Chapter: CHAPTER 3Pagkatapos ni Ninette maghugas ay inaya nya ‘ko sa magiging kwarto ko raw. Nasa ikalawang palapag ito katabi ng dulong pintuan sa kanan. Sa buong pangalawang palapag ay may anim na pinto akong nakikita, tatlo sa kanan gayun din sa kaliwa, ngunit tanging sa pinaka huling pintuan sa kanan ang naiiba dahil sa kulay nitong itim. Maliban dito ang lahat ng pintuan ay kulay puti. Marahil yung itim na pinto ang silid ng estrangherong iyon.“Pasok ka na Miss,” aya n’ya sakin matapos buksan ang pintuan.Nginitian ko lang s’ya at tumuloy na sa loob, pagkapasok ko ay isinara n’ya na ang pintuan. Nilibot ko ang paningin sa buong silid at, wow! Ang laki naman ng kwartong ‘to, triple ang laki sa dati kong silid. Nilapag ko sa katabing lamesa ang bitbit kong shoulder bag at sinuyod ang buong silid.“Wow! Ang ganda naman dito may sariling C.R. at may bath tub pa sa loob,” buong pagkam
Last Updated: 2021-09-03
Chapter: CHAPTER 2Tahimik lang kami sa loob ng kotse n’ya buong byahe namin, dinala n’ya ko sa isang malapit na ospital upang magamot daw yung mga galos ko. Tumanggi pa ‘ko no’ng una ngunit sinamaan n’ya lang ako ng tingin kaya pumayag na lang din ako sa huli. Pagkatapos kong magamot ay dumiretso naman kami sa istasyon ng pulis kung saan dinala ‘yong nagtangka sa ‘kin kanina. Hiningan lang nila ako ng pahayag tungkol sa nangyari at maaari na daw akong umalis, mag-aapila pa sana ako na gusto kong makasuhan ang mamang ‘yon ngunit inunahan na ako ng estrangherong tumulong sakin.“Make sure to rot that bastard in jail. I want to file an attempted rape and serious physical injury to him.”“Noted sir. Makaka-asa po kayo sa ‘min. Oh! Dalhin n’yo ‘yan sa kulungan at wag n’yo hayaang makatakas ‘yan!”Dinala na no’ng ibang pulis yung mama at tinanguan lang
Last Updated: 2021-09-03
Chapter: CHAPTER 1Mag-isa akong naglalakad ngayon kahit sobrang gabi na, sinisikap kong makahanap ng bagong matutuluyan pansamantala. Napag pasyahan ko ng umalis na sa puder ng mama ko dahil ‘di ko na matiis ang pang-aalipusta nila. Pagkatapos kong maka-graduate ng high school ay kinuha n’ya na ako kina lolo’t lola na mga magulang n’ya rin, kahit na ayaw kong tumira sa kanya ay kinuha n’ya pa rin ako. 4th year high school ako ng mamatay ang lolo ko dahil sa sakit sa baga at iyon ‘yung panahon na gusto n’ya kong kunin.Noong nabubuhay pa ang lolo ko ay madalas ko silang marinig na mag talo kasi ayaw ng lolo na mapunta ako sa kanya ngunit ngayong wala na s’ya ay tuluyan na nga akong nakuha ng mama ko dahil wala ng pipigil sa kanya. Bago ang graduation noon ay pinasa ko na lahat ng entrance exam doon sa‘min, mapa-university, state-colleges and pati mga institutes dahil plano ko talaga ay doon na mag kolehiyo, but unfor
Last Updated: 2021-09-03
Chapter: PROLOGUE DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.---“Lumayas ka dito! Wala kang kwenta, palamunin ka lang dito! Ang tamad-tamad mo pa! Putang*na ka talaga!”Naturingang tamad? Walang kwenta? Palamunin? Ano pa?Tinulak-tulak n’ya ako hanggang sa madapa na ako’t mapasubsob sa sahig. Puno nang luha ang aking mukha at nahihiya akong mag-angat nito dahil makikita ako ng mga chismosa naming kapitbahay na nakiki-usyoso. Pero anong pakialam ko? Heto na ko’t pinapahiya ng sarili kong ina kaya wala na ‘kong paki kung ano man ang tingin nila sa’kin.“Lumayas ka dito! Wala ka ng ginawang matino, tanga-ta
Last Updated: 2021-09-03