemia ka. Kailangan mo natin itong gamitin bago ka magbuntis," sabi niya, may mga mata na puno ng awa. “Alam ko kung gaano mo kagusto ang magbuntis, pero sa kondisyon mo ay hindi talaga pwede. Maari mo itong ikamatay."

"Sinasabi mo bang patayin ko ang anak ko?" Nalamuyak ang aking boses. “Alam mo ba ang sinasabi mo? Matagal akong naghintay para mabuntis at ngayon sasabihin mo sa akin na huwag ko ituloy?!"

"Cassandra, wala nang ibang paraan. Labing-walong taon na akong nasa propesyon na ito at alam ko ang makabubuti para sayo."

"Hindi ko gagawin ang gusto mo. Itutuloy ko ang pagbubuntis ko." Mariin kong sinagot na nakabaon ang mga kuko sa aking mga tuhod. Susuportahan ako ni Vincent kapag nalaman niya tungkol sa anak namin, siya ang magbibigay sa akin ng lakas upang labanan ang sakit na ito.

“Cassandra…”

“Hindi! Iyon ang desisyon ko! Hindi ako magpapa-abort. Kung talagang magaling na doktor ka ay magagawang mo ito ng paraan para maging ligtas kami pareho ng anak ko." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mga mata ko ay bahagyang namamasa na sa luha habang nakatingin sa doktor. 

Yakap-yakap ang aking mga tuhod, tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak sa madilim at malamig na cheap na hotel.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status